xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Naniniwala ka ba sa Pamahiin?

Popular Post of the Week

Naniniwala ka ba sa Pamahiin?

Kapag nakasalubong ka ng itim na pusa sa daan, nagbabanta ito ng panganib. Huwag ka ng tumuloy sa iyong pupuntahan kung ayaw mong mapahamak.

Naniniwala ka ba sa Pamahiin?
Blog ni JonDmur  
 
Likas sa atin ang maniwala sa isang pamahiin. Marami tayong mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan natin. Mabuti man o masama ay tumatak na sa ating isipan.  

1. Kapag nakasalubong ka ng itim na pusa sa daan, nagbabanta ito ng panganib. Huwag ka ng tumuloy sa iyong pupuntahan kung ayaw mong mapahamak. At lalo ka lang mamalasin kung makatapak ka ng tae ng pusa kaya umuwi ka na lang kung ayaw mong mangamoy tae.

2. Kapag nakarinig ka ng malakas na hiyaw ng pusa, merong mabubuntis sa inyong pamilya. Aba! Ihanda mo na ang iyong sarili dahil baka ikaw na ang mabuntis.

3. Para tumalino ang inyong anak. Habang sanggol pa lamang ang inyong anak gupitin ang kanyang buhok at iipit sa libro. Sigurado gifted child na siya.

4. Bawal isuot ang wedding gown bago ang kasal. Kung ayaw mong maudlot ang kasal. At kung hindi mo type ang iyong mapapangasawa ay isukat mo na para hindi matuloy ang kasal.

5. Ang bata raw dapat nagbibigkis hanggang anim na buwan para hindi madaling kabagin at hindi lumaki ang kanyang tiyan. Kaya siguro maraming lalaking malaki ang tiyan dahil iilan lang ang naniniwala sa kasabihang ito.

6. Naniniwala ba kayo sa Usog? Sabi ng mga matatanda kailangang lawayan ang bata para makaiwas sa usog. "Pwera USOG!" Ilang katagang pangontra sa usog. Alam n'yo ba na kapag na-usog ka na ay malaki ang posibilidad na taglay mo ang kapangyarihan ng Usog? Dahil ikaw na mismo ang mang-uusog..... Para makaiwas... umiwas ka sa taong alam mong may-usog.

7. Sa mga buntis o nagdadalang-tao maglagay ng bawang sa bintana. At baka bisitahin ka ng mga masasamang maligno. Ingatan ang tiyan dahil ang aswang ay mahaba ang dila para higupin ang iyong sanggol sa iyong sinapupunan. Mag-ingat ka kung ikaw ay buntis!

8. Kapag nanganak ka na lagyan mo ng tingting ang ilalim ng higaan ng baby mo. At kapag hindi mo ito sinunod sigurado papalitan ng aswang ang iyong anak. Magulat ka si Chaka Doll na ang iyong anak.

9. Gusto mo bang makapag-asawa? Huwag na huwag kakanta habang nagluluto. At baka tumanda kang walang asawa. Buti na lang hindi ako marunong magluto.

10. Para sa lahat ng mga writer. Huwag na huwag magsusulat na basa ang buhok kung ayaw mong lumabo ang iyong mga mata. At huwag magsusulat kapag patay ang ilaw sigurado hindi mo makikita ang iyong isinusulat.
Speaking of patay ang ilaw naniniwala ako na kapag patay ang ilaw maraming kababalaghang nagaganap.....

11. Kapag nanaginip ka na natanggal ang iyong ngipin sigurado may mamamatay sa iyong kapamilya kaya kung ako sa iyo pagkagising mo sa umaga ikagat mo sa matigas na bagay ang iyong mga ngipin dahil ito ang mabisang pangontra.... Paano kung wala kang ngipin? Aba! Problema mo na 'yan! 

Naniniwala ka ba sa mga pamahiin? Anong pamahiin ang pinaniniwalaan mo?


2 comments:

  1. Hahaha! Naniniwala ako sa pamahiing kapag nagsulat ka ng tungkol sa pamahiin at ginawa itong katatawanan ay may katawa-tawang magaganap sa buhay mo pagkatapos ng 13 araw. Kaya mag-ingat ka! Bwahahaha! ;-P

    ReplyDelete
  2. Waaaaa! Takot naman ako hahahaha! Thanks sa comments at iyong babala ^_^ salamat sa pagbisita..... hehehehe

    ReplyDelete

Comments