xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 6

Popular Post of the Week

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 6

Natatawa siya na parang kinikilig sa mga nababasa niya. The messages touched his heart! Tila gumagaan ang pakiramdam niya, at nagkakaroon ng inspirations sa puso niya.

Papa Love, Papa Love, I Love Yah!

Sa Panulat ni JonDmur 

Chapter Six

MAGULO ang syudad ng Maynila subalit matatag na ang loob ni Junjun. Nais niyang maabot ang kanyang mga pangarap; ang maiahon sa kahirapan ang kanyang ina saka maging isang sikat na nobelista. Hinubad niya ang kanyang polo shirt at maong pants hanggang sa matira ang boxer shorts niya. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. His abs looked like a model’s abs. He seems like a commercial model na siguradong laglag ang panty ng mga babaeng lalapitan niya. Napangiti siya. Bakit minsan lang tumibok ang kanyang puso? And his heart belongs to someone special – Mimi.

A sweet little beautiful girl that made his heart complete

A child like attitude that made him smile

Umupo siya sa harapan ng kanyang desktop computer. Naglaro ang kanyang mga kamay sa adobe photoshop hanggang sa mabuo nito ang isang book cover design – na kung saan si Mimi at si Catherine ang model cover nito.

“Talaga? Love mo rin si Catherine?”
“Oo naman, kung sino love mo love ko rin.”

Napangiti siya nang maalala ang nakalipas. Saksi ang pusa sa pagkakaibigan nila ni Mimi – ang pagkakaibigang nauwi sa pag-iibigan.

Ginamit niya ang lahat ng kakayahan niya upang mabigyan ng magandang resulta ang cover. Lahat ng technique sa photoshop ay nagamit na niya, and now the cover was done. Its look like a real pocketbook cover na kung saan siya ang background nina Mimi at Catherine.

SAVE AS – LOVE KO SI MAMA LOVE.pdf file

Binuksan niya ang Microsoft word office hanggang sa mabuo ang mga salitang bubuo sa isang nobela. The story was all about the young teenagers who fall in love to his childhood friend. Bahagya siyang napangiti. Is this a real love story? O isang kathang isip lamang na malapit sa realidad ng buhay?

Mabibilis na mga daliri ang tumitipa sa kanyang keyboard. Malapit na niyang matapos ang nobela na ilang buwan na rin niyang pinaghirapan. He has one chapter left and he think its almost done nasa editing na siya kaya tiwala siya sa kanyang sarili na maayos lahat ng nobela bago niya ito ipasa sa deadline ng submission.

Huminga siya nang malalim saka pinagmasdan ang picture frame na nakapatong sa kanyang computer table.

Mimi’s smile was great!

Kinuha niya ang picture sa loob ng frame saka masuyong pinagmasdan ang larawan. Alam mo kahit mukha kang bata kung kumilos love kita. Ewan ko kung anong meron ka? Hindi ka naman sexy, hindi naman malaki ang boobs mo, but you totally arouse me, sabi ng kanyang isipan.

SUMIGAW si Mimi sa harap ng salamin na ikinagulat ni Maki. “Sis, feeling ko ang sexy ko na, and take note lumalaki na ang boobs ko,” malandi niyang wika sa kaibigan.

“Ambisyosa!”

“Kontrabida ka talaga! Hay naku, basta ang alam ko love niya ako.” Umupo siya sa kanyang computer table saka nag-open ng internet. “Hay, buhay! Ang bagal ng connection ko.”

“Uy! Friendster tayo,” sambit ni Maki na nakiupo sa kanyang tabi.

“Sure! Basta ikaw best friend.”

“Ang landi naman ng tono mo,” biro ni Maki sa kanya.

Inubos nila ang oras nila sa kaka-friendster. Nakapag-post na rin siya ng testimonial para sa papa love niya. Naiinis siya dahil mukhang wala sa bukabularyo ng binata ang mag-friendster.

“Baka naman di niya feel ang FS?” Hindi na niya sinagot ang tanong ng kaibigan sa halip nagbigay siya ng komento sa isang solo picture ng papa love niya. Mayamaya binasa niya ang mga testimonial ng binata na umabot na sa 120 testimonials.


ILANG MINUTO pa ang nakalipas naisipan ni Junjun buksan ang internet upang dalawin ang paborito niyang literary website. Natutuwa siya dahil nakahanap siya ng pamilya – mga writer at readers na kung saan naging kaibigan niya. Sa tulong nito ay nabuhayan siya ng pag-asa upang maibahagi ang kanyang mga nobela. At halos lahat ng kwento niya na naisulat sa lumang notebook ay matiyaga niya itong nai-type sa computer hanggang sa na i-post niya sa nasabing website.

Papa Love, ang galing mo talaga! I really really like the story.
Idol talaga kita
Sana maging libro na ito
Mis yah!
Submitted by: Sweet Girl

Napangiti siya sa nabasang comments mula sa isang di-kilalang readers. Mula nang maging online writer siya ay dumami na ang nagbabasa ng kanyang mga kwento, at higit sa lahat lalo pa siyang nahasa sa larangan ng pagsusulat sa pamamagitan ng mga opinion ng mga readers at kapwa manunulat.

Inilipat niya ng browser hanggang sa mapindot niya ang isang stories niya – binasa niya ulit ang isa sa mga komento.

Papa Love, nakakalungkot ang kwento
You made me cry! Ang galing mo talaga!
Super Idol!
Submitted by: Sweet Girl

Natatawa siya na parang kinikilig sa mga nababasa niya. The messages touched his heart! Tila gumagaan ang pakiramdam niya, at nagkakaroon ng inspirations sa puso niya.

Sana papa love, you write another love stories
Sana I have a chance na makilala ko ang favorite writer ko.
Mwah! Mwah!
Submitted by: Sweet Girl

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman hanggang sa matuklasan niyang tumitipa na ang kanyang mga daliri sa kumukupas na keyboard.

Sure! Thanks for reading my stories…
It’s my pleasure to know you….
Submitted by: Papa Love


NAPASIGAW si Mimi sa nabasa niya sa testimonial ng papa love niya. Nagulat siya sa dami ng testimonial nito na halos manikit ang kanyang mga mata sa haba ng mga mensahe. Lalo pa siyang nanggagalaiti nang mapansing iisang tao lang ang nagpadala ng 100 testimonials.
“Ang kapal ng face. Sino ang b-babaeng ‘yon.” Halos mawasak ang mouse na gamit niya sa ginawa niyang paghampas. Umuusok na rin ang kanyang dalawang tenga sa sobrang pagkairita.
“Oh my gosh! Sis, tinalo ka ng babaeng ‘yan. Take note! 100 testimonial galing lang sa kanya samantalang 20 testimonial lang ang sa’yo.”
“Hmmm, sino kaya ang babaeng ‘yan? Mabuti na lang at hindi siya napapansin ni papa love.”
“Eh, paano mapapansin hindi nga bumibisita sa FS niya.” Muli niyang binalikan ang testimonial na nabasa upang tukuyin ang nilalaman nito. Maliban kasi sa personal message, mga anime o graphic design ang pinapadala nito bilang comments sa testimonial.
Jun, thanks for adding me.
Hilig mo palang magsulat
Same pala tayo…
Luv and kisses….
Submitted by Sweet Girl

“Ang taray ng lola mo. Aba sister ‘wag kang papatalo sa babaeng ‘yan,” paalala sa kanya ni Maki.

“Sino kaya ang babaeng ‘yan?” Sabay silang nagkatinginan ni Maki na tila alam na nila ang solusyon sa kanilang mga katanungan. Binuksan nila ang profile ni Sweet Girl, at halos matawa sila sa mga picture nito na tila nagtatago sa mascara ni Cinderella.

“Baka chaka ang lola kaya walang personal photo. Don’t worry sister! Trust your self… mas maganda ka.”

“Korek!” tugon niya sabay beso-beso sa kaibigan na biglang nabura sa isip niya ang isang hinala.

NAALIMPUNGATAN si Junjun sa sunod sunod na tunog ng kanyang cellphone. Napatingin siya sa orasang nakasabit sa kanyang silid.

12:00 AM

Bumangon siya upang kunin ang cellphone na nakapatong sa computer table niya. He walked naked out of his bed. Hinayaan niyang balutin ng dilim ang matipuno niyang katawan. Kinapa niya ang cellphone hanggang sa makuha niya ito.

100
Missed
Call

Muling tumunog ang cellphone. Si Mimi na ang tumatawag. Sinagot niya ito at doon niya narinig ang boses nito na tila nasasabik sa kanya.

“Ikaw ha, may kasalanan ka sa akin,” sabi sa kabilang linya.

“Ano naman ang kasalanan ko sa’yo?” Kumunot ang noo niya saka napakamot siya sa kanyang ulo. Mayamaya humakbang siya palapit sa kanyang higaan.

“Hmmmm! If I know abala ka sa mga testimonial mo sa FS.”

“Uy, hindi na nga ako nakaka log in eh. By the way, musta naman ang mama love ko.”

“Naku! Ibahin pa ang usapan. Hindi ako okay kasi na-mimiss na kita. Kailan ba uwi mo dito?”

“After four months makakauwi na ako.”

“Talaga? Love you papa love.”

“Love you too! Miss ko na ang mama love ko,” tugon niya rito kasunod ng isang matunog na halik. Nakahiga na siya sa kama. Hinayaan na lamang niya na huwag nang mabalutan ng kumot ang hubad niyang katawan. He liked to sleep naked.

“Baka naman maraming temptations diyan?”

“Oo nga eh, kaso di ko sila pinapansin kasi ikaw lang ang love ko.”

Tumagal nang halos kalahating oras ang usapan nila. Lahat ng klase ng paglalambing ay nagawa na niya. Nasasabik na siyang makita ito sa personal. Hindi sapat ang webcam para maibsan ang pananabik niya. Kaya sa nalalapit na kapaskuhan uuwi siya ng probinsya.

Nagulat siya saka bahagyang nagtaka nang matuklasang ibang number ang 100 missed call niya. Sinubukan niya itong kontakin subalit out of the coverage area. “Baka si Mama Love lang ‘yon,” wika niya sa sarili. Ilang beses na kasing nagpapalit palit ng number ang dalaga kaya hindi siya magtataka kung ito ang nangungulit sa kanya. Baka nga naman sinusubukan lamang siya nito kung sasagutin niya ang call o hindi.

Muling tumunog ang cellphone niya – si Mimi sa kabilang linya

“Hello, na miss mo agad ako no?” malambing na wika niya.

“My request kasi ako. Pwede ba ‘pag nagkita tayo ligawan mo ako uli?”

“Ha? Aba, GF na kita ah.”

“Oo nga! Kaya lang di ko pa nasasabi ang salitang OO.” Tumawa siya sa hiling nito sa kanya. Naalala niya ang araw na niligawan niya ang dalaga.

“Sure! Kahit araw araw kitang ligawan hindi ako magsasawa.”

“Talaga?”

“Oo naman!”

NIYAKAP ni Mimi ang teady bear niya nang maibaba niya ang cellphone niya. Hinalikan pa niya ito saka muling niyakap nang mahigpit. One year daw! Kung alam lang ng binata na mula pagkabata eh feeling niya BF na niya ito. Mayamaya, iniluwa ng pinto ang kanyang bunsong kapatid. Niyakap niya ito saka ginulo ang humahaba nitong buhok.

“Siya pa si papa love?” Ang tinutukoy nito ay ang hawak niyang teady bear.

“Hmmm! May secret tayo ha, naalala mo ba ang kuya jun mo?”

“Opo.”

“Siya si papa love.” Lumiwanang ang mukha nito sa kanyang sinabi. Ilang saglit niyakap niya ito saka pinahiga sa kama. “Tabi tayo ha, dito ka matutulog.” Isang tango na lamang ang isinagot nito sa kanya.

Mahimbing na natulog si Mimi dahil nagmamadali siya sa paglipas ng panahon. Nais niyang i-fast forward ang mga araw na makakasama na niya ang kanyang one and only papa love.

Grabe, ang ganda ng ending!
Love na talaga kita papa love
Please write another love story
Love and Kisses
Submitted by Sweet Girl

Napangiti si Junjun sa kanyang nabasa. Sino kaya si Sweey Girl?





No comments:

Post a Comment

Comments