xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 9

Popular Post of the Week

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 9

“Huwag! H-uwag dito sa labas ng pintuan. Papasukin mo naman ako. Baka may makakita sa atin.” Ngumiti ang binata saka pinapasok siya sa loob ng silid hanggang sa ma-i-lock na nito ang pintuan.


Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur 

Chapter Nine

National Bookstore – isang babae ang bumili ng limang kopya ng "Love ko si Mama Love" na isinulat ng isang baguhang manunulat. Pinagmasdan niya ang cover nito. Maganda ang babae subalit naagaw ng atensyon niya ang background nito – ang pinalabong imahe ng isang binata.
"Miss, alam n'yo po ba na si papa love ang background ng cover na 'yan? Naku, tiyak po akong magugustuhan n'yo ang kwento," wika ng cashier na naghihintay sa ibabayad niya. Napansin pala nito ang pagkakatitig niya sa cover ng libro. Pagkakuha ng sukli ay agad siyang lumabas upang tumungo sa malapit na botika. She needed medicine for his brother. Akma na siyang papasok sa isang drugstore nang biglang may bumangga sa kanyang likuran.
"Ay, miss sorry!" Nagulat siya nang makilala niya ang babae. Ngumiti ito saka muling humingi ng pasensya.
"Okay lang 'yon," matipid niyang tugon saka sinabayan niya ng isang ngiti. Tumalikod na rin ang babae na tila nagmamadaling makarating sa paroroonan nito.
HALOS maghabulan ang mga paa ni Mimi sa ginawa niyang paglalakad. Natatanaw na niya ang National Bookstore na tila naghihintay sa kanyang pagdating. Inayos muna niya ang kanyang blouse na nagusot sa pagkakabunggo niya sa babae. Natigilan siya na parang inaalala kung saan niya nakita ang babae. Kilala ko kaya siya?, tanong niya sa sarili. Akma na siyang papasok sa loob ng bookstore nang makasalubong niya ang tatlong estudyante. Napangiti siya dahil ito ang tatlong estudyante na bumili ng libro sa idinaos na book launch.
Pagkapasok sa loob ng bookstore, binalot ng tuwa ang puso niya nang makitang nakahilera ang pagmumukha niya sa book shelves. Bigla siyang napangiti nang biglang napatingin sa kanya ang limang babae na tila kinikilala siya.
"Miss, kayo po ba ang nasa cover nito?"
Ngumiti siya ng ubod laki sa winika ito. Tila kinikiliti ang kanyang puso. Sino ba naman ang hindi proud na maging cover model ng isang libro?
 "Yes! Ako nga! At siya si Catherine, ang alaga kong pusa."
"Wow! Talaga po? Pa-autograph naman po." Hindi siya ang writer subalit hindi niya magawang tumutol. Isa pa siya naman ang modelo ng libro. Biglang kiniliti ang kanyang puso. Gusto niya ang ganitong eksena – katulad ng mga celebrity, sikat siya!
Pagkatapos ng autograph signing, nagpasalamat siya sa mga bumili samantalang naiwan ang isang estudyante.
"Ate Mimi, pasabi naman kay papa love na idol ko siya. Lagi nga po akong online sa internet para lamang makabasa ng libre sa mga ilang akda niya." Lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi nito. Kinuha niya ang url address ng website.
"Bakit po? Hindi n'yo po ba alam?"
"Ah, alam ko kaya lang sinisugurado ko lang na 'yun talaga ang binabangggit mo."
"Ah! Sige po ate Mimi. Oo nga po pala. Ang ganda n'yo sa cover."  Pumalakpak ang kanyang tenga sa huling tinuran nito. Thank you! , sagot ng kanyang isipan.
Maghapon siya sa loob ng Bookstore. Lahat ng lumalapit sa pwesto niya ay nakakabili ng libro. Napapangiti tuloy ang mga cashier na tila nag-e-enjoy sa marketing strategy niya. Katulad ng pangako niya, gagawin niya ang lahat magtagumpay lamang ang sales ng libro.
Naalala niya ang papa love niya? Hindi pa ito nagpapaliwanag sa kasalanang nagawa. "Humanda ka sa bagsik ng aking paghihiganti," wika niya sa sarili kasunod ng isang mala-kontrabidang halakhak.
"Naku! May sapi yata ang babaeng 'yan." Natigilan siya sa kanyang narinig, at kasabay nang pagmumula ng kanyang mga pisngi ang paglisan niya sa loob ng bookstore.
HALOS inulan ng komento ang blogsite ni papa love. Tumambad sa kanya ang ilang komento ni Mimi. Binasa niya subalit batid ng kanyang isipan na may hinahanap siya. Pinuntahan niya ang address ng literary website na kung saan naghihintay sa kanya ang mga tumatangkilik sa kanyang mga kwento. Sa chat box siya nagsimula subalit nawalan siya ng gana nang mapansing sina Tom at Jerry lang ang naka-online na tila nag-aasaran lamang. 
Binasa niya ang mga komento na talaga namang nagbigay sa kanya ng inspirasyon subalit wala ang isang komentong inaasahan niya. Nasaan na kaya siya?  Binalikan niya ang lumang post kung saan mababasa niya ang ilang komento ni Sweet Girl.
Papa love, Good luck sa Book Launch
Pupunta talaga ako.
Miss you papa love
Mwah! Mwah!
Submitted by Sweet Girl

Napangiti siya subalit biglang nabura ang mga ngiti niya. Bakit siya nalulungkot? Bakit niya inaasahan ang muling pag-comments nito sa kanya? Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan saka muling inilipat ang page ng site. Nabuksan niya ang isang post ni Sweet Girl, napansin niyang may mga bagong komento para sa babae. At halos mapanganga siya sa kanyang nabasa.

Hey, Sweet Girl, ganda naman ng poem mo.
Submitted by: Mimi Loves You

Thank you! Happy ako at nagustuhan mo.
Inspired kasi ako dahil kay papa love.
Submitted by: Sweet Girl

Talaga? Meganun?
Oo nga eh, alam mo kilala ko si papa love
Submitted by: Mimi Loves You

Talaga? Galing naman!
Love na love ko talaga siya
Submitted by: Sweet Girl

Oo naman! Ako ang babae sa cover ng libro.
Ako lang naman ang mama love niya.
Gf niya ako bruha ka!
Submitted by: Mimi Loves You

Dumaloy ang pawis sa kanyang noo. Pinapawisan siya kahit malamig ang hanging binubuga ng electric fan. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng komento.

Pasensya ka na, hindi ko alam
Submitted by: Sweet Girl

Sunod sunod na response ni Mimi ang kayang nabasa, at karamihan dito ay tila naghahamon ng away

Hoy, babae nasaan ka na?
Natahimik ka yata?
Maldita ka!
Submitted by: Mimi Loves You

Wow! Nakakatuwa naman!
Love triangle
Gwapo talaga ni papa love
Submitted by: TOM

OO nga! Nag-away ang dalawang babes
Dahil kay papa love
Papa love, idol talaga kita
Mwah! Mwah!
Submitted by: Jerry

Nasapo niya ang kanyang noo. Inis at awa ang kanyang nararamdaman. Naiinis siya kay Mimi sa ginawa nitong pag-aaway kay Sweet Girl, at awa naman sa huli dahil batid niyang nasaktan o napahiya ito sa ginawa ni Mimi.

PUMAPALAKPAK ang tenga ni Mimi nang mapansing naglaho na ang kontrabida sa kanyang buhay.

"Sis, you mean hindi na siya nagbibigay ng komento?" usisa ni Maki na nasa kabilang linya.

"Oo naman!"

"Hay, naku sis baka naman sa FS sila nagkakausap?"

"Naku, kahit sa FS inaway ko rin. O, kelan naman ang bakasyon mo dito sa Maynila. Miss ko na ang kabadingan mo."

"Basta! Bigla na lang susulpot ang beauty ko diyan. Oo nga pala, may FB ka na?"

"A-anong FB?"

"Bruha! Facebook, 'yon ang uso ngayon."

"Well, gagawa ako."

"Hindi kaya may FB si papa love mo at doon sila nag-uusap?"

Ibinaba na niya ang blackberry niya saka agad na nagbihis. Nasalubong niya ang kanyang nanay na tila nagtataka kung saan siya pupunta.

“O, sa’n ang lakad ng dalaga ko?” usuisa sa kanya ng nanay niya habang nagbuburda ng damit. Lumapit naman sa kanya ang bunso niyang kapatid.

“Sa dorm po nina Jun.”

“Jun? Bakit nawala na ang kuya?” Kumunot ang noo ng nanay niya. “Teka, kayo na ba ni Jun?” Tumigil na ito ginagawa saka lumapit ito sa kanya. “Anak, hindi ako tututol sa relasyon ninyo. Ang totoo matagal ko ng nahahalata. Ang sa akin lamang dapat magpakilala kayo o ipagtapat n’yo sa amin ng maayos,” lintanyang wika nito sa kanya.

“Nay, kasi…”

“Anak, kung nagmamahalan kayo dapat malaman namin. Isa pa magkaibigan kami ni Mareng Selma. Aba! Alam na ba ng nanay ni Jun ang relasyon ninyo?”

“Nay, hindi pa po.” Nakagat niya ang kanyang labi. “Nay, sorry po kung hindi ko sinabi.”

“Okay, wala na akong magagawa. Anak, ‘wag kang magpapabuntis.”

Lumaki ang kanyang mga mata. “Nay, naman ano na naman ang pumasok sa isipan n’yo.”

“Gwapo si Jun, maganda ka. Isa pa malapit na ang one year anniversary n’yo.” Napanganga siya sa sinabi nito. Aba! Updated ang nanay niya sa issue. Napatingin siya sa bunso niyang kapatid na ngumingiti. Batid niyang ito ang nagbalita sa kanyang nanay.

“Bunsoy….” Tumulis ang kanyang nguso habang nakatingin sa bunso niyang kapatid.

“Anak, ‘wag mong sabihin hindi pa kayo nag-se-sex?”

“N-nay? Ano ba kayo? Diyos ko! Kilabutan nga kayo sa mga sinasabi ninyo.”

“Ano ka ba? Anak normal na lang ‘yan sa panahong ngayon. Eh, kung noon nga eh nagagawa namin ni daddy mo.” Ngumiti ito sabay kurot sa kanyang tagiliran. “Sa panahon n’yo pa?”

“Naku, ‘nay maiwan ko na po kayo, at kung ano pa po ang masabi ninyo.” Kinurot niya sa pisngi ang bunso niyang kapatid bago lumabas ng pintuan.

“Anak, ‘wag kang magpapabuntis,” sigaw ng kanyang ina.

“Nanay talaga mas malandi pa sa anak.”


ALAS NUEVE na ng gabi subalit nanatiling nasa harapan ng desktop computer si Junjun. Binabasa niya lahat ng mga komento. Kagagaling lamang niya sa Friendster subalit hindi na niya maalala ang password niya kaya sa Facebook siya tumatambay. Mayamaya, pinasok niya ang literary website saka muling binasa ang mga magagandang komento ni Sweet Girl – mga lumang post sa kanyang kwento. Nasasabik na siya sa mga bagong komento ng babae. Natakot kaya ito sa banta ni Mimi?

Nawalan siya ng gana kaya minabuti na lamang niya na mahiga sa kama. Ilang saglit, kinuha niya ang FHM Magazine niya na nakaipit sa ilalim ng kama. The cover was featuring the beauty of Angelica Panganiban. Napa-wow siya sa kanyang nakita, and it’s natural to get hard in his pants. He wanted to release the hard on of his pants nang may biglang kumatok sa pintuan. At sa kanyang pagbukas ay iniluwa nito ang kagandahan ni Mimi na tila napanganga nang masulyapan ang bumubukol niyang boxer shorts.  

“A-anong g-ginagawa mo?”

“Ha? Ah.” Namula ang mukha niya nang mapansing tila na-possesed ang babae sa pagkakatitig sa kanyang pag-ibabang bahagi.

“I think nasasabik siya sa’yo,” wika niya sabay turo sa kanyang toytoy.

NAMULA ang magkabilang pisngi ni Mimi nang makabawi siya. Gusto niyang hampasin ang pagmumukha niya sa inasal niya. Ano ba ang tinitingnan niya? Oh, my gosh! Ano ‘yon?

Katulad sa isang pelikula o maging sa isang pocketbook nagkakaroon ng love scene ang bidang babae. Na-e-excite siya lalo pa’t may blessing na siya sa nanay niya. Lalo siyang nagulat nang bigla siyang hinila ng binata. Ang kanyang mukha ay napalapit sa mukha nito, hanggang isang halik sa labi ang kanyang naramdaman. Pumalag siya upang makawala subalit tila na-magnet na ang kanyang mga labi. Napapikit siya hanggang sa maramdaman niya ang dila nito na humuhuli sa malikot niyang dila.

Isang minuto

Dalawang minuto

Tatlong minuto , hanggang sa maramdaman niya ang matigas na bagay na bumubundol sa kanyang hita. Natigilan siya hanggang sa ma-realized niya na isa siyang babaeng pilipina. Ubod lakas niyang itinulak ang lalaki saka inayos ang mahaba niyang buhok.

“Huwag! H-uwag dito sa labas ng pintuan. Papasukin mo naman ako. Baka may makakita sa atin.” Ngumiti ang binata saka pinapasok siya sa loob ng silid hanggang sa ma-i-lock na nito ang pintuan.

“Game ka na ba?”may pilyang wika niya sa binata. Kumunot ang noo nito nang mapansing may hawak siyang panyo. “Well, may gusto akong gawin sa’yo. It’s an experiment!” dugtong ni Mimi saka itinuloy ang kanyang ginagawa. Gamit ang panyo, ipiniring niya ito sa mga mata ng lalaki.

“O, anong gagawin ko?” usisa ng nalilitong lalaki habang nakatayo sa kanyang harapan. “Hindi kita makita? Hmmm! Naghuhubad ka na ba?” nasasabik na wika nito.

Pinagmasdan niya ang lalaki. “O, ano pang hinihintay mo. Hubad na!”

“Ha?” gulat na tanong ni Junjun habang nakapiring ang mga mata.

“Oo, sabi ko hubad na.”

Nasapo ng kamay niya ang bibig niya nang hubarin ng lalaki ang sando nito. Tumambad sa kanya ang tila inukit na batu-bato sa dibdib nito. Gumiling pa ito na tila isang macho dancer, at para siyang kakapusin ng hininga nang unti-unti na nitong tinatanggal ang panghuling saplot. Napanganga siya sa kanyang nakita. Ibang-iba na ito sa una niyang nakita, at aaminin niya sa kanyang sarili na ito ang first time na makakita siya ng isang palaban na toytoy. Diyos ko, tama po ba itong ginagawa ko?

Natauhan siya sa kanyang ginawa kaya minabuti niyang takasan ang binata. Akma na siyang lalabas ng silid nang mahagip ng kanyang paningin ang desktop computer nito. Umusok ang dalawang tenga niya nang makita ang pangalan ni Sweet Girl sa isang komento. Umusok ang dalawang tenga niya sa natuklasan. Aba, may Facebook ang mokong! Napatingin siya sa lalaking nasasabik na sa susunod na eksena.

“Mama love, I am ready na!”

Lumapit siya sa binata. Hinimas niya ang mukha nito hanggang sa bumaba ang kamay niya sa matipuno nitong dibdib. Napaungol ang lalaki sa ginagawa nya, at lalo itong nasarapan nang bumaba pa ang kanyang kamay. Napalunok siya nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan niya ang hindi dapat mahawakan. Diyos ko, ang laki naman! Humugot siya nang isang malaim na hininga saka sabay kurot sa toytoy nito. Napasigaw ang lalaki lalo pa’t hindi niya ito binitiwan.

“Aw! Aw! A-ang sakit… b-bakit ba?” daing ng lalaki na ngayon ay wala ng piring sa mga mata. Napasigaw pa ito nang idiinin niya ang pagkakasakal sa matigas na bagay na kanyang nahahawakan. “Wait! ‘wag diyan….”

“A-anong ‘wag diyan? Hoy, lalaki! Anong ibig sabihin ng Sweet Girl na’yan? Ito ang parusa mo sa akin… akala mo nakalimutan ko na? Ang dami mo nang atraso sa akin.”

“O-okay, bitawan mo na.” Napapikit ito nang muling sinakal niya ang nahahawakan niya. Bumaon pa ang matulis niyang kuko.

“A-no uulit ka pa? Iiwasan mo na ang babaeng ‘yon kung ayaw mong masakal ulit.” Tumango tango ang lalaki na tila nahihirapan na sa ginagawa niya. Binitiwan niya ito dahil naaawa na siya sa namimilipit na lalaki.

“Ouch!” daing ng binata habang naka-upo sa kama.

NANLAMBOT si Junjun sa ginawa ni Mimi sa kanya. Pakiramdam niya naubos ang kanyang lakas. Mayamaya, pinagmasdan niya ang alaga niya na tila namamaga sa pagkakasal ng dalaga.

“O, tingnan mo ang ginawa mo. Lumambot na namaga pa.”

“A-ako pa ang may kasalanan? Aba, Mr. Jun! Oras na mabalitaan ko na may ibang babae ko. Tutuliin kita ulit.”

Napadaing siya sa sakit na naramdaman. Natuklasan niyang nagkasugat siya sa ginawang pagkakakurot ng dalaga.

“I think, I need to go to the hospital?”

“What?”

KINABAHAN si Mimi sa sinabi ng lalaki. Ang buong akala niya ay nagdradrama lamang ito sa sakit na nararamdaman. Lumapit siya sa binata saka pinagmasdan ang hawak-hawak nito. Napanganga siya nang makitang namamaga nga ito.
“Oh, my God! Paano tayo pupunta ng Hospital? Ano na lang sasabihin natin sa interview?” Ginulo niya ang mahaba niyang buhok. “A-ano na lang ang sasabihin natin kung bakit namaga ‘yan?” napasigaw siya sa matinding tension.

NAGKAKAPE ang kanyang nanay nang makauwi siya sa bahay. Kagagaling lamang niya sa ospital kung saan pina-check up niya ang papa love niya. Ayon sa doctor ay minor injury lang ang natamo ng binata. Matapos mabendahan at malagyan ng gamot ay pinauwi na sila.
“O kumusta na ang anak kong dalaga? Hindi ka na nakauwi kagabi? Mukhang nag-enjoy kayo ni Junjun?” lintanyang usisa nito kay Mimi.
Humalik siya sa pisngi ng nanay niya. “Nay, matutulog na po ako. Namasyal kasi kami ni Jun sa Roxas Boulivard“ pagdadahilan niya sa ina.
“Mukhang napagod kayo?” Ngumiti ito na tila nanunukso pa. “Teka, ingatan mo ang pag-aari ng nobyo mo.” Tumaas ang kanyang dalawang kilay. “Tingnan mo ito.” Pinabasa sa kanya ng ina ang dyaryong hawak nito, at halos mahulog ang mga mata niya sa kanyang nabasa.
Amateur Writer, isinugod sa ospital
Toytoy, sinakal ng dalaga?
NAMAGA!

“Oh, my God!”
Katulad sa mga loveteam sa showbiz nahaharap sila sa matinding kontrobersyal. Malampasan ka niya ang lahat ng pagsubok? Matuklasan kaya niya ang misteryosang pagkatao ni Sweet Girl? Iyon ang aabangan niya sa susunod na kabanata ng kanyang buhay.






2 comments:

  1. Andaming kong tawa zah chapter nah toh ahahahahahahaha....especially yung write-up s dyaryo ahaha...nc one author...(*_-)Andaming kong tawa zah chapter nah toh ahahahahahahaha....especially yung write-up s dyaryo ahaha...nc one author...(*_-)

    ReplyDelete
  2. Weee! Thanks sa walang sawang pagsuporta kay papa love hehehe.... lamat.... ^___^

    ReplyDelete

Comments