xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Papa Love, Papa Love, I LOve Yah! - Chapter 10

Popular Post of the Week

Papa Love, Papa Love, I LOve Yah! - Chapter 10


"Talaga? Pero ngayon dapat labanan niya ang mga gamot na itatapal ko sa kanya."

Papa Love, Papa Love, I LOve Yah!
Sa Panulat ni JonDmur

Chapter 10
MAINGAT na tinatanggal ni Junjun ang pagkakabenda sa kanyang pagkalalaki. Napadaing pa siya nang matanggal niya ang benda nito. Naalala niya ang araw na nagpatuli siya – natatakot siyang buhusan ng betadine ang ari niya. Ngayon, mauulit na naman ang pagbubuhos ng gamot sa alaga niya. “Langyang buhay ‘to,” daing niya nang mabahiran ng gamot ang bagay na nahahawakan niya.
Nag-ring ang cellphone niya na nakapatong lamang sa kama niya. Dinampot niya ito saka sinagot ang tawag ni Tom.
“Tol, nabalitaan mo ang headline sa news ngayon? Isang writer daw ang isinugod sa ospital matapos masakal ng nobya ang toytoy nito?” Tumawa pa ang kaibigan sa ibinalita nito sa kanya na batid naman niyang siya ang laman ng news.
“Sira! Hindi ako ‘yon.”
“Oo naman, at kung ikaw, sino naman ang gagawa? Si Sweet Girl?”
“Puro ka talaga kalokohan. Kung ako sa’yo tapusin mo na ang nobela mo baka mahuli ka na naman sa deadline.”
“Okay, boss!” Ibinaba na niya ang cellphone niya. Binalot ng kaba ang puso niya. Paano kung kumalat sa internet ang mga larawan nila ni Mimi? O ibunyag ng writer ang mga pangalan nila? At paano nakarating sa balita ang mga kaganapan? Sino ang nagpakalat ng issue? Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya. Hindi nakapagtataka, iba na ang sikat! bulong ng kanyang isipan.
Kumunot ang kanyang noo nang makarinig ng mga katok mula sa pintuan. Hindi pa natatapos ang panggagamot niya sa kanyang alaga. Kinuha niya ang tuwalya saka itinapis sa hubad niyang katawan. Binuksan niya ang pintuan at si Mimi ang tumambad sa kanyang harapan.
"Good Evening!" malambing na wika ng dalaga sa kanya.
"Miss you mama love!" hinalikan niya ang nobya saka pinapasok sa kanyang silid. "Naligaw ka yata? Mukhang nasasabik ka na naman sa akin."
"Sira! Alam mo ba na laman tayo ng balita ngayon? Pero 'wag kang mag-alala dahil blind items lamang ang lahat." Napanganga siya nang makitang may dinudukot ito mula sa bitbig na bag. Inilabas nito ang isang medical kit.
"A-anong gagawin mo?"
"Ano pa, eh di gagamutin natin 'yan. Mahirap na baka ma-inspection at no choice tayo kundi bumalik ng ospital… naku, di na kita sasamahan kung babalik ka sa ospital."
"Ginagamot ko na, kayang kaya  ko na 'yan."
"Mr. Jun, ang alam ko takot ka sa gamot, eh noon ngang nagpatuli ka at nangamatis yang alaga mo eh nanay mo pa ang gumagamot diyan."
Napanganga siya sa sinabi nito sa kanya. "Paano mo nalaman?"
"Usap-usapan kasi yun sa tindahan. Alam mo naman ang nanay mo."
"Si nanay talaga!"
"O, ano pang ginagawa mo diyan? Hubad na! O baka naman gusto mong ako pa ang magtanggal ng tuwalyang yan."
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tanggalin ang tuwalyang bumabalot sa hubad niyang katawan. At kasabay nang paglantad ng toytoy niya ang malakas na hagikgik ng dalaga. Natutop tuloy ng kamay niya ang toytoy niya.
"Hoy, anong tawa tawa mo diyan? Alam mo ba na ikaw dahilan kung bakit namaga to?"
"Well, alam ko. Kaya lang ngayon ko lang napansin na cute pala yan kapag di nagagalit." Sa sinabi nito namula ang kanyang mukha.  Napatingin tuloy siya sa kanyang pag-aari.
"Ikaw, kapag itong toytoy ko gumaling humanda ka sa akin dahil ilalaban ko to sa'yo."
"Talaga? Pero ngayon dapat labanan niya ang mga gamot na itatapal ko sa kanya." Lumaki ang kanyang mga mata nang makitang lumalapit na ang nobya at handa nang gamutin ang kanyang may sakit na toytoy. Wala na siyang nagawa kundi ang maupo at hayaan na lamang ang babae sa gagawin nito.
LIHIM na natatawa si Mimi habang ginagamot ang pag-aari ng kanyang papa love. Nahahawakan niya ito – kakaiba sa una niyang nahawakan dahil malambot ito. Nagulat siya nang biglang mapasigaw ang lalaki.
"Ano ba, dahan dahan lang. Ung ulo ingatan mo mahapdi."
"Oo, pwede ba tumahimik ka diyan. Sakalin kita diyan eh." Natahimik naman ito sa banta niya. Matapos malagyan ng gamot ay kinuha niya ang benda saka binalot ang kawawang toytoy. At nang matapos itong mabendahan ay napalunok siya nang bigla itong kumislot at bahagyang tumingala.
"Thank you daw sabi niya," wika ng binata kasabay ng pilyong ngiti.
Hinampas niya sa hita ang binata. "Bastos mo! Mamaga pa sana 'yan." Tatayo sana siya nang pinigilan siya nito. Hinawakan siya sa kamay saka hinagkan iyon. Kiniliti naman ang puso niya.
"I love you!"
Tumayo ito dahilan para mapatayo na rin siya. "I love you too, papa love."
Hinila siya ng binata hanggang sa magdikit ang kanilang mga dibdib. Hahalikan sana siya ng lalaki nang bigla itong mapadaing sa sakit na naramdaman. Tumusok kasi ang pag-aari nito sa maong pants niya.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isip mo. Manyak ka talaga," biro niya sa binata habang hinihipan nito ang bagay na nahahawakan. "Halika nga dito." Sa kama niya dinala ang lalaki. Pinahiga niya ito saka hinalikan sa pisngi. Nasiyahan naman ito sa kanyang ginawa. Mayamaya, kinuha niya ang isang puting tuwalya saka tumungo sa katabing shower room.
Maliligo siya para malanghap ng binata ang kanyang kagandahan, dahil ngayong gabi sasamahan niya ang binata – tatabihan niya sa pagtulog.
Tingnan ko lang kung maka-score ka, wika ng kanyang isipan kasunod ng isang mahinang halakhak. Ang totoo malakas ang kanyang loob dahil alam niyang hindi magagawa ng binata ang iniisip niya. Masakit pa rin ang alaga nito – imposible namang pumasok ito na may benda sa katawan.
Ang saya saya! wika niya habang naliligo.
HINDI mapalagay si Junjun habang hinihintay ang nobya. Nakahiga siya sa kama na hubut-hubad habang may benda ang kanyang pag-aari. Toytoy, bakit ngayon pa, piping usal niya. Natigilan siya nang pumanhik na ang dalaga sa silid. Nakatapis lamang ito ng tuwalya.
"Game ka na?"
"Ha?" tanong niya sa babae habang nakatingin sa katawan nito. Mimi's body is not perfect pero ang alindog nito ay nagpapainit sa kanyang pagkatao.
"Sabi ko kung game ka nang matulog, kasi ngayong gabi sasamahan kita."
To the highest level ang pagka-shock niya. Naguguluhan siya sa mga kaganapan. Dito matutulog ang dalaga? Pareho silang walang saplot sa katawan? Paano niya maaangkin ang katawan nito kung may benda at sugat ang toytoy niya?
Shit!
Malas naman!
Kawawa naman siya…..
Lalong lumaki ang kanyang mga mata nang humiga ang dalaga. Kinuha ang kumot saka ibinalabal sa katawan nito.  Mayamaya, hinablot ang tuwalyang bimabalot sa hubad nitong katawan.
"A-are you naked?" tanong niya sa dalaga.
Ngumiti lamang ito bilang kasagutan sa kanya.
"As in, wala kang panty?"
Hinampas siya sa balikan saka binatukan. "Alam mo ang ingay ingay mo. Bakit, ngayon ka lang ba nakatabi sa isang magandang babae?"
"Oo ngayon lang! Ikaw lang kasi ang babaeng malakas ang loob na tumabi sa akin."
LUMUNDAG ang puso ni Mimi sa kanyang narining. Imagine, siya pa lang ang kauna-unahang dalaga na nakatabi rito.
"Alam mo, ikaw rin ang unang babaeng nakahawak at nakakita sa toytoy ko." Ngumiti pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya magawang labanan ang mga titig nito. "Pwede bang makita?"
Napanganga siya sa sinabi nito. Kinabahan siya na tila natauhan sa kanyang ginawa. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kumot.
"No way!" wika niya.
"Sige na, daya mo naman. Kahit yan lang," tugon nito sabay turo sa kanyang dibdib. "O, kahit hawak na lang." Tumutol siya sa kagustuhan nito. Nakita naman niya sa mukha nito ang labis na kalungkutan.
"Sige na nga, pero kapa lang sa ibabaw ng kumot." Kinuha niya ang kanang kamay nito saka ipinatong sa kumot na bumabalot sa kanyang dibdib. Naramdaman niya ang palad nito na dumapo sa kanyang dibdib.
"Whew, ang lambot!" Iwinaksi niya ang kamay nito saka hinampas niya ang balikat nito. Nagkatawanan sila hanggang sa naramdaman niya ang mga kamay nito na gumapos sa kanyang baywang. Nakiliti siya sa ginawa nito hanggang sa balutin ng malalakas na tawanan ang buong silid.
Di sinasadyang nasagi niya ang iniingatan nitong sugat. Napatigil ito sa katatawa habang hinihipan ang nakabendang pag-aari.
"Masakit ba?" Hinawakan niya ito saka bahagyang hinipan. Natigilan siya nang muli itong tumingala hanggang sa muli siyang mapahalakhak.
"Alam mo, ikaw puro ka tawa."
"Nakakatawa kasi. Bakit ba ganyan 'yan?" Pinahiga niya muli ang binata saka humiga na rin siya. "Matulog ka na."
Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakikiramdam. Mayamaya, narinig niya ang paghilik ng binata. Napangiti siya. Kinikilig siya sa kabanatang ito na tila nababalutan ng romansa. Niyakap niya ang kanyang unan saka hinintay na dalawin siya ng antok.
LIHIM na natuwa si Junjun nang mapansing tulog na ang dalaga. Natutuwa siya dahil tagumpay ang tulug-tulugan acting niya, na namana niya kay Mimi noong kabataan nito kung saan ito ang gumagawa ng tulug-tulugan acting. Nasasabik siya na muli itong makatabi sa higaan. Ilang taon na rin ang nakakalipas nang huli niya itong makatabi sa higaan. Bata pa ito saka walang malisyang nagaganap. Pero, iba na ngayon. Nagmamahalan na sila.
Niyakap niya ang nobya. At pakiramdam niya muling nabubuhay ang kanyang pagnanasa. Napatingin siya sa kanyang alaga.
Bakit kasi ngayon ka pa nagkasakit? Wika niya habang hawak hawak ang nakabendang toytoy.
NAPANGITI si Mimi nang marinig ang mahinang bulong ng binata. Natatawa siya sa kalagayan nito ngayon dahil alam niyang makakauwi siya na isa pa ring berhen.
Manigas ka! piping usal niya sa sarili.



 

1 comment:

  1. wala akong mazabi kay mimi mautak tlga ahahaha wawa aman si papa love.....wew as usual dami ko p ring tawa hehe...nc job author

    ReplyDelete

Comments