Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Bakit Naghanap ng Other Woman si Mister?

“Akala mo perfect na ang relationship n’yo. Tandaan, kahit mahal ka niya kung may pumapapel nasisira ang isang relasyon.”  -Jondmur-

Minsan mahirap labanan ang tukso. Lalo na kung kusa itong lumalapit. Kaya nga may pamilyang nasisira dahil sa tukso – may mga taong biglang darating para guluhin ang isang masayang relasyon. Madalas ang lalaki ang nagiging mahina dahil sa malakas ang karisma ni other woman.

Ang tanong, bakit nga ba naghahanap si Mister ng other woman? May nagkulang ba? O, sadyang may pumapapel?

            Alam n'yo ba na minsan may mga dahilan kung bakit nagloloko si Mister? Maliban sa likas na siyang babaero? Ito ang ilang reasons kung bakit naghahanap ng other woman si Mister.
            Kung BF mo pa lang siya – basahin mo na rin, malay mo may matuklasan ka. Tandaan, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh, babae ang bida at kasalanan lagi ng lalaki. Minsan nakakagawa ng kasalanan si Mister kasi nagkulang din ang mga babae. Mapalad ka kung love na love ka ni Mister kahit may pagkukulang ka.
           
            Sige, ito na ang ilang dahilan kung bakit naghahanap ng other woman si Mister.

            Reason 1: Sa umpisa pa lang ‘di ka na niya mahal.  Nabuntis ka lang kaya ka niya pinakasalan. Ang sama ‘di ba? Pero nangyayari 'yan. Let’s face it! Totoo naman hindi lahat ng nagpapakasal, eh, kagustuhan ng lalaki. Ilan sa kanila no choice lang. Kaya nga nahihirapan silang mahalin ang mga asawa nila dahil ‘di pa sila sawa sa buhay binata. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng other woman.

            Reason 2: Mahal ka niya pero nagbago siya. Bakit? Marami siyang nakita sa 'yo na hindi niya inaasahan. Maaaring may nakita siyang pangit sa 'yo. Lumalabas kasi ang tunay mong ugali; talak ka nang talak o super selosa ka o 'di naman mas malakas ka pang uminom ng alak kaysa sa kanya. Hindi lang kasi babae ang naghahangad ng magandang katangian ng kanilang mapapangasawa. Ibig sabihin, baka may attitude problem ka. Kailangan mong baguhin ang masama mong ugali bago pa matangay ng iba si Mister. Minsan kasi kapag nawalan siya ng gana sa 'yo diyan magsisimulang maghanap siya ng iba -- ung mas maalaga at mas malambing kaysa sa 'yo.

            Reason 3: Bilang asawa, ‘di mo maibigay ang sexual needs niya. Lagi kang busy o pinaparamdam mo sa kanya na wala kang gana.  Kaya ang ending, si Mister naghanap ng ibang pugad.

            Ouch! Masisisi mo ba siya? Nasaan ka ba noong panahong matigas ang ulo ng pagong?

            Reason 4: Minahal ka niya noon kasi maganda ka. Kulang na lang ipagmalaki niya sa buong mundo na isang beauty queen ang napangasawa niya. Kaya lang, lumipas na ang kagandahan mo. Tinubuan ka na rin ng bilbil sa katawan. Masakit ‘di ba? Kaya nga nagustuhan ni Mister si other woman kasi ‘di hamak na mas bata o mas maganda ito kaysa sa ‘yo.
            Sakit ‘di ba? ‘Yong feeling na mas maganda si other woman kaysa sa ’yo. ‘Wawa ka ‘Te!

            Reason 5: Mahal pa rin niya ang EX niya. Ikaw pa nga ang kontrabida sa love story nila. Kaya kahit kasal na kayo, eh, ‘di pa rin mabura sa isipan niya ang EX niya. Ang mas masakit ‘yong matuklasan mong nagkabalikan na sila. ‘Yong feeling na, ipinagpatuloy nila ang nasira nilang relasyon noon.
            Ang masakit pa, nakuha mo lang ang katawan niya pero hindi ang puso niya. Kaya ang ending, si EX ang other woman ng mister mo.
            Sure ako mahihirapan kang tanggapin ‘yon. Isipin mo love pa rin niya ang EX niya kahit ikaw pa ang pinakasalan niya. 

            Sapul!

            Marami pang reasons kung bakit nagagawa ni Mister ang maghanap ng iba. Minsan naman wala sa babae ang pagkukulang kasi likas na kay Mister ang manloko ng babae. Minsan nga hindi lang asawa ang biktima kasi may mga other woman na hindi nila alam na kasal na pala ang lalaki.
            Minsan naman, mahal ka talaga ng asawa mo pero ‘yong tukso ang lumalapit sa kanya. Mahina lang si adan kaya nakukuha ng iba. 
            Ano ba ang dapat gawin para tumigil na si Mister sa masamang gawain niya. Una, ipagdasal mo siya. Malay mo mabuksan ang puso niya at makita niya ang kanyang pagkakamali. Naniniwala kasi ako na mas tumitibay ang relasyon ng mag-asawa kung nasa gitna nila si God.
            Next, baguhin mo ang masamang ugali mo, baka ito ang dahilan kung bakit nawawalan ng gana si Mister sa 'yo. 
            Subukan mong kausapin siya kung ano ang problema niya. May nakita ba siyang pangit sa 'yo? Mabaho ba ang paa mo o malakas kang humilik? At kung anuman ang dahilan kung bakit nilalamig siya sa ‘yo, eh, tanggapin mo at subukang baguhin. Malay mo, ‘di na siya maghanap ng iba.
            Dagdagan mo ang pag-care sa kanya. Baka kasi nakukulangan siya sa pag-aalaga mo. Minsan kasi gusto ni Mister ung nilalandi siya kaya bago pa dumating ang araw na iba ang lumandi sa kanya, eh, unahan mo na. Dagdagan mo ng karisma ang pag-aalaga sa kanya.
            Babaero na ba talaga si Mister? Kahit anong gawin mo, eh, hindi mo siya mapigilan. Siya pa ang galit kung tatanungin mo siya kung sino ang naka-date niya? Minahal mo siya ng tapat pero niloloko ka pa rin niya? 
            Mahirap nga ang ganyang sitwasyon. Ung feeling na ginawa mo na ang lahat pero kulang pa rin. Na kay Mister na ang problema.

            Paano mo siya mapapabago? 

            Huwag kang gaganti sa kanya. Hindi porket nagloko siya, eh, maghahanap ka rin ng iba. Bad ‘yon! 
            Huwag kang matakot na sumbatan siya. Isampal mo sa kanya ang panlolokong ginawa niya. Dahil unang-una, wala siyang karapatang saktan ka, asawa ka niya, karapatan mong ipaglaban ang karapatan mo. Huwag mong ipakita na parang okay lang sa ‘yo kasi lalaki ang ulo niya. Ipakita mong matatag ka at matapang.
            Mahirap ang ganyang sitwasyon, gaya ng sabi ko kanina ipasa-Diyos mo na lang ang lahat. Mahirap talaga kung may ibang pumapapel sa buhay mag-asawa mo.
            Kahit ginawa mo na ang lahat, kahit mahal na mahal n'yo ang bawat isa, eh, masisira dahil sa tuksong lumalapit. Mapalad ka kung nagagawa ni Mister na umiwas ng tukso.
            Mapalad ka rin kung sa kabila ng pagkukulang mo, eh, faithful pa rin si Mister sa ‘yo. ‘Yon ba’ng love ka niya kahit may bilbil ka na.

            Love ka niya kahit selosa ka pa. Love ka niya kahit minsan pasaway ka – ‘yan ‘yong tipong lalaki na maipagmamalaki mo.

            Pero kung naghanap siya ng iba, nasa iyo na iyon kung bibig mo pa siya ng other chance. Naniniwala kasi ako na hindi sapat ang isang pagkakamali para maghiwalay kayo, lalo na kung mag-asawa na kayo.
            Basta, ito lang ang masasabi ko sa ngayon. Naghanap si Mister ng other woman hindi lang dahil nagkulang ka, naghanap siya dahil may pumapapel. Naghanap siya dahil babaero na talaga siya mula noon pa, at higit sa lahat, naghanap siya kasi ‘di gan’on kalalim ang pagka-faithful niya sa ‘yo.


            Masakit man pero minsan ‘yan ang mga dahilan.

93 comments:

  1. no comment nalang ako. goodluck nalang pag mangyari to sa akin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala sana di mangyari sayo.... thanks sa pagbasa Phioxee ^___^

      Delete
    2. May asawa ako, pero minsan di talaga maiiwasan yung tukso, minsan kasi hahanaphanapin mo yung ibang putahi, BTW, Galing ng na iambag mo sir JonDmur may natutunan talaga ako dito.

      Delete
    3. Nangyayari na sakin yan.. Ilang beses na 😭😭😭 pero pilit ko pa rin inaayos dhil mahan ko ang pamilya ko at lalo na anak ko ayokong masira ang pamilya ng anak ko 😭 pero isa akong tanga na pilit inaayos pero Ganun at ganun pa din ang ngyayari 💔💔💔💔

      Delete
  2. Korekekek! YUn na wala na akong masabi pa nandyan na lahat ng pwedeng maging reason kung bakit naghahanap ng other woman ang ibang mga mister.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup.... thanks anney.... sana nga wala ng ganito para happy lagi ang isang pamilya....

      Delete
    2. Meron pa, yung kung di nga nya mahal c babae,mas matanda pa ito at napilitan pakasalan dahl sa kantyaw ng barkada at nbuntis n nya...kawawa yung kaibigan ko! Hahaha

      Delete
  3. Matindi ito, nandyan na lahat, kompletos rekados ang pagkakakalap ng mga impormasyon hehe pero pag ganitong usapan medyo allergic ako e hehe basta we'll never know until when magiging faithful o unfaithful ang mga guys, hasit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe wag na ma allergic.... sabagay may point ka diyan hehehe

      Delete
  4. Hahaha kapol n kapol :) ang galing nmn

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Skin ngyari n yan lhat sobrang skit kylangan mag tiis para sa mga anak ko pray lngw ky God tutulungan toy mga naaapi Ty

      Delete
  5. Brother damang dama naman itong post mo! Mukhang may pinaghuhugutan :) grabe nga lately puro infidelity ang tema ng mga movies natin parang laganap na yata sa society ang ganitong eksena. Hope mabago pa kasi Kawawa naman ang ating future:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. un din napansin ko.. sunod sunod mga ganung tema. hehehe may pinaghugutan ng konti.. sa isang kakilala na ganitong sitwasyon hehehe.

      Delete
  6. Ito lang masasabi ko:

    WALANG MATIBAY NA BRIEF SA BABAING MALANDI ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe natawa naman ko diyan.. pero sabagay.... siguro kahit ako... minsan kasi nakakadala kapag may lumalandi hehehe

      isa pa single pa ako kaya di ko pa masabi hehehe

      Delete
  7. Boom! Tama ka kung nasa gitna si Lord di mangyayari to sa pamilya :) Natawa ako sa comment ni Selena :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit ako din natawa hehehe... medyo agree ako dun... parang ang hirap labanan ang tukso hehehe...

      Tama Tol... maganda talaga pag nasa gitna nila si God... ^__^

      Delete
  8. Replies
    1. sige tol send ko maya... hanapin ko pa... di pa ako sure sa add hehehe

      Delete
  9. based on experience ba to ser? haha. ang kulet lang. ang dami mong alam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe di pa naman... single pa ako eh.... di ko pa masabi kung makakaiwas ako sa tukso kung may asawa na ako hehehe

      yan lang naisip ng imagination ko hehehe

      Delete
  10. pak na pak hehe! I'm sure madaming naka relate dito sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe basta ganitong topic... sana nga wala ng tukso... para walang masira na pamilya...

      Thanks sa pagbasa and comment

      Delete
    2. Ser, palagay ko hnd lahat ng babaeng nai-inlove sa may asawa na ay tukso. Maaring sila yung totoong kapareha ni lalaki at naunahan lang ng ibang napakasalan. Sana magkaron na ng divorce sa Pinas. hnd dahl sa gusto kong madaming sirang pamilya kundi parang itatali lang natn mga sarili natn habmbuhay sa isang relasyong hnd na maaayos pa at kung magsama cla muli bilang magAsawa, plastikan na lang.

      Delete
    3. agree ako sayo mam Rose Ann....dapat may divorce sa pinas para kung ayaw na edi maghiwalay....saka hindi naman kase dahil may other woman eh ang sama sama mo na....binibigyan lang natin ng pagkakataon ang puso natin na mahalin kung sinu ung totoong mahal...yun lang....salamat

      Delete
  11. no matter what reason mali at mali pa din

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabagay pre may point ka diyan... mali talaga... pero minsan kahit alam na mali.. ginagawa pa rin...

      hirap kasi umiwas minsan sa tukso hehehe

      Delete
    2. Mecoy sana lahat ng guy na may asawa katulad ng nasa isip mo at napa bilib mo ako sa pagkamaunawain mo..at kay sir JonDmur thank u at nagkaroon ka ng site na ganito,galing mo sapul lahat ng sinabi mo at sana lang hindi ko na maranasan ulit ng paulit ulit..thnx....

      Delete
  12. tama yung sinasabi mo na minsan kasi kapag nag-asawa na di na nag-aayos mukha ng lusyang kaya dapat todo mok-up pa rin dapat

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe wapak! tama ka diyan... kaya importante pa rin ung alagaan at panatilihin ang kagandahan hehehe

      kahit simple lang basta katulad ka pa rin ng dati...

      Delete
  13. tumpak!! If a guy likes you, he will never look for another.. but if in the first place, he took you for granted, then prepare for the worst.. :D

    Cheers~!

    - Justin -
    The World According To Me

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup! agree din ako diyan... kaya maswerte na ung babae na makahanap ng ganyang lalaki.. ung di siya lolokohin kahit ano pang mangyari...

      Thanks sa pag read and comment...

      Delete
  14. pero seriously tayong mga lalaki ang the worst when it comes sa breaking topic. Ang tagal nyo ng nagsasama pero alam mo sa sarili mo na three weeks pa lang ng pag-sasama ninyo ay ayaw mo na sa kanya.

    pero kung titingnan mo naman ang lipunan, kawawa talaga tayong mga lalake, kasi 50% na nga lang tayong lalake at 50% noon hindi pa lalake. endangered species na tayo ser. sa sobrang dami ng babae masisi ba nila tayo kung mag-mahal tayo ng marami? we are just accomodating. lol pinapatunayan lang natin na kahit konti tayo e kaya pa rin natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup tama ka diyan... minsan mararamdaman mo na talaga na parang ayaw mo na sa isang tao..

      hehehe un din naisip ko... mas marami ang babae ngayon.. kaya minsan ung lalaki may 2 babae hehehe...

      Delete
    2. ang bad mo cyron! haha.. affected ako?

      Delete
    3. Lakas makabobo nung accomodating lang ang mga lalaki sa dumadaming populasyon ng malalanding babae, parang inaquit nyo na sa 10 commandments and mortal sins ang pakikiapid..

      Sisirain ang buhay ng pamilya, ng mga anak para iaccomodate ang imoralidad at tawag ng laman..

      Ang totoong lalake yung matatag sa tukso.
      Daig pa ng baklang aso ang lalaking papatol pa sa iba tapos isisisi pa sa girl ang nangyari dahil di makuntento si lalaki sa isa at gustong tikman lahat lalo na kung kasal kana at may mga anak.

      Delete
  15. Speechless na lang ako kasi na experience ko na before ang worst part ng isang lalaki. Thanks God, He has given me a new man, now my husband who adores me, takes care of me and has only eyes on me. And I could not ask for more. I love him so dearly and I know that it will be us until the end.
    I wish you will find your soul mate too:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... nakakatuwa naman... happy to hear na okay lahat sayo ^^

      Kung ano man un past nalampasan mo na at happy na ngayon ^_^ thanks Ms. Joy ^__^

      Sana nga matagpuan ko na hehehe

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  16. Hahahahaha.. Tama nga lahat.. Hahahaha

    Ewan, sa'kin pinapasa-DIYOS ko nalang.. TANGGAP ko naman kung ano man ang MANGYARI sakin.. Hahahahaha..

    Si GOD na ang bahala sakin.. LoL..

    ReplyDelete
  17. bakit nga ba may mga di makontento at mga pumapatol sa may asawa..sayang tuloy minsan nasisira ang relasyon.

    tapos minsan nagiging 'cool' pa dahil nga nagiging theme kadalasan ang pagkaka roon ng other woman sa movies at kung ano ano pa no?

    anyways, nice post! pasok lahat ng naisip mong reasons :)

    ReplyDelete
  18. Napaisip ako ng malalim dito.. kung bakit naghanap ng iba yun ex ko.. hindi naman ako selosa noon, well eventually naging selosa ako dahil sa mga kalokohan nya, babaero lang siya siguro talaga!

    ReplyDelete
  19. selosa ako pero na sa lugar nman...nagtatanong lng nman ako nagagalit na sya,cyempre may karapatan nman cguro ako mgtanong,naging selosa ako kc ubod cya ng kasinungalingan..hnd lng talga cya kuntinto sa isa babae.mahirap nga talga ibigay ang lahat ng pagmamahal.magtira nman para sa atin sarili...

    ReplyDelete
  20. ako para saakin ok lang naman na mambabae sya e likas na kasi sa lalake yun try mo wag u sya pansinin ipakita u na ok ka lang kesa bungangaan mo sya mas magiging smooth ang relationship nyo dont give up kasi dadating ang araw magsasawa din yan at makokonsensya maiisip nya na sa kabila ng panloloko nya napapagtiisan mo pa din sya kaya nga ako nagppray na lang ako kasi god knows what will hAPPEN next

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobra pagkababaero ng asawa ko hindi lang 20 lima nalng ang active ngaun at ung isa nabuntisan nya.simula nagkapera kami lalo lumala ..kinakausap ko sya hiwalayan na ako pero ayaw nya kht palayasin mupa ayaw parin nya.dikona maintindihan pinapalaya ko namn ayaw ko iwanan

      Delete
    2. Sobra pagkababaero ng asawa ko hindi lang 20 lima nalng ang active ngaun at ung isa nabuntisan nya.simula nagkapera kami lalo lumala ..kinakausap ko sya hiwalayan na ako pero ayaw nya kht palayasin mupa ayaw parin nya.dikona maintindihan pinapalaya ko namn ayaw ko iwanan

      Delete
  21. wala ng lalake ang matino ngayon wag kang gaganti kahit na pa puro panloloko at pambabalewala ang ginagawa nya magsasawa din yan dadating ung araw marerealized nya na kahit anu pang ginawa nya sau still jan ka pa din sa tabi nya doon nya maiisip na napakatanga nya kasi sa kabila ng kamartiran mo nakuha nya pa din na lokohin ka

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo po ba di dapat gumanti?niloko di po ako asawa ko..9yrs kami nagsama.may ia kami anak.at 4yrs old..pinagpalit ako sa pokpok na babae. Di ko po matatanggap 6 months na po kami hiwalay..ngaun mag 1yr na sila..at magkasama na sila sa iisa bubong sakit po saakin late ko na nalaman na may babae sya. Kaya kailan lang kami naghiwalay pinaalis ko sya dito sa bahay namin..akala ko nga po magbabago sya. Nag japan ang babae..tapos bumalik after 3months..ayun bumalik na naman asawa ko sa pangloloko parang minahal nya na po ung babae.kaya po ngaun sakit sakit po sobra. Di ko na po alam gagawin ko wala po ako makausap na iba tao para mag advice po saakin.salamat po

      Delete
  22. ..kahit gaano pa ka babaero si lalaki, at the end of the day, uuwi din yan sa asawa

    ReplyDelete
  23. kaya bago pakasalan kilalanin muna parang prevention is better than cure ba :))

    ReplyDelete
  24. cheating is not a mistake. its a choice

    ReplyDelete
  25. Iyak na lang ako.. bahala na si god...

    ReplyDelete
  26. Iyak na lang ako.. bahala na si god...

    ReplyDelete
  27. Iyak na lang ako.. bahala na si god...

    ReplyDelete
  28. sobrang relate kasi yan ang dahilan kung bakit may karelasyon ako ngaun...ang tanong ko lang kung bakit bago p kami ngkakilala napapanaginipan kona siya s lahat ng ngyari samin ay nangyari n sa panaginip ko...alam ko marami n galit sakin ngaun. peace...!!!

    ReplyDelete
  29. ako naranasan ko na yan yung babaero yung karelasyon ko yung pakiramdam ko lage na lang ako nasusugatan at lumalalim sugat ko sa sobrang sakit.Na kapag may ginagawa parin siya ngayong kasalukuyan hindi mo maiiwasan mabalikan lahat ng mga panloloko niya sayo at magalit lalo. Yung paulit ulit mga ginagawa niya yung ipagmamalaki at ipamukha niya pa sayo mga babae niya.ang masakit pa siya pa galit sayo at makakatikim kapa ng suntok. Hindi biro mga naging karanasan ko 23 palang ako pero lahat ng sakit naranasan ko na hindi ko na alam kung kakayanin ko pa sa mga susunod na mangyayare. Naiisipan ko ng iwanan siya kase hirap kase nagka anak pa kame. Wala naman akong ginawang masama para mangyare lahat sakin to minsan diko maiwasan tanungin ang Diyos bakit ako pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tanong bkt dmo cya maiwan dhl lng ba sa anak o dhl mahal mi cya at handa ka magtiis?kng kaya mong buhayin ang iu anak magisa'go',,,,wagka matakot dhl hindi lang cya ang lalake sa mundo na pwede magmahal sau,,,tandaan mo lng at gwing leksyon kng anuman buhay meron ka ngaun

      Delete
  30. Kung ayaw niya, huwag pilitin. Basta akin lang mga anak ko. *Beast mode
    Hahaha!

    ReplyDelete
  31. Meron lang talagang makakapal ang mukha na babae na gustong manira ng buhay ng may buhay. Yung mga feeling maganda! Ok nga naman pag pinili sya ng lalake e di wow!. Yung mga kabittt tigil na! Ang kati nyo!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha dyan tayo talo girls na khit mahal tayo ng ating mga asawa at may dumating na babaeng makati angxxxx at gusto ipakamot,,ang msaklap lng sa may asawa pa ang gusto,

      Delete
  32. Hala bago bago n pla ako bka d n kmi umabot sa marriage dhil sa sobrang pagkaselosa KO.. Pero tma bng pgmumurahin nya ako ng todo, smantalang mga magulang KO d ako namura ng ganun..

    ReplyDelete
  33. nangyayari ito skin ngaun ..nkkpanghina lang talga ung ganitong sitwasyon ...dmo alam kung susko knba o ipaglalaban mo pa.. :((

    ReplyDelete
  34. Dyosko !napakasakit na lokohin ka ng taong minahal at pinagkatiwalaan mo ! Huhuhuhuhu

    ReplyDelete
  35. OMG relate na relate ako dito.. napapanahon sa pagsasama nmin mag asawa.. OMG!

    ReplyDelete
  36. tama ka jan wala na ako masabi totoo lahat yan pero pano yung tinanggap mo ang lahat sa kanya pero sa ending niloko ka parin nya at ang masaklap nahuli muna ikaw pa ang binalikdad at pinagtangkaan magkanyakanya nalng na walng siyang pakielam kung may mga batang masasaktan ang importante yung gusto nya ang masunod masakit sakin kasi iniisip mo mga anak nyo kaya imbis na makipagtalo tinanggap ko nalng na ako nalng ang may kasalanan kasi tanong ako tungkol sa ginawa nya alang alang sa mga ank namin nagpababa ako pero araw arw pinipikit ko nalng mata ko at nagbubulagbulagan nalng ako kahit alam gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sakit kung wala lang kami ank madali sana magdisisyon pero may batang madadamay kaya ang hirap!😢😢😥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahal mo sya kaya ka nagtitiis,subukan mo iwan cya,,,,kng may mga magulang ka ask their help eag mo panghinayangan ang ganyan klase ng lalake

      Delete
  37. Kung mahal nya tlga aq khit pa sobrang selosa q as super duper tatanggapin nya aq,, dhl i assured cya lang ang mamahalin ko!

    ReplyDelete
  38. Magmahal tayo pero wag natin ibigay lahat.magtira tayo para sting sarili,at magtira tayo ng dignidad

    ReplyDelete
  39. Mga kabaro,, tayong mga tunay at legal wife gawin natin kng ano ang mga kayang gawin ng mga kabit,,,wag tayo magpatalo!!!!!!

    ReplyDelete
  40. naranasan ko na lahat yan! at pinakamatindi nakabuntis pa sya, samantalang kami hindi kami mabiyayaan ng anak, ang sakit lang, kc sex lang naman naging problema namin, pagod kc ako lagi dahil sa work ko, samantalang sya wala sya work, pero di ako nagdedemand, pero mas pinili ko pa din na patawarin sya kc gusto mo maayos yung pagsasama namin, kaso last dec2016 nagkaroon ulit kami ng problema dahil mas madali sa kanya na magsinungaling kesa magsabi sa akin ng totoo, as usual wala padin sya work. pero di pa di. ako nagdedemand sa kanya, kc tuwing may work din sya nambababae sya, at ngayon hindi na sya yung gusto ko, may iba na akong nagugustuhan. ayaw naman nya pumayag na maghiwalay kami..pano ko pa sya pakikisamahan kung hindi na sya yung mahal ko.

    ReplyDelete
  41. Hayyy naranasan ko na ang magkabilang side ng sitwasyon na ito... Niloko din ako ng asawa ko pero di ko yun dinibdib kasi may anak ako na dapat pagtuunan dahil may sakit sya sa puso. Umalis yung mister ko iniwan kami ng anak ko hanggang sa bumigay na ang anak ko at pumanaw sya dahil sa sakit nya. Hiwalay na kami ng 6 na taon. Nagmahal ako ulit ngunit medyo mailap sakin ang kaligayahan yata. Di ako selosa at di rin ako nagger. Nagwowork din ako at sabi nga nila maswerte ang maging asawa ko o partner ko. Pero sa palagay ko naaabuso ung paraan ng pagmamahal ko sa karelasyon ko. Di nagtagal naghiwalay kami kasi di ok ung ugali ng naging bf ko. Minumura nya ako at sinusumbatan sa nakaraan ko. Samantala sya kung iisipin nakakadiri na ang nakaraan nya pero tinanggap ko kc nakilala ko sya ganun na sya eh. So naghiwalay kami. After how many months na nakalipas nakamove on na din ako. May nakilala ako sa isang site pero medyo kumplikado kasi may asawat anak sya. Nung una inaway ko pa kasi unfair kako sa wife nya na naghahanap pa sya ng iba. Sabi nya kaibigan lang daw ang hanap nya. Nakablocked sya sakin at nag deactivate ako at gumawa ng bagong account. Mga 2 days ang nakalipas nakita ko nagsend sya ng interest sakin. So for the 2nd time nagka usap kami. Naisip ko bakit parang sinusundan talaga yata ako nito. Nag usap kami at naging malapit sa isat isa. Nahulog ang loob ko sa kanya kasi nakikita ko na minamahal nya ako. Naging mag on kami at ramdam ko ang pagmamahal na hinahanap ko sa kanya. So i asked him, bakit niloloko u ang asawa mo. Sabi nya parang may kulang sa buhay nya na di nya maintindihan at ramdam nya na para bang may empty na part. 21 yrs old palang sila nagpakasal at now 40 na sila pareho. Kaya maaring noon akala nila ay sila na talaga. Kasi may mga bagay na hawak na natin at inaakala na ito ay atin na pero di pa pala. Kaya palagay ko ganun ung nararamdaman nya sa pagka unawa ko sa mga sinasabi nya sakin. Sabi nya mahal nya naman daw ung mrs nya at lalo na mga bata. Pero ramdam nya sakin ung saya na matagal nya ng hinahanap at naging kuntento na sya. Umuwi sya ng pinas. Nagkita kami sa airport. Nasa arrival ung pamilya nya sa waiting area ako naman nasa departure area. Nung nasa exit na sya nagtext sya na baba na ako sa arrival at nagkita kami. Di un kita sa waiting area. Nga 30 mins kami dun at kita ko sa kanya yung saya. Niyakap nya ako at sabi nya pa masayang masaya sya na nakita na nya ako. So umuwi ako at lumabas na sya sa waiting area. Pumunta sya sa bahay after 2 days at may mga sumunod pa. Tawag at text ang usapan namin. Nakita ng mrs nya ung # ko sa co nya nung minsay ay lasing sya. So tinawagan at tinext ako ng mrs nya at doon ko nalaman na ilang beses na sya niloloko ng bf ko. Sabi ko bakit tinitiis mo. Nagkasakit na daw sya dahil sa ganung gawain ng mr nya. Nararamdaman ko at nakikita ko na takot ung mrs nya na iwanan sila ng bf ko kaya tinitiis nya. Di ko sinadya na mahalin ung bf ko sa totoo lang ay di ko gusto na makasira ng pamilya.

    ReplyDelete
  42. Inamin sakin ng bf ko na wala ng love sa wife nya parang kaibigan nalang at sya ung nanay ng mga bata. Nung nasa barko palang ang bf ko sinabi nya sa wife nya na may gf sya kaya gulat ako. Mga usapan namin minsan sinasabi nya din. Di ko maunawaan nung una. Ang gusto nya pala maging magkaibigan kami ng wife nya at matanggap ako ng pamilya nya. So nakita ko na mahal nya talaga ako. At sabi nya wag ako bibitiw no mater wat kc baka di daw nya kaya kung mawala ako sa kanya. Sinasabihan akong kabit ng wife nya. Masakit masabihan ng ganun pero tanggap ko kung ano ang meron at ano ang bf ko. Mahal ko sya at masaya ako pagkasama sya. Nakikita ko din na masaya talaga sya pag magkasama kami. Ngaun ok padin kami pero di ko maunawaan ung nararamdaman ko. Tumatahip ang dibdib ko at sya agad pumapasok sa isip ko. Sabi ko nga kung iniisip nya ako. Sabi nya palage oo. Tas maliit na bagay nililink sakin ng mrs daw nya. Nag aaway sila dahil sakin. Pero ayaw tlaga ako bitiwan ng bf ko. Pero ayaw din ng bf ko na maghiwalay sila. Mahirap ang sitwasyon. Kaya naiisip ko na di naman yata lahat ng tinatawag na kabit at masama dahil lahat ng bagay ay may dahilan at maaring ikaw ang kinakasangkapan upang matapos ang paghihirap ng isang tao. Di mo masabi kung ano ang mangyayari dahil lahat ng bagay ay temporary at kahit na hawak mo na ay di mo padin masabing pagmamay ari mo ang isang tao dahil nasa kanya ang pag iisip nya at hindi nasa iyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung sa asawa nga nagawa kaya posible din sayo

      Delete
  43. Sana mabasa nyo at masagot mga tanong q kc first time n lokohin aq ng asawa q..unang beses n pumatol cia s isang pokpok..tinanong q nmn cia kun bkit gnun gnwa nya kun may kulang b kun ayaw n nya skin or kun npapangitan n cia skin..pero sv nmn nya wla skin prob kundi cia..nngako nmn cia n d n uulitin at mgbabago n cia..hnd n cia iinom ng marami at hnd nrin mgiinom s iba lugar..mhirap pero tinanggap q pghingi nya ng tawad..tinanggap q n cia pero ung gnawa nya hnd q prin mtnggp kaya ndting s punto n nauulit q prin at nsusumbat q sknya gnwa nyang pgkakamali..msakit tlga gnwa nya feeling q may kulang skin n dqo mabigay sknya..lalo n ngaun ngbgo tlga lahat d nqo gnun ka activ s usaping sex ngbgo n pgdting s gnun..pti pg nkkpnood aq ng mga pokpok s tv nnliliit nqo at ngagalit kc naiisip q mga gnwa nya..i need an advice at gusto q malaman kun bkit at ano need q gwin para bumalik kmi s dati..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi.. alam mo parehas tayo ng sitwasyon sa palagay ko nga paulit ulit akong niloloko ng asawa ko pero wla nman akong ebidensya ang hirap.. kapag uuwi sya ng bahay laging late umaga na halos umuwi ang daming paliwanag minsan dko na pinapansin kc hindi hindi nman ako nagger.. i was 19 when we got married and he is was 28 buntis na kc ako kya nagpakasal kami pero that time ayoko pa talaga magpakasal sabi ko saka nlang pag malaki na c baby para mag flower girl saka that time di pa kami prepare kc wla pa ipon nasa college pa lang ako sya naman nagwowork as sales consultant. Ramdam ko nman na mahal nya ako at very excited sya sa magiging baby namin alagang alaga nya ako nag stop ako sa pag aaral pra maalagaan ko c baby palagi sya my mga fruits at kahit anong ipabili ko o kahit dko ipabili binibili nya sobrang excited sya magka pamilya.. sobrang saya ko kc napaka swerte ko kc napaka responsible nya sya lahat ang inaasahan sa side nya nasa kanilang pangangalaga kc ung dalawang pamangkin nya on and off din kc relastionship ng kaisaisang sister nya sa asawa nyang pulis na babaero rin while his sister is too busy rin sa work nya and also for dating different foreign man.. galit sya sa sister at bayaw nya kc nga nman pinapabayaan ang mga bata sustento wla rin. kya isa lang nasa isip ko napaka swerte ko tlaga kc sobrang reponsable at mapagmahal sa pamilya ang asawa ko at galit din sya sa tatay nya kc napabayaan sila dahil nangaliwa rin hindi nya raw ipararanas sa magiging anak namin lahat ng hirap na naranasan nila dahil sa pambabae ng tatay nya.. buntis pa lang ako hating gabi sya umuuwi take note wla ng client non at wla narin opisina nagdududa pero kpag nag explain sya be it naniniwala nman ako.. nanganak ako sobrang alaga nya kami ng anak ko sya pa naglalaba lalo na full breasfeed ako ayaw nya bka malamigan daw ako masisipsip daw ni baby yun saka bka mabinat ako kya napaka thankful ko kay God. Pero my mga time tlaga na di maiwasang late sya umuuwi as usual nag eexplain sya bakit late sya nakauwi.. one time kumuha ako ng barya sa pants nya my nakuha akong sym tinago ko kc kinutuban ako mukhang naalala nya na my secret sa bulsa ng pants nya dali dali sya nakipag agawan sakin pero mabilis ako naitago ko na kya nung wla sya inopen ko ung sym ayun huli malanding babae kapangalan ko pa j nagpapaload pa ang kapal gusto ko sya sapakin murahin pero hindi ako makapagsalita nanahimik nlang iyak ng iyak.. as usual todo explain hindi daw kanya un sa friend nya ayus diba?.. malaki na si baby nasa kindergarten na

      Delete
    2. Niloko din po ako ng asawa ko 6months na nya kami iniwan ng anak namin isa..hirap po mag move on.pinabayaan ko na lang sya.kahit gusto ko gumanti ang hirap nila gantihan.isip ko para san pa po ba pag sinaktan ko sila at ipakukong dahil kasal kami..oag nasa sitwasyon ka ang hirap po talaga .gabi gabi di ako makatulog iniisip ko magkatabi sila magjayakap at ano pa ginagawa.feeling ko enjoy na enoy asawa ko sa piling ng kabit nya pokpok.pinagpalit nya kami sa magulo sitwasyon nila..tapos kami maayos iniwan nya ano po ba dapat gawin ko i need badly advice.para na po kasi ako mababliw kahit magdasal po ako ng magdasal sobra sakit

      Delete
  44. Hi po s inyong lahat nagloko din aswa ko. Naghiwlay dn kmi. Pero bumalik dn cy skin. Kc pinagdasal ko cy. I faith in GOD.

    ReplyDelete
  45. Nakakarelate ako dyn. Aswa ko mhina s tukso kc nsa ibang banSa

    ReplyDelete
  46. Pinagdsal ko cya dati tpos bumalik cya kc alam ko n nagsisisi nman cya s ginawa nya. Nagsma kmi binigyan p nga kmi ng isa png anak at nag abroad cy. Nagyon nambabae n nmn cya.khit gusto mo ipglaban cy. Ikaw nmm ang itinataboy ny palayo.mahal ko sarili ko. Kya hnd n masyado mskit. Nkakapagod n din kc. Kung ikaw lng plgi ang nagmamahal.

    ReplyDelete
  47. Ako tanggap ko na'na nambababae asawa ko,.selosa ako pero diko pinapahalata sa kanya,..kc iniisip ko nalang na as long na ako ang patuloy nyang pinapakisamahan even though na wala kaming anak..at never syang nagkulang sa mga pangangailangan ko..satisfied nako..kc for me,.given na yun! "Na ang mga lalaki..titikim at titikim yan ng ibang putahe lalo na at babae na ang lumalapit"..Tska,.i believe na mahal na mahal ako ng asawa ko kc two times na din gusto ko makipag-hiwalay sa kanya pero hindi nya ako hiniwalayan,may pagkakataon na lumayas ako ng ilang araw pero nagmamakaawa sya sakin na balikan sya..(Nag-away kmi kc dine-lay nya ang pagbigay ng pera sakin kaya na-delay din ang padala ko ng pera sa family ko..bakit ako nagalit?! Eh kc nga,.pinag-resigned nya ako sa trabaho ko which is ako ang breadwinner samin..pero ginalang ko ang disisyon nya kc gusto nya na sa bahay nalang ako para asikasuhin sya pagkagaling nya from his work..so natural lang na magalit ako diba kc pangako nya sakin na sya na bahala ang magsuporta sa family ko magresign lng ako sa trabaho ko! (I was restaurant assist.mngr here in dubai..☺) how ever..nachachallenge kc sila kapag hindi mo pinapakitang apektado ka't selosa...base sa paniniwala ko't pakiramdam! Basta ako,.hindi ako nagkukulang bilang asawa nya...at isa sa pinakagusto nya sakin ay yun pakikisama ko sa pamilya nya specially sa mom nya..

    ReplyDelete
  48. Hello po sa inyong lahat !!gusto ko lang po humingi ng mga advices niyo ..Ito po yong storya ko: Nov.16 ng tanghali binuksan ko yong messenger ko ,bglang may pumasok na chat galing sa ibang account na di ko friend ,tapos yong pagkatxt nya parehong pareho sa kung paano magtx ang asawa ko (pero di pa kami kasal,6yrs.na kaming mgksama 16yrs.old pa ako nun,nabuntis niya ako kaya nagsama kami)yong tawagan kc namin "mang/pang",tapos yong pumasok na chat sakin tinawag akong "mang?"na kaparehong kapareho sa pagtxt ng asawa ko .tinanong ko sia kung kaninong account un .sabi nia hindi nia alam kung kanino un ,pero ako malakas na kutob ko ,ung di ako mapakali kc bakit halos lahat ng friend nung account na un e taga dito lang sa amin ,chinat ko yong acc.na un ,nagrereply sia panay sabi sakin pacensia dw kc narongsent lang sia ,akala nia mama sa mama nia dw ung chinachat nia .di ako naniwala .tinawagan ko sia vinideo call .di sumasagot .pinapatay nia lang ,hangang sa cnabi nia na nagseselos na dw asawa nia kung sino kachat ,kinulit ko pa din ng kinulit .hangang sa babae na nagrereply sakin nagpangap din na asawa dw sia ng may ari nung acc.naun .tinawagan ko sia .ng usap kami ng babae sa videocall .di ako mapakali .hangang sa nakita ko ung friend nia dun na may profile pic sila dalawa ng asawa ko na hinalikan sia sa pisngi ng asawa ko .tapos ung mukha ng asawa ko nilgyan lang ng emoji para di makita ..pero yung labi nia nung nakita ko yon lakas ng kabog ng puso ko dahil nakikilala ko kung sino ung lalaking un .un ung asawa ko ..tapos un nalaman ko na matagal na pala may ibang karelasyon asawa ko sa manila .dun kc sia nagtatrabho habang ako andto lang sa probinsiya ..todo iyak ako nung gabing un .ang sakit sakit .pero nagsosori sia sakin .ako pa din naman pinili nia .pero masakit pa din sakin kc sia ung taong halos binigay ko lahat ng atensyon ko at pagmamahal sa kanya .pero niloko nia lang ako ..sobrang sakit hangang ngaun kahit lagi kaming ngttxt andun padin ung sakit,sa december pa po uwi nia ..gusto ko lang po itanong kung tama paba na tangapin ko siya o mali na ?di lang din naman kc isang beses nyang ginawa to sakin .madaming beses na .pinapalagpas ko lang lahat .di ko alam kung bakit sobra akong tanga sa pagmamahal .di ko alam kung paano ako magddcsyon para sa sarili ko ..sana po matulungan nio ako sa pamamagitan ng advice nio ..salamat po !

    ReplyDelete
  49. Nangyare na sakin to.. masakit pero kailangan tanggapin.. kailangan magpatawad lalong lalo na pag may mga anak na kayo.. di talaga maiwasan sa lalake ang mangaliwa lalo na pag bata pa kayo nagsama.. kahit ibigay mo lahat lahat gagawa at gagawa talaga yan ng kagagohan.. at totoo rin na may babae talaga na kahit alam na may asawa at anak ee papatulan parin.. un ang mga babaeng di Mahal ng pamilya nila dahil naninira sila ng pamilya.. ipagdasal nalang natin sila at may karapat dapat na parusa sa kanila (Karma).. hahahha ilaan nalang natin sa mga anak natin ang oras natin mga momsh..

    ReplyDelete
  50. Sa ngayon naranasan ko sa asawa ko yan. Ang sabi nya dahil lagj nlng daw kami nag aaway kaya nagawa nyang kumandong sa babae. Lalo na magkalayo kami kasi ofw sya. Pero sa palagay ko sya may kasalanan nasaknya yun kung bkit nagpatukso sya nung una akala koaghihiwalay kmi pero until now kami pa din pinatawad ko sya dhil naghingi sya ng 2nd chance sana sa 2nd chance na yun wala na tlga. Pero ako 4mons palang kasi ang lumipas parang sakit talaga isipin na nagawa nya ako pinagpalit

    ReplyDelete