xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Hango sa Papa Love: Sincere Ba Si Gwapito?

Popular Post of the Week

Hango sa Papa Love: Sincere Ba Si Gwapito?

Paano ba malalaman kung sincere ang manliligaw mo? Paano ka nakakasiguro na matino ang lalaking nagpapa-cute sa'yo? Ito ang ilan sa mga nalalaman ko. Ewan ko lang kung agree ka! Ito basahin mo na lang ang pinagsasabi ng malikot kong isipan. 

Kilalanin mo ang mga EX GF niya? Sinu-sino ba? May common denominator ba? Kung sa tingin mo eh pareho pareho lang ang reason ng break-up, pareho pareho ang mga pick up lines na binibigay niya sa mga nililigawan niya eh huwag ka nang magulat kung isang araw ay matulad ka sa mga EX niya – iniwan o lolokohin ka rin niya!
Syempre, ipagtatanggol ko din si Adan: Malay mo ikaw na ang LAST, kung lahat ng EX GF niya ay niloko niya baka naman ikaw lang ang magpabago sa kanya. At sa lahat, naging sincere na siya sa’yo.
Hay! Wish mo lang!
Sincere siya sa’yo kung hindi siya nagmamadali na makuha ang FLAG mo. Kung LOVE ka niya eh willing siya maghintay kung kailan ka handang isurender ang BANDERA mo.
Ang problema kung wala na si BANDERA!
Di ka niya binobola kung handa siyang ipakilala ka sa parents niya o sa mga taong malapit sa kanya. Hindi rin siya natatakot na kilalanin niya ang mga taong malalapit sa’yo.
Sabi nga nila, special ang isang babae kung naipakilala na siya sa nanay ng lalaki.
Kahit IMPAKTA ka sa paningin ng mother niya eh ANGEL ka naman sa paningin niya.
Sincere si adan kung tinutupad niya ang mga promises niya. Ilang beses ka na bang umaasa na darating siya? Eh, isang taon na yata kayo pero di pa rin kayo nagkikita.
HOMAYGULAY!
Okay lang sana kung nasa ibang planeta siya eh hindi naman. Sabi nga kung gusto maraming paraan, at kapag ayaw maraming dahilan.
Muli ko na namang ipagtatanggol si Adan: Kung busy siya nasa iyo na ang pag-unawa. Isipin mo na hindi lang sa’yo umiikot ang mundo niya. Meron din siyang pamilya na kailangang puntahan o baka naman masyadong malayo kaya di siya makapunta.
Madalas ba ang phone calls n’yo?
Nagkita na ba kayo kahit sa CAM lang?
Sincere si adan kung di siya nawawalan ng oras sa’yo – kahit sa online lang di ka niya binabalewala. Sa paggising hanggang sa pagtulog eh updated kayo sa bawat isa.
Pero kung madalang lang – matakot ka kasi di lang ikaw ang kausap niya. Nahihirapan siyang hatiin ang oras niya sa mga babae niya.
Gets mo?
Sincere siya sa’yo kung after nang mahabang ligawan sa facebook eh liligawan ka rin niya sa bahay ninyo. Maliban na lamang kung disyerto ang pagitan ninyo ^_^
Paano mo ba malalaman kung SINCERE si manliligaw?
Teka! Di ka naman manghuhula para hulaan mo hehehe! Tandaan, hindi mo pwedeng hulaan ang bawat kinikilos ng isang tao. Pwedeng ipinapakita niya ang SIGNS ng pagiging SINCERE pero ang lahat pala ng pinakita niya ay HUWAD lamang.

Isa yang babala! Mag-iingat ka!
Ang masasabi ko lang eh kilalanin mo muna ang isang tao. Huwag kang magmadaling mag ka BF – dahil minsan kung alam nilang desperada kang magka GF eh sasamantalahin nila ang pagkakataon.
Liligawan ka kahit di ka pa love – para gawing trophy o gawing KOLEKSYON.
Hays!
Teka! Lalaki pala ako kaya dapat huwag kong aapihin si adan – kahit marami ang hindi sincere eh marami pa rin ang tapat magmahal.
Sila yung nasa gawa at hindi sa salita. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal hindi sinasabi kundi pinaparamdam. Wala yan sa dami ng bulaklak o chokolateng ibibigay. Masusukat yan sa dami ng TOTOO sa kanya.
Kaya lang, ang problema kahit alam mong hindi siya SINCERE eh okay lang sa’yo. Mahal mo eh! Kahit cactus siya handa mo siyang yakapin – kahit masaktan ka pa.

WAGAS!

Isa kang ulirang babae na dapat bigyan ng isang GWAPITO hehehe!

Posted and Created by Jondmur

12 comments:

  1. Wagas ang linya mo - kahit cactus sya handa mo syang yakapin - kahit masaktan ka pa. Ouch!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe pag nagmahal nagagawa yan... un bang kahit alam mong masasaktan ka... mamahalin mo pa rin siya hehehe

      Thanks Gracie ^_^

      Delete
  2. "Sila yung nasa gawa at hindi sa salita. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal hindi sinasabi kundi pinaparamdam. Wala yan sa dami ng bulaklak o chokolateng ibibigay."

    ... palusot eto ng mga kuripot na manliligaw :P lol peace!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup tama... kailangan pinaparamdam ang pagmamahal... hindi sa salita lamang....

      Hahaha! kuripot style ba yan hehehe

      Delete
  3. minsan mahirap makilatis ang mga yan. minsan kailangan mong sumugal bago mo malaman..at minsan huli na. pero okay lang, resbakan mo na lang ng makaganti! haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. resbak ba agad hehehe.. sabagay may point ka... hehehe thanks Zai ^_^

      Delete
  4. True talaga ung points mo above....dapat kilatisin ung manliligaw...pero at times kahit di naman talaga pumapasa ay may x factor!...hahaha

    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe sabagay... basta may x factor pwede na hehehe ^_^

      Delete
  5. Tama! Ang hirap talaga malaman.. mabilis pa naman ako magtiwala.. kaya pag may nanligaw saken, ipapakilatis ko muna sayo, haha!

    Hay naku, mga lalaki.. mga manloloko! Isang malaking Chos lang! :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap bang kilatisin hehehe... sabagay lalo na kung expert na.....

      Thanks Jo ^^ Keep smilling ^_^

      Delete
  6. haha naku ewan k ba peo ako sa side ko bilang lalaki hirap na manligaw naun haha wang tiwala at magastos haha buti my gf na ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galing mo naman magpayo. KUng may kapatid ka na girl, alaga mo siguro sa pangaral:)
      HOpe you find the best girl in town....or maybe meron na siguro...di mo lang sinasabi. Ahem!

      Delete

Comments