xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Nagbago na ba si BF?

Popular Post of the Week

Nagbago na ba si BF?

Minsan mararamdaman mo na nawawalan na ng gana sa’yo ang isang tao. Yung feeling na nagbago na siya; minsan na lang magparamdam, nawawala ang mga surprises, at madalas naghahanap siya nang dahilan para mag-away kayo.
Sumusuko ka na ba? Nag-eemote ka kasi nagbago na siya sa’yo? Bakit di mo muna tanungin ang sarili mo?

Kulang ba ang atensyon na ibinibigay mo sa kanya? Puro ka expectation sa kanya kaya sarili mo na lang ang iniisip mo? Kapag di siya nag-text ng isang araw gagantihan mo rin hanggang sa tumaas ang pride ninyong dalawa?


Kung ‘OO’ ang sagot mo, dapat gumawa ka rin ng paraan para bumalik ang pagmamahal niya sa’yo o bumalik yung dating closeness n’yo. Baka naman masyado kang selosa? Naghihinala ka kahit wala siyang ginagawang masama. Ang hilig hilig mong mamimtang ng isang bagay na wala ka namang katibayan kaya si BF unti unting lumalayo ang loob sa’yo.

Hindi ka niya nanay para diktahan mo siya sa lahat ng bagay. Lahat may limitation – ilagay mo sa lugar ang pagseselos mo.

Nilalalamig siya sa’yo kasi kulang din naman ang sweetness na ipinapakita mo sa kanya. Pagod siya sa trabaho pero imbes na lambingin mo siya pagagalitan mo pa. Putak ka nang putak kasi iisang message lang ang natanggap mo.

Minsan may mga lalaki na mabilis mapagod kapag lagi silang pinaghihinalaan lalo na kung wala silang ginagawang masama. Tandaan, may pagkakataon talaga na busy ang isang tao lalo na kung OFW siya. Isipin mo na hindi tulad mo na nasa bahay lamang at maghapon nasa facebook.

Kung sa tingin mo na ikaw ang problema kung bakit nilalamig sa’yo ang BF mo eh magbago ka na. Ipakita mo sa kanya ang suporta mo. Huwag mo siyang i-pressure o huwag ka ring sumabay sa mga personal niyang problema.

May problema na nga ang tao dinadagdagan mo pa. Inaaway mo kasi siya sa walang dahilan. Puro ka drama at ikaw na mismo ang gumagawa ng issue. Nag-eemote ka lang kasi di niya na like ang post mo sa facebook mo.

Wapak!

Okay! Paano kung naibigay mo na ang lahat pero kulang pa rin? Ung feeling na naibigay mo na ang lahat pero siya na mismo ang nagkukulang sa’yo.

Ano ang gagawin mo?

Ang kape kapag lumamig na madalas itinatapon. BF pa kaya? Hahahaha! Sabagay, mahirap gawin kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Lalo na kung siya ang nagpupuno ng kalungkutan mo. Minsan naman kailangan mo siya kaya nasasabi mong mahal mo siya.

Masakit lalo na kung nasanay ka na nandiyan siya pero biglang nagbago ang lahat kasi lumamig na siya sa’yo. Tanungin mo siya kung may problema sa relasyon n’yo. Dapat mong malaman mula sa bibig niya ang STATUS ng relasyon ninyo.

Mahal ka niya?

Kung mahal ka niya ipapaliwanag niya sa’yo ang dahilan – mauunawaan mo naman siya kung mahal mo siya.

Ito rin ang tatandaan mo, ihanda mo rin ang sarili mo sa negative feedback na maririnig mo mula sa kanya. Kung sabihin niya na hindi ka na niya mahal eh umiyak ka pero huwag mong ipakita na kawalan siya sa buhay mo.

Hindi mo pwedeng ipilit ang sarili mo sa isang tao na hindi ka na mahal. Mas lalo ka lang masasaktan kung magtatagal pa ang relasyon ninyo.

Kung walang third party – bigyan mo siya nang pagkakataon na itama ang pagkakamali niya. Sabihin mo sa kanya ang lahat ng bagay na hindi mo nagustuhan para maitama niya ang pagkukulang niya. Minsan kasi nagagawa niya ang isang bagay na mali para sa’yo pero tama o okay lang sa paniniwala niya.

Tandaan, mag-usap kayo nang mahinahon at huwag kang mag-oopen ng topic na tila sinaniban ng demonyo. Relax ka lang at dapat naka-smile hehehe!

Huwag ka ring eeksena kung alam mong may family problem siya – huwag dagdagan ang bigat na nararamdaman niya.

Paano kung mapatunayan mo o inamin niya na may iba na siyang mahal? Huwag mo nang ipilit ang sarili mo. Ang mahalaga nasagot na ang mga katanungang gumugulo sa isip mo - nagbago siya kasi may bago na siyang libangan.

Sapul!

Posted and created by Jondmur
Image: Search in Google

33 comments:

  1. Paano nga kaya kung may 3rd party? Ouch!

    Parang mahihirapan akong sundin ang payo mo sir kung ako ang nasasitwasyon. (Batukan mo ko. lol) Paano kung mahal na mahal mo. Minsan kasi nangingibabaw ang puso sa isip. At kapag nauna ang puso... lason na si isip. Yung magpapakatanga ka nalang kahit alam mo na may ibang laman na ang puso nya. Wag lang syang mawala sayo. (batukan mo ako ulit. yung malakas na. lol). Yung tipong pipigilin mo ang ulan, susungkitin ang mga bituin. (dyuk! haha) Naniniwala ako na minsan talaga ay alam naman na natin kung ano ang dapat gawin, Pero magpapakatanga nalang tayo wag lang ngumanga pagwala na kayo.

    Booom! Iyun oh!

    Pero ang galing mong magpayo sir. Praktikal at dapat iyan naman talaga ang gawin.

    Btw ako pala ang top commentator mo. haha. Napaghahalatang fan mo ko. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe may point ka diyan... minsan pag mahal mo ung tao gagawin mo lahat wag mawala hehehe

      Uo nga eh ikaw ang top commentators ko hehehe kaya salamat hehehe

      Delete
    2. Ako na lang babatok sayo Arvin, bet? haha..

      Delete
    3. Ganun po ang sitwasyon ko,pareho kaming OFW,nasa jordan ako,sa Qatar nman sya,alam ko mahirap trabaho nya at nakakapagod,pero minsan talaga may napasok sa isip ko na nagbago na sya kasi di na tulad nang dati na lage nya ako na rereplayan,ngayon ang tagal bago mka pag reply...pero araw araw ko pina paalala sa kanya na mahal na mahal ko sya..

      Delete
    4. Ganun po ang sitwasyon ko,pareho kaming OFW,nasa jordan ako,sa Qatar nman sya,alam ko mahirap trabaho nya at nakakapagod,pero minsan talaga may napasok sa isip ko na nagbago na sya kasi di na tulad nang dati na lage nya ako na rereplayan,ngayon ang tagal bago mka pag reply...pero araw araw ko pina paalala sa kanya na mahal na mahal ko sya..

      Delete
  2. awch :C
    ansakit naman...

    mejo relate ako dito sa post na ito, pero hinhayaan ko nalang.. hininintay nalang kung ano nararapat sa tamang panahon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Jessica ^_^ sana maging okay ang lahat... kung ano man yan ....

      Delete
  3. Wow daming pangaral na mapupulot dito! Pero super saklap talaga pag may iba ng mahal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Anney ^^ yup saklap talaga....

      Delete
  4. Minsan hirap umibig no? Buti na lang ako natagpuan ko ang soul mate ko and we may live happily ever after:) I wish your every reader and you too a relationship with love and understanding and no third party.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello po ^_^ uo nga po buti pa kayo nakatagpo na ng tunay na soulmate.. at in relationship with God...

      Delete
  5. haha para sakin ata ang post na to ha sapul ee haha
    anyways sweet naman akong bf ung tipong kumokorny na touchy ako at vocal sa nararamdaman ko at lahat ng ginagawa ko kung hindi dahil sa kanya ee in cosideration mga masasabi at mararamdaman nya parang ang systema ayy sa kanya umiikot ung lahat sakin
    kahit na nuon pa man di na sya appreciative sa laht ng ginagawa ko to the point na feeling ko worthless na,
    sa pag kukulang naman ewan ko ba kasi un nga lahat naman ginagawa ko para punan
    nandu na ung parang wala na kong sariling buhay kasi kahit anung gawin ko parna hirap sya magtiwala madame na ko nilayuan hindi na ko ngaloload para lang wala siyang masabi haha
    di ko na alam parang nalalamig ako want ko maramdaman ulit kung panu kami nagsimula peo parang nakalimutan na nya un
    halata bang naka relate ako haba ng comment ko haha pang mmk

    ReplyDelete
  6. depende to sa magjowa. well normal naman talaga ang magbabago ang partner. either magiging complacent na kayo sa isat isa, or nagfafallout. well most of the time, nagiging in-sync ang emotions niyo na? which makes the relationship mature.

    depende talaga sa tao promise. haha.

    ReplyDelete
  7. Tama ka 'wag ng ipilit ang sarili when the relationship is no longer worth fighting for...mahirap huminga pag nakikipagsiksikan pa...3 is a crowd ika nga :)

    ReplyDelete
  8. Sir, dapat nag-aaply ka for Dr. Love sa radio station :)) Pero tama, huwag nang ipilit kung hindi na pwede. At ang relasyon ay talagang para sa daalwang tao lamang, walang pangatlo. Para magwork na husto, silang dalawa din ang dapat gumawa ng paraan. Hindi lamang yung isa, at hindi rin kukulang o susobra. :))

    ReplyDelete
  9. Dear Dr. Love...

    He he galing talaga ng mga posts dito daming nakaka relate ha ha ha

    BastA sakin pag may 3rd party tapos usapan! Sila na lang gusto nila hanap pa sila ng 4th, 5th etc. Pero out ako

    Buti na lang pareho na kami ni joy :)

    ReplyDelete
  10. Pag may third party?? Saktan sila pareho.. pisikalan dapat! Agad agad! Chos! Ay sorry, nadala ako, wahaha! Anyways, sana mahanap ko din ang true love tulad nina Mommy Joy at Balut..

    Bakit pang-top 3 lang ako? Gusto ko mag-number 1..

    ReplyDelete
  11. i like my coffee when it's cold, itatapon mo ba kung galing sa starbucks ang kape mo?! whahaha!

    dami kong ouch sa post mo, selosa ako big time! pero isang ngiti lang ala lusaw na ako...

    pero totoo nga naman, huwag ipagsiksikan ang sarili lalo na't ramdam mong di na ganun ang pag-ibig ng taong mahal mo.

    Kanta nalang tayo ng song ni Yeng - Di na Ganun ang title.

    wala lang, yung ang tumutogtog sa tenga ko habang binabasa tong post mo.

    ReplyDelete
  12. love bah topic dito? hehehe. pointers talaga mga sinabi mo jonDmur. sakin okay lang malamig na kape basta kape pa rin sya ;-) totoo yan. so long as gusto ko pa rin sya kahit nasasaktan na,aja! total sasabihin naman nya yan kung suko na sya. tapos kung meron na talaga syang ipapalit sakin, pagandahan nalang ang peg.hahaha joke! ed di move on. hmmp.

    ReplyDelete
  13. Pwede namang painitin uli ang kape... i microwave! Ginagawa ko yan sa Starbucks at Bo's coffee pag nalibang ako sa kakainternet at lumamig na ang kape ko. I ask the crew na painitin uli ang malamig na kape. Ang hindi ko lang alam, kung pano painitin ang pag-ibig na nanlamig!

    ReplyDelete
  14. Aysus ang sakit siguro nun, yung nanlalamig na ang taong dati'y di magkamayaw sa pagpapapansin sayo. Mabuti naang kahit 12 years na kmi ng asawa ko, dipa nagsasawa sa pagmumukha ko, kaya? Hehehehe.
    Nways, thank youmfor visiting my humble blog, and leaving ur reaction.

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. Pano po kung binigay ko na talaga ang lahat ng pagmamahal ko tapos tingin ko nagbago na talaga sya:( nawala na yung dating sya tapos wala na yung sweetness nya.Ako pa lagi ang sinisisi nya sa lahat ng bagay:(

    ReplyDelete
  17. Pano po kung binigay ko na talaga ang lahat ng pagmamahal ko tapos tingin ko nagbago na talaga sya:( nawala na yung dating sya tapos wala na yung sweetness nya.Ako pa lagi ang sinisisi nya sa lahat ng bagay:(

    ReplyDelete
  18. Minsan kasi Gumagawa nalang sila ng paraan para ikaw na mismo ang Sumuko. At ikaw na mismo ang Makahalata. Wag na nating saktan sarli natin sa mga taong wala namang pakialam sa Nararandaman natin. Oo andyang yung Pagmamahal pero hindi Mag wowork out ang Isang Relasyon kung isa lang ang Lumalaban. :(

    ReplyDelete
  19. Tinamaan ako dito

    ReplyDelete
  20. outch,,parang ganyan nangyayari sakin ngayon ah,,

    ReplyDelete
  21. :( pano yung pag babago kung gagawin kung sakin yung may problema girl po ako . alam at ramdam ko naman po na mahal niya ako pero hindi na katulad ng dati . selosa po ako inaamin ko :(

    ReplyDelete
  22. Ano po ba ibig sabihin ng confused at di niya alam bakit nagbago sya? Ty

    ReplyDelete

Comments