xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": The Other Woman: The Mistress

Popular Post of the Week

The Other Woman: The Mistress

Kapag narinig natin ang salitang KERIDA, isa lang ang pumapasok sa ating isipan. Kontrabida o masamang babae. Naniniwala ako na hindi porke't kerida ka eh masama ka na. Depende kasi sa situation 'yan. Oo, given na doon na umeeksena ka sa dalawang taong nakatali na pero minsan hindi mo rin masisisi kung sa umpisa pa lang eh nabiktima ka na.

Paano kung hindi niya alam na may asawa na pala ang BF niya?

Minsan di mo inaasahan na may bahid pala ng kasinungalingan ang isang relasyon. Masakit para sa isang babae ang matuklasang may asawa na pala ang lalaking inakala niyang Mr. Dream Boy niya.
Oo, mas masakit din sa tunay na asawa pero naniniwala ako na may pagkakataon na hindi lang asawa ang biktima. May ilang babae din na nagiging biktima kahit sila ay other woman pa - sila ang mga babaeng naniwala sa isang paglilinlang.

Akala kasi nila malaya pa ang taong minahal nila.

Oo, kontrabida na! Pero di yun kasalanan kasi di mo naman ginusto eh. Nabiktima ka rin ng isang maling paniniwala. Nagiging masama ka lang kung itutuloy mo pa ang isang bagay na alam mong mali na.

Hindi masama ang maging other woman kung hindi mo alam o hindi mo sinasadya. Nagiging masama lang kung ginusto mo o nasa plano mo ang lahat.

Hays!

Depende kasi 'yan sa sitwasyon. Depende kung ano ang ugat. Bago mo husgahan ang isang tao sa pagiging other woman niya eh alamin mo muna ang ugat.

Baka kasi biktima din siya. Isang babaeng naging biktima ni adan.

Get's mo!

Kaya sa mga babae, bago kayo pumasok sa isang relasyon eh kilalanin nyo muna ang lalaki. Hindi porke't gwapo eh  Mr. Dream Boy na siya.

Alamin mo muna kung malaya pa siya - para di ka magulat na isang araw eh other woman ka lang pala.
At sa mga lalaki naman dapat isa lang hindi pwede ang dalawa. Pero masisisi mo ba ang sarili mong maghanap ng iba kung may pagkukulang si misis?

Yan ang problema.

Kaya mga misis dapat ibigay ang lahat ng pagmamahal at suporta kay mister para hindi na ito maghanap ng other woman - may naisulat na pala ako na ganito ang topic - http://jondmur.blogspot.com/2012/10/bakit-naghanap-ng-other-woman-si-mister.html

Bakit nga ba ganito ang topic ko ngayon?

Kakapanood ko lang kasi ng The Mistress - malayo itong pinagsasabi ko sa story ng movie.... naisip ko lang ang mga other woman.

Sabi nga ng iba. "Walang brief na mahigpit sa babaeng malandi."

Ah basta! Ako naman naniniwala na kapag tag-ulan matigas ang ulo ng pagong. At sa gabi naman bumubuka ang kabibe.

Pero pansin n'yo ba sa mga kabitan movies o sa totoong buhay eh madalas dalawa ang babae? Pwede kaya na ung isang binata naman ang pumatol sa may asawa na? Dalawang lalaki at isang babae lamang - may ganito kayang pangyayari?

Para sa akin mas masakit ung sa part ng husband. Ung feeling na ang bait bait mo pero nagloko si misis. Sana magkaroon ng ganyang movie.

At si Coco Martin ang bida! Hahaha!

May tsismis ako - may kilala akong kabit na iilan lang nakaka-alam na kabit siya. Nagpost siya sa FB WALL niya -- Nanonood daw siya ng THE MISTRESS

Sa isip ko lang -- ano naka relate?

Hahaha!

Hanggang dito na lang! Salamat!

Posted and originally written by jondmur
Image from Google Search

72 comments:

  1. sino naman kaya yung chinichismis mo? hahaha. kw talaga jondmur. pero lam mo yung ex bf ko, hmmm yung hmm ka relasyon nya after me is hmm me asawa. pero ewan ko ano nangyari at naging ganon yung standards nya. me dalawang anak pa. kaya YES me ganong sitwasyon in reality na lalaki naman ang kabit. di lang babae ang nagpapaloko ;-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe! uo nga talagang dami ng tukso ngayon....

      ako kasi di ko pa na try hahaha meganun...

      Thanks Phioxee ^^ keep smlling!

      Delete
    2. Ms. Phioxee, "Kung magkakasala ka rin lang sakin nalang" dyuk!

      Delete
    3. May ganung banat? hehehehe tuwang tuwa naman ako hehehe

      Delete
  2. Naalala ko ang isang pamilya na nasira dahil sa mga kerida na ganyan..nakita ko kung paano gumuho ang mundo nila... naramdaman ko ang sakit para sa ina at mga bata. Oo minsan walang alam ang mistress, pero nararapat lang na maging matalino siya. Mag-isip isip muna...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup masakit din sa side ng mga bata.... ang tukso talaga....

      mahirap nga pag ganyang sitwasyon...

      Delete
    2. ang concern ko sa mga ganyan eh mga anak kasi lalaki silang may galit sa mundo at may effect talaga yan sa kanila. hindi naman biktima ang lalaki o babae o asawa sa mga ganyang situation, ang biktima yong mga bata! sila talaga! natawa ako kasi sumeryoso! lol

      Delete
    3. hehehe nanibago naman ako... serious again ang comment hehehe


      pero may point ka... mas naaapektuhan ang mga bata...

      Delete
  3. madami pa akong sasabihin pero aalis muna ako para mag-gems! hahahaha ito na maging betty boops! lol siguradohin ko rin ang papalicious sa gem walang sabit kapag kakabit na lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! oo nga kaya ingat sa gym hehehe dapat i sure muna na single ang papalicious mo hehehe

      Delete
    2. ay hindi ko type ang ober muscle na papalicious mas gusto ko ang chubby kaysa yong may ab= abnormality sa tyan lol saka kapag lumaki kasi katawan ng lalaki yong ubod muscle na talaga lumiit yong yon na! hahaha DAW sabi nila! hahaha (nagexplain ako talaga lol) chismis lang siguro yon echos! hahaha

      Delete
    3. hahaha natawa naman ako.... pero naririnig ko yan.. pag sobrang nagpapamasel lumiliit daw... ewan ko pag totoo...

      pag payat medyo malaki daw hahaha

      Delete
    4. hahaha proven naba kapag payat eh malaki? weeh? pero alam mo din ba ang mga gwapo eh ang liit nong sa kanila? hahahaha ang hindi kagandahan sa muka din ayon ang malaki! hahahaha ba naman to jon ang usapan talaga eh! nakoh! lol

      Delete
    5. nga pala dahil sa sinabi kong yan tingnan natin ang reaction ni archie dahil laging sinasabi niyang gwapo niya. lol

      Delete
    6. whahaha. Ang wholesome lang ni Teh Lala. No comment ako dyan. wholesome e :P

      Delete
    7. hahaha oo nga bat napunta dito ang topic hehehe

      tanungin ang pogi hehehe

      Delete
  4. yan ang problema din sa ating culture at sa mga lalaki (bias talaga ako ano?! hahaha) kasi kapag ang babae may kabit, pangit sa lipunan tingnan, lahat pinagchismisan, tapos hindi tanggap sa ating kultura ngayon kapag si lalaki ang may kabit, si misis losyang na kasi, hindi nabibigay ni misis ang pangangailangan ni mister at okay lang sa lipunan kasi normal ang lalaki magkaron ng maraming kabibe nganga! hahahahaha may bahid na galit talaga lol jowk! pero kahit ano pa man yan, si mister or si misis, tao din sila naman, may puso, malamang bulag ang mga yan kapag ang puso ay nagsasalita kapag ang libido nila ay parang water district kung makapagsupply. bawat tao ay may dignidad din, pero ang mali lang talaga eh yong mga babae na kahit alam nila na may asawa dinidikdik pa rin ang sarili, at in fairness ha matapang ang mga kabit kasi alam nila na sila talaga ang "mahal" ansabeh!? sila ang inuuwian, pinagkakagastosan, totoo yan nangyayari yan, may kilala akong ganyan pero kahit ano pa nga naman, tao din sila nasasaktan, mali lang ang tao at pagkakataon silang nagmamahal! char! ganyan! LOLs puso at utak ay nagboboxing sa ganyang situation! bow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at relax lang hehehe sabagay may malaking tama ka diyan...

      Bakit pag babae na parang mas malaking kasalanan sa lipunan? hehehe

      Ganyan na ganyan ang isang telesrye.... mas matapang ang kabit hehehe

      Delete
    2. hindi lang sa teleserye yan kahit sa totoong buhay din, may isang kaibigan ako kasi ganon, in fact siya na ang inuuwian, nag pagawa pa ng bahay and all, ayoko kasi makialam sa buhay niya kasi kanya yon, hindi rin naman siya humingi na advice kaya watch nalang ako sa life niya saka bata pa ako noon mga college days, siya nasa almost 30 na. ang maremember ko lang, ang sabi niya nagsstay talaga si lalaki kasi kaya niyang gawin ang hindi ginagawa ng asawa niya, kaya niyang mag alaga higit pa sa asawa niya. u see alam nila na mas higit sila at yon ang tingin nila kasi yon ang pinaramdam ng mga lalaki HAAAMPP! hahaha pero ng mamatay ang lalaki, walang magawa ang babae kasi lahat ng ari-arian nasa legal na asawa pa rin! sino ang kawawa ang babae! kayo ang mga lalaki dapat may batas na kapag nahuli, puputolin kagad ang ari!!! hahahaha patas lang! kapag si babae nahuli, ipasara kagad ang kabebeh! hahaha mga term mo talaga jondmur! dami kong natutunan kabulastogan! hahaha jowk!!!

      Delete
  5. Agree ako kay Sir ric. Kapabayaan ng kerida kung maging kerida sya. Ang gulo ko. kerida na. kinerida pa. Kerikeridahan nalang. whahaha. dyuk lang. Dapat kasi naging matalino sya. hehe. Kung kerida na ang tawag sa kanya kasalanan na siguro yun. opinyon ko lang po :P

    Uy sino yung chinismis mo ah?

    For the record naiklian ako sa post mo na 'to at nahirapan akong magbigay ng opinyon sa gantong topic :P

    Di ko pa pala na papanood yung The Mistress :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha secret ung tsismis hehehe

      hirap talaga pag may tukso.... pero ako minsan naisip ko pano kung ma inlove ako sa may asawa na hehehe

      makaiwas kaya ako sa tukso hehehe

      Ganda ng movie.... ang sabi nga... di lahat ng gusto mo makukuha mo....

      Delete
    2. sabi ng iba, mas may thrill daw ang may asawa kasi tago ng tago. bakit kaya ganon? wag na ninyong subukan! pag-oontogin ko kayo! haha alam ng mali wag ng mangarap ma inlab doon! lol

      Delete
    3. dito sa abroad daming lalaki na may other woman hehehe.... para hindi ma homesick...

      At tama ka nakaka thrill nga un hehehe

      pag tago ng tago hahaha

      Delete
    4. nakoh nakakarelate much? abah! abah! abah!! hahaha

      Delete
    5. hahahaha ung iba lang naman hehehe

      pero dami talaga dito...

      Delete
  6. Ahahaha kaya ba tungkol sa eskabetseh ang topic mo ay dahil year of the snake ngayon? yung totoo? ahahahaha. cheret leng :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nagkataon yata hehehe pero sabi swerte daw ang snake ngayon.....

      at mas maswerte kung mag aalaga ka ng ahas...

      problema lang kung si mister ang mag aalaga ng ibang ahas hehehe

      Delete
    2. Petey! yen ang memengat nyahahaha.

      Delete
    3. hahaha uo ingat dapat sa ahas hehehe

      Delete
  7. alam kong nabasa mo na adre yung opinyon ko para sa mga ganito.. 'eto 'yun:

    http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/08/up-up-down-down-left-right-left-right-b.html

    hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo nga... minsan talaga madaling makuha ang mga babae sa tamis ng salita lalo na kung gwapo ang lalaki hehehe kaya un kahit may asawa na... nabibiktima sila...

      at dahil na rin sa tukso....

      Delete
  8. "Walang brief na mahigpit sa babaeng malandi."
    --tatandaan ko ito. ito ang magiging sandigan ko sa buhay. lol. pero tama ka, pareho kasi silang biktima, ang kerida at ang asawa. huwag naman din natin husgahan kaagad ang kerida dahil bawat tao ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit nila nagagawa ang isang bagay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe unang basa ko ikaw ang biktima... mali pala ako...

      yup... may side na nauunawaan ko ang kerida... lalo na kung di nila alam na naloko na pala sila...

      masakit ding malaman na may asawa na pala ang BF mo...

      kaya dapat Goodboy ka lagi.... kaso walang brif na mahigpit sa babaeng lalandi sayo hahaha lol^^

      Delete
    2. mahihigpit lahat ang garter ng brip ko. patay tayo kung magaling magtanggal :D

      Delete
    3. higpit talaga.... kaso baka lumuwag pag may kumalabit hehehe

      Delete
    4. ayoko ng dumagdag baka may masabi akong hindi maganda lol

      Delete
  9. gusto ko to...

    Ah basta! Ako naman naniniwala na kapag tag-ulan matigas ang ulo ng pagong. At sa gabi naman bumubuka ang kabibe.

    maganda... ganun tlga sa society natin mas tanggap pag lalaki ang nangangaliwa...sobrang timing to sakin...hyyyyyy...

    Spot On!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko to gets. Pero tuwang tuwa ako. XD

      Delete
    2. hehehe timing ba...

      oo nga bakit kaya ganun.... pag lalaki ang niloko parang napakalaking kasalanan kahit sa batas pa...

      kung sa akin mangyari... parang nainsulto ka o grabeng galit mararamdaman mo...

      Delete
  10. HAHAHAH! naiintindihan ko to (naging kabit pala?) HAHAH!

    Pero may mga nagsasabing masarap daw maging kabit. Bakit? Kasi kung kabit ka, alam mong may nakita sayo ang karelasyon mo na wala sa legal wife nya. Ibig sabihin, may K kang mag take andvatage dito. Yung iba, nananakot, nambblackmail na isusumbong daw sa legal wife, ganyan. Ayun. Hanggang dun lang ang nalalaman ko sa pag kabit kabit. HAHAH!

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit parang expert ka diyan hahaha

      sabagay may tama ka rin..

      kaya nga madalas matapang pa sila lalo na kung ginusto nila... o alam na nila na may asawa na ang isang tao...

      Ganyan na ganyan ung teleserye ni Lorna T ngayon hahaha

      Delete
  11. Been there. Done that. No more comment. XD

    ReplyDelete
  12. Bihira na ang lalaki yung nagiging kabit kadfalasan babae. Bakit nga kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga... isang palaisipan sa akin un...

      siguro marami talagang loyal na wife... ^_^

      Delete
  13. Karaniwan na ang mag-asawang napapa-assign dito eh nagiging hiwalay dahil nakakita si Mister ng mas maganda o mas bata. Nakakalungkot kasi naman, isang buong pamilya and dumating, broken family pag-uwi. (nahihirapan akong managalog, very rusty na ako,lol!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks sa effort sa tagalog hehehe

      siguro nga ganyan... kadalasan naman ng other woman mas higit sa asawa... un nga ang kakalungkot... masakit un sa legal wife....

      Delete
  14. "Baka kasi biktima din siya. Isang babaeng naging biktima ni adan."

    Hindi lang si adan ang may kabit kadalasan, minsan pati si eba!!!

    Pasensya. Affected much. Lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe may tama ka din diyan.... minsan babae ung nagkakasala... pero parang minsan lang hehehe

      bat affected.. na experience ba ung ganyan hehehe na curious tuloy ako...

      Delete
    2. dumadami ang daldal ko dito napressure sa top commentators list nasa gilid hahaha

      base sa aking pag-aaral ang babae na nangangaliwa ay may mga issue na talaga sa sarili nila bago sila nag-asawa o kaya sadyang may hinahanp sila na hindi nabigay ni mister. pero bihira lang yon, mas malakas ang chance na ang lalaki talaga ang nangangaliwa hahaha lol #bias #epal

      Delete
    3. hehehe napaisip tuloy ako sa di kayang ibigay hehehe

      mga anu ano kaya un hahaha

      sabagay minsan ganyan nga.... at ang tukso... mahirap iwasan....

      Delete
  15. ayy naku hirap nyan, kawawa din ung kirida pati ung misis ang dapat sisihin ee ung lalaking nagpatukso
    dapat dyan pinuputulan ahhaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. uii third na ko sa list ahh

      Delete
    2. putol agad? di ba pwedeng kurot muna hahaha lol...

      sabagay... dapat si mister ang sisihin... kasi siya ang naghanap hehehe

      Uo nga ikaw na ang 3rd sa Top List hehehe

      Delete
    3. sabi ko sa comment ko nga na kapag ang lalaki nahuli putolin ang ari kapag ang babae nahuli isara ang kabebeh! lol yan dapat ganyan ang batas!! hahaha

      Delete
  16. Very difficult topic. Makibasa na lang ako. For now tapos na ko sa sakit sa puso. Found a man who is so faithful and loving me with all his heart. So good luck to the young ones:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po Tita ^^ Happy na din po ako kasi nalampasan nyo na ang lahat..

      Sana maging tuloy tuloy ang swerte ^__^

      Smile muna diyan ^_^

      Delete
  17. tsismis pala toh. lol..
    sino kaya yung nag-post na yun sa wall? hmmmm, ma-search nga sa fb muna

    ReplyDelete
  18. tam nga naman, madalas aping-api talaga ang mga kerida/kerido. kasi sila ang nagiging masama. pero kasalanan nga ba ang umibig? kahit kerida/kerido lang sila, nagmamahal din. maliban na lamang kung talagang gawain nila yun para gatasan ang mga kinakabit nila. pero kung may pag-ibig na namamagitan sa kabit at kumabit, sa palagay ko, hindi na nila kasalanan yun. oo, nagmahal sila, pero sa maling pagkakataon

    ReplyDelete
    Replies
    1. may point ka diyan..

      basta love minsan makakagawa tayo ng pangit sa mata ng iba... kahit ang totoo nagmamahal lang tayo...

      Delete
  19. makulit lang talaga ang mundo. weather weather lang. minsan nasa itaas. minsan nasa ibaba. ano daw? walang kwenta tong comment na 'toh. lol.

    ReplyDelete
  20. May kaibigan akong blogger na nabikitma ng misis niyang may kabit palang ibang lalaki.

    Hindi ko alam kung sadyang may mga tao lang talagang likas na pinaglihi sa jellyfish o higad kaya ubod ng kati ang katawan, o sadyang di lang sila marunong makuntento sa sarili nilang partner kung kaya humahanap pa sila ng iba.

    May kaibigan din ako nung high school na kasalukuyang kabit ngayon ng isang panget na engineer. LOL! Sinabi kong panget kasi friend ko mismo ang nagconfirm. Pinagsabihan ko sya at binigyan ng mga advice pero di ko sya hinusgahan sa mali niyang ginawa dahil alam kong may malalim na dahilan kung bakit nya nagawa yun.

    ReplyDelete
  21. Napanood ko ang the mistress at ang hot lang di derek at Andy :)

    Kaya pumatok ang movie na ganyan kasi ang daming taong nakakarelate. Gaya ng sabi mo minsan biktima din ang mga mistress,kerida,kabit,dahil nagmamahal lamang sila at nabubulag sa mga matatamis na salita ni lalaki na binata siya kuno. Pero pagnalaman n nga kabit lang sya,edi iwan na at wag ng ipaglaban pa kahit mahal mo na,kasi kahit anong gawin eh,pangalawa ka pa din sa kanya at kerida ka nga lang.
    Yun na!:)

    Parang hindi naman magandang tingnan na si misis ang may lalaki at tapat sa kanay si lalaki. Sagwang tingnan.Pero may nangyayari ngang ganyan.

    Pero sana wala na lang magloko pareho,ibigay ang hilig ng partner para makuntento at huwag maghanap.Lahat ng posisyon gawin.Joke!LOL.Hindi lang naman sa ganoon nasusukat. Basta mahalin ang partner at araw araw dapat masustansiya ang inyongpagmamahal. :)

    Happy 2013 sir Jondmur!

    ReplyDelete
  22. uso na nga yan ngayon...ang hindi ko pa maintindihan eh single pa ang kakabit sa may asawa... sinasayang lang ang oras at panahon.

    ReplyDelete
  23. baka naging favorite movie ng ka FB mo ang the mistress - relate na relate sya.

    basta, wag manloloko - yan ang golden rule sa relasyon, para sa akin :)

    ReplyDelete
  24. Title palang di ko na gusto, pero reality eto eh, nangyayari naman eto sa totoong buhay. Nangyayari kasi pinapayagang mangyari ng mga involve na tao. Di naman mangyayari ang isang bagay kung di pinapayagan. If you happen to read the book "The Tipping Point" by Malcolm Gladwell you will know why I said my view of it.

    When we say a thing or an event or a phenomenon reaches the tipping point - it's the point at which the buildup of minor changes or incidents reaches a level that triggers a more significant change or makes someone do...

    Hahahaha...nag explain lang hahaha!

    ReplyDelete
  25. Di naman mangyayari ang isang bagay kung di pinapayagan ng isang tao, unless there is an extreme provocation or threat being employed - in which cased it can be called exceptional. Hehe..kulang ang argument ko sa una kong post eh hahahaha

    ReplyDelete
  26. Hahaha, andami ko tawa sa bandang ending.. nag-chismis talaga?? Ako naman may kakilala, lokang loka ako sa kanya, alam naman ng lahat na kabit siya, pero siya yun pinili nun lalaki na makasama, proud na proud si lola at inaaway pa yung legal wife, kaloka! Oh nag-chismis din tuloy ako. Totoo, may lalaki ding nagiging kabit. Ewan ko kung paanong pumayag pero meron. Haha, maraming ganyang eksena sa work kaya relate ako, hihi.. At naniniwala ako na may pagkukulang man ang partner mo sayo, hindi enough reason yun para manloko, dahil for sure, may kakulangan ka din sa kanya.. bow! :)

    ReplyDelete
  27. Eh sa nagba back read ako eh kya comment lng ako ng comment hehehe.
    Tama kailangang hindi ma feel ni mister na may pagkukulang na ang kanyang misis.
    Kaya nga ako na ang pinaka sa lahat dahil ayokong magkaroon ng dahilan ang asawa ko pra maghanap ng iba hmpp.
    Nakakatakot na din ang mg kabit ngyon, sila na ang matapang.

    ReplyDelete
  28. Naranasan Ko Mging Kabit Pero Di Ko Alam na Kabit Ako :'( Grabe Para Akong Kinuryente Nung Pinaamin Ko Sya . Kasi Minahal Ko Talaga Sya . Lahat Ng Oras Nya Nasakin . Isang Text Ko Lang Na Puntahan Nya Ko At MagSta y Sya Sa Apartment Ko Dumadating Sya . Ilang Beses Ako NakikipagHiwalay Sa Kanya Pero Ayaw Nya Kong Bitawan Lahat Ng Oagkukulang Binibigay Nya Sakin Di Alam Ng Parents Ko Ang Sitwasyon Ko Kasi Natatakot akong Magalit Sila Dun , Kasi Sobrang Bait Nya Sinasabi Nya Sakin Kung May Plano Ako Sabihin Na May Asaaa Nya Wag Ko Daw Sasabihin Na Alam Ko Para Di Magalit Sakin Pamilya Ko Kahit Sa Kanya Na Lang Das Ituon Lahat Ng Sisi . Di Ko Sinadyang Makilala Sya Di Ko Sinadyang Mahalin Sya . Hindi Sya Gwapo Hindi Sya Mayaman Pero Sya Ung Nagmahal Sakin Na Di Ko Nakita Sa Ibang Lalaki . Alam Ko Kahit Balibaliktarin Ang Mundo Kabit Parin Ako , Pero Lahat Ng Bagay Nay Dahilan . Kaya Sana Wag Nyo Kami Husgahan Base Sa Nalalaman Nyo . Kasi Di Namin Pinlano Ang Lahat.

    ReplyDelete

Comments