xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Para di maturn-off si Gwapito sa date n’yo?

Popular Post of the Week

Para di maturn-off si Gwapito sa date n’yo?


Hey, Girls! Ang ibabahagi ko ngayon ay para sa mga babaeng makikipag-date. Ano ba ang dapat gawin para hindi ma turn-off si Gwapito sa date n’yo?

Well, kung lalaki na naman eh basahin mo na rin. Bahala ka na kung agree ka o hindi sa sasabihin ko. Ano ba ang nakakapagturn off sa'yo kapag nakikipag date ka kay ganda?
     
      Una, dapat naka-ready ka sa lahat ng bagay. Maayos ang pananamit mo kahit simple lang. Huwag piliting magsuot ng sexy dress kung hindi ito ang karaniwang isinusuot mo. Baka kasi nagustuhan ka niya dahil sa taglay mong kasimplehan.


      Pangalawa, dapat maayos ang make-up, manicure at perfume mo. Ingatan ang sarili lalo na sa hygiene. Sino ba ang matutuwa kung mas mabango pa siya kaysa sa’yo? Siguraduhin na hindi mahaba ang buhok sa ilong at wala kang body odor.

    Pangatlo, iwanan muna ang pagiging workaholic mo. Baka naman habang kumakain kayo eh, tinatawagan ka pa ng boss mo. Wake up! Wala ka sa trabaho ngayon!

      Pang-apat, itago mo muna ang mga personal problems mo. Nag-date kayo para makilala n’yo ang bawat isa hindi para i-open mo sa kanya ang teleserye ng buhay mo.

      Pang-lima, kumain ka ng tama. Baka kasi mas malakas ka pang kumain kaysa sa kanya. At iwasan din ang pag-order ng juice lang. Tandaan! Mas matutuwa siya kung alam niyang na-eenjoy mo ang food na inorder niya. Kumain ka ayon sa putaheng ihahain niya. Dinner date nga ‘di ba?

      Pang-anim, dapat may good manner ka. Bawal ang pasaway! Huwag lalaruin ang foods sa mesa at huwag i-take out ang natirang pagkain. Maliban na lamang kung sasabihin niya. At higit sa lahat huwag kaligtaang magpasalamat sa inihanda niyang dinner date.

      Pang-pito, huwag magpakita nang sobrang pagkakilig. Normal lang dapat. Baka isipin niya dead na dead ka sa kanya. At huwag mong sasabihin na crush mo siya kasi lalaki ang tenga niya.

      Pang-walo, iwasan ang magbukas ng topic about your ex-boyfriend. Niyaya ka niyang mag-date para makilala ka niya hindi para malaman ang past relationship mo.

      Pang-siyam, huwag mong babayaran ang mga orders n’yo. Lalo na kung alam mong ikaw ang mapera. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng gastos kasi ikatutuwa niya ang ginawa niyang dinner date ninyo.

      Pang-huli, huwag mong sasabihing may boyfriend ka na. Wapak! Bakit ka kasi nakipag-date kung may BF ka na? Patay tayo diyan! Hehehe! Tandaan! Makipag-date lamang kung single ka!

      Tandaan! Para hindi ma-turn-off si Gwapito kailangan mahina lang ang hilik sa pagtulog. Matatakot si Gwapito kapag mas malakas ka pang humilik kaysa sa kanya. Hehehe!

Copyright: TRE Volume One


Happy Sad RANDOM POST

Happy ako kasi na sold out na ang 100 copies na pina print namin sa book. Happy kasi may gusto pang bumili. Yung feeling na kahit 500PHP (kasama delivery) ang price ng isang book eh may bumibili pa rin. Isama pa na hindi naman popular o batikan ang writer hehehe!

Sa mga bibili baka magkaroon kami ng re-prints sa mga susunod na months.

Happy kasi napirmahan na ang resignation letter ko. Mas okay kasi may lilipatan na ako. Yun nga lang - sana wala nang kumontra sa pag resign ko. May naririnig kasi ako na gusto pa akong kausapin at tataasan pa ang sahod ko.

Wag na! Tama na siguro ang desiyon kong lumipat. Isa pa palugi na rin ang company namin. At halos lahat nag-aalisan na.

Sad kasi depress na depress na ako sa situation ko. Minsan parang gusto kong magpakamatay. Sana di ko magawa kasi takot naman akong mamatay hehehe!

Ung feeling na isang pagsubok na lang bibigay na ako....

Happy kasi nagiging okay naman ang mother ko. Tinatapos lang ang ilang test at ooperahan na siya. Ang totoo, nawala na sa isip ko ang mother ko dahil sa nadedepress ako. Magulo ang isip ko sa sitwasyon ko dito sa Saudi.

Happy kasi nakatanggap ako ng blessings - 320 SR - Gift Love mula sa church namin.

At happy kasi nakita ko ang pic ni ___ hulaan nyo kung sino siya? hehehe! Salamat talaga sa picture with the book.... hang cute hehehe!






18 comments:

  1. Natawa ako dito "kumain ka ng tama. Baka kasi mas malakas ka pang kumain kaysa sa kanya"... Saka yung number 7, grabe ha ganda ni Ate may BF na nakikipag date pa... dupang lang charut! dami ng walang BF dapat mamahagi sya nyahahahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe musta diyan... uo nga dapat mamahagi... dami singles ngayon hehehe

      galaw galaw... aga mo naman nagising hehehe

      Delete
    2. ok naman, pinanlalabanan ko ang antok dahil sa panggabi na ako ahahaha.

      Uu nga sobrang daming single kasi naman yung iba may partner na suma-side line pa, ang clasic dito di lang isa... 3 pa sila nyahahahaha.

      Delete
    3. nakakaturn off naman siguro kung ang lakas kumain ni ate at si koyah nganga lang kakatingin. chos pero pano kung gutom na gutom na talaga si ate hahaha

      Delete
  2. Oh my... Sino 'yang matabang nasa baba? hihihi...

    Da Best ang book... Sobrang nakakuha ako ng mga bagong writing style... Magaling!

    ReplyDelete
  3. Yan ang tama. Count your blessings one by one. Yung suicide suicide na yan, hinde okay yan. Tandaan, ang taong umaayaw hinde nagwawagi. Wag kang loser hehe.

    ReplyDelete
  4. Thumbs up!Tama yan! Especially the last one..
    Minsan meron talagang nung number 7 : )

    ReplyDelete
  5. oh mga girls, take it from the love guru himself hahaha :) galing mo talaga Kuya Jon!

    with special cameo pa si Senyor hahaha!

    ReplyDelete
  6. yun oh model c senyor. heheh

    a must read mga kababaihan. :p

    ReplyDelete
  7. haha tama naman talaga basta ako ayoko ng masyadong magaslaw at balahura mg salita at ubod ng arte haha

    naku parekoy, uyan ang wag na wag na mo gagawin anu mang pinagdadaanan mo wag mo dibdibin ng sobra,
    pero alam ko naman napakahirap talaga ng sitwasyon mo, pero ayun nga through faith maayos ang lahat

    ReplyDelete
  8. ayy si gwapito lang talaga? ano naman ang side ng mga babae over sa lalaking ka date nila? hahaha babaliktarin lang? hahahaha

    ang daming arte ng lalaki ha! hahaha cheh! hahahaha pipigain ko bawat ulo nio jowwkk hahaha

    basta masaya ako at nakakapagupdate ka na dito, mas natuwa ako kasi natuloy na ang mga plans mo

    may utang ka pa sakin jon hahaha yong libro na may pirma talaga galing sayo un talaga un hahahaha

    ReplyDelete
  9. May babae bang mahaba ang buhok sa ilong? Wala lang, natawa lang ako, hehe. Usually nag-ooffer ako na mag-share sa bill pag sa date, hindi dahil mapera ako pero kasi nahihiya ako pag puro libre.. No no pala yun, haha.

    Nice to know na nakakuha ka na ng new job. Congrats din sa sales ng book mo. And I'm still praying for your mom.

    Ang cute ni Senyor!

    ReplyDelete
  10. sang-ayon ako sa lahat ng tips mo, adre.. wala bang panglalake para ano hmmmm basta hehehe..

    congrats sa libro mo.. :)

    ReplyDelete
  11. gusto ko yung pang-siyam! LOL

    kaya ako ayaw na ayaw ko nakliki-pag date nung dalaga ako eh. dami kasing ek-ek at ang dali ko pa namang ma-turn off LOL. Spontaneous ako sa lahat ng bagay...

    buti na lang takot kang mamatay he he kundi mababawasa ng magagaling na manunulat ha ha... good to hear about your new work and your mom :)

    at yung libro ko gusto ko may pirma mo ha ;)

    ReplyDelete
  12. kung makaemote si senyor wagas! haha

    ReplyDelete
  13. Napatawa ako sa mga tips ah ang kulit lang ... at ang cute naman ng modelo ng book mo hehehehe

    ReplyDelete
  14. Galing naman ng mga tips. Ako ayaw kong late ang ka date ko, iniiwanan ko. I had one, na-late three times, so tinaguan ko, mean me!

    ReplyDelete
  15. safe play. idadagdag ko rin sa mga sinabi mo na nakakaturn off din ang mga babaeng mahilig gumamit ng "Ahhh... Okay". nakakaannoy lang promise.

    wala ba akong free copy dyan? ehehehe..

    ayos lang maging depress ganito lang talaga ang buhay. isang full of syet.

    ReplyDelete

Comments