xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Patama Quote: Masaya Na Siya Sa Iba

Popular Post of the Week

Patama Quote: Masaya Na Siya Sa Iba

Minsan mararamdaman mo na hindi ka na niya kailangan kasi may nagpapasaya na sa kanya - jondmur



Naramdaman mo na ba ito? Ung feeling na bigla na lang siyang nawala dahil iba na ang nagpapaligaya sa kanya.

Dumating siya sa buhay mo. 
             sa panahong nananahimik ka.....

Dumating siya sa buhay mo.
             sa panahong nasasaktan siya.....

Hindi mo nga inaasahan na madedevelop ka sa kanya.
             kasi naman kasama mo siya sa lahat ng bagay.....

Sa kulitan....
Sa pasyalan....

Ikaw pa nga ang love doctor niya. Ang sabi mo, mag MOVE ON na siya. 

Habang tumatagal napapasaya mo na siya. Ramdam mo na ang closeness n'yong dalawa. May bating malambing, may holding hands, at may power hugs pa!

May ligaw tingin at maraming surprises. Ang saya 'di ba? Ung feeling na masaya ka kasi napapasaya mo rin siya. 

Nandiyan siya kapag malungkot ka. Nandiyan ka sa tuwing kailangan ka niya. Ang sweet lang 'diba? Ung feeling na kailangan n'yo ang bawat isa.


                 Ang problema......

Hindi pa kayo. Kaya nga masakit nang maramdaman mong unti-unti na siyang nagbabago.           
Hindi na katulad ng dati.

                Sa iba na siya lumalapit kapag nalulungkot siya......

Ang sakit 'diba? Akala mo mahal ka niya..... Akala mo pareho lang ang nararamdan n'yo. Maling akala lang pala ang lahat.

                Mas masakit nang mabalitaan mong nagkabalikan na pala sila ng EX niya. Ikaw naman..... NAIWAN

Mas masakit dahil wala kayong closure..... hindi mo alam kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa.


Akala mo mahal ka niya

Akala mo ikaw na ang napili niya.

Nagkulang ka ba?

o

Dumating lang siya para saktan ka?


Kung pwede lang sanang ibalik ang oras. Sana 'di mo na lang siya nakilala.

Sana

Hindi ka umiiyak ngayon.

Sana

Tahimik pa rin ang buhay mo

Sana 

Di ka umasa na mamahalin ka rin niya

Sana

Di mo naranasan ang masaktan dahil iniwan ka.....

Kung alam mo lang sana

na masasaktan ka

umiwas na lang sana 

ang iyong puso


Kung alam mo lang sana

hindi ka na nagmahal sa isang katulad niya

na may ugaling USER

Ginamit ka lang niya sa panahong broken hearted siya

Ginamit ka lang niya para pagselosin ang EX niya

Sakit 'di ba?

Kung alam mo lang sana.....

Umiwas ka na lang noon... baka sakaling nakilala mo pa ang taong tunay na para sa'yo.



18 comments:

  1. One can really never know. Anyway, there is someone out there for you:)
    Keep smiling:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello tita... musta po.... uo nga eh.... sana makapag asawa na ako hahaha....

      ingat po lagi.... keep smilling... ^_^

      natuwa naman ako... kayo una hehehe

      Delete
  2. wow na ka relate ako sa mga ibang lines. peo di ko pa nan naranasan magamit ng isang user..

    Jon makakahanap karin in God's perfect time malay mo nakasalbong muna xa peo ma pinulot ka kaya di mo siya nakita

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti di mo pa nararanasan... sakit pag nagkataon....

      uo nga eh... sana makahanap.... kaya dapat pala wag pupulutin hehehe

      thanks....

      Delete
    2. I'll try to make a story Jon ah its too late na kasi ngaun ko lang un nabasa

      Delete
  3. Ganyan yata talaga ang buhay. You will never know who's gonna stay or who will leave. Kaya dapat cool lang. Pag siya na nga ang para sa iyo, comes heaven or hell, the universe will conspire to make it happen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ... dapat cool lang hehehe.... parang gusto ko ng mag asawa hehehe

      thanks...

      Delete
  4. dapat kasi simula't simula pa lang claro na ang usapan haha
    tulad ko honest ako kung ano ba talaga ang gusto kong manyari samen haha
    nice one parekoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo nga... dapat sa umpisa... alam na ang feelings ng bawat isa....

      naks... buti ka pa hehehe.....

      Delete
  5. hyyyyy....

    masakit...pero okay lang na gamitin ako para magpaselos ng iba...hihihihi... masokista ako eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. may ouch ba hehehe

      kaw na ang like gamitin hehehe....
      thanks Senyor.... ^^

      Delete
  6. Ang ang tsakit naman nito Kuya Jon >.<

    Masakit talagang maging panakip butas lang sa isang relasyon /sigh

    ReplyDelete
  7. Sir Jon, pahiram naman ng quote mo ha! =)

    ReplyDelete
  8. parang may pinag huhugutan ang post na ito. ah. hehehe.

    ReplyDelete
  9. For sure you will have the one! patiently waiting for you:)

    ReplyDelete
  10. super relate. anyways let's keep believing!

    ReplyDelete
  11. may frie dako naghahanap din, super good catch kayong dalawapromise hehehe.

    ReplyDelete
  12. Omg...grabe as in tama talaga yan..alamin mo muna kung anu kaya nya kasi sobrang sakit pag,binabaliwala kanya...

    ReplyDelete

Comments