xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Single Mom: Dapat Ba Siyang Maniwala?

Popular Post of the Week

Single Mom: Dapat Ba Siyang Maniwala?

Isang love problem ang kumatok sa nakasaradong clinic. At dahil matagal na OUT ang Penguin. Napilitan siyang buksan ang clinic para bigyan ng kasagutan ang kanyang pasyente.

Gandang gabi po hingi lang po ako ng advice. Paano po ba malalaman if ang isang guy kung true sa nararamdaman sa’yo lalo na at single mom ang isang girl? Salmat po ng marami sa sagot o advice. Have a pleasant day!

Paano ba malalaman kung totoo ang isang guy lalo na kung single mom na ang isang babae?


Una, tanggap niya ang anak mo.
Pangalawa, hindi siya nahihiyang ipakilala ka sa mga kaibigan o kamag-anak niya. Ipagmamalaki ka niya kahit ano pa ang past mo.
Pangatlo, hindi lang sex ang habol niya sa’yo. Malalaman mo naman ‘yun kung sex lang ang habol niya. ‘yung feeling na magkikita lang kayo para makaraos siya.
Pang-apat, siya ang laging nagbibigay. Mag-isip ka kung ikaw pa ang bumubuhay sa kanya. Kung ikaw pa ang nagbibigay ng allowance sa kanya eh, ‘wag ka ng magtanong kung mahal ka niya.
Panghuli, totoo siya sa’yo kung handa siyang maghintay. Kung mahal ka niya maghihintay siya kung kailan ka handang pumasok sa bagong relasyon.

Totoo ba siya sa’yo?

Totoo siya kung inaalagaan ka na niya. Totoo siya kung napapalapit na rin siya sa anak mo.

Ano ba ang dapat mong gawin?

Dapat kilalanin mo muna siya.  Binata ba siya o hiwalay na rin sa asawa?

Actually po kasi EX ko siya nung high school at college then biglang no communication after grad. After nun may naging bf ako then un na nga binigay ko buong buo tapos nang nabuntis ako naglaho na parang bula. Then, pagkapangank ko apply ako work dito sa qatar then through facebook nagkakilala o nagkita kami ng ex ko. Di ko kasi alam kung tatanggapin ko pa. Natatakot kasi akong masaktan.

Naniniwala ako na totoo ang isang lalaki kung binalikan niya ang EX niya kahit may anak na ito sa ibang lalaki. Bakit niya babalikan ang EX niya kung wala na siyang feelings? Lalo na kung may anak na ito. Bumalik siya dahil tanggap ka niya. Mapalad ka pa kung handa siyang tumayong ama ng anak mo.

Parang sugal lang ‘yan. Kailangan maging handa sa magiging resulta,kung ‘di mo susubukan baka mawalan ka ng chance na matagpuan ang para sayo, malay mo siya na talaga.... un nga lang pag nasaktan ka... dapat handa ka na....

Paalala, bago mo siya tanggapin dapat magkita muna kayo.

Mahal ka niya kung handa siyang maghintay sa pagkikita nyo. ‘Di naman kailangang madaliin ang lahat.
Magkita muna kayo, kilalanin mo pa siya at mag usap kayo... dun malalaman mo at masasagot mo mga katanungan mo.

Ang tanong kung mahal mo ba talaga siya? o gusto mo lang siya para magkaroon ng tatay ang anak mo? kung tatanggapin mo siya dapat mahal mo siya.

Handa ba niyang panagutan ang anak mo? wala na ba sila ng ka live in niya... kung single siya ngayon... wala namang masama.... malay mo mahal ka talaga niya.

Sa ngayon focus ka muna sa work mo at sa anak mo... makakapaghintay naman ang love eh...
kung mahal ka niya... maghintay siya kung kelan kayo magkikita.

Para sa akin ‘wag mo siyang sagutin kung sa FB lang naman. Baka mas masaktan ka lang kung mapunta sa wala. Focus muna sa work mo at kay baby. Love darating ‘din yan sa tamang panahon.

Magkita muna kayo…..

24 comments:

  1. As usual magaling magpayo si doctor love:)
    Hope you are doing fine:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Helo po ^^ hehehe di naman masyado hehehe...

      sana okay lang po kayo... hugs tita ^^

      Delete
  2. Great advice para sa mga single mom : )
    Yes, maghintay sa tamang panahon at gamitin ang tamang judgement.... Hope you're doing well, Sir! God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello... thanks sa pagbisita....

      yup... ganun nga.... wait wait lang ng time hehehe...

      ingats lagi...

      Delete
  3. Awww, check sa lahat ng pointers na binigay mo Kuya Jon. Galing talaga ni Doc Penguin :)

    Tama ka rin na mas maganda kung magkita ng personal si ateng letter sender at yung sinasabi nyang BF. Huwag kayo magligawan sa FB then kilalanin mo siya ng mabuti. Huwag basta sasabak sa laban ng walang proper knowledge at equipment. I hope you do understand what I mean :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe.... musta na.... yup tama ka din diyan..... ^___^

      Delete
  4. Ang sarap pag usapan: LOVE..ito ang isang topic na aminin natin ang galing nating mag payo pero minsan sablay tayo in real life haha..good pointers po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha uo nga eh... sablay din ako hehehe.... madaling sabihin minsan... hirap gawin hehehe thanks ^___^

      Delete
  5. sabi nga nila isa sa mga masarap pag-usapan ay una ang politika,showbiz at lovelife ng isang tao.

    At isa lang masasabi ko dito check na check lahat ng payong binigay mo.

    gusto ko yung sinabi mo na kung tootoo siya marunong siyang maghintay sa tamang panahon at pagkakataon..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks... uo nga eh... sarap din pag usapan ang shobiz hehehe....

      ingats lagi... ^___^

      Delete
  6. Ganda naman ng mga payo ni Doc Penguin swak na swak! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ms. B.... musta na....

      thanks thanks sa pagbasa....

      Delete
  7. nice parekoy agree na agree naman ako dyan
    dapat matuto syang timbangin si guy dahil
    un ung way para malaman nyang oks sya at di naggagamit lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks parekoy.... sana maging okay sa kanya ang lahat.... ^^

      Delete
  8. NIce advise Dr Love.. papaadvise ako sayo soon.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks hehehe..... oo ba... sige wait ko yan hehehe....

      Delete
  9. i agree with your advise. well said :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Ellen... musta na... thanks sa pagbisita... ^___^

      Delete
  10. May friend tony sa office single mom of two yan din ung sinabi niya ung tanggap ang mga anak niya ,.. Gusto ko magsend ng letter

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo nga eh... swerte pag tanggap ung anak.... thanks Kulapitot....

      hehehe sige send lang... try ko hehehe.....

      Delete
  11. Sana may radio program ka din Dr Love! :) Very good advice :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. musta Zai.... wag na baka walang makinig hehehe saka pangit boses ko hahaha...

      smile always... enjoy lang sa lovelife.....

      Delete
  12. iba talaga kapag lovelife ang topic.

    ReplyDelete
  13. ui salamat sa pagdalaw din sa blog ko ah..
    nweia ayos tong post na to.. pero marami talaga ang nagiging ganyang ang sitwasyon.. at tama.. pangunahin talaga dapat tanggap niya ang anak ng babae na pwede na niyang ituring na parang tunay niyang anak... meron akong kilalang ganyan at tunay na mahal talga niya yung girl lalo ma yung anak .. :)

    possible yan :)

    ReplyDelete

Comments