xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Patama Quote: Friendship Friendship

Popular Post of the Week

Patama Quote: Friendship Friendship

"Hindi ka makapag move on kasi pinipilit mong ma-involve sa kanya. Friendship friendship pero ang totoo mahal mo siya " - Jondmur
Okay lang naman na maging kaibigan mo siya kung totally move on ka na. Pero ung umaasa ka pa eh, ibang usapan na.
Mas masasaktan ka lang kung hindi siya babalik sa’yo? Mas pinahihirapan mo ang sarili mo kasi konektado ka pa rin sa kanya.
Nahihirapan ka na? Simple lang naman ang dapat mong gawin – umiwas ka at putulin mo na ang communication ninyo.
Mas masasaktan ka kung 'di mo siya pakakawalan. Para kang umaasa sa wala. Okay lang sana kung mahal ka niya kaso hindi eh. Nakailang GF/BF na siya pero 'di ka niya binabalikan.
Gets mo?
Hindi ko sinasabi na huwag mo siyang kaibiganin pero dapat may limitation. Kaya ka nabubuhayan ng pag-asa na akala mo mahal ka niya kasi kinakausap ka niya. Sweet siya sa’yo kaya akala mo mahal ka na niya ulit. Tandaan, hindi porket’t sweet sa’yo ang EX mo eh, mahal ka na niya.
Baka naman sweet lang talaga siya sa lahat. Isipin mo na lamang na kung love ka niya sana 'di siya naghanap ng iba.
 Bakit 'di ka na lang umiwas sa kanya? Masakit man pero kailangan mong gawin.

Pakawalan mo siya para maging panatag ang loob mo. I focus mo ang sarili mo sa ibang makabuluhang bagay. Mahirap kasing magpanggap na prend mo lang siya kung ang totoo naman eh more than prend ang nararamdaman mo.

10 comments:

  1. http://maestrosintonado.blogspot.com/2013/05/can-we-still-be-friends.html

    yan ang sagot ko dito :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. halooo... sige sige bisitahin ko yan....

      Delete
  2. Yes, i agree..focus na lang sa ibang bagay and then move on... Have a life : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks pareng Ric... tama focus focus lang sa ibang bagay hehehe

      Delete
  3. move on and move forward. life is not just about one person anyways :) mahirap pero kakayanin! aja fighting! and as mentioned by someone in this thread, "have a life," very much agree ako dun:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Ellen... musta na.... ^_^

      lilipas din ang sakit.... tuloy lang ang buhay... thanks.... ^_^ hugs!

      Delete
  4. Replies
    1. Hello ^^ hirap nga maging martyr hehehe... thanks sa pagbisita.... ^^

      Delete
  5. move on move on din pag may time :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup ganun na nga... move on move on na lang hehehe

      Delete

Comments