xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Si BF sa FB lang ba nakilala?

Popular Post of the Week

Si BF sa FB lang ba nakilala?

Isang love problem ang ibinato sa inbox ko na siyang nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang article na ito. Naniniwala ako na hindi siya nag-iisa sa kanyang suliranin dahil sa panahon ngayon marami na ang pumapasok sa online relationship.

Natahimik ka? Isa ka ba sa naguguluhan o nahihirapan sa pinaparamdam sa’yo ng BF mo? Ilang taon na kayo sa FB pero di pa kayo nagkikita? O isa ka sa mapalad na nakahanap ng prince charming sa FB? Matapos kasi ang ilang buwan na pagmamahalan sa FB eh, nagkita na rin kayo at lalong lumalim ang pagmamahalan ninyo.

Ang unang tanong, paano mo ba malalaman kung sincere siya sa’yo?



Madalas ba kayong mag-usap? Nagkita na ba kayo sa CAM? Kung nadevelop ka sa kanya dahil madalas kayong mag-usap dapat next level na – magkita na kayo.



Ang mahirap kung isang barangay lang ang layo ninyo pero di niya magawang magpakita sa’yo. Madalas busy ang dahilan niya. Kahit pasko o bagong taon eh, marami siyang dahilan para di kayo magkita.



Emote ka naman pero okay lang sa’yo kasi mahal mo siya.



Malayo ba kayo? Long distance relationship ang drama n’yo? Okay lang naman na mahalin mo siya kung nagkita na kayo sa CAM. Baka naman call and text lang ang communication n’yo? Baka mamaya si SIMSIMI lang ang kausap mo. Patay tayo diyan! Ang mahirap kung hindi niya magawang magpakita sa CAM – baka may itinatago?



Isang lihim!



Sincere siya sa’yo kung may effort siyang magpakita sa’yo sa CAM at higit sa lahat sa annual vacation niya eh, pupuntahan ka niya. Kasi kung mahal ka niya magpapakita siya sa’yo sa tamang panahon.



Ang mahirap may kasal issue na. Di mo pa nga siya nakikita may wedding proposal na. Magising ka naman baka binobola ka lang niya.



Sabagay, baka totoo! ‘yun nga lang magbigay ka ng limitation sa sarili mo. Mahalin mo siya pero huwag naman yung aasa ka na siya na talaga. Hanggang hindi pa kayo nagkikita ay maraming pwedeng mangyari.



Baka ikaw din ang umayaw!



Isang  problema, mahal mo siya kahit di mo pa siya nakikita. Nararamdaman mo na nilalamig na siya sa’yo pero ikaw naman nagbubulag bulagan pa. First time mo kasing pumasok sa online relationship, un bang kinilig ka dahil sweet siya sa'yo.



Niligawan ka niya, at kahit di pa kayo nagkikita eh, sinagot mo na siya. Ang problema, napapansin mo na parang nagbabago siya. Hindi katulad noon araw araw kang nakakatanggap ng mga sweet messages.

Baka kasi hindi lang ikaw ang ka chat niya. Ouch!

Kausapin mo siya saka sabihin mo kung ano ang problema mo. Kaya pa ba niyang i work out ang relationship n'yo? Tandaan! Hindi sapat ang sabihin niyang mahal ka niya dapat pinaparamdam niya sa'yo.

Ang mahirap kung denial ka. Takot kang matuklasan ang totoo. Kahit di mo pa nakikita ang tunay na picture niya eh, love mo na siya. Kahit na naka online siya eh, ikaw pa ang nauunang mag hello sa kanya. Malas mo pa kung no messages ka kahit naka online siya.

Isa lang naman ang masasabi ko, bago mo ibuhos ang lahat ng pagmamahal eh, kilalanin mo muna siya. Magsimula kayo sa getting to know each other o i-enjoy ang friendship na meron kayo.



Huwag magmadali lalo pa kung malabo ang chance na magkita kayo. Bakit? Kasi nasa ibang bansa siya at sinasabi niya na hindi pa siya makakauwi.



Ilang taon kang maghihintay? Okay lang sana kung nagkita na kayo noon o madalas kayong magkita sa CAM. Kahit papaano napapatunayan niya na totoo siyang tao.



Ang problema kung sumasakit pa ang ulo mo sa mga excuses niya. Hindi na nga kayo nagkikita problema pa ang ibinibigay niya sa’yo. Marami ka kasing natutuklasan sa mga kasinungalingan niya.



Napapagod ka na sa relasyon ninyo – nawawalan ka na kasi ng tiwala sa kanya at unti unting sumisibol ang mga hinala mo sa kanya.



Lagi niyang sinasabi na mahal ka niya pero hindi mo nararamdaman kasi nga malayo kayo. Kulang kung salita lang diba? Lalo na kung long distance relationship kayo at sa FB lang nagkakilala.



Mahal ka ba niya? Kung sa paglayo mo sa kanya eh, gumawa siya nang paraan para ayusin sa pamamagitan nang pagpunta sa’yo eh, masasabi mong sincere siya sa’yo. Pero, kung hahayaan ka na lamang niya at mas pipiliin pa niya ang makipag relasyon sa iba kaysa makipagkita sa’yo dapat magising ka na sa katotohanang hindi siya sincere sa’yo.



Kung mahal ka talaga niya gagawa siya nang paraan para magkita kayo. Depende na lamang kung valid ang reason niya – kung nakatira siya sa disyerto at hindi niya magawang maka-uwi o wala talaga siyang pera pambili ng ticket.



Ang masama pa kung nasa isang bayan lang kayo  pero di niya magawang magpakita sa’yo. Mas pinili pa niya ang mag emote sa FB kaysa puntahan ka para ayusin ang problema ninyo.



Paano kung ayaw mo na? Ano ang gagawin mo para matapos na ang paghihirap mo?



Kapag nakipag break ka sa kanya dun mo malalaman kung anong hakbang ang gagawin niya. Mag-eeffort ba siyang makipag kita sa’yo o maghahanap na lang siya ng bagong online GF?



Sabagay, minsan meron talagang sincere kahit sa FB lang nagkakilala. Minsan naman, sa FB nakilala mo ang lalaking nagpabago sa buhay mo.



Depende kasi ‘yan kung paano n’yo dadalhin ang relasyon ninyo.



Tandaan! May taong mahiyain kaya di nagpapakita sa CAM o in person. Bakit di mo sabihin sa kanya na gusto mo siyang makita sa personal…. At kung ano man ang kulang sa kanya eh, kaya mong tanggapin.



Para mawala ang takot niya – kung yun ang dahilan kung bakit ayaw niyang makipagkita sa’yo.



Minsan naman, gustuhin man niyang makipagkita sa’yo ay hindi niya magawa kasi malayo kayo. Gipit din siya sa pamasahe o once a year lang siya umuwi ng Pinas.



Unawain mo na lang as long na valid ang reason niya.



Mahirap kung di siya nakikipagkita sa’yo kasi natatakot siyang mabuko mo – baka kasi may ibang karelasyon siya. Sabagay, hindi naman lahat.



Mahalin mo siya pero ‘wag mong ibuhos lahat. Baka kasi wala ka nang maibigay sa oras na magkita kayo.



Minsan, nagka BF ka…. Naghiwalay na lang kayo na hindi nagkikita…. Masakit na malungkot diba?



Kaya kung maaari lang, mas masaya pa rin kung nagkita kayo kahit minsan lang. Tandaan, kung magkaka BF ka dapat ung BF mo pa rin kung biglang mawala ang facebook. Baka kasi sa pagkawala ng FB eh, mawala din ang communication n’yo.



Alam mo ba ang address niya?


Alam mo ba ang mobile number niya?



Kung sincere siya sa’yo hindi nagtatapos ang lahat sa facebook. At hindi lang sa FB ang communication ninyo…. Marami pang iba – mag twitter din kayo hahaha!



Tandaan! May mga sincere pa rin kahit sa FB lang --- nasa inyo na iyon kung paano ninyo hahawakan ang isang relasyon. Swerte ka kung makahanap ka ng sincere kahit sa facebook lang kayo nagkita.
Tandaan! Mahal ka niya kung walang bahid ng kasinungalingan ang mga sinasabi niya sa'yo. Nagpapakilala siya nang maayos, nagpapakita sa CAM, tinatawagan ka, at higit sa lahat hindi fake o second account ang facebook na ginagamit niya.



Napansin mo ba na halos ka FB lang ang friends niya sa FB? Nasaan na ang mga relatives? Ka work? Ka classmate?



Bakit ibang account ang gamit niya?



Kahit naka- private niyang tao --- kung mahal ka niya ikaw lang ang makakakilala sa kanya... Pati tunay niyang pangalan sasabihin niya sa'yo. At higit sa lahat - magpapakita siya sa'yo. Pupuntahan ka niya kung may pagkakataon.



Baka kasi 5 yrs na kayo pero di pa kayo nagkikita. Sabagay, depende sa sitwasyon yan. Ang mahalaga, kahit di magkita eh, naipakilala niya ang tunay na siya.



O, natahimik ka? O baka naman tumututol ka sa mga sinasabi ko? Okay lang 'yan! Lahat tayo ay may kanya kanyang pananaw sa buhay. Paniwalaan mo kung ano sa tingin mo ang tama.



Natigilan ka ba? Kasi tinamaan ka? Kung mahal mo siya at mahal ka niya - di ako kokontra! Ang masasabi ko lang kilalanin n'yo muna ang bawat isa.... malay mo, siya pala ang prince charming mo.



Tandaan! Masarap magmahal kahit sa online lang kasi minsan dito mo lang naramdaman na may nagmahal sa'yo. Let's face it! May mga tao na nakahanap ng happiness sa facebook.... naramdaman nila na may nagmamahal sa kanila.... kaibigan at manliligaw..... pero kung papasok ka na sa relationship.... magtira ka sa sarili mo.... kasi pag nagmahal ka... kahit di kayo nagkikita... masasaktan ka din.... at sa facebook, mas madaling lokohin si eba.



Sapul! Ewan ko pero para sa akin un ang alam ko. Napaniwala ka nga na mahal ka niya kahit may asawa na siya.



Mag-ingat ka!



Salamat!





Posted and created by jondmur

7 comments:

  1. may pinaghuhugotan ka ba dito jon? hahahaha ul find her one day! a real one!! hehehehe kaya umuwi kana! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha uo nga eh.... sana maka uwi na... para makita at makasama ko siya hehehe

      Delete
  2. kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan! sige gow!! hahaha

    ReplyDelete
  3. yes, kung malapit din naman ay magkita na.
    mahirap talaga kung pa-FB,FB lang... Mas advisable ang face to face. Mas nakikita ang pagsasalita, mannerisms at sincerity ng tao : )

    ReplyDelete
  4. Love councelor ka talaga. Kelan mo kaya ma meet ang iyong prinsessa. Sana sumulpot.na:)

    ReplyDelete
  5. sa awa naman kahit nauso na ang phonepal, textmate, chatmate at maging FB hindi pa ako nauto sa ganyan.

    I don't know but practically it spurs of the moment lang, kung magpapadala ang isang girl dito ng ganun-ganun lang...hmmm

    di sya naglalaro ng SIMS hehehe

    ReplyDelete
  6. Show show din pag may time hahaha :) pagdating sa cyberspace walang kasigguraduhan ang lahat , tandaan mo yan hihihi

    ReplyDelete

Comments