xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Malamig Ba Ang Gabi?

Popular Post of the Week

Malamig Ba Ang Gabi?

Masarap magmahal pero masakit kung nararamdaman mo na nagbago na siya. Nabawasan na ang paglalambing niya sa’yo, nawala na ang mga surprises niya sa’yo, at higit sa lahat hindi na niya sinasabi na mahal ka niya.

Kailan mo ba narinig ang salitang, I Love You? Ang mahirap kung narinig mo iyon sa unang araw ng kasal n’yo o nung panahong nanliligaw pa lamang siya sa’yo.
Sabagay, may mga lalaki na minsan lang magsalita kasi mas gusto nila ung pinaparamdam nila na mahal nila ang partner nila. Ang problema kung iba ang pinaparamdam nila – ung feeling na parang di ka na niya mahal.
Ang sakit diba?
Alam n’yo ang pagmamahal ay may kasamang ‘sparks’ pero ano nga ba ang gagawin mo kung napapansin mong unti-unti nang nilalamig ang BF mo sa’yo?
Baka nawalan na siya ng gana sa’yo?
Baka may other woman na? Isang babaeng mas magaling sa’yo  na siyang mas minamahal niya ngayon. Sakit diba? Lalo na kung haka haka lamang ang lahat at hindi mo kayang patunayan.
Kung napansin mong nawawala na ang interest niya sa’yo eh, mag-isip ka na. Dati lagi siyang nakikinig sa personal life mo pero ngayon parang tinatamad na siyang magtanong kung ano ang problema mo. Nabawasan na rin ang concern niya sa’yo na parang okay lang kahit wala ka sa tabi niya. Okay lang kahit hindi ka niya sunduin, okay lang na gabihin ka sa pag-uwi, at okay lang kung di ka kumain ng almusal.
Madalas ba siyang busy? Kulang na lang kalimutan niya na may GF siya? Busy siya kahit restday niya? Nabawasan na ang mga sweet messages niya sa’yo? O, baka naman hindi ka na tinatawagan. Ikaw pa ang may effort na kausapin siya. Ung feeling na ikaw na lang ang gumagawa ng paraan para maging strong ang relationship n’yo?
Matagal na kayo pero hanggang ngayon di ka pa rin ipinapakilala sa parents niya? Samantalang ikaw naman eh, naipakilala mo na siya sa lahat pati na rin sa lola mo na ang bilin sa’yo mag ingat ka sa lovelife mo. Isipin mo, mahal ka kaya niya kung di niya magawang dalhin ka sa bahay nila?
Malamig na ba ang gabi? Nabawasan na ang panonood n’yo ng sine? Matabang na mga halik niya sa’yo? O, baka naman di ka na niya magawang yakapin?
Wake up!
Baka naman iba na ang gumagawa niyon sa kanya?
Alam ko na ang mga babae ay may strong internal instinct kaya ‘wag kang denial kung nararamdaman mo na hindi ka na mahal ng BF mo. Paano mo masasabing mahal ka niya kung hindi na niya kayang mag spend ng more time sa’yo?
Kahit busy ang isang tao gagawa iyon ng paraan para mabigyan ka ng oras. Ang problema, sa panahong hindi siya busy eh, hindi ikaw ang kausap niya?
Nasaan siya nang malamig ang gabi mo?
Isa sa mga sign na hindi ka na mahal ng BF mo kung araw araw eh, gumagawa siya ng paraan para may pagtalunan kayo. Kahit alam niyang masasaktan o magagalit ka eh, ginagawa niya. Binibigyan ka niya ng sama ng loob para ikaw mismo ang bumitaw sa relasyon n’yo.
Sapul!
May mga lalaking sinasadya iyon pero may mga lalaking hindi nila alam na iyon na pala ang ginagawa nila. Kaya mag-isip ka kung nararamdaman mo iyon. Patunayan mo na malakas talaga ang instinct ng mga babae. Huwag magkunwari na okay ang lahat o mag deny na love na love ka niya kahit di mo naman nararamdaman dahil sarili mo lang ang dinadaya mo.
Ano nga ba ang gagawin mo kung tama ang kutob mo?
Kausapin mo siya. Sabihin mo ang problema mo o kung ano nga ba ang status niya sa’yo. Kailangan mong malaman kahit masaktan ka kasi mas masakit kung hindi niya sinasabi pero pinaparamdam niya sa’yo na hindi na ikaw ang mahal niya.
Kung sasabihin niya sa’yo na mahal ka pa rin niya eh, ipaliwanag mo sa kanya na hindi mo iyon nararamdaman. Kung mahal ka niya di siya papayag na iyon ang maramdaman mo. Gagawa siya ng paraan para makabawi siya sa’yo – kailangan niyang ibalik ang sparks na dati ay meron kayo.
Paano kung sabihin niya ang totoo? Kaya mo bang tanggapin na isang masaklap na katotohanan? Isang katotohanan na hindi ka na niya mahal.
Ouch!
Bago ka mag emote, tanungin mo muna ang sarili mo. Bakit nga ba biglang nagbago ang BF mo? Baka naman ikaw din ang nagkulang?
Masyado kang obsessed sa kanya. Kulang na lang pasukin mo ang buong buhay niya. Kulang na lang pati sa CR eh, samahan mo siya. Pati kulay ng brief niya eh, ikaw ang pumipili.
Masyado ka kasing selosa kahit ka work niya na may asawa na eh, pinagseselosan mo. Napuno na ang BF mo kaya nawalan na siya ng gana sa’yo.
Malamig siya sa gabi? Paano gusto mo naman pero pa-ayaw ayaw ka pa. Kahit kiss di mo maibigay sa BF mo kaya ngayon iba na ang humahalik sa kanya.
Masyadong mataas ang standards mo kaya di ka na ma reach ng BF mo. Pakiramdam niya kasi di na kayo bagay. Maliit na ang tingin niya sa sarili niya.
Masyado mo siyang pinapaselos kaya na realized niya na mas bagay ka nga sa iba.
Nararamdaman niya na pera pera lang ang relasyon n’yo. Kahit di mo sinasadya pero lagi mo namang ini-expect na mamahalin dapat ang ibinibigay niya sa’yo. Hindi mo na kasi na –appreciate ang mga maliliit na bagay.
Puro ka expectation sa kanya eh, ikaw naman ang unang nawalan ng sweetness dahil sa mga hinala mong hindi naman totoo.
Sinasabi niya sa’yo na mahal ka niya pero hindi ka naniniwala. Kaya ang ending nangyari kasi nga nagsasawa na siya sa ugali mo.
Okay, paano kung ibinigay mo na lahat ng pagmamahal o naging mabuting GF ka sa kanya? Paano mo tatanggapin na hindi ka na niya mahal?
Simple lang, huwag nang ipagpatuloy ang isang relasyon na hindi na healthy. Para ka lang umiinom ng kape na walang asukal. Pinipilit ubusin kasi mapait na. Sa pag-ibig, kaya mo bang lunukin kung wala ng tamis?
Bangon na! Sa umpisa lang ‘yan! Huwag kang umasta na parang ngayon ka lang naging BH. Aba! Pang-ilang BF mo na ‘yan, at ilang beses ka nang nag move on.
Kung sa first love mo nga eh, naka move on ka sa kanya pa kaya?
Tanggapin mo na lang na hindi na kayo. Pakawalan mo na siya kung sa iba siya liligaya. Ang mahalaga nasagot ang mga katanungan mo. Napatunayan mo na tama ang mga hinala mo sa kanya – na hindi ka na niya mahal.
Oo, sayang ang ilang taon na pinagsamahan. Nagkulang ka man o hindi eh, huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Kasi nga kung mahal ka talaga niya hindi ka niya iiwan kahit nagkulang ka pa. Aayusin niya ang lahat para maibalik ang  sweetness na nawala. Hindi ung nasa iyo na ang lahat ng effort – nakakapagod diba?
Iniwan ka niya kasi may ipapalit na siya sa’yo! Nawalan siya ng gana kasi wala kang kagana gana. Iniwan ka niya kasi di siya loyal sa’yo. Malamig ang gabi mo kasi iba na ang nagpapainit sa kanya. At higit sa lahat hindi ka na niya mahal kasi nga nagbago na siya.
Yun lang yun!
Tandaan! Hindi ka na niya mahal kung hindi na siya gumagawa ng paraan para maayos ang mga problema ninyo.
O, nasagot na ba ang katanungan mo? Medyo mahaba na rin ang mga nasabi ko kaya hanggang dito na lamang. Kung may hinala ka sa pagmamahal ng BF mo eh, kausapin mo na lamang siya. Lahat naman ng bagay ay napag-uusapan.
Isa na lamang ang masasabi ko, mapalad ka kung hindi nagbago ang BF mo hanggang siya na ang nakatuluyan mo.
Posted and created by jondmur
Image from Google Search

19 comments:

  1. based on experience ba to? hehehe...madalas talaga tama ang instinct ng mga babae..bakit kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello ^__^ ung iba lang hehehe..... siguro dahil malakas lang talaga ang pang amoy ng mga babae hehehe...

      Smile smile ^_^

      Delete
  2. pag ibig pag ibig minsan kahit kausapin mo pa ng todo, nagbubulagbulagan pa rin ang mga babae. may martyr pa rin natitira sa panahon natin hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe sabagay.... thanks Boinx sa pagbasa and comment ^_^

      Delete
  3. sino kaya ang pinatatamaan mo? someone special?
    Well, I am so happy na kahit almost 22 years na kami ng hubby ko ay napaka sweet pa rin nya sa akin. Well, of course ganon din ako sa kanya.

    Have a nice week JonDmur!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe la pa naman .... kung sino lang po ang tatamaan hehehe

      musta po? kaway kaway! naks naman... nakakatuwa kapag ganyan... atleast always happy na ang marriage life....

      Kayo din po ^^ Godbless !

      Delete
  4. Hello,

    Inilagay ko na po uli yung codes sa Blogs of Fame Banners directly below each banner. Pwede na po nyong copyahin at ilagay ang iyong banner sa iyong website :)

    Best Regards,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  5. well ive been in a relationship for almost two years now her sweetness fades away the sparks in kinda gone but as long as we love each other im sure we'll go on

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup... as long na nagmamahal pa rin kayo... at matibay ang pundasyon.... malalampasan ang mga pagsubok ^__^

      at kung kumupas man... maibabalik din un....

      Delete
  6. It's hard to break somebody's heart! Kaya siguro dinadaan ni lalake sa ibang paraan, gaya ng pagpapakita ng kung ano-anong hindi maganda to end the relationships... pero kaduwagan yon. It takes a lot of courage and hard balls para sabihing may mali at problema sa kanilang relasyon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama yan... mag ganyan talaga... un bang sa kilos na lang pinapadaan ang lahat... natatakot magsalita kaya ipaparamdam na lang...

      pero mas maganda pa rin ung masabi mo ang dahilan....

      Delete
  7. bakit kaya yung bf ko hindi man lang magbago hahahah... sana mag bago na sya lol.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung okay na si BF sana di na magbago hehehe

      Musta ka na? ^___^

      Delete
  8. Ser, karanasan mo ba to? Tol, pwede kanang doctor love. Dami mong alam pagdating sa pag-ibig. Kamusta naman ang sarili mong pag-ibig. Ayihi :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe bokya ang lovelife hahaha..... naisip ko lang yan nung malamig ang gabi ko dito sa ksa hahaha

      Delete
  9. Hay, the joys and sorrows of love..

    BTW, pwede ka na ngang love doctor JonDmur :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup joy and sorrow nga hehehe

      pwede na ba? hehehe pero lovelife ko di ko alam kung paano hehehe

      ^_^

      Delete
  10. ang malaking problema kasi sa ating mga pinoy kadalasan hindi natin nilalabas ang mga saloobin natin. kinikimkim lang natin ito hanggang sa hindi natin makayanan at parang bulkan na lang kung sumabog. ngayon, sa mga babae, dahil natural kayo walang kime, dyos ko po stand up for your right! kung alam nyo may hindi tama kausapin ninyo. kung alam mong adik yung partner mo sa sex, give it your best hindi yung "hindi muna ngayon bukas na lang"-

    ReplyDelete

Comments