xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Nadedevelop na ba siya sa’yo?

Popular Post of the Week

Nadedevelop na ba siya sa’yo?

Minsan mahirap hulaan ang nararamdaman ng isang tao. Hindi mo ma-gets kung love ka ba niya o talagang kaibigan lang ang tingin niya sa’yo.

      Paano mo ba malalaman kung love ka na ni Gwapito? Minsan kasi love mo na siya pero ‘di mo ma-gets kung same feelings lang ang nararamdaman ninyo sa bawat isa.

      Kapag si Gwapito love ka niya gusto niya lagi kang masaya. Nandiyan siya kapag malungkot ka. Pinapasaya ka niya sa abot ng makakaya niya. Gusto niya lagi kang nakangiti. Kasi kapag nakita niyang naka-smile ka masaya na rin siya. At kapag malungkot ka – nakahanda ang balikat niya para maging sandalan mo.

      Kapag love ka na ni Gwapito, gumagawa siya ng mga bagay na ikatutuwa mo – love messages, videos, quotes or ano pang gimik na tiyak niyang ikatutuwa mo. Gusto niya lagi kang nasu-surprise sa mga pakulo niya.

      Kapag love ka niya – binibigyan ka niya ng GIFT kahit mahal pa ito. At kung hindi pera ang pag-uusapan, gumagawa siya ng mga regalo na siya mismo ang gumawa. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung pinag-drawing ka niya? Pinagluto? Binigyan ka niya ng tula or story na siya mismo ang nagsulat.

      Kapag love ka ni Gwapito, hindi ka niya matitiis na kausapin o tawagan man lang at higit sa lahat hindi ka niya matitiis na hindi makita – kahit man lang on-cam. Gagawa talaga siya nang paraan na makita ka lalo na kung sa Facebook lang kayo nagkakilala.

      Kapag love ka niya, nakahanda siyang ibigay sa’yo ang free time niya. Sa umaga,  ikaw agad ang hinahanap niya. Gusto niya ikaw ang kausap hanggang sa pagtulog niya. Masaya kasi siya sa tuwing nakaka-usap ka  niya. Manhid ka kung di mo iyon nararamdaman.

      Kung mahal ka niya, alam mo ang mga bagay tungkol sa kanya. Hindi siya natatakot na ibahagi sa’yo ang ilang kabanata ng buhay niya. Lahat na yata nang kapalpakang nagawa niya eh, nalaman mo na. Kumapal na kasi ang mukha niya kaya lahat nasabi na niya sa’yo. Kulang na lang pati utot niya ay kabisado mo na.

      Kung mahal ka niya gumagawa siya nang paraan para lalong mapalapit sa’yo. Magugulat ka na lamang na nakatira na siya sa barangay n’yo o naka-transfer na siya sa university mo. O, baka ma-shock ka kung matuklasan mong ka-member na rin siya sa grupong sinasalihan mo.

      Love ka na niya kung ipinapakilala ka na niya sa mga relatives niya. Kulang na lang pati si Lola na matagal nang nakalibing eh, ipapakilala pa sa’yo. Ganda mo teh! Kasi nga love ka na niya.

      Kung love ka na ni Gwapito gagawa siya nang paraan para malaman mo ang nararamdaman niya. Sasabihin niya na like ka niya o special ka na sa kanya. Minsan naman mababalitaan mo na lamang sa isang kaibigan kung ano ang tunay niyang nararamdaman.

      Teka! Ang mahirap kung si Gwapito ay tameme. Di niya sinasabi kung ano ang nararamdaman niya. Yung feeling na baka nag-a-assume ka lang? Basta! Ang alam ko ‘pag love ka ni Gwapito, ‘di rin yun makakatiis – liligawan ka din nun.

      Ang masasabi ko lang, kung love ka niya hindi ka niya ikahihiya, tanggap ka niya kung ano pa ang past mo, at higit sa lahat ikaw ang liligawan niya o sasabihin niya sa’yo na mahal ka niya.

      At kung hindi man siya ang pinili mo – magiging masaya na rin siya para sa’yo. Kasi kung love ka niya, masaya siya sa love life mo.  Kahit masakit sa kanya na makitang nasa langit ka ng iba.

      Paano kung nadedevelop na siya sa’yo pero hanggang friendship lang ang maibibigay mo sa kanya?

      Huwag mo siyang paasahin. Sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Saka kung ‘di mo siya mahal o wala na talagang pag-asa na mahalin mo siya sana bawasan mo ang pagiging sweet sa kanya. 

      Paano kung maling akala lamang ang lahat? Masyado ka lang nag-assume na mahal ka rin niya?

      Masakit pero kailangan mong umiwas. Gaya nang nasabi ko na – pakawalan mo na siya. Baka likas lang talaga sa kanya ang pagiging malambing kaya akala mo love ka na niya. Ang mahirap kung hindi lang ikaw ang nabigyan ng mga pamatay na banat niya.

      Ouch!

      Kaya bago ka mag-assume o maniwala sa sasabihin niya alamin mo muna kung ikaw lang ba talaga ang pinapakitaan niya ng pagmamahal. ‘Di mo kasi masasabing special ang ginawa niya kung nagagawa rin niya sa iba.


      Ganyan talaga ang buhay. Minsan nabubulag tayo sa maling akala. Tandaan! Hindi porke’t malambing sa’yo eh, love ka na.  


By Jondmur

No comments:

Post a Comment

Comments