xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Paano malalaman kung sincere si Gwapito sa’yo?

Popular Post of the Week

Paano malalaman kung sincere si Gwapito sa’yo?

   
Kilalanin mo ang mga EX-GF niya? Sinu-sino ba? May common denominator ba? Kung sa tingin mo eh, pare-pareho lang ang reason ng break-up, pare-pareho ang mga pick up lines na ibinibigay niya sa mga nililigawan niya eh, huwag ka nang magulat kung isang araw ay matulad ka sa mga EX niya – umasa sa maling pag-ibig.

      Sincere siya sa’yo kung hindi siya nagmamadali na makuha ang FLAG mo. Kung love ka niya eh, handa siya maghintay kung kailan ka handang isurender ang BANDERA mo.

      ‘Di ka niya binobola kung handa siyang ipakilala ka sa parents niya o sa mga taong malapit sa kanya. Hindi rin siya natatakot na kilalanin niya ang mga taong malalapit sa’yo. Sabi nga nila, special ang isang babae kung naipakilala na siya sa nanay ng lalaki.

      Sincere si Adan kung tinutupad niya ang mga promises niya. Ilang beses ka na bang umaasa na darating siya? Eh, isang taon na yata kayo pero ‘di pa rin kayo nagkikita.

      Homaygulay!

      Okay lang sana kung nasa ibang planeta siya eh, ang problema nasa isang bansa lang kayo. Sabi nga kung gusto niya maraming paraan, at kapag ayaw maraming dahilan.

      Sige, ipagtatanggol ko si Adan. Kung busy siya nasa iyo na ang pag-unawa. Isipin mo na hindi lang sa’yo umiikot ang mundo niya. Meron din siyang pamilya na kailangang puntahan o baka naman nagtitipid siya kaya walang pamasahe.

      Sapul!

      Sincere si Adan kung ‘di siya nawawalan ng oras sa’yo – kahit sa online lang ‘di ka niya binabalewala. Sa paggising hanggang sa pagtulog eh, updated kayo sa bawat isa. Kulang na lang pati pag-banyo ay nasasabi n’yo sa bawat isa. 

      Sincere siya sa’yo kung after nang mahabang ligawan sa facebook eh, liligawan ka rin niya sa bahay ninyo. Maliban na lamang kung disyerto ang pagitan ninyo.

      Paano mo ba malalaman kung SINCERE si manliligaw?

      Teka! ‘Di ka naman manghuhula para hulaan mo kaya makinig ka na lang sa sasasabihin ko. ‘Di porke’t niligawan ka eh, mahal ka na. Bakit?

      Niligawan ka niya kasi alam niya na mahal mo na siya. Hindi manhid si Gwapito para ‘di niya maramdaman na laglag ang panty mo sa tuwing kinakausap ka niya. Sabagay, sino ba naman ang ayaw sa babaeng alam mong love ka na?     

      Niligawan ka niya kasi ayaw niyang maunahan siya ng EX niya – gusto niya siya ang unang magkahanap ng kapalit para ipamukha sa EX niya na hindi ito kawalan sa kanya.

      Niligawan ka niya kasi broken hearted ka – alam n’yo ba na majority ng mga Ebang bigo ang puso eh, madaling ma-inlove sa mga lalaking nagiging sandalan nila? Paniniwala iyon ng ibang Adan – kung maniniwala ka eh, nasa iyo na ‘yon!

      Minsan naman niligawan ka niya kasi panakip-butas ka lang. Akala mo sincere na siya sa’yo pero ‘di mo lang alam ginagamit ka lang niya.

      Ouch!

      Gusto lang niyang pagselosin si EX at matiyak kung affected ito sa panliligaw niya sa’yo. Ikaw naman si Ganda tuwang-tuwa naman sa panliligaw niya. Kaya masasaktan ka lang kung malaman mong nagkabalikan din pala sila.

      Paano mo ba talaga malalaman kung sincere talaga siya sa’yo?

      Ito ang tanong na mahirap sagutin. Hindi mo pwedeng hulaan ang bawat kinikilos ng isang tao. Pwedeng ipinapakita niya ang SIGNS ng pagiging SINCERE pero ang lahat pala ng ipinakita niya ay HUWAD lamang.

      Ang masasabi ko lang eh, kilalanin mo muna ang isang tao. Huwag kang magmadaling magka-BF  dahil minsan kung alam nilang desperada kang magka-BF eh, sasamantalahin nila ang pagkakataon. Liligawan ka kahit ‘di ka pa love – para gawing trophy o gawing koleksyon.

      Kaya lang, ang problema kahit alam mong hindi siya sincere eh, okay lang sa’yo. Mahal mo eh! Kahit cactus siya handa mo siyang yakapin kahit masaktan ka pa.

      WAGAS!

      Isa kang ulirang babae na dapat bigyan ng isang GWAPITO hehehe!


      Tandaan! Kilalanin n’yo muna ang bawat isa. Sincere siya kung handa siyang maghintay.

By Jondmur

No comments:

Post a Comment

Comments