Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sawa ka na ba sa pagiging single?

Kapag single ka marami kang magagawa; nabibigyan mo ng focus ang career mo, nabibigyan mo ng atensyon ang pamilya mo, at walang sakit ng ulo dahil sa mga selos o awayan ng magkasintahan.

Pero minsan ang pagiging single makakaramdam ka ng kulang sa buhay mo. Nababawasan kasi ang inspiration mo. Oo nga, napapasaya ka ng pamilya mo pero iba pa rin kung may naglalambing sa’yo at ipinararamdam sa’yo na special ka.

     
     Ang problema, gustuhin mo mang kumawala sa pagiging single ay hindi mo magawa. Nagtataka ka ba kung bakit hanggang ngayon single ka pa rin?

      Maganda ka naman pero bakit naka-ukit na yata sa palad mo ang pagiging single? Nagtatago ba si Adan o sadyang may pagkukulang ka?

      Iba-iba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single ka. Maaaring maraming adan sa paligid pero hindi ka nila mahanap.

      Hindi ka makita ni Adan kasi naman nakakulong ka sa library kulang na lang maging valedictorian ka na.  O, baka naman masyado kang workaholic kaya nakakalimutan mo na ang lovelife mo? Para makita ka ni Adan dapat bigyan mo ng oras ang lovelife mo. Lumabas ka pag restday mo para makita ka ni Adan. Malay mo i-date ka niya.

      Ugali mo ay kakaiba sa lahat. Lalapit lang si Adan ay tataas na agad ang iyong kilay. Ngumiti ka naman kahit minsan lang para lumapit ang iyong manliligaw. Masyado kang masungit na tila tinalo mo pa ang mga kontrabida sa isang teledrama.

      Kulang ka sa self – confident. Pakiramdam mo hindi ka kagandahan kaya nawawalan ka ng pag-asa. Iniisip mo na walang magkakagusto sa’yo. Aba! Kung si Mahal nga eh, may Jimboy ikaw pa kaya mawawalan?

      Single ka kasi, masyado kang nakakulong sa bahay. Hindi ka lumalabas to meet another person. Lalabas ka nga kasama mo pa nanay mo. In short, kulang ka sa exposure. Wala kang ibang ginawa kundi ang mag-facebook at umaasa na makakuha ng online boyfriend. Aba! Baka pumuti na ang buhok mo eh, ‘di ka pa nakaka-hug sa tunay na Adan dahil puro online BF ang mga napupusuan mo.

      Single ka kahit maganda ka. Bakit? Masyado kang nakakulong sa iyong nakaraan. Umaasa ka pa na babalikan ka ng EX mo. Asa ka pa!

      Single ka? Wala kang BF? Paano, lahat ng guy na nakikilala mo besprend mo. Kaya akala nila hanggang friendship na lamang ang lahat. Pa-kuya kuya ka pa kaya akala kapatid lang turing mo sa kanila.

      Single ka kasi, natatakot kang masaktan! Sapul! Bakit kasi ‘di mo tanggalin ang takot na ‘yan? Tapos, magrereklamo ka na single ka? Kung ako sa’yo mag move-on ka na sa bakas ng kahapon.

      Single ka kasi, masyado kang magaling. Tinalo mo na yata ang Presidente ng Pilipinas kaya si Adan natatakot o nahihiya na sa’yo. Iniisip kasi nila na masyadong mataas ang standards mo. Di ka nila ma-reach!

      Sa tingin ko, single ka kasi masyado kang mapili. Kulang na lang maghanap ka ng Prince Charming. Gusto mo kailangan may abs. Masyado kang mapili kaya ang ending wala kang napili.

      Single ka? Kasi hanggang ngayon umaasa ka na mamahalin ka ng taong alam mong hindi ka mahal. Sobra kang umaasa na sana mahalin ka niya.

      Wish mo lang!

      Lakasan mo ang loob mo at huwag mahihiyang makihalubilo sa iba. Tiyakin mo na malinis ang pangangatawan mo. Baka naman sa lakas ng kili-kili powers mo eh, matakot na si Adan. Lagot tayo diyan!

      Kung ayaw mo nang maging single dapat gumawa ka ng paraan para mapansin ka ni Adan, ayusin mo ang ugali mo kasi may mga Adan na ugali ang tinitingnan sa isang babae, at higit sa lahat dapat malinis ka sa katawan.

      Get’s mo?


      Alam mo ba na hindi naman masama ang pagiging single? Oo, given na roon na masarap ang may nagmamahal sa’yo pero sa pagiging single, hawak mo ang oras mo. Kaya kung single ka maghintay ka na lang nang tamang panahon kung kailan darating si Adan. Pero, kung nagsasawa ka na sa pagiging single – sundin mo lang ang mga nasabi ko.

By: Jondmur

1 comment: