xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Tips for Moving On and a Healthy Sex Life

Popular Post of the Week

Tips for Moving On and a Healthy Sex Life

Kung iniwan ka niya dahil sa iba dapat huwag mo ng ipilit ang sarili mo. Mas masasaktan ka lang kung patuloy kang aasa sa isang maling akala – na ikaw at siya ay iisa.

Tips for Moving On:
           
              “Iniwan ka niya kasi may ipapalit na siya sa ‘yo.” -Jondmur-

            Hindi na ikaw ang mahal niya ngayon. Iniwan ka niya kasi iba na ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo. Pakawalan mo na siya. Mahirap man pero kailangan mong tanggapin. Huwag mong hayaang masira ang buhay mo dahil lamang sa kanya. Kaya mo ‘yan! Samahan mo na rin ng prayer para buksan ni God ang puso mo. ‘Yong feeling na, dahil kay God ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam mo.
            Para maka-move on ka. Ito ang ilang tips na Ibibigay ko sa ‘yo.  

Tip No. 1: Iwas Facebook

            Iwasan ang pagsilip sa Facebook Profile niya. Masasaktan ka lang kung makikita mong burado na ang mga picture n’yo. Mas masakit kung makikita mong may iba na siyang karelasyon.
Paano ka makaka-move on kung lagi kang updated sa mga status niya?

Tip No. 2: Love Song

            Iwasan ang mag-emote katabi ang radio n’yo. Mas masasaktan ka lang kung makaka-relate ka sa mga kantang tugma sa kabiguan mo. Minsan naman masasaktan ka kasi maaalala mo lang ang mga masasayang araw ninyong dalawa. Akala mo kasi perfect na ang relationship n’yo. Maling akala lang pala ang lahat. Kaya kung ako sa ‘yo – meet your friends kaysa mag-emote sa pakikinig ng mga love songs.

Tip No. 3: Dating Place

            Iwasan mong balikan ang mga lugar na madalas ninyong puntahan. Masasaktan ka lang kung maaalala mo ang mga happy moments ninyong dalawa na alam mong hindi na mauulit pa.




Tip No. 4: Spend Time with your Idol

            Para mabawasan ang sakit na nararamdaman dapat ibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Maliban sa mga close friend mo na nakakatulong para mabawasan ang pag-e-emote mo, subukan mong i-focus ang iyong atensyon sa iyong idol – sa mga Korean actors, band, singers or sinu-sino pang celebrity.
            Alam n’yo ba na karamihan sa mga babae ay nagagawa na ito nang ‘di nila namamalayan? Nakakalimutan nila ang madugong past nila dahil sa paghuhumaling sa mga IDOL nila. Nakakatulong kasi iyon para malimutan nila ang sakit at mapalitan ng pagkakilig.

Tip No. 5: Huwag Muna

            Huwag mong pilitan ang sarili mo na magmahal agad para makalimutan mo siya o ipakitang naka-recover ka na.
            Iwasan na rin ang pagsubaybay sa love story nilang dalawa. Alisin ang inggit o ung feeling na sana ikaw na lang yun. Isipin mo na lang na darating din ang time na makakahanap ka rin ng para sa ‘yo.
            Sa tamang panahon. Huwag kang maghanap ng isang tao para gamitin – ‘yon bang aalamin mo lang kung magseselos siya. Huwag pilitin ang sarili na magmahal muna kung hindi pa handa. Maghintay sa tamang panahon.
            O, hayaan! Wish ko na maka-recover ka na. Tandaan, huwag na huwag kakain ng ampalaya para huwag maging bitter. Smile lagi para lalo kang gumanda. Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan sa buhay mo.

            Iniwan ka ba niya kasi may pagkukulang ka? Hindi ba naging okay ang sexual relationship n’yo?
            Madalas ka bang magreklamo kung hinahalikan ka niya? Sa isang relationship dapat give and take. Matuto ka ring maglambing para mas tumagal ang relationship n’yo. Dagdagan mo ng extra effort ang pag-aakit mo sa kanya. Samahan mo ng isang pamatay na massage kapag dalawa na lang kayo sa loob ng kuwarto.
            Tandaan, kapag enjoy si BF o si Hubby sa sexual relationship n’yo sure ako hindi na ‘yan maghahanap ng Other Woman.
            Ito pa ang ilang tips na maaaring makatulong para mas maging makulay ang sex life n’yo.
           



Tips for a Healthy Sex Life:

            Naniniwala ako na mas nagiging makulay ang isang relationship kung healthy rin ang sexlife nila. Kaya bibigyan kita ng ilang tips para mapanatiling makulay ang sex life n’yo. Kung single ka ngayon o broken hearted, eh, basahin mo na lamang. Malay mo magamit mo ito in the future. Handa ka na ba?

            “Let’s face it! Kung walang sexual chemistry, ‘di kayo magtatagal.”  -Jondmur-

Hinog sa Pilit

            Huwag pilitin ang isang taong ayaw makipag-something-something sa ’yo. Tandaan, mas masarap kumain ng prutas kung hindi hinog sa pilit. Dapat hintayin mo na pareho kayong nasa good condition para mas masaya ang something something.

Fresh Juice

            Kung gusto mong maging masarap ang katas ni BF o ni Mister painumin mo siya ng mga fresh juices. Mas malasa ang katas ng lalaki kapag fresh juices ang iniinum niya. Tandaan, mas masarap kaysa sa lalaking madalas uminom ng beer

Magpakatotoo Ka

            Kung ‘di ka nasasaktan huwag kang umaray. ‘Di lang partner mo ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Sabihin mo sa kanya kung kulang ang ginagawa niya para maitama niya ang pagkukulang niya.
Paano niya malalaman kung ‘di ka nasasarapan kung ‘di ka nagsasalita? Isipin mo na lang na lahat ng bagay ay may paraan kaya huwag mong dayain ang emosyon mo. Hindi yung aray ka nang aray kahit ‘di pa pumapasok!

Hot Shower

            Para maka-iwas si BF o si husband sa infertility na tinatawag, payuhan siyang huwag magtagal sa hot shower o bath tub lalo na kung pagod siya galing ng trabaho.
            Walang masama kung ito ay iyong susubukan. Tandaan, mag-ingat sa ating kalusugan. Sabi nga ng mga matatanda, kapag pagod ka huwag kang maligo – mapapasmo ka. Kaya naman ang iba, maligamgam na tubig ang ginagamit. Pero dapat quick shower lang o mabilisan.

            Infertility is the term health care providers use for women who are unable to get pregnant, and for men who are unable to impregnate a woman – from google.

Alcohol

            Before having sex – iwasan ang uminom ng alak na hihigit sa isa o dalawang baso. Sabi nila, okay ang uminom ng alak dahil nakakadagdag ito ng init sa katawan pero dapat konti lang para makaiwas sa erectile difficulties si Adan.

            Tandaan, hindi lang si lalaki kundi pati na rin sa mga babae. Kapag sobra sa alak nagkakaroon ng vaginal dryness ang isang babae.
            Kaya kung gusto mong maging memorable ang love making dapat tama lang ang alcohol sa katawan. Tandaan, kapag sobrang lasing si Adan, eh, baka makatulog na siya. Kawawa ka naman! Sayang ang sexy dress mo na binili mo pa sa ukay ukay.

            Paalala: Meron ding lalaki na mas hot kung naka-inom. Huwag lang sosobra para ‘di makatulog.

            Maraming salamat! -Jondmur-

***

            “Bakit masarap makinig ng love song kahit broken hearted ka? Dahil ba tinamaan ka o naalala mo lang ang love song n’yong dalawa?” -Jondmur-

            “Love and Sex ang nagiging sandata para mas tumibay ang isang relasyon. Lalo na sa mag-asawa. Agree?” -Jondmur-

            “Kulang ang LOVE kung walang SEX. At kulang ang SEX kung walang LOVE.”
-Jondmur-

            “Para makapag MOVE ON ka dapat itago mo na ang picture n’yong dalawa. Paano mo siya makakalimutan kung lagi mong tinitingnan ang picture n’yo n’ong grade one pa lang kayo.” -Jondmur-

            “Bakit gusto mong makilala o malaman kung sino ang GF ng EX mo?”
-Jondmur-


            “Bakit mo sinisilip ang Facebook Profile ng BF mo kahit alam mong masasaktan ka sa makikita mo?” -Jondmur-



Image from Google

No comments:

Post a Comment

Comments