xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Online Relationship: Is your BF Sincere with You?

Popular Post of the Week

Online Relationship: Is your BF Sincere with You?

A relationship is considered a success if both partners are sincere with each other. Paano kung nagkakilala lang kayo through online? Maibibigay mo ba ang buong tiwala mo sa kanya? 

Paano mo ba malalaman kung sincere siya sa’yo kung sa Facebook mo lang siya sinagot? Nagkita na ba kayo sa cam? Kung nadevelop ka sa kanya dahil madalas kayong mag-usap dapat next level na – magkita na kayo.

Ang mahirap kung isang baranggay lang ang layo ninyo pero ‘di niya magawang magpakita sa’yo. Madalas busy ang dahilan niya. Kahit pasko o bagong taon eh, marami siyang excuses para ‘di kayo magkita. 

Are you in long distance relationship? Okay lang naman na mahalin mo siya kung nagkita na kayo sa cam. Baka naman call and text lang ang communication n’yo? Baka mamaya si Simsimi lang ang kausap mo. Patay tayo diyan! Ang mahirap kung hindi niya magawang magpakita sa cam – baka may itinatago?

Sabagay, minsan meron talagang sincere kahit sa FB lang nagkakilala. Minsan naman, sa Facebook nakilala mo ang lalaking nagpabago sa buhay mo. Depende kasi ‘yan kung paano n’yo dadalhin ang relasyon ninyo.

Sincere siya sa’yo kung walang bahid ng kasinungalingan ang mga sinasabi niya sa'yo. Nagpapakilala siya ng maayos, nagpapakita sa cam, tinatawagan ka, at higit sa lahat hindi bogus ang Facebook account niya.

Natigilan ka ba? Kasi tinamaan ka? Kung mahal mo siya at mahal ka niya – ‘di ako kokontra! Ang masasabi ko lang kilalanin n'yo muna ang bawat isa. malay mo, siya pala ang prince charming mo.

Tandaan! Masarap magmahal kahit sa online lang kasi minsan dito mo lang naramdaman na may nagmahal sa'yo. Let's face it! May mga tao na nakahanap ng true love sa Facebook. Okay lang ‘yun. Ang mahalaga kilalanin n’yo muna ang bawat isa. Mahalin mo siya pero magtira ka para sa sarili mo. Kilatisin mo siyang mabuti. Tandaan, maraming naloloko sa Facebook. Sure ka ba na wala pa siyang asawa?


By Jondmur

No comments:

Post a Comment

Comments