xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Quote Ngayon: Bumalik si EX

Popular Post of the Week

Quote Ngayon: Bumalik si EX

Naranasan n'yo na ba ung feeling na bumalik ang EX mo sa panahong nakapag move on ka na?

Ang mas mahirap ‘yung may bago nang nagpapaligaya sa'yo. ‘Yung feeling na bumalik siya para lang bigyan ka ng sakit ng ulo. Aminin mo man o hindi eh, masasaktan ka pa rin at maguguluhan lalo na kung talagang minahal mo siya.

Bakit nga ba bumalik ang EX mo?

Siguro dahil natuklasan niyang mahal ka pa rin niya. At ang ending emote emote siya na parang natalo sa lotto. Mas nakakainis pa ‘yung feeling na pinagseselosan niya ang lalaking nagpapasaya sa’yo ngayon. Kaya ang ending, moving on ang drama niya.

Kaya minsan maiisip mo bakit pa siya bumalik? Nagugulo tuloy ang relasyon n'yo ng present BF mo. Mas magulo pa kung alam mo sa sarili mo na may natitira pang pagmamahal para sa kanya. 

Nararanasan mo ba ang ganitong sitwasyon?

Masaya ka ba sa BF mo ngayon? Nararamdaman mo ba na mahal ka niya? Kung mahal mo siya huwag kang gumawa ng dahilan para masira ang nasimulan na ninyo. Umiwas ka sa ex mo. Huwag pairalin ang emosyon - normal lang na mag emote siya at magmakaawa sa'yo. 

Hayaan mo siyang magselos - para ma realized niya na sana 'di ka niya pinakawalan noon. Oo, nasasaktan siya kasi ang selos na nararamdaman niya ay may kasamang paghihinayang. Pero, masisisi mo ba ang sarili mo? Nagmahal ka, nasaktan, bumangon at muling nagmahal sa isang taong karapat dapat. Kung mahal ka niya sana kayo pa rin.

Sapat na 'yung napatawad mo siya. Kaya kung ako sa'yo umiwas ka na lang. Mag focus ka sa present BF mo - yun kung sa tingin mo nagmamahalan talaga kayo.

Kailangan mong umiwas para huwag kang makaramdam ng awa sa bawat pag eemote niya - isa kasi yan sa dahilan kaya ka naguguluhan.

Paano kung si ex pala ang mas higit na mahal mo?

Nasaan ang konsensya mo? Hindi mo ba naisip na may taong masasaktan? Pero, di kita masisisi dahil nagpapakatotoo ka lamang. Mas mahirap 'yung ipagpapatuloy mo ang isang relasyon na alam mong hindi buo ang pagmamahal mo.

Balikan mo ang ex mo kahit may masaktan ka. Kasi siya talaga ang mahal mo. Bumalik siya para sa Happy Ending ng Love Story n'yo.

Good Luck na lang sa'yo. Na sana hindi maulit ang nangyari sa inyo. Sabagay, ang mahalaga naman sa isang relasyon eh yung pareho kayong lumalaban.

Salamat!

Jondmur

No comments:

Post a Comment

Comments