xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": TRE VOLUME TWO

Popular Post of the Week

TRE VOLUME TWO

Tagalog Romance Etc…

-Volume 2-

Hearts of Love

Because it’s the Heart that brings out Love



To Love Again
By: Selena Archangel


            “I want to be with you forever so that I can love you in a way that no one else can... Though they say forever isn’t true, we can prove them wrong by working on forever… just you and me…”



TEASER
           
     Mula nang mamatay si Tristan ay gumuho na ang mundo ni Hope. Nawalan ng kulay ang mundo niya at hindi niya alam kung magkakaroon pa ng saysay ang buhay niya.
   Isang pangyayari ang nagtulak sa kanya upang magpunta sa probinsiya ng lola niya at doon manirahan pansamantala. Paraan iyon upang makapag-reflect siya at para makapag-move on na rin sa pagkawala ng nobyo.
   Sa pagtigil sa lugar na iyon ay hindi niya inaasahang magtatagpo ang landas nila ni Jagger del Cieloang napakaguwapong punong-baranggay nila. Umpisa pa lamang ay agad na itong nagpakita ng interes sa kanya. Ilang beses din niyang iniwasan ito ngunit kahit ano’ng gawin niyang pag-iwas ay lalo lamang siyang nahuhulog dito.
   Handa na ba niyang kalimutan ang namayapang nobyo at umibig muli? O patuloy pa rin siyang mamumuhay sa nakaraan?



In the Name of Love
(Kian)
By: Ms. Divine

            “Thank you so much, honey, for making my life complete. I love you very much.”


TEASER


                Karma ang dumapo kay Kian nang panain siya ni Kupido. Na-in love siya sa isang babaeng ubod ng suplada at prangka. Magkagayunman, gagawin niya ang lahat makamit lang ang minimithing pag-ibig. By hook or by crook ay kailangan niyang makuha ang pag-ibig ni Althea.
            Althea Riveramailap na dalagita. Mula sa isang wasak na pamilya. Takot magmahal at masaktan. Nag-iisang babae na hindi man lamang naaapektuhan sa ipinagmamayabang na kaguwapuhan ng isang Kian Danver Sarmiento. Siya ay isang hamon sa pagkalalaki ng binatilyo sapagkat wala pang tumatanggi sa angking-karisma nito.
           May pag-asa bang magkasundo ang dalawa? Ano ang dapat na unahin? Ang pagharap sa maagang pagpapamilya? O ang pagbibigay katuparan sa pangarap ng isang ina?




Love Shot
By: CatchMe


     “Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, ‘could I have this kiss forever?’ Ayoko ng kiss lang. Ang gusto ko, you’ll be mine forever…”

TEASER

           Neszie was a diehard fan of a famous boy group called “Takeoff.” Lalong-lalo na kay Jzlead vocalist ng grupo at matagal nang itinatangi ng kanyang puso. She considered him as her “husband” na palaging lumilitaw sa matamis niyang “bangungot” kahit na sa kasagsagan ng sikat ng araw.
     Hanggang sa makasumpong siya ng pagkakataon para mapalapit sa lalaking matagal nang kinahuhumalingan ng kanyang etchuserang puso nang minsang magmagandang loob siya rito. At bilang kapalit sa kanyang kabaitan “kuno,” pinilit niya ang binata na kunin siya bilang personal assistant nito. Ang problema nga lang ay ayaw nito. Paano kasi, hindi napipigilang lumandi ng kanyang flirt na puso sa tuwing lumalapit siya ritolalo na kapag nakatitig siya sa napakaguwapong mukha nitonapapanganga siya nang wala sa oras. Minsan din ay natutulala siya at bigla na lamang napapatili na tila sinasaniban ng masamang espirito. Kaya big “NO” ang sagot ni Jz sa gusto niyang mangyari.
       Paano na ang pangarap niyang mapalapit dito kung palagi naman siyang itinataboy ng lalaking itinatangi ng kanyang puso? Papayag na lang ba siya na hindi makalapit sa binata? O gagawa pa rin siya ng paraan kahit palagi siya nitong inaayawan?


When Love Takes Over
By: Heaven Abby


            “I never believed in love and marriage. But when I set my eyes on you, everything changed. For without blinking an eye, I fell in love with you…”

TEASER

            Nang dahil sa sugat na idinulot ng ama ni Dannah sa buhay-pamilya nila, nagkaroon ng lamat sa puso at damdamin niya. She vowed never to fall in love and be committed to any man. Natatakot siyang makahanap ng isang lalaking katulad ng kanyang ama na iniwan ang sarili nitong pamilya para sa babaeng gusto nitong makasama.
           Till such a moment came na hiniling ng kanyang butihing-ina ang isang apo mula sa kanya. She was the only daughter and she loved her mom very much para ipagkait dito ang simpleng bagay na alam niyang makapagpapaligaya rito.
         Sa tulong ng kaibigang si Sandy ay nakahanap siya ng lalaking handang mag-“donate” ng sarili nitong “semelya.” Iyon ay si Gunther de Guzman!
          Tila nakiayon naman ang tadhana, for Gunther only desired sex without commitment and love. On her part, she only yearned for a baby without having a husband. Iyon ang bagay na nagbuklod sa kanila. Kaya naman they shared one-night stand together.
      Okay na sana ang lahat para kay Dannah sa pag-aakalang iyon na ang kahuli-hulihan nilang pagkikita. Subalit ang hindi inaasahan ng dalaga ay ang pagbabago ng isip ng binata.
          “I want to have the custody of my child, Dannah. Kahit saang husgado ay lalabanan kita!”


Bakit may Other Woman si Mister?

            “Akala mo perfect na ang relationship n’yo. Tandaan, kahit mahal ka niya kung may pumapapel nasisira ang isang relasyon.”  -Jondmur-

           Minsan mahirap labanan ang tukso. Lalo na kung kusa itong lumalapit. Kaya nga may pamilyang nasisira dahil sa tukso – may mga taong biglang darating para guluhin ang isang masayang relasyon. Madalas ang lalaki ang nagiging mahina dahil sa malakas ang karisma ni other woman.
         Ang tanong, bakit nga ba naghahanap si Mister ng other woman? May nagkulang ba? O, sadyang may pumapapel?
            
            Reason 1: Sa umpisa pa lang ‘di ka na niya mahal.  Nabuntis ka lang kaya ka niya pinakasalan. Ang sama ‘di ba? Pero nangyayari 'yan. Let’s face it! Totoo naman hindi lahat ng nagpapakasal, eh, kagustuhan ng lalaki. Ilan sa kanila no choice lang. Kaya nga nahihirapan silang mahalin ang mga asawa nila dahil ‘di pa sila sawa sa buhay binata. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng other woman.


Price: 490 PHP with delivery 

Volume One and Volume Two: 890 PHP with delivery

TRE Volume One is also available






No comments:

Post a Comment

Comments