xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Bakit Naghanap ng Other Woman si Mister?

Popular Post of the Week

Bakit Naghanap ng Other Woman si Mister?

“Akala mo perfect na ang relationship n’yo. Tandaan, kahit mahal ka niya kung may pumapapel nasisira ang isang relasyon.”  -Jondmur-

Minsan mahirap labanan ang tukso. Lalo na kung kusa itong lumalapit. Kaya nga may pamilyang nasisira dahil sa tukso – may mga taong biglang darating para guluhin ang isang masayang relasyon. Madalas ang lalaki ang nagiging mahina dahil sa malakas ang karisma ni other woman.

Ang tanong, bakit nga ba naghahanap si Mister ng other woman? May nagkulang ba? O, sadyang may pumapapel?

            Alam n'yo ba na minsan may mga dahilan kung bakit nagloloko si Mister? Maliban sa likas na siyang babaero? Ito ang ilang reasons kung bakit naghahanap ng other woman si Mister.
            Kung BF mo pa lang siya – basahin mo na rin, malay mo may matuklasan ka. Tandaan, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh, babae ang bida at kasalanan lagi ng lalaki. Minsan nakakagawa ng kasalanan si Mister kasi nagkulang din ang mga babae. Mapalad ka kung love na love ka ni Mister kahit may pagkukulang ka.
           
            Sige, ito na ang ilang dahilan kung bakit naghahanap ng other woman si Mister.

            Reason 1: Sa umpisa pa lang ‘di ka na niya mahal.  Nabuntis ka lang kaya ka niya pinakasalan. Ang sama ‘di ba? Pero nangyayari 'yan. Let’s face it! Totoo naman hindi lahat ng nagpapakasal, eh, kagustuhan ng lalaki. Ilan sa kanila no choice lang. Kaya nga nahihirapan silang mahalin ang mga asawa nila dahil ‘di pa sila sawa sa buhay binata. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng other woman.

            Reason 2: Mahal ka niya pero nagbago siya. Bakit? Marami siyang nakita sa 'yo na hindi niya inaasahan. Maaaring may nakita siyang pangit sa 'yo. Lumalabas kasi ang tunay mong ugali; talak ka nang talak o super selosa ka o 'di naman mas malakas ka pang uminom ng alak kaysa sa kanya. Hindi lang kasi babae ang naghahangad ng magandang katangian ng kanilang mapapangasawa. Ibig sabihin, baka may attitude problem ka. Kailangan mong baguhin ang masama mong ugali bago pa matangay ng iba si Mister. Minsan kasi kapag nawalan siya ng gana sa 'yo diyan magsisimulang maghanap siya ng iba -- ung mas maalaga at mas malambing kaysa sa 'yo.

            Reason 3: Bilang asawa, ‘di mo maibigay ang sexual needs niya. Lagi kang busy o pinaparamdam mo sa kanya na wala kang gana.  Kaya ang ending, si Mister naghanap ng ibang pugad.

            Ouch! Masisisi mo ba siya? Nasaan ka ba noong panahong matigas ang ulo ng pagong?

            Reason 4: Minahal ka niya noon kasi maganda ka. Kulang na lang ipagmalaki niya sa buong mundo na isang beauty queen ang napangasawa niya. Kaya lang, lumipas na ang kagandahan mo. Tinubuan ka na rin ng bilbil sa katawan. Masakit ‘di ba? Kaya nga nagustuhan ni Mister si other woman kasi ‘di hamak na mas bata o mas maganda ito kaysa sa ‘yo.
            Sakit ‘di ba? ‘Yong feeling na mas maganda si other woman kaysa sa ’yo. ‘Wawa ka ‘Te!

            Reason 5: Mahal pa rin niya ang EX niya. Ikaw pa nga ang kontrabida sa love story nila. Kaya kahit kasal na kayo, eh, ‘di pa rin mabura sa isipan niya ang EX niya. Ang mas masakit ‘yong matuklasan mong nagkabalikan na sila. ‘Yong feeling na, ipinagpatuloy nila ang nasira nilang relasyon noon.
            Ang masakit pa, nakuha mo lang ang katawan niya pero hindi ang puso niya. Kaya ang ending, si EX ang other woman ng mister mo.
            Sure ako mahihirapan kang tanggapin ‘yon. Isipin mo love pa rin niya ang EX niya kahit ikaw pa ang pinakasalan niya. 

            Sapul!

            Marami pang reasons kung bakit nagagawa ni Mister ang maghanap ng iba. Minsan naman wala sa babae ang pagkukulang kasi likas na kay Mister ang manloko ng babae. Minsan nga hindi lang asawa ang biktima kasi may mga other woman na hindi nila alam na kasal na pala ang lalaki.
            Minsan naman, mahal ka talaga ng asawa mo pero ‘yong tukso ang lumalapit sa kanya. Mahina lang si adan kaya nakukuha ng iba. 
            Ano ba ang dapat gawin para tumigil na si Mister sa masamang gawain niya. Una, ipagdasal mo siya. Malay mo mabuksan ang puso niya at makita niya ang kanyang pagkakamali. Naniniwala kasi ako na mas tumitibay ang relasyon ng mag-asawa kung nasa gitna nila si God.
            Next, baguhin mo ang masamang ugali mo, baka ito ang dahilan kung bakit nawawalan ng gana si Mister sa 'yo. 
            Subukan mong kausapin siya kung ano ang problema niya. May nakita ba siyang pangit sa 'yo? Mabaho ba ang paa mo o malakas kang humilik? At kung anuman ang dahilan kung bakit nilalamig siya sa ‘yo, eh, tanggapin mo at subukang baguhin. Malay mo, ‘di na siya maghanap ng iba.
            Dagdagan mo ang pag-care sa kanya. Baka kasi nakukulangan siya sa pag-aalaga mo. Minsan kasi gusto ni Mister ung nilalandi siya kaya bago pa dumating ang araw na iba ang lumandi sa kanya, eh, unahan mo na. Dagdagan mo ng karisma ang pag-aalaga sa kanya.
            Babaero na ba talaga si Mister? Kahit anong gawin mo, eh, hindi mo siya mapigilan. Siya pa ang galit kung tatanungin mo siya kung sino ang naka-date niya? Minahal mo siya ng tapat pero niloloko ka pa rin niya? 
            Mahirap nga ang ganyang sitwasyon. Ung feeling na ginawa mo na ang lahat pero kulang pa rin. Na kay Mister na ang problema.

            Paano mo siya mapapabago? 

            Huwag kang gaganti sa kanya. Hindi porket nagloko siya, eh, maghahanap ka rin ng iba. Bad ‘yon! 
            Huwag kang matakot na sumbatan siya. Isampal mo sa kanya ang panlolokong ginawa niya. Dahil unang-una, wala siyang karapatang saktan ka, asawa ka niya, karapatan mong ipaglaban ang karapatan mo. Huwag mong ipakita na parang okay lang sa ‘yo kasi lalaki ang ulo niya. Ipakita mong matatag ka at matapang.
            Mahirap ang ganyang sitwasyon, gaya ng sabi ko kanina ipasa-Diyos mo na lang ang lahat. Mahirap talaga kung may ibang pumapapel sa buhay mag-asawa mo.
            Kahit ginawa mo na ang lahat, kahit mahal na mahal n'yo ang bawat isa, eh, masisira dahil sa tuksong lumalapit. Mapalad ka kung nagagawa ni Mister na umiwas ng tukso.
            Mapalad ka rin kung sa kabila ng pagkukulang mo, eh, faithful pa rin si Mister sa ‘yo. ‘Yon ba’ng love ka niya kahit may bilbil ka na.

            Love ka niya kahit selosa ka pa. Love ka niya kahit minsan pasaway ka – ‘yan ‘yong tipong lalaki na maipagmamalaki mo.

            Pero kung naghanap siya ng iba, nasa iyo na iyon kung bibig mo pa siya ng other chance. Naniniwala kasi ako na hindi sapat ang isang pagkakamali para maghiwalay kayo, lalo na kung mag-asawa na kayo.
            Basta, ito lang ang masasabi ko sa ngayon. Naghanap si Mister ng other woman hindi lang dahil nagkulang ka, naghanap siya dahil may pumapapel. Naghanap siya dahil babaero na talaga siya mula noon pa, at higit sa lahat, naghanap siya kasi ‘di gan’on kalalim ang pagka-faithful niya sa ‘yo.


            Masakit man pero minsan ‘yan ang mga dahilan.

76 comments:

  1. no comment nalang ako. goodluck nalang pag mangyari to sa akin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala sana di mangyari sayo.... thanks sa pagbasa Phioxee ^___^

      Delete
  2. Korekekek! YUn na wala na akong masabi pa nandyan na lahat ng pwedeng maging reason kung bakit naghahanap ng other woman ang ibang mga mister.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup.... thanks anney.... sana nga wala ng ganito para happy lagi ang isang pamilya....

      Delete
    2. Meron pa, yung kung di nga nya mahal c babae,mas matanda pa ito at napilitan pakasalan dahl sa kantyaw ng barkada at nbuntis n nya...kawawa yung kaibigan ko! Hahaha

      Delete
  3. Matindi ito, nandyan na lahat, kompletos rekados ang pagkakakalap ng mga impormasyon hehe pero pag ganitong usapan medyo allergic ako e hehe basta we'll never know until when magiging faithful o unfaithful ang mga guys, hasit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe wag na ma allergic.... sabagay may point ka diyan hehehe

      Delete
  4. Hahaha kapol n kapol :) ang galing nmn

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sa pagbasa.. anon...

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. Skin ngyari n yan lhat sobrang skit kylangan mag tiis para sa mga anak ko pray lngw ky God tutulungan toy mga naaapi Ty

      Delete
  5. Brother damang dama naman itong post mo! Mukhang may pinaghuhugutan :) grabe nga lately puro infidelity ang tema ng mga movies natin parang laganap na yata sa society ang ganitong eksena. Hope mabago pa kasi Kawawa naman ang ating future:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. un din napansin ko.. sunod sunod mga ganung tema. hehehe may pinaghugutan ng konti.. sa isang kakilala na ganitong sitwasyon hehehe.

      Delete
  6. Ito lang masasabi ko:

    WALANG MATIBAY NA BRIEF SA BABAING MALANDI ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe natawa naman ko diyan.. pero sabagay.... siguro kahit ako... minsan kasi nakakadala kapag may lumalandi hehehe

      isa pa single pa ako kaya di ko pa masabi hehehe

      Delete
  7. Boom! Tama ka kung nasa gitna si Lord di mangyayari to sa pamilya :) Natawa ako sa comment ni Selena :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit ako din natawa hehehe... medyo agree ako dun... parang ang hirap labanan ang tukso hehehe...

      Tama Tol... maganda talaga pag nasa gitna nila si God... ^__^

      Delete
  8. Replies
    1. sige tol send ko maya... hanapin ko pa... di pa ako sure sa add hehehe

      Delete
  9. based on experience ba to ser? haha. ang kulet lang. ang dami mong alam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe di pa naman... single pa ako eh.... di ko pa masabi kung makakaiwas ako sa tukso kung may asawa na ako hehehe

      yan lang naisip ng imagination ko hehehe

      Delete
  10. pak na pak hehe! I'm sure madaming naka relate dito sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe basta ganitong topic... sana nga wala ng tukso... para walang masira na pamilya...

      Thanks sa pagbasa and comment

      Delete
    2. Ser, palagay ko hnd lahat ng babaeng nai-inlove sa may asawa na ay tukso. Maaring sila yung totoong kapareha ni lalaki at naunahan lang ng ibang napakasalan. Sana magkaron na ng divorce sa Pinas. hnd dahl sa gusto kong madaming sirang pamilya kundi parang itatali lang natn mga sarili natn habmbuhay sa isang relasyong hnd na maaayos pa at kung magsama cla muli bilang magAsawa, plastikan na lang.

      Delete
    3. agree ako sayo mam Rose Ann....dapat may divorce sa pinas para kung ayaw na edi maghiwalay....saka hindi naman kase dahil may other woman eh ang sama sama mo na....binibigyan lang natin ng pagkakataon ang puso natin na mahalin kung sinu ung totoong mahal...yun lang....salamat

      Delete
  11. no matter what reason mali at mali pa din

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabagay pre may point ka diyan... mali talaga... pero minsan kahit alam na mali.. ginagawa pa rin...

      hirap kasi umiwas minsan sa tukso hehehe

      Delete
    2. Mecoy sana lahat ng guy na may asawa katulad ng nasa isip mo at napa bilib mo ako sa pagkamaunawain mo..at kay sir JonDmur thank u at nagkaroon ka ng site na ganito,galing mo sapul lahat ng sinabi mo at sana lang hindi ko na maranasan ulit ng paulit ulit..thnx....

      Delete
  12. tama yung sinasabi mo na minsan kasi kapag nag-asawa na di na nag-aayos mukha ng lusyang kaya dapat todo mok-up pa rin dapat

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe wapak! tama ka diyan... kaya importante pa rin ung alagaan at panatilihin ang kagandahan hehehe

      kahit simple lang basta katulad ka pa rin ng dati...

      Delete
  13. tumpak!! If a guy likes you, he will never look for another.. but if in the first place, he took you for granted, then prepare for the worst.. :D

    Cheers~!

    - Justin -
    The World According To Me

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup! agree din ako diyan... kaya maswerte na ung babae na makahanap ng ganyang lalaki.. ung di siya lolokohin kahit ano pang mangyari...

      Thanks sa pag read and comment...

      Delete
  14. pero seriously tayong mga lalaki ang the worst when it comes sa breaking topic. Ang tagal nyo ng nagsasama pero alam mo sa sarili mo na three weeks pa lang ng pag-sasama ninyo ay ayaw mo na sa kanya.

    pero kung titingnan mo naman ang lipunan, kawawa talaga tayong mga lalake, kasi 50% na nga lang tayong lalake at 50% noon hindi pa lalake. endangered species na tayo ser. sa sobrang dami ng babae masisi ba nila tayo kung mag-mahal tayo ng marami? we are just accomodating. lol pinapatunayan lang natin na kahit konti tayo e kaya pa rin natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup tama ka diyan... minsan mararamdaman mo na talaga na parang ayaw mo na sa isang tao..

      hehehe un din naisip ko... mas marami ang babae ngayon.. kaya minsan ung lalaki may 2 babae hehehe...

      Delete
    2. ang bad mo cyron! haha.. affected ako?

      Delete
    3. Lakas makabobo nung accomodating lang ang mga lalaki sa dumadaming populasyon ng malalanding babae, parang inaquit nyo na sa 10 commandments and mortal sins ang pakikiapid..

      Sisirain ang buhay ng pamilya, ng mga anak para iaccomodate ang imoralidad at tawag ng laman..

      Ang totoong lalake yung matatag sa tukso.
      Daig pa ng baklang aso ang lalaking papatol pa sa iba tapos isisisi pa sa girl ang nangyari dahil di makuntento si lalaki sa isa at gustong tikman lahat lalo na kung kasal kana at may mga anak.

      Delete
  15. Speechless na lang ako kasi na experience ko na before ang worst part ng isang lalaki. Thanks God, He has given me a new man, now my husband who adores me, takes care of me and has only eyes on me. And I could not ask for more. I love him so dearly and I know that it will be us until the end.
    I wish you will find your soul mate too:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... nakakatuwa naman... happy to hear na okay lahat sayo ^^

      Kung ano man un past nalampasan mo na at happy na ngayon ^_^ thanks Ms. Joy ^__^

      Sana nga matagpuan ko na hehehe

      Delete
  16. Hahahahaha.. Tama nga lahat.. Hahahaha

    Ewan, sa'kin pinapasa-DIYOS ko nalang.. TANGGAP ko naman kung ano man ang MANGYARI sakin.. Hahahahaha..

    Si GOD na ang bahala sakin.. LoL..

    ReplyDelete
  17. bakit nga ba may mga di makontento at mga pumapatol sa may asawa..sayang tuloy minsan nasisira ang relasyon.

    tapos minsan nagiging 'cool' pa dahil nga nagiging theme kadalasan ang pagkaka roon ng other woman sa movies at kung ano ano pa no?

    anyways, nice post! pasok lahat ng naisip mong reasons :)

    ReplyDelete
  18. Napaisip ako ng malalim dito.. kung bakit naghanap ng iba yun ex ko.. hindi naman ako selosa noon, well eventually naging selosa ako dahil sa mga kalokohan nya, babaero lang siya siguro talaga!

    ReplyDelete
  19. selosa ako pero na sa lugar nman...nagtatanong lng nman ako nagagalit na sya,cyempre may karapatan nman cguro ako mgtanong,naging selosa ako kc ubod cya ng kasinungalingan..hnd lng talga cya kuntinto sa isa babae.mahirap nga talga ibigay ang lahat ng pagmamahal.magtira nman para sa atin sarili...

    ReplyDelete
  20. ako para saakin ok lang naman na mambabae sya e likas na kasi sa lalake yun try mo wag u sya pansinin ipakita u na ok ka lang kesa bungangaan mo sya mas magiging smooth ang relationship nyo dont give up kasi dadating ang araw magsasawa din yan at makokonsensya maiisip nya na sa kabila ng panloloko nya napapagtiisan mo pa din sya kaya nga ako nagppray na lang ako kasi god knows what will hAPPEN next

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobra pagkababaero ng asawa ko hindi lang 20 lima nalng ang active ngaun at ung isa nabuntisan nya.simula nagkapera kami lalo lumala ..kinakausap ko sya hiwalayan na ako pero ayaw nya kht palayasin mupa ayaw parin nya.dikona maintindihan pinapalaya ko namn ayaw ko iwanan

      Delete
    2. Sobra pagkababaero ng asawa ko hindi lang 20 lima nalng ang active ngaun at ung isa nabuntisan nya.simula nagkapera kami lalo lumala ..kinakausap ko sya hiwalayan na ako pero ayaw nya kht palayasin mupa ayaw parin nya.dikona maintindihan pinapalaya ko namn ayaw ko iwanan

      Delete
  21. wala ng lalake ang matino ngayon wag kang gaganti kahit na pa puro panloloko at pambabalewala ang ginagawa nya magsasawa din yan dadating ung araw marerealized nya na kahit anu pang ginawa nya sau still jan ka pa din sa tabi nya doon nya maiisip na napakatanga nya kasi sa kabila ng kamartiran mo nakuha nya pa din na lokohin ka

    ReplyDelete
  22. ..kahit gaano pa ka babaero si lalaki, at the end of the day, uuwi din yan sa asawa

    ReplyDelete
  23. kaya bago pakasalan kilalanin muna parang prevention is better than cure ba :))

    ReplyDelete
  24. cheating is not a mistake. its a choice

    ReplyDelete
  25. sobrang relate kasi yan ang dahilan kung bakit may karelasyon ako ngaun...ang tanong ko lang kung bakit bago p kami ngkakilala napapanaginipan kona siya s lahat ng ngyari samin ay nangyari n sa panaginip ko...alam ko marami n galit sakin ngaun. peace...!!!

    ReplyDelete
  26. ako naranasan ko na yan yung babaero yung karelasyon ko yung pakiramdam ko lage na lang ako nasusugatan at lumalalim sugat ko sa sobrang sakit.Na kapag may ginagawa parin siya ngayong kasalukuyan hindi mo maiiwasan mabalikan lahat ng mga panloloko niya sayo at magalit lalo. Yung paulit ulit mga ginagawa niya yung ipagmamalaki at ipamukha niya pa sayo mga babae niya.ang masakit pa siya pa galit sayo at makakatikim kapa ng suntok. Hindi biro mga naging karanasan ko 23 palang ako pero lahat ng sakit naranasan ko na hindi ko na alam kung kakayanin ko pa sa mga susunod na mangyayare. Naiisipan ko ng iwanan siya kase hirap kase nagka anak pa kame. Wala naman akong ginawang masama para mangyare lahat sakin to minsan diko maiwasan tanungin ang Diyos bakit ako pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tanong bkt dmo cya maiwan dhl lng ba sa anak o dhl mahal mi cya at handa ka magtiis?kng kaya mong buhayin ang iu anak magisa'go',,,,wagka matakot dhl hindi lang cya ang lalake sa mundo na pwede magmahal sau,,,tandaan mo lng at gwing leksyon kng anuman buhay meron ka ngaun

      Delete
  27. Kung ayaw niya, huwag pilitin. Basta akin lang mga anak ko. *Beast mode
    Hahaha!

    ReplyDelete
  28. Meron lang talagang makakapal ang mukha na babae na gustong manira ng buhay ng may buhay. Yung mga feeling maganda! Ok nga naman pag pinili sya ng lalake e di wow!. Yung mga kabittt tigil na! Ang kati nyo!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha dyan tayo talo girls na khit mahal tayo ng ating mga asawa at may dumating na babaeng makati angxxxx at gusto ipakamot,,ang msaklap lng sa may asawa pa ang gusto,

      Delete
  29. Hala bago bago n pla ako bka d n kmi umabot sa marriage dhil sa sobrang pagkaselosa KO.. Pero tma bng pgmumurahin nya ako ng todo, smantalang mga magulang KO d ako namura ng ganun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aba magisip isip ka neng

      Delete
  30. nangyayari ito skin ngaun ..nkkpanghina lang talga ung ganitong sitwasyon ...dmo alam kung susko knba o ipaglalaban mo pa.. :((

    ReplyDelete
  31. Dyosko !napakasakit na lokohin ka ng taong minahal at pinagkatiwalaan mo ! Huhuhuhuhu

    ReplyDelete
  32. OMG relate na relate ako dito.. napapanahon sa pagsasama nmin mag asawa.. OMG!

    ReplyDelete
  33. tama ka jan wala na ako masabi totoo lahat yan pero pano yung tinanggap mo ang lahat sa kanya pero sa ending niloko ka parin nya at ang masaklap nahuli muna ikaw pa ang binalikdad at pinagtangkaan magkanyakanya nalng na walng siyang pakielam kung may mga batang masasaktan ang importante yung gusto nya ang masunod masakit sakin kasi iniisip mo mga anak nyo kaya imbis na makipagtalo tinanggap ko nalng na ako nalng ang may kasalanan kasi tanong ako tungkol sa ginawa nya alang alang sa mga ank namin nagpababa ako pero araw arw pinipikit ko nalng mata ko at nagbubulagbulagan nalng ako kahit alam gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sakit kung wala lang kami ank madali sana magdisisyon pero may batang madadamay kaya ang hirap!😢😢😥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahal mo sya kaya ka nagtitiis,subukan mo iwan cya,,,,kng may mga magulang ka ask their help eag mo panghinayangan ang ganyan klase ng lalake

      Delete
  34. Kung mahal nya tlga aq khit pa sobrang selosa q as super duper tatanggapin nya aq,, dhl i assured cya lang ang mamahalin ko!

    ReplyDelete
  35. Magmahal tayo pero wag natin ibigay lahat.magtira tayo para sting sarili,at magtira tayo ng dignidad

    ReplyDelete
  36. Mga kabaro,, tayong mga tunay at legal wife gawin natin kng ano ang mga kayang gawin ng mga kabit,,,wag tayo magpatalo!!!!!!

    ReplyDelete
  37. naranasan ko na lahat yan! at pinakamatindi nakabuntis pa sya, samantalang kami hindi kami mabiyayaan ng anak, ang sakit lang, kc sex lang naman naging problema namin, pagod kc ako lagi dahil sa work ko, samantalang sya wala sya work, pero di ako nagdedemand, pero mas pinili ko pa din na patawarin sya kc gusto mo maayos yung pagsasama namin, kaso last dec2016 nagkaroon ulit kami ng problema dahil mas madali sa kanya na magsinungaling kesa magsabi sa akin ng totoo, as usual wala padin sya work. pero di pa di. ako nagdedemand sa kanya, kc tuwing may work din sya nambababae sya, at ngayon hindi na sya yung gusto ko, may iba na akong nagugustuhan. ayaw naman nya pumayag na maghiwalay kami..pano ko pa sya pakikisamahan kung hindi na sya yung mahal ko.

    ReplyDelete

Comments