Normal lang ba ang makipaghalikan?
Normal lang naman ang kissing lalo na sa taong nagmamahalan. Ang hindi normal kung nanakawan mo ng halik ang taong alam mong hindi ka type.
Paano nga ba humalik?
Normal lang naman ang kissing lalo na sa taong nagmamahalan. Ang hindi normal kung nanakawan mo ng halik ang taong alam mong hindi ka type.
Paano nga ba humalik?
Ang
kiss, kusa mo siyang matututunan pero minsan natututo ka rin lalo na kung
magaling ang partner mo. Ginagaya mo kasi ang ginagawa niya.
Kung
first time mong humalik o mahalikan dapat gawin mo ito ng may halong
pagmamahal. Kapag nasa private place kayo, masdan mo ang mga mata niya. Lumapit
ka sa kanya – inch by inch hanggang sa maglapat ang inyong mga labi.
Mahalaga
na malinis ang hininga mo para huwag siyang matakot sa’yo pero kung pareho lang
kayong kumain ng sibuyas o kakalunch n’yo lang eh, acceptable na iyon. Kung
love mo siya, di mo na iisipin kung mabaho o mabango ang hininga niya. Pero
kung kinakailangan na pagsabihan mo ang partner mo na alagaan ang breath niya
eh, makakabuti iyon para sa kanya.
Kung
hahalik ka magsimula ka sa labi. Baka kasi gilagid to gilagid na ang gawin mo,
tiyak akong matatakot ang partner mo. Easy ka lang! Dahan-dahan na para bang nilalasap mo ang
bawat tamis ng pagmamahalan ninyo.
Malumanay
ang paghalik, it’s either sa top lips or lower lips ang unahin mo. Ang mahalaga
huwag kang magmamadali na para kang mauubusan ng isda sa palengke.
Kung
gusto mong mag level up – hulihin mo ang dila niya hanggang sa gumanti siya.
Pero tandaan, kung lips to lips lang eh, sapat na para mag-enjoy ang partner
mo.
Kung
gusto mo ng tongue to tongue dapat huwag mo siyang bibiglain. Magsimula
ka muna sa labi hanggang sa makakuha ka ng right time para salubungin ang dila
niya.
Huwag
masyadong kagatin lalo na kung first time ng partner mo baka isipin niya sabik
na sabik ka sa dila niya. Gently touch the tips of the tongue nang dahan-dahan
na may halong pagmamahal. Relax
lang!
Pero
kung sanay na kayo katulad ng french kissing or tongue kissing eh, nasa inyo na
iyon kung paano ninyo lalaruin. Pero kung first time ng partner mo dapat
magsimula sa dahan-dahan. Para ‘di
masaktan!
Kapag
hahalik ka o hinahalikan ka huwag mong kalimutang huminga. Baka magulat na lang
partner mo na bigla ka na lang natumba.
Di
ka kasi humihinga! Tumigil ka sandali – smile and then look into your partner’s
eyes.
Kapag
nakikipaghalikan ka dapat may thrill – dapat may style ang bawat paglapat ng
mga labi mo. Huwag kang mag focus sa isang SPOT o magpalipat-lipat ka. Kung hindi sa lower lips, sa upper lips at
minsan hulihin mo ang dila niya na tila nahihiyang magpahuli sa’yo.
Bitinin
mo rin siya ng konti – kunwari huhulihin mo ang dila niya pero ‘pag parating na
ikaw naman ang iiwas hanggang sa siya na mismo ang humuli sa malikot mong dila.
Perfect!
Kailangan
love mo siya para maramdaman mo ang excitement. Kung ‘di mo love kahit like mo
lang – kasi naman kapag ‘di mo like baka masuka ka sa ginagawa niya.
Hindi ba?
Alam
mo, kung sa tingin mo ‘di ka magaling humalik eh ‘wag kang mag-alala. Hindi mo
kailangang maging expert – hayaan mong sumabay sa agos. Hayaan mo na ang
partner mo ang magdala sa’yo. Gawin mo na lang kung ano ang ginagawa niya
sa’yo. Balang-araw, masasanay ka na rin.
Tandaan,
kung like n’yo ang bawat isa eh, sure akong mag - eenjoy kayo!
Kung
first time mo, huwag kang matakot kasi ang totoo kinakabahan din ang partner
mo. Kaya nga bumibilis ang tibok ng puso. At kung sanay na siya, sure akong
siya mismo ang magdadala sa’yo.
Alam n’yo iba-iba ang klase ng paghalik.
Ilan sa mga nalalaman ko eh, ituturo ko sa inyo. Hinango ko ito mula sa mga
nababasa ko sa mga magazine o mga natutunan sa aking pagbibinata.
Handa na ba
kayo?
The French Kiss - Sikat
na sikat ang french kiss lalo na sa mga movies. Talagang mapapanganga ka sa
sobrang excitement. Kilala rin ito sa tawag na tongue kiss. Ibig sabihin, dila
sa dila. Kadalasan itong
ginagawa ng mga partners lalo na kung hot na hot na sila. Iba kasi ang dating
kapag dila na ang pinag-uusapan. Sa madaling salita, naglevel-up na kayo.
Tandaan, nasa inyo naman iyon. Huwag
pilitin ang ayaw. Lips to lips eh, sapat na kung nagmamahalan kayo.
The Single-Lip Kiss - Isa ito sa mga romantic kiss na kadalasang
ginagawa ng mag-partners. Paano? Simple lang, hulihin mo ang upper lips saka bahagyang kagatin o simply suck it! Siguraduhin mo lang na
tama ang ginagawa mo para maging romantic siya.
The Earlobe Kiss - Kung nais mong magpahinga sa lips eh, pumunta
ka sa tenga o sa earlobe ng partner mo. Nandoon din kasi ang sensation o ang
kiliti para mas maging mainit ang paghahalikan ninyo. Konting lapat ng dila saka konting pagkagat
ay nagdudulot ng kakaibang kiliti sa partner mo. Huwag sipsipin ang
butas ng tenga kung ayaw mong ma-shock!
Lip Gloss Kiss - Usung uso ito sa mga pelikula kung saan si Girlalu hahalikan si Gwapito at maiiwan
ang kiss mark sa white shirt o cheek nito. Sa mga girlalu, kung gusto n’yong ma surprise si BF eh, maglagay kayo ng
sweet or fruity flavor para mas enjoy ang romantic events ninyo.
The Eskimo Kiss - Nagagawa ito sa mga movies, kung saan ‘di
naman totally naghalikan ang dalawang bida. Nagbungguan lang ang kanilang mga
ilong. Nakapikit habang habol ang paghinga. Sa Eskimo Kiss, ang nose ng mag
partner ay naglalapat – back and forth againts each other. Naks! Kahit ‘di naglapat ang mga labi eh, okay na – para kang nasa ulap. Lalo
na kung si crush ang gagawa nito sa’yo. Kadalasan nagaganap ito sa accidental
na bungguan – ung ‘di mo alam kung hahalikan ka o hindi. Ang alam mo lang napapikit ka at naramdaman
mo ang nose niya na sumasagi sa nose mo. Grabe! Para kang nasa langit!
Cheek Kiss - Normal kiss na ito sa karamihan. Kahit sa friends mo pwede mong gawin.
Lalo na sa saying goodbye sa BF or GF
mo. Teka! Mahaba na pala ang nasasabi ko. Sana nag-enjoy kayo sa
pinag-usapan natin ngayon. Tandaan! Normal lang ang kissing, ginagawa mo iyon
sa taong mahal mo.
Marami na tayong napag-usapan. Umaasa ako
na nakatulong ako sa bigat na nararamdaman n’yo, napangiti ko kayo, at higit sa
lahat may natutunan kayo sa mga naibahagi ko. Kung In love ka dapat maglagay ka
ng limitations. Mahalin mo muna ang sarili mo para nakahanda ka nang magmahal
ng iba. At kung broken hearted ka, huwag mong sirain ang buhay mo. Tandaan! May
dahilan ang lahat kung bakit ka nasaktan. Tinuturuan ka lang na maging matatag
sa susunod na relationship na papasukin mo.
By Jondmur
"Huwag sipsipin ang butas ng tenga kung ayaw mong ma-shock!"
ReplyDeleteHAHAHAHAHA! natawa ko dito.
Grabe, ang gv ng post mo ahaha the best yung payo sa dulo ;)
oh my! I like Yeng's IKAW! hehehe
ReplyDeletebakit ba ako nandito hihihi
ReplyDeletebakit ba ako nandito hihihi
ReplyDeleteThanks po sa payo, one last question sana mabigyan niyo po ako ng sagot, kailangan po bang may physical touch na kapag naghahalikan na kayo? At bakit po?
ReplyDeleteSalamat po kuya...binasa ko lang po ito...kc d kc wala papo talaga akong alam sa kissing thingy nato 👍👍
ReplyDeleteUng asawa ko smack lang kami magkiss. 32yrs old n cia. Ako 25 plang. Sabi nia my mga nging gf n din cia noon. Pero bkit d mrunong mgkiss ? My gnun b tlga?
ReplyDelete