Napangiti siya sa nabasang mensahe. Pumasok sa kanyang isipan ang isang malaking katanungan. Sino ba ang babaeng ito?
Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur
Chapter Seven
MADALING lumipas ang araw, isang tagumpay ang nakamit ni Junjun; sa company na pinapasukan niya tinanghal siya bilang New Employee Of The Year kung saan naparangalan siyang bilang Best Graphic Artist. Maliban sa dagdag sahod ay makakakuha pa siya ng mga malalaking benipisyo katulad ng pabahay.
“Tol, mukhang umaasenso tayo ah,” bati sa kanya ni Ryan, ang matalik niyang kaibigan mula nang mapadpad siya sa Maynila. “Hindi ka lang na-promote eh regular ka na, samantalang ako tumanda na pero contractual pa rin,” dugtong pa nito.
“Nagkataon lang na pogi ako kaya ako na-promote,” ganting biro niya sa kaibigan na sinabayan niya ng isang kindat. “Grabe! Isang taon na pala ako sa kumpanya.”
“Oo nga tol. Isang taon mo nang di nakikita ang GF mo.”
Natahimik si Junjun sa winika ng kaibigan niya. Isang taon na ang nakalipas mula nang lisanin niya ang kanilang bayan, isang taon na rin nang huli niyang makita ang mama love niya. Nasasabik na siya lalo pa’t nabalitaan niya rito na balak ng mga magulang nito na lumipat ng Maynila para sa lumalaking negosyo. Natuwa siya sa balita dahil mapapalapit na siya sa mama love niya.
Tumunog ang cellphone niya – mensahe mula kay Mimi. Napangiti siya sa quotes na pinadala nito na tumutukoy sa pagmamahal nito. At isang tula naman ang kanyang iginanti dito.
Puso ko’y nasasabik
Sa mga yakap mo’t halik
NAPANGITI si Mimi sa text message na natanggap niya. Isinilid na niya ang 2630 Nokia Unit sa kanyang bulsa. Napaupo siya sa kanyang kama. Nag-isip nang malalim na tila na blanko ang kanyang utak. Mayamaya, kinuha niya ang teady bear na bigay nito nung kaarawan niya. Magmula nang mamatay si Catherine ito na ang katabi niya sa malambot na kama.
Pinahid niya ang tumutulong pawis sa kanyang noo. Abala kasi siya sa pag-iimpake sa kanyang mga personal belongings. Ibinenta na kasi ng erpat niya ang bahay nila kaya luluwas sila ng Maynila para doon na manirahan sa bago nilang bahay.
Niyakap niya ang teady bear saka hinalikan ito. Ano kaya ang sasabihin ng kanyang mga magulang kung BF na niya ang kuya Jun niya? Inilihim niya kasi ang relasyon nila ng papa love niya dahil natatakot siya na pagalitan siya. Subalit nitong nakaraang araw napansin niyang tila bumaligtad ang lahat. Ang nanay pa niya ang nag-uudyok na kung liligawan siya ni Jun eh sagutin daw niya. Nakita kasi nito ang kasipagan, kabaitan at kagwapuhan ng binata.
“Miss na kita papa love,” wika niya sa teady bear sabay halik dito. “Alam mo natatakot ako. Natatakot akong sumakay ng airplane.”
Humiga siya sa kama. Pinagmasdan niya ang dalawang butiking naghahabulan sa kisame. Natatawa siya sa kanyang nakikita. Naalala niya ang mga araw na naghahabulan sila ng kanyang kuya Jun na tila mga butiking hindi mapaihi sa sobrang kalikutan.
Tumayo siya saka umupo sa harap nang computer table niya. Napansin niya ang isang collection folder na naglalaman ng mga tula ng binata. Umabot na yata ng humigit kumulang 100 na tula ang nilalaman niyon. Nahagip ng atensyon niya ang isang stationary paper na nakatupi sa isang pahina. At alam niyang hindi pa niya nababasa ang nilalaman niyon. Hmmm, ano na namang pakulo ‘to? tanong ng kanyang isipan.
Sa aking pag-upo sa harap ng computer.
Nagkaroon ako ng pangamba
Sa kwentong aking isusulat
Paano ko ito sisimulan?
Nagkaroon ako ng pangamba
Sa kwentong aking isusulat
Paano ko ito sisimulan?
Napangiti siya sa kanyang nabasa. At pilit inuunawa ang ibig ipahiwatig nito.
Kinakabahan akong dagdagan
ang mga pangunahing tauhan
na baka guluhin niya ang maganda nating samahanKumabog ang kanyang puso sa kanyang nabasa. Nagkaroon ng takot ang kanyang puso. Paano kung biglang dumating ang isang taong sisira sa kanilang pagmamahalan?
Natatakot ako, Mahal.
Sa mga kababalaghang isinusulat ko
Tulad ng takot ko na baka ika'y mawala sa aking buhay
Mababaw lamang ang kanyang mga luha kaya agad itong pumatak sa kanyang mga mata. Itinupi niya ang papel saka ibinalik ito sa loob ng folder. Natatakot siya sa mensahe ng tula. Paano kung dumating na ang kontrabida sa kanyang buhay?
“Love triangle?” mahina niyang tanong sa kanyang sarili. Bumalik siya sa kanyang kama saka muling niyakap ang teady bear niya. “Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin. Over my virgin body.” Naiinis siya sa kanyang iniisip. “Kakalbuhin ko kung sino man ang kokontra sa ating pagmamahalan. Promise!” sumpa niya sa harap ng kanyang teady bear bago siya nahiga sa kanyang kama.
TANGHALING tapat nang makatanggap ng email si Junjun sa isang editor na pinagpasahan niya ng manuscript. Ayon rito ay kinakailangan niyang i-revise ang isang chapter at itama ang ilang technical error nito. Masaya siya sa natanggap na balita dahil naniniwala siya na may pag-asa ang kanyang nobela. At halos mapatalon siya nang pumayag ang publishing na siya mismo ang gagawa ng sarili niyang cover. Yes! Sa wakas! puno ng pananabik na wika niya sa kanyang sarili.
Agad niya itong ibinalita sa kanyang mga kaibigan sa literary website. At siya naman ay natuwa sa mga magagndang feedback ng mga kaibigan lalo na ang isang komentong inaasahan niya.
Wow! Ang galing naman!
Writer na, book cover artist pa!
Galing mo talaga papa love!
Idol talaga kita.
Submitetd by Sweet Girl
Napangiti siya sa nabasang mensahe. Pumasok sa kanyang isipan ang isang malaking katanungan. Sino ba ang babaeng ito?
Papa Love, nandito lang ako
Susuportahan kita.
Alam mo nagsulat ako ng tula
Sana mabasa mo
Good Luck sa libro mo.
Submitted by Sweet Girl
Gusto niyang burahin ang komento nito subalit hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka pagselosan ni Mimi ang babaeng ito. Kaya naman hanggang ngayon hindi pa rin niya masabi sa dalaga na writer na siya sa isang sikat na literary website na nagtatago sa pangalang Papa Love.
Gusto niyang burahin ang komento nito subalit hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka pagselosan ni Mimi ang babaeng ito. Kaya naman hanggang ngayon hindi pa rin niya masabi sa dalaga na writer na siya sa isang sikat na literary website na nagtatago sa pangalang Papa Love.
Tumipa ang kanyang mga kamay sa keyboard.
Thanks sa comments mo.
Ang sweet sweet mo talaga
Sana di ka magsawa sa kababasa sa mga stories ko
May I know your real name?
Submitted by Papa Love.
Nabigo siya sa mabilis nitong reply kaya minabuti niyang hanapin sa recent post ang tulang isinulat nito. Nagulat siya sa kanyang natuklasan – maayos ang pagkakasulat ng tula na tila likha ng isang batikang manunulat. Napahiya siya s akanyang sarili dahil batid niyang mas tama ang sukat at tugma ng tula nito kaysa sa mga tulang nagawa niya.
You surprised me!
The poem was great!
Tama ang sukat at tugma
Writer ka na yata!
Aabangan ko pa ang ilang tula mo.
Submitted by Papa Love
Napuno ang chat box nang mag-log in siya. Dumami ang mga babaeng pilit na kinukuha ang kanyang atensyon. Karamihan mga new reader na hindi pa niya nakakausap o nakikilala. Mayamaya mga kapwa manunulat na ang nakakausap niya.
TOM: Tol, mukhang sikat na sikat ka na. Dami mong fans.
Papa Love: LOL!
Jerry: Oo nga! Uy Good luck sa books mo.
Jerry: Mukhang na in love na sa’yo si Sweet Girl ah
TOM: Oo nga!
TOM: In love na yata sa karisma mo.
TOM: Panay kasi love story naisusulat mo ngayon
Jerry: Kaya na in love sa’yo
Papa Love: LOL! Mga sira talaga kayo. Manahimik nga kayo diyan. Hehehe!
TOM: Hehehe!
Nag sign out na siya sa dahilang nahihiya siya sa kanyang sarili. Baka kasi ano pa ang masabi niya sa mga kaibigan at masabi pa niyang natutuwa siya sa mga mensahe ni Sweet Girl. Magkaroon pa siya ng love team sa site na tiyak na marami ang kikiligin.
KINIKILIG si Mimi sa love team nina Kim Chui at Gerald Anderson kaya naman hindi niya pinalampas ang movie nito. Niyaya niya si Maki na samahan siya sa Mall para panoorin ang first movie ng dalawa.
“Grabe! Ang ganda, number one sa takilya,” malakas na sigaw ni Mimi habang nakikipagsiksikan sa labas ng sineha. Inagaw niya ang isang mikropono ng isang reporter. “Ang galing galing ni Kim Chiu!”
“Naku, Sis! makikita tayo sa TV. “
“Oo nga!” Niyakap pa niya ang sarili habang naglalakad sila sa mall. “Alam mo naka relate ako sa movie, parang ako at si papa love nagsimula kami bilang magkaibigan na nauwi sa pag-iibigan.”
“And take note, ikaw rin ang patay na patay sa kanya.”
“Excuse me? Pareho lang kami. Mabuti na lang at wala kaming kontrabida.” Natahimik ang kaibigang bakla sa sinabi niya. Mayamaya hinawakan siya sa magkabilang balikat.
“Huwag kang masyadong magtiwala. Lahat ng lalaki nadadala sa tukso.” Hihirit pa sana siya sa sinabi nito subalit pinigilan siyang magsalita. “Remember! May dapat kang alamin, at yun kung sino si Sweet Girl.”
Napanganga siya sa sinabi nito. Tama ang kaibigan. Maraming tukso sa Maynila lalo na sa internet.
“Isa pa,” dugtong ni Maki. “Baka nagpalit siya ng ibang frierdster account? O di kaya -”
“Nagpalit ng user name!” sabay na wika nila ni Maki. Umusok ang kanyang tenga sa naisip nila. Paano nga kung gumawa ito ng ibang account?
“Tutuliin ko siya ulit!” nanlilisik ang mga matang nawika niya.
Ito ang love story niya. Hindi nalalayo sa isang pelikula. May kontrabida na katulad sa isang pocketbook ay paiiyakin ang bidang babae. Magtataksil ang bidang lalaki subalit hindi makakapayag si Mimi. Lalaban siya hanggang sa huling hininga, dahil siya lang ang na-iisang mama love sa puso nito.
At wala ng iba!
Nc one author hehe....ganda sarap ma inlove tlga kpg ganito ka light ang story wala masyadong kontrabida at khit LDR sila papa laove at mama love ok p rin...bilib aq kay papa love....(*_-)
ReplyDelete