Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur
Chapter Eight
Sumasabay sa tugtugin ang maskulado niyang katawan. He’s probably the one of the most in shape guy’s na naninirahan sa lungsod ng Maynila. Binuksan niya ang cabinet. Namili siya ng kanyang isusuot. He decided to wear a white shirt na hahapit sa kanyang dibdib. Napangiti si Junjun sa harap ng salamin. He looked like a commercial model. Bagay na bagay sa kanya ang maong na kupas sa pinarisan ng isang body fitted na white shirt. “Gwapo ko talaga!”
“Tol, baka hinihintay ka na sa book launch n’yo,” sigaw ng bestfriend niya na ka-housemate niya.
“Date! Hindi book launch.”
“O diba, ngayon ang International Book Launch?”
“Oo, pero susunduin ko muna ang ka-date ko.” Lumabas na siya saka nagpara ng tricycle. Excited ang puso niya na makitang muli ang mama love niya. Kararating lamang nito kagabi kasama ang mga magulang nito. Gusto sana niyang dalawin agad ang dalaga subalit pa-suspense naman ang huli dahil gusto raw nito na ngayon ang unang araw na muli silang magkikita. Kaya naman hindi na rin ito nagpasundo sa airport na agad naman niyang pinagbigyan.
“Ateeeee! Nandyannnn na si Papa Love,” malakas na sigaw ni Bry, ang bunsong kapatid ni Mimi na sumabay sa malakas na tugtog ng stereo. “Yuya Jun, ang gwapo n’yo na po. Naalala n’yo pa ba ako kasi mas bata pa po ako noon.”
“Oo naman! Nakikita din kita sa friendster. Ang cute mo nga eh,” tugon niya sa anim na taong gulang na bata.
“Sandali po, susunduin ko po si Ate Mimi. Alam n’yo po kanina pa kayo hintay.” Mabilis itong umakyat nang hagdanan na tila excited sa mga kaganapan.
Tila tinatambol ang kanyang puso habang bumababa ng hagdanan ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso. She looked different compare a year ago. Bumagay rito ang bulaklaking bestida na pinarisan ng isang white gold plated necklace. Lihim siyang napatingin sa dibdib nito na napapagitnaan ng isang heart shaped pendant. The woman in front of him make his heart bit faster na malayo sa pagkaraniwang tibok nito.
“Ang bango! Ang bango bango mo,” mahinang wika nito na narinig niya.
“A-ano?” patay malisyang tanong niya. Ngumiti lamang ito saka hinawakan siya sa kanyang kanang braso.
“Tara na!” Inalalayan niya ang dalaga para makasakay sa tricycle. Nauna itong pumasok saka sumunod siya hanggang sa naglapat ang kanilang mga braso. Hindi niya maiwasan ang sarili na muling pagmasdan ang kagandahang taglay nito.
“Oh, Mr. Jun! ‘wag mo nga akong titigan ng ganyan?” wika nito na tila naiilang sa kanyang mga titig.
“You look great!” Hindi na niya napigilan ang sarili.
“Naku! Mr. Jun, tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo. Baka maniwala pa ako.”
“Eh, di maniwala ka. Di naman kita binobola.” Napatingin siya rito hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin. “Baka ma-inlove ako sa’yo.” Napangiti siya dahil ginagaya lamang niya ang isang dialogue ni John Lloyd Cruz na medyo iniba lang niya ng konti.
“A- ahhm! T-tigilan mo nga ako. Narinig ko na ‘yan sa pelikula ni Sarah Geronimo.”
Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga saka hinila pataas para muling magtama ang kanilang mga mata. “Bakit hindi ba pwedeng mangyari ang love story ng pelikula sa totoong buhay?”
Pareho silang nagkatawanan. Nakaugalian na kasi niyang manligaw kahit nasagot na siya ng dalaga. Ito kasi ang greatest wish ng mama love niya – ang ligawan niyang muli kapag nagkita sila sa maynila para masabi na nito ang salitang OO.
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. At masuyong tinitigan ito. “I love you!” bulong niya rito.
Parang pelikula ni Sarah Geronimo, nakakakilig ang bawat eksena. Tila isang nobela na dapat abangan ang susunod na kabanata. Bigla siyang natigilan nang mapansing namumula ang pisngi ng dalaga na tila may pinipigilan sa sarili. Naalala niya ang minsang naihian siya nito sa kama noong kabataan pa nito.
“Oh! Gosh!” daing nito.
“Oh! It’s raining!” ang nasambit niya.
SA ISANG tubo na tila isang malaking fountain kung makabuga ng tubig niya ipinara ang tricycle. Pagkababa nila ni Mimi, agad niya itong dinala malapit sa umaagos na tubig hanggang sa mabasa ang buo nilang katawan.
“Isipin mo na lang na nabasa tayo ng fountain.” Lalong lumakas ang buhos ng sirang tubo hanggang sa mabasa na pati ang underware nila. Nagtila isang malaking shower ang kinatatayuan nila. Muli niyang pinagmasdan ang dalaga. “Okay ka lang ba?”
“Nahihiya ako sa’yo, kasi.” Pinigilan niya ang bibig nito sa pamamagitan ng pag-ipit ng kanyang mga daliri sa labi nito.
“Diba sabi ko sa’yo kahit utot mo aamuyin ko.”
“Loko ka talaga!” Isang hampas sa balikat ang kanyang natanggap hanggang sa pumulupot ang kanyang mga kamay sa baywang nito.
Nagpalakpakan ang mga tambay sa kalsada sa kanilang nasaksihan.
“May shooting ba? Mga artista yata ‘yan?” usisa ng isang usiserang babae sa mga taong nanonood ng tila isang eksena sa isang pelikula.
“O paano, uwi muna tayo para muling magbihis?” tanong nito sa kanya na sinang-ayunan naman niya.
EKSAKTO alas nueve nang makarating sila sa SM Mega Mall. Nahuli sila nang kalahating oras. Medyo nagtagal kasi ang dalaga sa pagpapalit ng damit na kung saan isang black jeans ang ipinalit nito na pinarisan ng isang white fitted shirt na humapit sa slim nitong pangangatawan.
Nang makarating sila sa venue, naglakihan ang mga mata ng mga kaibigan niyang manunulat lalo na ang mga kalalakihan. Mimi’s beauty was simple but elegant na kaya nitong akitin ang isang manilenyo.
“Wow! Pare, ganda naman ni Sweet Girl.”
Namula siya sa bati ni Tom, bigla siyang napatingin sa dalagang umuusok na ang ilong.
“Excuse me? I’m not sweet Girl baka patunayan ko sa’yo,” wika nito sabay hampas ng libro sa pagmumukha ni Tom. “Sorry, hindi ako sweet.” Tumalikod ito saka naglakad palayo sa Booth.
NANINIKIP ang dibdib ni Mimi sa natuklasan. Kilala ni Jun si Sweet Girl? May communication ba sila ng lalaki? Naramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kanyang kanang kamay.
“Mimi, bakit mo naman hinampas si Tom?”
“H-huwag mong ibahin ang topic. Sino si Sweet Girl?”
“Ah, hindi ko kilala. Ahm, i-isang babae na nagkokoment sa literary website.”
“Website? Ano yun?” Nagulat siya sa natuklasan. “Writer ka sa isang site? Bakit hindi ko alam?”
“I’m sorry, actually yun talaga sasabihin ko .” Humugot ito ng isang malalim na hininga. “ Sasabihin ko naman sana kaso naunahan mo ako eh,” dugtong nito. “Please, ngayon ang book launch ko.” Nakikiusap ang mga mata nito na tila nagpalambot sa kanyang puso.
“Okay, mamaya tayo magtutuos.”
DUMARAMI ang mga tao sa paligid. Halos lahat ng Booth ay dinudumog na ng mga tao. Naglalaman iyon ng mga librong likha ng mga baguhang manunulat. Lahat ng mga writers ay mababakas ang tuwa sa kanilang mga mata maliban na lamang kay Junjun na tila nasasabik nang makapagbigay ng autograph.
“O, authograph na,” wika ni Mimi na tila nang-aasar. “Hay naku! Ano ba? Pirmahan mo na para makapag-authograph ka na.” Tumaas ang kanyang dalawang kilay. “Nasaan na kaya ang mga fans mo?”
“Ano ba? Nakita mo na ngang nilalangaw na ang mga libro ko eh daldal ka pa ng daldal diyan.”
“Excuse me? Kasalanan ko ba? Kinarma ka lang kasi naglihim ka sa akin.”
“Mamaya, makikita mo dudumugin din ako.” Nagdilang anghel yata ang lalaki at sa wakas ay may bumili. Tatlong estudyante ng UP Diliman na agad naman nitong nabigyan ng autograph.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nahagip ng paningin niya ang isang babaeng naka-pula na tila nagmamasid lamang sa paligid. Mayamaya, napansin niyang lumapit ito sa isang booth na sa tingin niya ay isang horror story ang hanap nito.
Napatingin siya sa libro ng papa love niya. The cover was great! Siya kasi ang modelo na kung saan yakap yakap niya si Catherine. Bakit kaya iilan lang ang bumibili? Maganda naman ng cover? tanong ng kanyang isipan. Napasulyap siya sa mga libro ng binata, iilan pa lamang ang nabebenta nila kung saan mga kapwa writer at kaibigan ang bumili.
"Hindi kaya dahil sa cover?" Narinig niyang wika ng binata habang nakaupo ito sa isang sulok. Tumulis ang kanyang nguso sa sinabi nito.
"Hoy, lalaki! Wala sa cover 'yan. Hello? Maganda kaya ang cover. Infairness, ang ganda namin ni Catherine." Tumalikod siya saka inayos ang mga pwesto ng libro kahit hindi ito nagalaw sa kinalalagyan nito. "Hay, Naku! Nasaan na kaya si Sweet Girl?" Nakita niyang kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya.
"O, bakit naman nasali sa usapan ang babaeng 'yan?" wika nito habang tinulungan siyang ayusin ang mga libro.
"Dahil naiinis ako sa kanya."
"Nagseselos ka ba?"
"Excuse me! Bakit naman ako magseselos eh ang pangit pangit ng profile nun sa Friendster. Natatakot yatang maglagay ng picture sa FS niya."
Inakbayan siya nito habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Humanda ka sa penalty mo after ng book launch na ito," banta niya sa papa love niya na tila nag-iisip kung anong parusa ang naghihintay rito.
PAPALUBOG na ang araw. Lahat ay nagdiriwang sa tagumpay ng book launch maliban na lamang kay Junjun na nabigo sa inaasahang autograph signing. Lihim siyang nalungkot para sa lalaki.
“Tol, naubos ang 200 copies ko. Sana may bukas ulit,” narinig niyang wika ni Jerry sa binata.
Nang makita niya sina Tom at Jerry ay bumalik na naman sa alaala niya ang pangalang Sweet Girl. Bumalik ang inis sa kanyang puso hanggang sa maisipan niyang umuwi na lamang. Nilapitan niya ang lalaking abala sa pakikipagkwentuhan sa dalawang kaibigan.
“O, hindi pa ba tayo uuwi? Baka may magandang mensahe si Sweet Girl sa pagiging flop ng takilya.” Sinabayan niya ito ng isang mahinang tawa na tila nang-aasar pa.
“Sige ganyan ka, nakita mo na ngang flop eh niloloko mo pa ako,” pa cute na tugon nito sa kanya na tila nagpalambot muli sa kanyang puso.
“Alam mo Mr. Jun hindi lahat ng pelikula ay kumikita. Ganyan din sa pagsusulat. Ang mahalaga nagtagumpay ka na kasi published writer ka na. Saka masyado pang maaga o tingnan mo alas sais pa lang ng hapon.” Pinakita pa niya ang kanyang relos sa binata.
"Hindi ka ba naaawa sa akin? Tingnan mo sila, masasaya dahil maraming tumangkilik ng libro nila samantalang ako ilan lang ang naibenta." Napalunok siya sa sinabi nito. Sino ba naman ang matutuwa sa nangyari?
“Ok, well, dahil ako ang nasa book cover eh tutulungan na kita, pero ung kasalanan mo sa akin hindi ko makakalimutan.”
Tumayo siya sa gitna habang hawak ang isang libro ng papa love niya. Nilakasan niya ang kanyang loob. Mimi, kaya mo ‘yan!, wika niya sa sarili habang humuhugot nang isang malalim na hininga. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay saka nagsalita nang ubod lakas dahilan para maagaw niya ang atensyon ng mga tao.
“Suportahan po natin si Papa Love sa kanyang kauna-unahang nobela. Hindi lamang po siya isang nobelist, cover artist din po siya kung saan siya po ang nag-desenyo ng kanyang sariling libro.” Naglakihan ang mga mga mata ng mga taong nakarinig. " Kung napapansin n'yo, ako po ang nasa cover ng libro, and takenote ang ganda ko." Nagsingitian ang mga taong pansamantalang napatigil sa kinatatayuan nila. “Mga kaibigan, sa halagang 350 hindi na po kayo lugi dahil sa ganda po ng kwento para na po kayong nanood ng isang pelikula. Ito po ay isang love story na tiyak kong magpapakilig sa inyo." Natuwa ang mga taong nakarinig kaya nagsidagsaan ito sa booth nila, pagkatapos makapagbayad agad nagsipilahan ang mga tao para sa autograph signing.
Lihim siyang napapangiti nang mapansing natutuwa ang lalaki sa autograph signing. Mas pangarap pa yata nito ang magbigay ng autograph kaysa sa magbenta ng sariling nobela. Aba! Enjoy na enjoy ang totoy! bulong ng kanyang isipan habang ipinagpatuloy ang pagbebenta sa libro.
NAPANGITI si Junjun sa ginawa ni Mimi. Malakas ang customer service nito dahilan para lumapit sa kanila ang mga tao. Lahat ay nag-uunahan sa pagbili ng libro. Natuwa naman siya sa autograph signing. He feels liked a real writer! Mayamaya, napanganga siya nang tumambad sa kanya ang isang babaeng naka-pula. Hawak nito ang librong nabili.
“Talaga! Lima ang binili mo.”
“Oo naman, ipapamigay ko sa mga kaibigan ko,” malambing na tugon nito sa kanya. Napalingon siya sa kinatatayuan ni Mimi na halos lumabas na ang dila nito sa ka-propromote ng libro. Pagkatapos, lumipad ang kanyang paningin sa mukha ng babae na tingin niya ay hawig kay Pia Guanio.
“Salamat,” wika niya sa babae saka isa-isang pinirmahan ang mga libro.
Thanks for your support
Papa love!
Napangiwi ang kanyang labi sa naisulat niya, hindi dahil sa mensahe kundi sa signature niya na tila dinaanan ng kalabaw.
“Miss, pasensya ka na sa sulat kamay ko ha,” mahiya-hiyang wika niya sa babae.
“Asus, wala ‘yon ‘kaw pa papa love.”
He nodded as a smile spread across his face. Tila gumagaan ang pakiramdam niya sa bawat pagsalubong ng kanilang mga ngiti. Kakaibang emosyon ang kanyang nararamdaman. The sound of her voice looked familiar. Tila nagkausap na sila nito ng matagal.
Tumalikod na ang dalaga saka sumunod rito ang isang lalaking magpapa-autograph rin. Sinulatan niya ang libro subalit ang kanyang diwa ay tila nililipad ng hangin sa kawalan.
NAKARAMDAM ng ginhawa si Mimi nang mapansing nangangalahati na ang laman ng booth nila. Naniniwala siya na magtatagumpay ang libro. Kung kinakailangang magbenta ako gagawin ko, piping usal niya sa sarili. Gagawin ko ang lahat magtagumpay ka lamang, wika niya ulit sa sarili.
Napaupo siya nang muling maalala ang pangalang Sweet Girl. Sino kaya ang babaeng yon? Ito na kaya ang sisira sa kanilang pagmamahalan? Katulad ng mga teleserye sa TV, ito na ang pinaka-challenging na kabanata ng kanyang buhay – ang kasalukuyan. Mga kabanatang hindi niya alam kung ano ang susunod na kaganapan. At katulad ng mga tumatangkilik sa teleserye, aabangan niya ang susunod na eksena ng kanyang buhay.
Sana hindi ka magbago, bulong niya sa hangin na sumabay sa malakas na palakpakan ng mga tao dahil sa tagumpay ng International Book Launch.
Waaaaahhh napakadakila ni mimi...natatakot aq para s kanila kapg dumating n yung mga conflicts s buhay nila...sana happy ending toh!...nc one author...(*_-)Waaaaahhh napakadakila ni mimi...natatakot aq para s kanila kapg dumating n yung mga conflicts s buhay nila...sana happy ending toh!...nc one author...(*_-)
ReplyDeleteSalamat muli sa walang sawang pagbabasa sa kwento ni papa love.... ^_^
ReplyDelete