Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep1

Episode 1 – Ang simula ng Harot
KASABAY nang pagtilaok ng manok ang pagsigaw ng isang matandang lalaki na siyang ikinagulat ni Mister Xehan. Akma na siyang papasok sa loob ng kuwarto nang lumabas ang isang matandang lalaki.
“Apo ko hanapin mo nga ang pustiso ko at nawawala,” agad na utos sa kanya ng matanda.
“Lolo naman! Nawawala na naman ang pustiso n’yo?” tugon niya rito habang iniisip kung saan iniwan ng matanda ang nawawalang ipin. “Hay! Heto na naman ako maghahanap ng mga nawawalang pustiso.” Tumungo siya sa silid ng matanda upang hanapin ang pustiso nang bigla siyang tawagin ng isang matandang babae.

“Apo ko! Apo ko! Halika nga dito! Di ko maigalaw ang mga kamay ko,” wika nito habang namimilipit sa sakit. Nirarayuma na naman ang mga kamay nito. “Halika! Kunin mo,” utos sa kanya nito.
“Lola Cattling, ano na naman ang problema n’yo? “ Napatingin siya sa matandang nababalutan nang puting kumot.
“Tulungan mo ako! Di ko maabot ang pustiso ng lolo mo,” agad na sabi nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya. Kaya naman pala nawawala kasi tinatago nito ang ipin ng asawa.
“N-nasaan ba?”
“Nandito naiwan sa petchay ko,” malanding tugon nito sa kanya na siyang nagpasabog ng brain cells niya.
OMG!
Huwag kang maharot babaeng maharot baka ika’y maharot ni Harot
Dito magsisimula ang history kung saan magaganap sa lumang boarding house ang pinaka maharot na kasaysayan ng TRES Marias. Sasamahan sila ng mga kaibigang magbibigay kulay sa kanilang kasaysayan.
SI Mister Xehan, ang mabait sa mga bagong boarders subalit antipatiko sa mga di nagbabayad ng renta. Huwag kang made-delay sa bayad kung ayaw mong ma-youtube – doon niya kasi pinopost ang mga pagmumukha ng mga boarders na tumatakas o di nagbabayad ng renta.
Si Lola Cattling, ang matandang mahilig magsuot ng T-Back at mahilig sariwain ang mga eksena noong kabataan pa lamang niya.
Si Lolo Ico, ang ultimate hunk noon na bumihag sa puso ni Cattleya aka Lola Cattling. Madalas mawalan ng pustiso at mahilig magsuot ng boxer shorts.
Mawawala ba sa listahan ang ating mga bida?
NAPANGITI si Noorell nang maabutan niya si Mark na tila may pupuntahang dinner date. Sa porma nito tinalo pa ang kapogian ni Sam Milby. Batid niya na may gusto sa kanya ang lalaki kaya di siya mahihirapan sa gagawin niya. Nilapitan niya ito saka mahigpit na niyakap.
“Please, ‘wag ngayon! I have my dinner date with my Girlfriend,” saad nito na tila umiiwas sa mainit  niyang mga halik.
“Ganun? Mas masarap ba siya kaysa sa akin?” Hinimas niya ang dibdib nito hanggang mabuksan niya ang mga butones ng polo shirt nito. Pumalag ang lalaki pero hanggang saan ang pagtitimpi nito kung may mapanuksong ahas na bumibihag dito.
Hinila siya nito papasok sa room nito. Agad na naghubad hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong mga halik. Gigil na gigil ito sa ginagawa na tila ngayon lang nakatikim ng isang masarap na adobo. Bumababa ang kamay niya hanggang sa masaklot niya ang six pack abs nito. Ilang sandali pa, hubu’t hubad na ang binata na tila nakahanda nang sumabak sa matinding labanan.
“Wait!” pagtutol niya na ikinagulat ng binata. “May red flag pala ako. I’m sorry!” Agad niyang inayos ang sarili saka agad na tumalikod sa binata.
“No! Di mo pwedeng gawin sa akin ito!” Hinawakan siya sa magkabilang balikat saka akmang hahalikan nang inilabas niya ang maliit na balisong na madalas niyang dalhin.
“Subukan mo kung ayaw mong putulin ko ‘yan?” Natigilan ang binata hanggang sa bitiwan siya nito.
“For God Sake! Akala ko ba type mo rin ako?”
“Akala mo lang ‘yon!”
“Please, tapusin na natin ito! Paano na ‘to?” saad nito sabay turo sa angry birds nito.
“Ikiskis mo sa pwet ng kaldero!”
“Di ba pwede sa bote na lang?” malungkot na tugon nito na tila natalo sa sabungan.
Napangiti siya sa sinabi nito. Lumabas siya sa silid ng binata na baon ang isang malutong na halakhak.
“Di lang lalaki ang pwedeng maglaro sa babae. Bago nila ako paglaruan. Uunahan ko na sila!” sambit niya habang umaakyat ng hagdan.
Samantala, halos mangatog ang tuhod nito Mister Xehan habang dinadala ang isang boarder na lalaki sa ospital. Di kasi matanggal ang bote sa toytoy nito.
What! To the highest level ang pagka-shock ng mga Marias nang mabalitan ang tsismis. Napa-isip tuloy ang mga brain cells nila kung bakit may bote sa toytoy nito.
“Im not guilty!” agad na sabi ni Noorell nang mabalitan ang tsismis.
OMG! Simula pa lamang ‘yan ng kasaysayan ng TRES Marias. Kilalanin pa ang ibang Maria sa susunod na episode.

7 comments:

  1. Replies
    1. hehehe! salamat sa pagbasa.... dahan dahan lang sa pagbasa sa next ep hehehe baka maloka ka na hehehe ^____^

      Delete
  2. naloka ako sa pustiso na naiwan sa pechay at ang totoy na pinasok sa bote wahahaha...kaabang abang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Pink Line ^__^ kaya dapat ingatan ni lolo ang pustiso para di maiwan hehehe thanks for reading.... abangan ang next part hehehe ^___^

      Delete
  3. HAHAHA. Aabangan ko ang susunod na eksena.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Jessica ^_^ abangan ang susunod na pagharot hehehe
      Keep smilling ^_^

      Delete
  4. Ang baliw lang ng naiwang pustiso sa pechay.. san mo ba nakukuha ang mga idea na to, hahaha.. Ah, si Noorell pala may kasalanan sa chismis sa bote.. Pabaligtad naman kasi ang pagbabasa ko ng ep 1 2 3, hehe

    ReplyDelete