Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

MSOB Anthology: First Review Etc...


Ilang linggo na rin ang nakakaraan magmula nang mailabas ang book namin - MSOB Anthology. Malaking karangalan sa akin ang mapasama sa proyektong ito bilang isang guestwriter. Kasama ko ang mga regular writer ng MSOB site ni Idol Mike Juha.


Ang totoo, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang project na ito. Ito rin kasi ang unang book project na sinalihan ko. Kung itatanong n'yo kung anong genre o theme ng libro - isa itong bromance or m2m book compilation.

Dalawang beses pa lang akong sumubok na magsulat  ng m2m stories kaya malaking challenge para sa akin ang magsulat ng ganitong genre.  

Donato - ito ang kwentong nabuo ko. Isang simpleng kwento ng isang lalaki na natutong umibig sa isang katulad niya. Ipinakita ko rito ang buhay ng isang bisexual - kung paano niya inamin sa kanyang sarili na alanganin siya, at kung paano siya nagmahal.

Habang isinusulat ko ito talagang iniisip ko kung paano ko paiinitin ang mga magbabasa. At dahil sanay na akong magsulat ng mga erotic stories (bago ako nagpalit ng genre ngayon) ay pinag-isipan ko kung paano ko isusulat ang mga daring scene na hindi lalabas na bastos o malaswa. 

Ibinigay ko ang best ko sa kwento ni Donato. Talagang nag effort ako. Habang sinusulat ko ito talagang binuhay ko ung karakter sa isip ko. Nakaka-challenge din ang pagsulat ng sex scene - medyo nahirapan ako kaya talagang pinag-isipan ko.

Nahirapan din ako kasi di ko alam kung maganda nga ba ang kinalabasan. Simple lang ang kwento ko kasi walang masyadong twist - simpleng kwento na nagpapakita ng tunay na kwento ng buhay. 

Isang bading na hinarap ang tunay niyang sekwalidad.

Ito ang BOOK TEASER:

Michael's Shade of Blue Anthology: 13 Stories of Love, Hunger and Paranoia
Ang antolohiyang ito ay binubuo ng labin-tatlong kwento na sumasalamin sa buhay ng isang homosekswal. Tatalakayin ng mga akdang mababasa nyo rito ang ilan sa mga takot, pangarap, kahilingan, pangangailangan, karanasan, at iba pang mga bagay na nagbibigay-kulay at pagpapatunay sa realidad ng buhay. 






Iduduyan kayo ng librong ito patungo sa kalungkutan, galak, pangamba, contentment, at iba pang mga emosyong tunay na nararamdaman ng kahit sinuman sa atin, mapa-lalaki o babae, bakla man o tomboy. 





Papatunayan ng mga kwentong inyong mababasa rito na ang lahat ng uri ng tao, anuman ang kasarian at sexual preference, ay makakapantay, na kahit magkakaiba ang paniniwala, ay pinagbubuklod ng pag-ibig.

*****

Nitong nakaraang araw ay nakatanggap ng review ang book namin. Masaya kami sa ginawang review - positive and negative comments ay nakatulong sa amin para mapaganda pa ang aming pagsusulat. 

Ang review ay galing kay Sir K.D   (Marami na siyang experience sa ganitong larangan)  -- di ko alam kung paano ko siya ipapakilala ^_^ pero sa pagkakaalam ko magaling talaga siyang mag review.

*****

My first time to read an anthology of short stories that are about gay men. It is composed of 13 stories and some of them have explicit sex scenes. If you are squeamish about sex especially those that involve two men, this book is not for you. I am a friend of one of the authors whose first book, a heterosexual romance, I read and liked. So, when he asked me to try his work, albeit about homosexuals, I agreed. I was even the very first person who bought this book. This is not even out in the market yet.

This is a proud-to-be-gay kind of book. It does not put any mirage as to its intention: to show that gays are like just anyone of us. They live, they love, they laugh but when they get hurt, they cry. Oh boy, they cry a lot in this book. Most of the stories have sad endings that at some point during the reading, it dawned on me that being gay must be really challenging as they strive harder to be happy than maybe their non-gay counterparts. Oh, excuse me about the labels, but I just would like to point out that gays must have hearts of steel to be able to survive the harsh realities of life. I have no intention of starting an argument, this was just what I felt after finishing the book.

Despite its eye-catching title in English, the 13 short stories are written in Filipino (Tagalog) or Taglish (Tagalog-English). Below are my reactions after reading each story. They are mostly "knee-jerk" or guttural reactions. I did not give myself enough time to process each story. I just wrote what I immediately felt.

1) The Farm. Aris Santos. 2 STARS
Ayos lang. Di ko gusto. Di ayaw. Ordinaryong pagi-ibigan ng dalawang lalaki. Nagbukas ang kuwento nang iniwan ni Carlo si Reden. Para makalimot, pumunta si Reden sa kanilang bukid. Doon nya nakilala si Homer. At ang trianggulong pag-ibig ay nagsimula.

2) Paid. Kenji Oya. 3 STARS
Ito ang unang nagustuhan ko. Maganda ang paglalarawan sa mga tauhan lalo na yong callboy na si Jester. Parang ramdam ko yong sexual tension na namagitan kay Jester at kay Ricky. Pero, hindi naging sila o di natuloy sa sexual act ang tension na yon. Ibig sabihin, mukhang walang intensyon ang aklat (o ang kuwento) na ito upang papaginitin ang beking nagbabasa. Parang mga babasahing romansa, kagaya ng mga maliliit ng libro ngPrecious Hearts Romance or PSICOM, ang tinggin ko, ang hinahangad ng libro ay pakiligin ang mga beki kung di man imulat ang mga mata ng mga straight na nagbabasa na ang mga beki ay katulad din ng lahat. 

3) #2. Lui Rubio. 1 STAR
Nagtagal ako dito dahil dalawang beses kong binasa. Bihira na sa aking mangyari ito kapag nagbabasa ng Tagalog. Parang huling nangyari ito ay noong high school ako at nagbabasa ng Noli oFili. Magiging 3 or 2 stars at least sana kung ginawang tahasan (straightforward) na lang sana ang naratibo. Kaso, hinati ang kuwento sa 10 tsapters. Tapos lumalabas paiba-iba ang punto de vista (point of view) na kung hindi kay Jared ay kay Roy. Sila yong dalawang beki ang nahahati ang puso sa dalawang magkakaibang lalaki o beki rin. Si Jared at Roy ay may nakaraan ngunit mahal din ni Jared si Marc. Sa kabilang banda naman, mahal rin ni Roy si Karlo. Tapos para mabuo ang parisukat na pagi-ibigan (love square) ay nagkaroon din ng relasyon dati si Marc at si Karlo. Tapos, parang nagpapaka-post modern si Lui Rubio, dahil mahilig siyang gumamit ng panghalip na hindi agad nililinaw kung sino sa mga tauhan ang pinapanghalipan. Tuloy, sa bawat pagsisimula ng tsapter, palaisipan kung sino ang nagsasalaysay o kaninong punto de vista. Ito ang labis labis labis kong kinaiinisan sa kuwentong ito. Sorry. Sayang kaya oras ko.

4) Twenty-eight. BX. 2 STARS
Ito naman. Sobrang simple. Para lang pang-high school na assignment. Kuwento ng isang tagong bisexual. Tapos uuwi sa kanila sa probinsya di upang makita ang mga magulang kundi mag-abot lang ng pera at makipag-inuman sa mga kaklase ng high school. May mga mangilang-ngilan na maganda-gandang paragraphs pero isa or dalawa lang at di totoong sobrang maganda para mae-enganyo kang i-quote dito sa rebyu. Ano ang punto? Itago na lang ang sexual preference ni Benjamin? Eh, para ano pa't inisip kong Proud Gay ang librong ito?

5) The Wedding Singer. Dhenxo Lopez. 4 STARS
Parang Oscar Wilde's The Happy Prince and Other Stories (4 stars) kaso sa halip na puro kalungkutan, isang masayang pagiibigan ng dalawang beki ang sinasalaysay. Nakakatuwa ang prosa at para ka lang nanonood ng isang kuwentong bihira mong makita: paanong ang dalawang batang beki ay matututong magmahal sa isa't isa. First gay love, nakakatuwa.

6) Si Adan at si Adan. Patrice Marco & Rovi Yuno. 3 STARS
Maambisyon paglalahad ng descent into madness. Kaso marami na akong nabasang ganito: The Trick Is to Keep Breathing (4 stars) ni Janice Galloway at Auto-da-Fé (4 stars) ni Elias Canete. Kaya't di ko maiwasang i-kumpara. Sinikap naman ni Marco at Yuno na gawing malinis at maayos ang paglalahad pero para sa akin, yong ganitong tema, mas maganda kung sa nobela. Nag-suffer ang konsepto dahil sa ikli. Nice try, though.

7) Donato. Jon Dmur. 4 STARS
Nakakagulat sa umpisa. Ito yong akala ko ayaw kong mabasa dito sa anthology na ito. Tahasang seks. Parang mga kuwentong hetero sa Bulgar noong araw (di ko alam kung meron pa ngayon). Inisip ko na lang na walang pagkakaiba ang seks ng parehong lalaki sa seks ng isang lalaki at babae. Lawak lang talaga ng pananaw ang kailangan. Ganyan talaga ang dapat gawin ng mambabasa upang maging bukas ang isip at di maging moralistang panis. Nangyayari naman talaga ng seks sa dalawang kapwa lalaki eh bakit di puwedeng sulatin, di ba? Pero, hindi ko rin gustong isipin ang ang pinaka-motibo ni Dmur ay painitin ang mga beking nagbabasa nito dahil hindi naman baboy ang pakakakuwento. Maayos at nagustuhan ko yong mga isinisingit niya quotable quotes kagaya nito:
"Minsan hindi mo alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan. Iniisip mo siya dahil mahal mo siya, o nalilibugan ka lang kaya mo siya iniisip."
Anong sinabi ni Claudine sa "Milan." Aliw lang. hahaha

8) Ang Lalaki sa Pamilya. Patrice Marco. 3 STARS
Kaya ko binili at binasa ang librong ito ay para pagbigyan ang kaibigan kong sumulat ng trilogy na ito. Maganda naman yong una nyang librong binigay sa akin: Rainbow Haven, Loves' Cradle (3 stars) kaya't noong sinabi niyang may bago siyang lalabas na libro ay sinugod pa namin ito sa publisher at kami ng kaibigan kong babae ang kauna-unahang bumili. Hindi pa nga dapat kaming bentahan dahil hindi pa nagkakapirmahan pero nagpumilit kami. 

Trilogy ang kuwento rito ni Marco. Ang unang kuwento, Where to Let Go ay tungkol sa magkapatid na beki na umibig sa iisang beki rin. Ang pangalawang kuwento, How a Letter Tries to Kill Us People, ay tungkol sa tatlong high school na puro beki at nagkaroon ng tatsulok na pagibig (din) at ang pangatlong kuwento, The Scrupled, ay tungkol na batang beki na-inlove sa taong beki rin pero sobrang mali ang pagi-ibigang iyon. Kaya siguro ito pinamagatang Ang Lalaki sa Pamilya ay dahil ang mga tauhan dito ay mga lalaking beki na inaasahang magpapatuloy ng kanilang lahi subali't naging beki so paano na? Mahaba ang kuwento, kasi nga trilogy. Binasa ko ng diretso kaso parang walang main theme (o hindi ko nakita o naramdaman ito). Maayos naman ang pagkakalahad ng mga kuwento. Dami lang iyakan at medyo nakakaumay na laging sawing palad ang kinakahantungan ng nagmamahal na beki. Ipinanganak ba ang beki upang laging malungkot ang buhay pagdating sa dulo? Yang nga yata ang realidad pero siguro naman may naggiging till-death-do-us-part din sa mga magkakarelasyong beki? Gaya noong kina Boy Abunda o sa lesbian co-habitation, let's say si Gertrude Stein at Alice B. Toklas?

9) @40. Rovi Yuno. 2 STARS
Ito pa yong masyadong pinahirap ang pagbabasa tapos sa dulo ay sasabihin mo hindi lang "ahhhh, ganun pala yon" at dahil medyo hindi naman pala sobrang kakaiba, puwede mo ring idagdag ang "ganun lang pala yon." May pareho ito sa isa sa mga kuwento ni Patrice Marco sa itaas. Yong dalawang magkapatid na (view spoiler) na ire-reveal lang sa dulo. Yun yong "ganun pala yon." Pero maganda ang pagkakalahad at magiisip ka habang nagbabasa kung sino yong pangalawang nagsasalaysay na hindi naka-italics. Ibig sabihin, may sariling kakaibang istilo si Yuno, di ko lang alam kung magugustuhan ito ng mga simpleng magbabasa. Dahil binasa ko ito ng straight (dahil ngayon ay Linggo at nasa bahay lang ako), medyo nakakasakit ng ulo. Dapat siguro tinigilan ko muna. Kapag sunud-sunod sa isang araw na puro beki, puro beki ang binasasa mo, nakakaumay pala.

10) Irreversible. Dalisay Diaz. 4 STARS
Na-sorpresa ako rito dahil ito lang ang kuwento sa antolohiyang ito na mystery/thriller. Kakaiba ang istilo at maayos na pagkakasulat. Parang si Agatha Christie. Nahusay rin ang pagkaka-build up ng climax at malinis ang presentasyon denouement. Naipaliwanag na maayos ang lahat. At ang pinakamahalaga ay HINDI ko nahulaan kung sino ang criminal. Ako na nakabasa na, modesty aside, ng buong Sherlock Holmes canon at ilan pang mystery/thriller fictions. Good job, Dalisay! Di ko na ito kakahabaan dahil importanteng hindi ma-spoil ang mga babasa pa ng kuwento dahil ito mystery short story.

11) Si Igor at ang Kanyang Prinsesa. Michael Juha. 5 STARS
Gay romance at its finest. Romance kasi ang genre na talagang formulaic. Talagang yatang ganoon kasi dapat magtapos na masaya ang nagbabasa at magkaroon ng inspirasyong ang kanyang love life o life mismo. Na balang araw may isang prinsepe na sa kanya'y magkakagusto at sila ay masayang magsasama habang buhay. Hays (pahiram nito Patrice).

Pulido ang kuwentong ito. Epektibo ang paggamit ng dalawang alamat dahil napatingkad nito ang prosa. Iyong tipong hindi pilit at maiba lang. Natawa lang ako sa paggamit ng (view spoiler)dahil ito ay isa sa pinaka-gasgas na elemento ng romance. Sabi sa writing workshop ko noon, bihirang-bihirang mangyari na ang tao ay nagkakaroon ng amnesia pag naumpog pero ito ay mabisang gawing twist sa romance dahil hindi nagbabago ang hitsura na karakter. Kunwari, naumpog ang bidang guwapo tapos nagkaroon ng blood clot at na-coma so paano na gagalaw ang istorya kung nakaratay lang ito sa kama? Hindi romance yon, dahil nakahiga na lang ang guwapo. Puwede pa rin kasing gawing erotiko dahil sa presence ng kama, pero paano pa yon makikiparomansa eh comatose nga?

Angkop na gawing anchor story itong kay Michael Juha dahil sa sandaling ipinid ang libro na nagbasa, at least, may ngiting maiiwan sa kanyang mga labi ng nagbabasa. Natapos ko! Natapos ko! Korni mang masasabi ang romance (sorry ha) pero bakit ba, may karapatan din ang mga beking mangarap ng masayang buhay.

KAKAIBA ANG ANTOLOHIYANG ITO. HIGHLY RECOMMENDED SA MGA BEKING MAHILIG MAGBASA NG ROMANSA. Saya!


******

Nang mabasa ko ang review sa Donato natuwa naman ako -- aaminin ko ang unang motibo ko eh kung paano ko paiinitin ang magbabasa nito hahaha! at syempre malaking challenge kung paano ko iyon isusulat nang maayos na hindi naman ganun kabastos ang tunog. Next, kung paano ko ipapakita ang pagkilala sa tunay na sekwalidad at paano magmahal sa kapwa lalaki.

Ang kabuuan ng review ay matatagpuan dito - http://www.goodreads.com/review/show/452641933

Other Review: http://www.goodreads.com/review/show/453097108


 
Book for SALE!

Kung may kilala kayo na nagbabasa ng M2M stories o ung gusto lang magkaroon ng collections.... mabibili po ang copy sa CentralBooks. 

Online: http://central.com.ph/bookstoreplus/products/AAC217/



Outlet / Store






Quezon City
927 Quezon Avenue Phoenix Building
Tel: (632) 372-3550-52 ext.31
Contact Person:Gil Rosales, Tina Balagtas
Makati City
Currently closed please contact
Romy Juridico at Tel.: (632) 638 1088

Morayta Manila
Ever Gotesco Mall
CM Recto cor Nicanor Reyes St, Manila
Tel: (632) 734 6178
Contact Person: Zaldy Salita
Ortigas Center - Metro Manila
SM MegaMall
5th Level Building A
Tel: (632) 638 1088
Contact Person: Joseph Lais / Ray Castro
Cebu City
GV Building P. Del Rosario St.
Tel/Fax: 253 0784
Contact Person: Marissa Barnes
Cagayan De Oro City
Limketkai Mall
West Concourse
Lapasan, Cagayan de Oro City
Tel.: (088) 856 6961
Contact Person: Elmer Bacolod
Davao City
19 A Building D
Aldevinco Shopping Center
Roxas Street, Davao City
Tel: 224 1070
Fax: 221 7691
Iloilo City
Robinson's Place
Mabini Wing
Iloilo City Tel: (033) 320 8159
Contact Person: Ramil Raquit
Salamat ^_^ Ako pa lang yata ang hindi nakakabenta hahaha! Mahina talaga ako sa SALES -- sana sa pag post ko nito may makabili ^_^ at may maengganyo ako ^_^
Hindi rin biro sa akin ang book na ito -- bilang writer kasi lahat gusto kong subukan -- isa pa dream ko talagang maging erotic writer noon.
Next Project:
MSOB Anthology II - Guestwriter
TRE Anthology (Love and Romance) - Main Author

Other Published Book:
Horotika - Horror Erotika Story ( First Solo Book)
Dream ko din magkaroon ng Solo Inspirational Book --- plan ko next year 2013
Plan ko din na sana balang araw magkaroon ng Book Project -- at kayong mga kaibigang bloggers ang makakasama ko ^_^








4 comments:

  1. Trivia eto sayo eto kuya jon, haha. Natawa ako sa comment ni Sir KD sa ginawa mong kwento. "Tahasang seks, Parang mga kuwentong hetero sa Bulgar noong araw" hehe. Sana makabenta kayo ng marami :)

    ReplyDelete
  2. Good luck sa book nyo iho. But you know grandma, it is not for her eyes.
    Anyway, I don't judge the gays coz I know it is not easy to be one, but I just don't want to know how they do it....

    ReplyDelete
  3. wow astig idol na kita parekoy
    congrats sa sucessful writting career mo sana magtuloy tuloy pa yam

    ReplyDelete
  4. shet congrats! pangarap ko rin masali sa libro! sana lumevel kay bob ong yan!

    ReplyDelete