Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

May sparks ba ang relationship n’yo?

Naniniwala ako na hindi hadlang ang layo upang magparamdam ka ng sweetness sa taong mahal mo.


Puwede kang mag-paint o gumawa ng short stories or poems na first time mo lang gagawin. Kapag nakita niya ang efforts na ginawa mo tiyak akong ma-aapreciate niya ang ginawa mo sa kanya. Lalo na kung alam niyang wala ka talagang hilig sa arts.


Malayo man o malapit ang taong mahal mo huwag mong kakaligtaan ang magpadala ng mga romantic messages. Ibato mo na lahat ang mga banat lines na nalalaman mo. Malay mo ikatuwa niya ang mga pamatay na banat mo.

Kung ikaw si gwapito, maliban sa romantic date at pagbibigay ng flowers and chocolate sa babaeng mahal mo eh, subukan mo ring magpasalamat sa mga nagawa niya sa’yo. Katulad ng pagluto niya ng paborito mong ulam o paggising niya sa’yo tuwing umaga.

At kung ikaw si ganda, maliban sa pagluluto ng almusal o pagbibigay ng big hugs kay gwapito eh, subukan mong sabihin sa kanya na special siya sa’yo at ang relationship n’yo ang priority mo sa lahat ng bagay.

Mga simpleng pasasalamat o banat lines ay tiyak kong magpapangiti sa taong mahal mo. Malayo man siya o malapit sa’yo.

Tandaan! Hindi hadlang ang pagiging busy para hindi mo maipadama sa kanya ang iyong pagmamahal. Maglambing ka sa abot ng iyong makakaya. Kailangan ‘yan sa isang relationship para lalong tumibay ang relationship n’yo.

Gumawa ka ng mga surprises na tiyak mong ikatutuwa niya. Hindi naman kailangan na expensive talaga.

One cup of coffee sa umaga ay paraan din ng paglalambing. Masarap mag- coffee habang kasama mo ang taong mahal mo.

One box of chocolate tiyak kong ikatutuwa ni girlaloo. Kaya kung ikaw si gwapito dapat magbigay ka kahit once a month lang.

Isang pamatay na body massage kay gwapito tiyak akong ikatutuwa niya. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung mabubuhay ang katawang lupa niya?

Maglambing ka sa pamamagitan nang pag-request ng isang bagay. Katulad nang pagyaya sa kanya na manood ng mga romantic movies. Nakakatulong kasi iyon upang magkaroon ng sparks ang relationship n’yo.

Huwag mong ipagdamot ang ngiti mo. Sino ba naman ang matutuwa kung sa umaga pa lang nakasimangot ka na. Talo mo pa ang nalugi sa lugawan. Ngumiti ka sa taong mahal mo kahit isang minuto lamang para maramdaman niya na masaya ka sa relationship ninyo.

Iparamdam mo sa kanya na siya lang ang mahal mo. Paano? Huwag ka nang tumanggap ng ibang manliligaw. At kung lalaki ka ipakita mo sa kanya na tapat ka sa kanya. Huwag mong iparamdam sa kanya na maraming naghahabol sa’yo.

Dapat give and take kayo sa lahat ng bagay. Kung sweet siya sa’yo dapat naibibigay mo rin iyon sa kanya.

Kapag may problema dapat napag-uusapan ninyo. Huwag palakihin ang issue kung maliit lamang ito. Minsan kasi nawawala ang ‘sparks’ sa mga maliliit na bagay lamang. Dapat marunong magpakumbaba ang isa sa inyo. Kung galit ang isa dapat mahinahon ang isa para di lumaki ang away.

Lambingin mo siya upang mawala ang bad moods niya. Minsan kasi sinasabayan mo ang init ng ulo niya. Feeling mo ikaw ang dahilan nang pagiging bad moods niya kaya napupunta sa away ang lahat. Bakit di mo na lang lambingin para lumamig ang ulo niya?

Maglambing ka! Wala namang mawawala kung magpapakita ka ng sweetness sa kanya lalo na kung nagmamahalan na kayo.

Lahat naman ng bagay dapat pinapakitaan ng maganda. Kahit gaano ka pa ka-busy dapat mong itatak sa isip mo na kailangan mong magbigay ng konting time para maglambing sa kanya.

Mga simpleng romantic messages ay sapat na para maipadama mo sa kanya na hindi mo siya nakakalimutan kahit nasa gitna ka pa ng disyerto.

            Tandaan! Para mapanatili ang ‘sparks’ dapat busugin mo siya ng pagmamahal para hindi na maghanap ng ibang putahe.

Written by Jondmur (TRE VOLUME ONE)
Image from Google Search

43 comments:

  1. Nakakatuwa naman at talagang mapapaisip ako nito. Lagi kasi akong nakasimangot kaya walang lumalapit. Kaya naman ako nakasimangot eh baka may mangutang, lol! Very good suggestions for everyone, salamat sa pagbabahagi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe kaya wag nang sumimangot hehehe kaso baka dami uutang hehehe

      thanks sa pagbisita ^__^

      Delete
  2. well samin ng gf ako ung mas chowy at touchy at madalas parang wa lang sa kanya!
    hehe pero ayun masaya pa din akong ginagawa ung hehe
    naniniwala ako na may isang dapat mag initiate para dun at samin ako yun haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo wag magsasawa .... baka ayaw lang niyang ipahalata pero nagugustuhan niya ang ginagawa mo

      Goodluck sa lovelife.... sana mas lalong kumulay ^^

      Delete
  3. Well, buti na lang ganon ako sa hubby ko:) sweet at malambing:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... katuwa naman.... swerte naman ni hubby....

      thanks po sa pagbasa ^^

      Hugs ^^

      Delete
  4. nung kami pa ng aking katipunerang ex, dahil nga LDR kami, karamihan sa mga nabanggit mo ay nagawa ko, pero sa kasamaang palad ay waepek and in the end naging ex ko na lang sya. packing sheet! anyhoo, cheer ko na lang ang mga love dovey na naka LDR.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe hirap nga pag ldr ... dapat parehong gumagawa ng paraan para mag work ang isang relationship.

      kahit wala na kayo ang mahalaga nagawa mo ang lahat... hehehe

      sa ldr parang ung kanta ni aiza.. ako ba ang nagkulang o siya ang di lumaban sa pagsubok hehehe

      Delete
    2. NATAWA ako ng husto sa comment ni Cyron ha ha ha. salamat sa komedya at humanap ka na ng bagong katipunera ha ha ha

      Delete
  5. Hehehe.. this is a friendly reminder!! (: Lalo na sa mga matatagal na ang relationship tulad ko at ng bf ko.. salamat!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow sana lalo pa kayong tumagal. kaya wag kalimutang maglambing hehehe.. at wag hayaang mawala ang sparks. thanks sa pagbasa

      Delete
  6. hyyyyy... sana mgamit ko ang mga kaisipan sa posts na ito....hyyyyy.... mbuhay ang mga single na less ang problems....

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabuhay mga singles... sana maaapply mo hehehe at maging makulay ang lovelife mo ^^

      Delete
  7. Sir Jon. Mamiss kita. Napapangiti ako habang binabasa ko tong entry mo. Parang para sakin eto ah. Unang line palang "Naniniwala ako na hindi hadlang ang layo upang magparamdam ka ng sweetness sa taong mahal mo." Haha. Binibigyan mo ba ako ng pag-asa? lol


    Pasensya naging busy ako nung nakaraang bwuan at hindi ako nakakabisita at nakakasagot sa mga comment nyo. Unti-unti bumabalik na naman ako.

    See u online :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uo nga hehehe buti naging masaya ang vacation mo.... uo tuloy lang ang pag asa hehehe

      sana maging makulay din ang lovelife mo ^^

      Delete
  8. Gusto ko ang quote nyo sa kape :)

    About sa mga problema, kailangan lang ng malawak na pang unawa. Wag sabayan ng galit ang galit ng isa. Para di kayo mag clash. Ayan. Para di mawala ang spark :)

    Hayyy. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama kailangan may pasensya... pag galit ang isa ung isa relax relax muna hehehe

      at sana okay ang lovelife mo hehehe

      Delete
  9. wow luma-love expert ka na kaibigan ha... kung sabagay, kung iisipin mo nga naman di dapat hadlang ang distansya sa relasyon kung talagang mahal nyo ang isa't isa..


    mukang inspired ka kaibigan ehehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman inspired hehehe tagal ko na to nasulat... now ko lang na post hehehe

      yup... pag mahal talaga... kahit malayo dapat nagmamahalan pa rin...

      Delete
    2. nyahaha eh baka inspired ka nung ginawa mo ang draft na ito. talagang pinipilit ahahaha.

      Delete
    3. naku Rix, si sir Jon pa... eh love guru kaya yan hehe. dami kong natututunan sa kanya :)

      matagal na akong di kinikilig. baket kaya? ay pusong bato ang peg? nyahaha XD

      Delete
    4. Nyahaha uu nga eh kaso ayaw umamin ni kaibigang jon :D

      Delete
  10. This sparks thing is killing me sir Jon.. parang naiisip ko andami ko pa ring pagkukulang, eh kung siya naman kasi yung palaging busy at hindi ako. Msma b ipramdm ung nrrmdaman ko rin sa kanya pra nmn mlaman niya. i tried to dedicate short stories para sa kanya tulad ng sa sinasabi mo.. hindi lang talaga siya interesado sa mga ganito, peke ung sasabihin niyang maganda ang kwento alam na alam ko :(


    Drama oh haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. emote ah hehehe di naman masamang iparamdam ka sa kanya.... at wag kang magsasawa... malay mo may magandang return yan in the future ^^

      Good luck sa love life ^^

      Delete
    2. ..owh!! wawa naman!!!!!! malalaman mo talaga kung peke ang sinasabi ng isang tao noh? so sad!!

      but dont cha wori ma-aappreciate nya din yan someday

      smiLe :)

      Delete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Love is give and take.
    What you wrote Jondmur is actually true. Pero minsan mahirap din yan gawin. May mga bagay na di mag wowork kung isa lang ang gagawa. Gusto ko lang talaga na pag sweet ako sweet xa. Esp pinaka gusto ko pag thoughtful.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup hirap nga gawin.... dapat dalawa ang laging gagawa ng paraan para mag work ang isang relationship....

      Thanks pre ^^

      Delete
  13. Kailangang kailangan ko ito sa mga panahong ito. Kasi kaka-away ko lang kay Hubs kahapon hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala.... sana bati na kayo ngayon hehehe ^___^ alam ko maaayos din yan hehehe

      Delete
  14. Ay super true yang dapat mahinaon at mapagkumbaba ang isa para me maresolve during away. Ang complicated talaga ng love

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe uo nga bakit kaya minsan complicated? love talaga...

      Thanks Phioxee ^^ Keep smilling ^^

      Delete
  15. Tama ito! Ang love ay dinadaan sa gawa. Dapat may kaunting effort.
    "I love You", sana may iba pang word maliban dito. Yung iba kasi, panay binibigkas ito. Naging common expression na lang. Minsan kasi bibig lang ang nagsasabi ngunit ang puso ay hindi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup ganun na nga hehehe thanks sa pagbisita ^^

      Delete
  16. malambing ako kay ex, then i suddenly felt tired at ayoko na lang. hindi rin ako mahilig mag-ask ng mga kung anu-ano sa kanya nun, i would usually ask him kung anong gusto nya... anong mali? ayun, ngaun, takot na kong mag-initiate ng mga lambing moments, for one, kasi malayo siya another one ay wala naman kaming napag-usapan about us as us. Dear Dr. LoveJondMur...hehehe... I guess, Im not yet really ready for now for anything... hahaha.. or bahala na si batman

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana mawala na ang takot mo... sabagay din rin kita masisisi kasi naranasan mo na... mas masakit nga ung ginawa mo na ang lahat pero napunta pa rin sa wala....

      sana okay ka lang diyan... smile always...

      Delete
  17. Mahilig akong mageffort pero hindi nakikita. Lol, yun lang. Talaga nga sigurong depende iyon sa tao. Agree sa lahat, minsan hadlang ang layo, nasa dalawang tao na nga lamang ang paraan kung paano ito bubuhayin. Agree ako dun sa away, kasi kung pareho kayong galit, walang mangyayari. Yung isa dapat ay magbaba ng sarili,

    ReplyDelete
    Replies

    1. -makisingit lang-

      Para sa'kin hindi talaga makikita ng taong hindi ka mahal at hindi interesado sayo ang effort mo.

      Try to do it for Someone who knows how to appreciate even in little things you do.

      o^o

      Delete
    2. sabagay ganun nga... kung di ka mahal mahirap talagang makita ang effort....

      Delete
  18. samin ng hubby ko sya yung mas malambing. may pagka-katipunera din kasi ako eh lol :P every morning tinitimplahan nya ako ng kape tapos ginigising ako para sabihing "kape tayo" (naks kilig naman ako :). Nung isang araw may inabot saking isang pack ng babyruth yey!

    Ako madalang magpakita ng lambing pero bonggang-bonga naman :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ms. B ^^ sweet naman ni hubby mo....

      okay lang ung madalang basta swabe hehehe

      Thanks... Keep smlling ^^

      Delete
  19. Ako naman naturalesang malambing.. wala lang ako mapag-gamitan ng sweetness ko ngayon, hahaha.

    ReplyDelete
  20. kailangang open din sa isat isa at panatilihin ang trust:)
    masarap magmahal, sana one day may ipakikilala kna sa blogging world na nagpapasaya sayo:)

    ReplyDelete