Tagalog Romance Etc…
-Volume 2-
Hearts of Love
Because it’s the Heart that brings out Love
To Love Again
By: Selena Archangel
“I want to be with you forever so
that I can love you in a way that no one else can... Though they say forever
isn’t true, we can prove them wrong by working on forever… just you and me…”
TEASER
Mula nang mamatay si Tristan ay gumuho na ang mundo ni Hope.
Nawalan ng kulay ang mundo niya at hindi niya alam kung magkakaroon pa ng
saysay ang buhay niya.
Isang pangyayari ang nagtulak sa
kanya upang magpunta sa probinsiya ng lola niya at doon manirahan pansamantala.
Paraan iyon upang makapag-reflect siya at para makapag-move on na rin sa
pagkawala ng nobyo.
Sa pagtigil sa lugar na iyon ay
hindi niya inaasahang magtatagpo ang landas nila ni Jagger del Cielo—ang napakaguwapong punong-baranggay
nila. Umpisa pa lamang ay agad na itong nagpakita ng interes sa kanya. Ilang
beses din niyang iniwasan ito ngunit kahit ano’ng gawin niyang pag-iwas ay lalo
lamang siyang nahuhulog dito.
Handa na ba niyang kalimutan ang
namayapang nobyo at umibig muli? O patuloy pa rin siyang mamumuhay sa nakaraan?
In
the Name of Love
(Kian)
By: Ms. Divine
“Thank
you so much, honey, for making my life complete. I love you very much.”
TEASER
Karma ang dumapo kay Kian nang panain siya
ni Kupido. Na-in love siya sa isang babaeng ubod ng suplada at prangka.
Magkagayunman, gagawin niya ang lahat makamit lang ang minimithing pag-ibig. By
hook or by crook ay kailangan niyang makuha ang pag-ibig ni Althea.
Althea
Rivera—mailap na dalagita. Mula sa isang wasak na
pamilya. Takot magmahal at masaktan. Nag-iisang babae na hindi man lamang
naaapektuhan sa ipinagmamayabang na kaguwapuhan ng isang Kian Danver Sarmiento.
Siya ay isang hamon sa pagkalalaki ng binatilyo sapagkat wala pang tumatanggi
sa angking-karisma nito.
May
pag-asa bang magkasundo ang dalawa? Ano ang dapat na unahin? Ang pagharap sa
maagang pagpapamilya? O ang pagbibigay katuparan sa pangarap ng isang ina?
Love Shot
By: CatchMe
“Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias,
‘could I have this kiss forever?’ Ayoko ng kiss lang. Ang gusto ko, you’ll be
mine forever…”
TEASER
Neszie was a diehard fan of a famous
boy group called “Takeoff.” Lalong-lalo
na kay Jz—lead
vocalist ng grupo at matagal nang itinatangi ng kanyang puso. She considered
him as her “husband” na palaging lumilitaw sa matamis niyang “bangungot” kahit
na sa kasagsagan ng sikat ng araw.
Hanggang sa makasumpong siya ng
pagkakataon para mapalapit sa lalaking matagal nang kinahuhumalingan ng kanyang
etchuserang puso nang minsang
magmagandang loob siya rito. At bilang kapalit sa kanyang kabaitan “kuno,”
pinilit niya ang binata na kunin siya bilang personal assistant nito. Ang
problema nga lang ay ayaw nito. Paano kasi, hindi napipigilang lumandi ng
kanyang flirt na puso sa tuwing lumalapit siya rito—lalo na kapag nakatitig siya sa
napakaguwapong mukha nito—napapanganga
siya nang wala sa oras. Minsan din ay natutulala siya at bigla na lamang
napapatili na tila sinasaniban ng masamang espirito. Kaya big “NO” ang sagot ni
Jz sa gusto niyang mangyari.
Paano na ang pangarap niyang
mapalapit dito kung palagi naman siyang itinataboy ng lalaking itinatangi ng
kanyang puso? Papayag na lang ba siya na hindi makalapit sa binata? O gagawa pa
rin siya ng paraan kahit palagi siya nitong inaayawan?
When Love Takes Over
By: Heaven Abby
“I never believed in love and marriage. But when I set my
eyes on you, everything changed. For without blinking an eye, I fell in love
with you…”
TEASER
Nang dahil sa sugat na idinulot ng ama ni Dannah sa
buhay-pamilya nila, nagkaroon ng lamat sa puso at damdamin niya. She vowed
never to fall in love and be committed to any man. Natatakot siyang makahanap
ng isang lalaking katulad ng kanyang ama na iniwan ang sarili nitong pamilya
para sa babaeng gusto nitong makasama.
Till such a moment came na hiniling ng kanyang butihing-ina ang
isang apo mula sa kanya. She was the only daughter and she loved her mom very
much para ipagkait dito ang simpleng bagay na alam niyang makapagpapaligaya
rito.
Sa tulong ng kaibigang si Sandy ay
nakahanap siya ng lalaking handang mag-“donate” ng sarili nitong “semelya.”
Iyon ay si Gunther de Guzman!
Tila nakiayon naman ang tadhana, for
Gunther only desired sex without commitment and love. On her part, she only
yearned for a baby without having a husband. Iyon ang bagay na nagbuklod sa
kanila. Kaya naman they shared one-night stand together.
Okay na sana ang lahat para kay
Dannah sa pag-aakalang iyon na ang kahuli-hulihan nilang pagkikita. Subalit ang
hindi inaasahan ng dalaga ay ang pagbabago ng isip ng binata.
“I want to have the custody of my
child, Dannah. Kahit saang husgado ay lalabanan kita!”
Bakit may Other Woman si Mister?
“Akala mo perfect na ang
relationship n’yo. Tandaan, kahit mahal ka niya kung may pumapapel nasisira ang
isang relasyon.” -Jondmur-
Minsan mahirap labanan ang tukso.
Lalo na kung kusa itong lumalapit. Kaya nga may pamilyang nasisira dahil sa
tukso – may mga taong biglang darating para guluhin ang isang masayang
relasyon. Madalas ang lalaki ang nagiging mahina dahil sa malakas ang karisma
ni other woman.
Ang tanong, bakit nga ba naghahanap
si Mister ng other woman? May nagkulang ba? O, sadyang may pumapapel?
Reason 1: Sa
umpisa pa lang ‘di ka na niya mahal. Nabuntis ka lang kaya ka niya
pinakasalan. Ang sama ‘di ba? Pero nangyayari 'yan. Let’s face it! Totoo naman
hindi lahat ng nagpapakasal, eh, kagustuhan ng lalaki. Ilan sa kanila no choice
lang. Kaya nga nahihirapan silang mahalin ang mga asawa nila dahil ‘di pa sila
sawa sa buhay binata. Kaya ang ending, si Mister naghanap ng other woman.
Price: 490 PHP with delivery
Volume One and Volume Two: 890 PHP with delivery
TRE Volume One is also available
wow bagong update ang buong page (yun ang m... ehehe) musta na?
ReplyDeletehehehe ito muling nabuhay hehehe.... gusto ko kasing maging new look lagi hehehe.... musta na rin... sana oks ka lang diyan...
Deletenapakainterisante ng book nyo parekoy,
ReplyDeletesayang nga yan ee tight budget pa din ako kaya
di makapag avail
now lang ako ulet nakabisita sa blog mo at nagulat ako sa tugtog parang ang sexy agad2x hahahaha
ReplyDeleteang dami ng nangyare sa buhay mo at ndi ko na alam hahaha kakaloka may bago ka ng libro ano ba yan nahuli na ako bangka.
musta kana jon?