Ang problema lang naman kung isa sa inyo ang sumuko. Yung
feeling na ikaw na lang ang nagbibigay ng effort para maging okay pa ang
relationship n’yo.
Mas masakit kung mararamdaman mong unti-unti nang lumalamig
ang pakikinungo niya sa’yo. Para siyang kape na lumalamig na o isang kapeng
kulang sa asukal.
Ano ba ang SIGNS para masabi mong tinatamad na ang PARTNER
mo sa’yo. Paano mo malalaman kung ginaganahan pa siya sa’yo.
Una, liminatado na ang mga mensahe niya sa’yo. Kung noon
halos araw araw ka niyang tinatawagan eh ngayon lagi na lang siyang busy – once
a week na lang siyang magparamdam sa’yo. Nganga ka kung once a month na lang.
Sabagay, baka naman busy lang siya. Ang problema kung ang
minsan ay nawala na. Aasa ka pa ba?
Pangalawa, lagi na lang siyang nagmamadali na matapos na ang
usapan n’yo. Sa video call parang ayaw niyang magpakita. Lagi siyang
nagmamadali na para bang mauubos na ang load niya. Bakit nga ba siya
nagmamadali?
Baka natatakot siyang may makakita sa kanya na kausap ka
niya?
Pangatlo, Nawala ang SPICE ng relationship n’yo. Yung
feeling na tumabang ang relationship n’yo. Nawala ang mga surprises o never
siyang nag open ng topic about love and sex. Feeling mo nga ‘di ka na
attractive sa kanya.
Naniniwala ako na sa panahon ngayon ay uso na ang sex talk
sa mga magkasintahan o sa mag-asawa. Kaya kung nasa long distance relationship
kayo imposible na walang dirty talks
- minsan kasi way din yun ng paglalambing o pinapakita mo na sabik ka na
sa partner mo.
Tama ba?
May ibabahagi ako sa inyo. Isang Love and Sex Confession ng isa
nating kaibigan.
Hi! Jondmur... Nabasa ko yong usapang love and sex topic. Hingi lang ako ng advice. Isa ako sa silent reader ng TRE ang problema ko wala kaming proper communication ng asawa ko. Nandito nga pala ko spain. Ang asawa ko naman nasa ibang bansa din. May anak na kami sa pinas. Saludo ako sa asawa ko pagdating sa anak ko. Mahal niya ang anak namin.
Madalang na kami magusap ng asawa ko at kapag tumatawag siya lagi na lang siyang nagmamadali. Kahit ako ang tumatawag ganun pa din. Ang balita ko may ibang babae na siya. Bukod sa tamang hinala ko. Nararamdaman ko naman dahil sa mga kilos niya. Matagal ko na siyang sinasabihan na maghiwalay na lang kami pero ayaw niya hindi raw kami maghihiwalay. Uuwi daw kami na buo kaming pamilya.
Hindi ko alam pero yung once a month niyang tawag ay nawala na. Ayoko naman siyang tawagan. Dumating na ako sa point na ayoko na dahil paulit ulit na lang. Naiintindihan ko siya kailangan niya ng sex at di ko yon maibigay sa kanya. Kaya naghahanap siya. Normal yon kasi ako nga naghahanap din. Dumadating din yong time na namimiss ko ang sex. I’ts normal kasi tao akong normal pero kaya kong maghintay. Gusto ko ring umuwi at makasama ko ang asawa ko para gawin namin yan.
Di ko na alam kong kailaNgan ko pa bang ipaglaban o hayaan ko na lang siya. Naguguluhan ako. Salamat sa time. God bless!
-----
Jondmur: Pakiramdam ko anak n’yo
na lang ang naguugnay sa inyong dalawa. Bakit naipaparamdam niya sa anak n’yo
ang pagmamahal niya samantalang nagkukulang siya sa’yo?
Mahirap magbitiw ng paratang kung
wala namang katibayan. Hindi ko masasabing may ibang babae na ang asawa mo.
Ikaw lang naman ang makakasagot niyan. Makiramdam ka dahil kusa mo ‘yang
mararamdaman.
Kung sa tingin mo tama ang hinala
mo nasa iyo na yan kung gusto mo pang ipagpatuloy ang relasyon n’yo. Ang
problema nga lang kung ayaw ka niyang pakawalan. Mas masakit kasi ‘di niya
sinasabi sa’yo ang tunay na dahilan.
Iniiwan ka niyang nag-iisip kung
may iba na siya o wala pa. Ayaw niyang makipaghiwalay sa’yo dahil gusto niya balang
araw may pamilya pa siyang babalikan.
Siguro, hindi niya nalabanan ang
long distance relationship n’yo. Naghanap siya ng iba para sa pangangailangan
niya.
Sabi nga nila ang SEX ay part ng
isang relationship. Kailangan ito para mas tumibay ang relationship. Paano kung
hindi mo maibigay?
Malayo ba kayo?
Para sa akin kung mahal mo ang
isang tao dapat matuto kang lumaban. Hindi naman hadlang ang layo. Pwede naman
kayong magbakasyon o umuwi ng sabay. At kung kailangan talaga – may sex video
na ngayon hahaha lol!
Marami namang paraan para labanan
ang LDR. Nasa mag partner na yun kung paano nila aalagaan ang relasyon nila.
Para sa akin, hintayin mo ang
muli n’yong paghaharap. Siguro naman magkikita pa kayo dahil may anak pa kayo
at di pa kayo naghihiwalay. Kapag nagkita na kayo, kausapin mo siya.
Kung mahal mo pa siya at handa
siyang magbago siguro hindi pa huli ang lahat.
Kung sa tingin mo na wala ng
pagbabago. Humingi ka sa kanya ng closure. Dapat ka niyang pakawalan para
mahanap mo sa iba ang tunay na kaligayahan mo o maging single mom na lang.
O hayan, sana nakatulong ako. Maraming
Salamat!
Image From Google Search
Wow, ikaw na talaga kuya Jon! da best ang advice mo pagdating sa usaping pampamilya, relationship & sex :))
ReplyDeleteabout dun sa humingi ng advice, if ever na wala na talagang pag-asang maisalba pa ang relasyon nila sana naman huwag nilang kalimutan yung welfare ng bata. Dapat buwan-buwan may matatanggap na sustento yan galing sa tatay.
just my two cents!
thanks Fiel... ito late reply hehehehe.....
Deleteang galing mo talaga magadvice sir!!!!
ReplyDeleteCheers~!
Justin Vawter