Kinikilig ka kapag binati ka niya.
Galit-galitan ka pa sa mga kaklase mo kasi tinutukso ka nila – ang sweet n’yo
daw! Pero ang totoo, gustung-gusto mo ang eksenang tuksuhan. Hindi mo pa magawa
ang mga assignments mo kasi iniisip mo
siya. At lalo kang mababaliw kapag nalaman mong crush ka rin niya. Grabe! Kilig
to the bones ang drama mo.
Malilimutan mo ba ang unang love letter na
natanggap mo? Kinikilig ka habang binabasa – parang lumilipad ka sa ulap. O,
kay sarap magmahal! Teka! Kanino ba unang tumibok ang puso mo?
Childhood
friend – Tinutukso
ka niya kasi sipunin ka. Lagi ka niyang pinagtatawanan kasi kinakain mo ang
kuto mo. Lagi ka pa niyang pinapaiyak, pero at the end kayo rin pala ang
magkaka-developan. Dahil na – inlove ka sa childhood friend mo! Bahay-bahayan.
Kasal-kasalan, at huwag naman sana humantong sa buntis-buntisan. Patay tayo
diyan!
Teacher – Kinikilig ka sa tuwing nakikita mo ang
teacher mo. Kung babae ka, halos malaglag ang panty mo kapag ngumiti si Mr.
Teacher. Ang cute cute niya kasi – feeling mo isa siyang prince charming. Kung
lalaki ka naman, ganado ka sa klase kahit ang totoo recess lang ang inaabangan
mo sa lahat. Lagi kang nakatingin sa katawan niya – gusto mong alamin kung ano
ang kulay ng panty niya hahaha! Joke lang!
Kuya– sino ba namang babae ang hindi
ma-iinlove sa kanyang kuya-kuyahan. Lalapit ka para humingi ng tulong –
magpapagawa ng assignment o magpapabuhat ng kung anu-ano para lamang makasama
siya. Gustung-gusto mo sa tuwing binibiro ka niya. Labas ang gilagid mo sa
tuwing binibiro kang maganda ka – biro nga pero happy ka! Hindi naman masama
ang ma-inlove sa kuya kasi ‘di mo naman kapatid talaga. Ang masama kung bigla
na lang lalapit sa’yo si kuya at bigla ka na lang sisigaw – “Kuya, huwag po!
Huwag po!” Lagot ka kay kuya!
Basketball
Player – Sigaw ka nang sigaw sa tuwing naglalaro siya ng basketball. To the
highest level ang suportang ibinibigay mo. Kulang na lang laitin mo ang
kalabang team para lang sa taong mahal mo. Kahit ‘di ka niya kilala – love na
love mo siya. Nangangarap ka na sana mapansin ka niya. Halos himatayin ka nang
mapunta sa’yo ang bola – pinulot mo saka iniabot sa kanya. Kilig moments ang
drama mo – kasi ang cute ng smile niya. Kulang na lang pati nakatagong BOLA eh,
dakmain mo sa sobrang pagkakilig.
Classmate – Kinikilig ka sa tuwing nakakausap mo
siya. Gusto mo lagi mo siyang katabi – kahit ang totoo nangongopya lang siya
sa’yo. Wish mo lang na sana kasama mo siya sa lahat ng group projects. Grabe! Love mo si classmate! Kinikilig
ka sa tuwing nginingitian ka niya, kapag binibiro ka niya, at kapag kinakausap
ka niya. Namumula ka samantalang siya nauutal – hindi kayo magkatinginan.
Memories n’yong dalawa ay parang walang humpay – tuksuhan, lambingan, kulitan
at may selos - selosan pang drama.
Makulay ang buhay mo noong natututo ka pa
lamang magmahal. Iniisip mo lang kung paano magmahal, kung paano kiligin, at
kung paano gumawa ng love letters na talaga namang pinagpuyatan mo.
Pero naniniwala ako na hindi lahat ng
first love ay masaya. Minsan sa unang pag-ibig doon ka pa labis na nasaktan.
Rejection, ito ang pinakamasakit sa lahat. Hindi mo alam kung paano tatanggapin
ang kabiguan. Mas masakit kasi kung siya ang first love mo. Akala mo mamahalin
ka rin niya pero isang malaking akala lamang ang lahat.
Makakalimutan mo ba ang unang araw na
umiyak ka kasi nagseselos ka? Kulang na lang ipakulam mo ang pinagseselosan mo?
Mas masakit kung alam mong wala kang dahilan para magselos.
Sa first love, dito ka unang natutong
mangarap na sana balang araw kayo ang magkatuluyan. At dito mo rin nakita ang
kahinaan mo sa oras na masaktan ka.
Naaalala mo ba ang unang araw na pinahiya
ka ng first love mo? Nalaman niya kasi na love mo siya kaya pinagtatawanan ka
niya.
‘Di mo makakalimutan ang unang araw na
nag-away kayo ng first love mo. ‘Di ka makakain at halos bumaha na ng luha ang
kama mo sa kaka-emote mo.
Minsan naman kung labis kang nasaktan sa
first love mo nagkakaroon ka ng takot. Kasi ayaw mo nang maulit ang kabiguan
mo. Nawalan ka na ng tiwala sa lahi ni Adan. Pero minsan naman sa kabiguang ito
ay natuto ka na. Naging matatag ka na para harapin ang mga susunod na kabanata
ng love life mo.
Dahil diyan hindi mo nakakalimutan ang
first love mo. Natuto kang magmahal at naranasan mo ang lumuha ng dahil sa
kanya.
Mapalad ka kung ang first love mo ang
siyang nakatuluyan mo. Happy ending kasi at napatunayan mo na siya lang ang
taong minahal mo.
Ikaw, makakalimutan mo ba ang first love
mo?
By Jondmur
Aku hnd Ku pa nakakalimutan..in 15 years na crush Ku cya in 15 years na love Ku cya ang Dami ng donating sa buhay ku.. Di Ku parin makalimutan..ang first love,first crush Ku knit hnd nagin kme.
ReplyDeleteI feel na crush ku cya oh love ku cya lm only in 13 years old., and until now l'm still in love with him.
ReplyDeleteAko first love ko nung grade 5 ako sa N.E.U ..hangang naging kami na..pero palagay ko ako din ang naging first love niya..lahat ng first nagawa namin..lahat ng bawal ginawa namin.. at young age nakaya namin gawin yun..dahil lang sa mahal namin ang Isat isa.. na live in kami na kmi kahit mga bata pa kami.. nasira ang pag aaral namin dahil sa kalokohan namin.. �� na inlove ako sa knya nung first ko sya nakita.. pero ewan ko lng sa knya.kung nging crush ba niya ako.. pero nung nagsama kami naramdaman ko na mahal Na mhal ninya ako.. ako din kaya nga nung nahulihan siya may marijuana.. sinalo ko siya.. kasi ayaw ko sya mapahamak.. at ako ang nakulong mga 2 days lng nmn..��dinalaw nmn niya ako.. pero nung Nakalabas ako nagsama ulit kmi dalawa.. ganun sguro nmin kmhal ang isat isa.. pinangtagol ninya ko sa parents ninya..nung ako sinisi ng mama niya kung bkit na sira ang pag aaral ninya..�� tinatago ninya ko..dati sa parents ninya.. one time nga nagulat kmi ung papa ninya narining nmn ung boses.. natakot siya..shempre natakot din ako.. tapos nasilip ko..sinuntok siya ng papa ninya��tapos hinili at hinawak ninya kamay ko..sabay kmi umuwi sa knila..un pla nandun ang parents ko.. tapos kinuha ako... nalungkot kmi dlawa pero ilng days ulit tumakas ako..para puntahan sya hangat nag sama ulit kmi..sobra mahal ko siya..
ReplyDeletePero may nangyari hindi inaasahan nabuntis ninya ako.. medyo nakita ko sa mukga ninya hindi oa sya ready para mging ama sa anak namin�� at yung. Nag deside na bumalik ulit ako sa parents ko.. hinatid ninya ako..pa uwi..sabhay naka taxi..na ang sabi ninya sakin.."wag kang malungkot mag kikita pa nmn tayo" �� den yun n nangyari..
Wel mga ilang buwan na..medyo hindi na kami nakakapagusap sa phone..tapos ung one time na nag usap kmi..mga 8 months na ung tyan ko.. nagulat ako..sa sinabi ninya(noreen kalimutan mo nlng ako masasaktan klng) ako..nmn bkit ngayon mo lng sinabi sakin yan!! ���� hangat ayun na.. bigla nagbago siya..nagkaron siya ng gf..iba ..ang alam ko kase bkit nangyari yun kase dat time nayon 15 years old lng siya at ako 16 so hindi pa tlga siya handa..
Hangang nagkaron na ko ng iba..at ngayon kasal na ko..at may anak na rin ako ulit..hindi ko parin maiwasan Na maalala siya.. ewan ko lng khit isang beses na alala ninya ako..
First love never dies..hangang dun nlng...����