xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Turn Off Ba Kayo Sa Akin?

Popular Post of the Week

Turn Off Ba Kayo Sa Akin?


Sino ba namang girlaloo ang hindi ma-turn-off sa kanyang ka-date kung panay ang ayos ni lalaki sa kanyang patotoy. Pa-kaliwa, pa-kanan o patayo o papunta sa kabilang side. Aba! Bakit kaya?


TURN-OFF BA KAYO SA AKIN?



Maraming bagay ang nakaka-turn-off sa atin; mga bagay na hindi natin nagugustuhan sa ating ka-date, sa manliligaw o nililigawan, o maging sa mga kaibigan natin.
 Pero, naisip mo rin ba na minsan sila naman ang na-tuturn-off sa atin sa dahilang hindi natin alam. Anu-ano nga ba ang mga bagay na nakaka-turn-off?
 A. Kapag may naamoy kang kakaiba sa kanyang katawan.
KILI-KILI POWER - Sino ba naman ang hindi matatakot sa taglay ‘yang kapangyarihan. Aba! Kahit powers ni Darna ay walang binatbat. Ano ba ang mararamdaman mo kung makakita ka ng isang binata o dalaga na ubod ng ganda o gwapo na halos sambahin mo na pero nang makatabi mo eh para ka nang namitas ng nabubulok na bayabas? Turn-off diba?
Paano kung ikaw ang may kili-kili power?
Huwag sasama ang loob kung may isang kaibigan ang magkakaroon ng lakas ng loob para pagsabihan ka. May anghit ka! Okay lang yan! Pinagpawisan mo yan! Be Proud of it! Kaso, baka tama si prend mo.... Budburan mo ng tawas ang kili-kili mo para mawala ang bayabas na itinanim mo. Para sa'yo yan kapatid! Gumising ka!
FUNGI POWER (Hadhad)- Sino ba ang may gusto sa makating hadhad? Aba! First day n'yo sa kama nang mapansin mong namumula ang kanyang singit. Aba! Matakot ka! Hadhad ‘yan! Naku! Sure ako, turn-off ka agad kay BF o GF.
Paano kung ikaw ang may hadhad power?
Huwag mawalan ng pag-asa. Pwede mo namang itago eh! Patayin ang ilaw para di makita. Kaso nakita na ng ka-date mo ang namumulang fungi at na-turn-off na sa'yo. Sad naman! Kaya kung ako sa'yo gamutin mo na yan bago pa lumala baka kumalat at pati si DAKILA ay tubuan ng makating fungi. Buti na lang nakita lang niya, baka nasapak ka pa kung nahawakan pa niya ang namumulang hadhad. Yak!
FUNGI POWER (Alipunga) - Turn-off ka na kung makita mong marumi ang sapatos ng ka-date mo, ano na lang kaya ang gagawin mo kung maamoy mo ang mabaho niyang paa?
A. Tatakpan ang ilong para di maamoy ang nabubulok na kuko?
B. Tatakpan ang bibig para di masuka?
C. Tatakbo para makawala sa kanyang kakaibang powers?
Paano kung ikaw ang may alipunga power?
Naku! Huwag na huwag kang maghuhubad ng sapatos sa harap ng kaibigan lalo na sa nililigawan mo kung ayaw mong tumakbo siya palayo sa'yo. Paano naman kung papasok ka sa bahay nila ay kailangan mong hubarin ang sapatos mo para di marumihan ang malinis nilang sahig?
TIPS:
A. Huwag ka nang pumasok. Sabihin mong mas mahangin sa labas at doon na lang kayo mag-usap.
B. Sabihin mong malinis ang sapatos mo at di ka sanay na naghuhubad. Sure akong mahihiya na ‘yon na ipahubad sa'yo ang sapatos mo.
C. Patay malisya ka na lang. pumasok ka na suot pa rin ang sapatos mo. Konting kapal ng mukha. Okay lang ‘yon! Kaysa naman maamoy nila ang mabaho mong paa?
Minsan naman, di natin alam kung mabaho nga ba ang ating mga paa kaya kung may kaibigan na maglalakas loob para sabihing may alipunga tayo eh ‘wag sasama ang loob mo. Inggit lang yan kasi wala siyang powers! Eh ikaw, hubarin mo lang sapatos mo eh takbo na mga kalaban.
Payong kapatid! Di pa huli ang lahat. Habang nabubuhay may pag-asa. Alagaan ang ating mga paa para iwas turn-off.
B. Kapag may napansin kang kakaiba sa kanya.
Smile! Smile! Paalala ng mental institute:
Sino ba naman ang hindi magugulat kung mapansin mong tumatawa siya nang mag-isa. Naku! Sabayan mo siya para di siya magmukhang baliw. Pero, ang totoo turn-off ka agad kapag may nakita kang isang tao na tumatawa nang walang dahilan, paano naman kung ikaw pala ay ganyan din?
Huwag sasama ang loob sa kaibigan kapag pinagsabihan ka. Para sa'yo yan kapatid! Ayaw lang niya na pinagtatawanan ka ng ibang tao habang pinagtatawanan mo ang mga bacteriang lumilipad sa paligid.
Patotoy! Patotoy! Where are you?
Sino ba namang girlaloo ang hindi ma-turn-off sa kanyang ka-date kung panay ang ayos ni lalaki sa kanyang patotoy. Pa-kaliwa, pa-kanan o patayo o papunta sa kabilang side. Aba! Bakit kaya?
A. Hindi komportable si lalaki sa posisyon ni patotoy kaya kailangan niyang ilipat ng pwesto.
B. Tumitigas si Patotoy kaya inaayos lang para di mahalata.
C. Nangangati si Patotoy kaya pa-simpleng kinakamot.
Ayon sa survey, ito ang numero unong turn-off ng mga girlaloo sa kanilang manliligaw o bf. Kaya kung ako si lalaki eh, tumalikod kapag ililipat ng pwesto si patotoy.
Huwag hukayin ang treasure:
Turn-off ang guy kapag nakita si girlaloo na nagungulangot. At mas nakakasindak kapag pasimpleng kinain ito ni girlaloo. Yak! Naku! Baka naman ginugutom ni guy si girlaloo. Seriously, iwasan ang mangulangot sa harap ng kaibigan o iniirog mo kung ayaw mong ma-turn-off sila sa'yo.
Huwag pahabain ang damuhan:
Turn-off si girlaloo kapag napansin niyang mahaba ang buhok ni guy sa ilong. At turn-off naman si guy kapag nakitang mahaba ang buhok ni girlaloo sa kili-kili.
Hai! Pati ba naman buhok eh hindi palalampasin. Okay lang yan... regaluhan mo ng shave.... Pero, paano mo ba sasabihin sa kanya na hindi mo nagustuhan ang buhok niya sa ilong o kili-kili na hindi siya masasaktan?
A. Ang ganda naman ilong mo, malago ang buhok... buti ka pa! ako nga nakakalbo na ilong ko... gupitin mo kaya para pareho na tayo.
B. Wow! Ganda ng kili-kili mo ha.. mas malago ang buhok kaysa sa kili-kili ko. Hanep! Astig ka!
Size matter?
Turn-off si guy kapag maliit ang boobs ng chatmate niya... kaso nung nag-sex sila eh na-turn off naman si girlaloo dahil maliit ang paa ni guy... yan! Patas na! eh di everybody happy!
Naku! Pati ba naman yan nakaka-turn-off? Pero ayon sa survey eh isa yan sa mga nakaka-turn-off.... Aminin!
Ang masasabi ko lang eh wag sasama ang loob... wala naman sa size yan.. kung love mo siya tanggapin mo siya... wala yan sa katawan.. nasa pagmamahal yan.... At higit sa lahat nasa ugali din yan.....
Sound..... too bad!
Sino ba naman ang hindi ma-tuturn-off kung umutot siya eh daig pa ang nagpasabog ng atomic bomb. Aba! Umamin kaya siya?
Pero paano kung sila ang na-turn-off sa'yo dahil di lang atomic bomb ang ginawa mo kundi may kasama pang tae.... Aba! Wag kang aamin! Takpan mo ang ilong mo at ikaw ang magtanong. Sino ang umutot? Ang baho naman! At kung may kasama kang bata... pagalitan mo ang bata dahil umutot siya... yan ligtas ka na!
Photogenic ka ba?
Lumaki ang mata mo nang makita mo sa personal ang penpal mo. Ang gwapo niya sa pic eh tsaka naman sa personal. Turn-off ka naman agad... lumapit siya sa'yo... nagpakilala.. at isa lang ang nasabi niya sa'yo.... "Ang ganda mo sa picture." Sabay talikod at iniwan ka na..... bakit kaya?
**********
Ilan lang ‘yan sa mga bagay na nakaka-turn-off sa atin o mga bagay na turn-off sila sa atin. kaya ang maipapayo ko lamang eh wag sasama ang loob kapag pinagsabihan ka. Ibig sabihin iniisip lang nila ang kapakanan mo, at kung may nakita kang kakaiba sa kaibigan mo... pagsabihan mo rin siya...
Yan! Medyo mahaba na pala ang blog na ito... sana naaliw ko kayo kahit saglit lang... ang masasabi ko lang... kung love mo ang isang tao o kaibigan mo siya eh wag mo siyang lalayuan o pagtatawanan o pagdidirihan dahil sa taglay niyang KAKAIBA.. Tulungan mo siya... kung paano niya maitatama ang lahat... at kung ikaw naman ang may taglay na KAKAIBA... piliting ayusin o baguhin hindi para sa kanila kundi para na rin sa sarili mo.
Maraming salamat!



21 comments:

  1. Bwahahahhahaha

    Madali pa naman akong maturn off sa isang tao.. Super! Nice one, Jons!! More! Hhahahah

    Natawa naman ako sa may fungi power sa singit. Yucky naman nun. Amft! Hahahahaha Pero kung BF lang di ko makikita iyan, kasi di ako basta-basta sa ganyan. Maselan ako e. Hahahahahah

    ReplyDelete
  2. Thanks Miss J.... hehehe buti di ka turn off sa akin....hehehe talagang maselab ba hehehe Jons

    ReplyDelete
  3. Pinaka-turn off saken yun may body odor, hehe! Kahit hindi sobrang gwapo basta marunong maligo at mabango, keribum na! haha..

    Routine ko lang ang pagbabasa ng first posts sa blogs na fina-follow ko, hihi..

    ReplyDelete
    Replies
    1. now ko lang nakita comment mo hehehe... thanks Jo ^^

      Delete
  4. Nyahaha napraning ako dito :D ikaw na ang date expert ngayon ahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe napraning talaga hehehe.....

      Delete
    2. uu medyo eww kasi hahaha...

      Delete
  5. Eye opener para sa mga may katanungan. Good entry, edutainment!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks pre.... thanks sa pagbasa ^_^

      Delete
  6. Kadiri ang body odor... pero based on experience, 'pag may amoy, mas malasa... bwahahaha... ganda nito... astig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH! San mo yan nalaman Senyor? hahahaha

      Delete
    2. rebelasyon yan senyor ahh

      Delete
    3. hehehe ganun pala un .....

      Delete
  7. Waaaa... Alagaan ang sarili kasi at syempre sana nga may mga concern friends na magsasabi para di na turn off at magka-jowa nang tunay. Haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup hehehe sana may magsabi para malaman agad hehehe.... thanks sa pagbasa... ^^

      Delete
  8. ahaha well sa putotoy gawin pag di nakaitingin hirap kasi pag nagisip baka me sumilip haha
    hmm ewan ko sa tingin ko naman ee wala kong body odor haha malala
    pwera na lang kung buing araw talaga kaming magkasama hirap nun

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha uo nga... dapat gawin pag walang nakatingin hehehe

      thanks pareng mecoy...

      Delete
  9. ay ako din ayaw na ayaw ko ang may body odor... yung tipong lalapit pa lang sya nalalanghap muna susme.

    ReplyDelete
  10. Minus pogi points talaga pag hindi ka malinis sa katawan. Naku, sa personal hygiene pa lang bagsak ka na sa sinisinta mo.

    Sa Body odor, hindi kailangan na mamahalin ang deo/body cologne mo. Kung may available tawas or kalamansi naman then go for it!

    Thanks Kuya Jon for these helpful tips.

    ReplyDelete
  11. sabi ng ng mga tsingwa dito sa amin.. me no like too much bad smell...:)

    ReplyDelete
  12. kainis ka Jon!@ Kumakain ako nabasa ko yung sa "kulangot" huwaaa!

    Naku super ako sa napaka-daling maTURN OFF lalo na sa mga BO - yaiks. Naiinis akong natatawa sa post na etohhh! BAHA HA HA HA

    ReplyDelete

Comments