Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Love Clinic: Patient No. 101

May lumang post pala ako na 'di ko pa na ipopost dito. 

Bago 'yan, mag random post muna ako. 

Kay tagal din ng panahon ng huli kong bisitahin itong bahay ko. Nang makita ko siya - gusto kong palitan ang header, ang kulay o ang layout. 


Un bang mag renovation ako..... may magawa lang..... saka parang napapangitan na ako. Gusto ko ring magpalit ng music.... like ko sana maglagay ng FM Radio kaso di ko alam kung paano. 

1. Since nakalipat na ako sa New Company masasabi ko na medyo okay na rin ang lahat sa akin. nakakapagod lang kasi mahaba talaga ang working hours namin. Ngayon ngang Ramadan - 10 hours kami samantalang 4-6 hrs ang ibang company. Okay lang naman kasi may bayad ang Overtime kaso nawawalan ako ng lifestyle (para namang may life style ako hehehe)

2. Natuwa ako nang makita ko ang book cover ng Book Project ng TRE - ako kasi ang gumawa ng cover (Feeling cover artist lang hehehe). Nag isip ako ng medyo kakaiba kaya naisip ko na Itlog ko na lang ang ilagay ko.




Natuwa talaga ako nang mabuo ko ang itlog ko. At syempre ito na ang cover ng book ^_^



3. Nakaka miss din ang mag blog - isang bagay na nagpapasaya din sa akin. 
4. Salamat pala sa mga nag greet sa birthday ko. Muntik ko na ngang makalimutan sa sobrang busy. Ang totoo, napaka-simple ng birthday ko. 
5. Sa help ni God, okay naman ang mother ko. Naniniwala ako na naka-survive na siya. 
6. Kahit nakalipat na ako sa new company hindi pa rin totally transferred ang mga transfer paper ko. Sana maayos na.
7. Minsan nakakaramdam ako nang pagka-bored. Hindi rin ako sanay na puro trabaho. Masama man pero minsan nagrereklamo ako... un nga lang mas mahirap din kung walang work kaya tiis tiis muna.
8. Malapit ko na ring simulan ang pagbuo sa Kwento ni Nanay - salamat sa mga nag send ng entries. Sa mga like humabol pwede pa!
9. Sarap na sarap ako sa fishball - un nga lang walang sauce.
10. Minsan blanko utak ko - di ako makapagsulat kaya minsan puro like na lang sa FB ang nagagawa ko. 

Sa lahat, na miss ko kayo! Hugs ^^

-------- o ----------

Handa na ba kayo? Sa mainit na usapan?

GF ipinagpalit sa may asawa na!

Patient No. 101

While drinking my hot coffee ay isang pasyente ang nakausap ko. Ang problema niya, ipinagpalit siya ng kanyang BF sa ibang babae.

Syempre sa babae. Magulat ka kung sa lalaki siya ipinagpalit!

Ang nangyari, nasayang ang tatlong taong pinagsamahan nila ni BF. Nabuwag dahil si other woman ay lumapit. Ang problema pa, itong si other woman ay may asawa na.

Aray ko po!

Hindi lang ang pasyente natin ang kawawa dito. Kawawa din ang mister ni other woman. Bakit nga ba may mga babaeng naghahanap pa ng iba kahit may asawa na sila?

Una, bored sila kay mister. Baka ‘di na sila nag-eenjoy sa kama. (Oooops! RPG ito!).  Agree ka man o hindi eh wala na akong magagawa. Nagloko si misis kasi nga ‘di na siya naliligayan sa kama.

Pangalawa, no time na si mister. Sino ba namang misis ang matutuwa kung mas love pa ni mister ang trabaho niya? Ung feeling na – nasa kama na kayo pero trabaho pa ang pinag-uusapan n’yo. Dapat kasi huwag mawalan ng oras si mister kay misis para enjoy ang loving loving.

Mas problema pa kung OFW si mister.

Pangatlo, sadyang mahilig lang si misis. Ooops! Hindi naman lahat pero may natitira pa naman. Sila ung naghahanap pa ng ibang putahe. Naghahanap ng mas bata o naghahanap ng mas malaki. Ano raw? Minsan naman nagmamahal sila ng iba kahit di nila sinasadya. Kasalanan ba nila kung biglang tumibok ang puso?

Let’s face it! Minsan sa buhay natin may nagagawa tayong kasalanan. Iniisip lang natin ang ating kaligayahan. Hindi natin iniisip na may mga taong nasasaktan o nagiging biktima.

Para kay other woman, sana naisip mo na hindi lang relasyon ng magkasintahan ang sinisira mo. Sinisira mo rin ang sariling pamilya mo.

Kahit pa may pagkukulang si mister dapat pinag-uusapan ‘yan. Hindi sapat ang kanyang pagkukulang para maghanap ng iba. Mas kumplikado pa dahil ipinagpalit mo siya sa taong may kasintahan na.

Wake up!

Kung bored ka kay mister eh ‘di focus ka na lang sa mga anak mo. Yun lang masasabi ko! At teka, hindi naman ikaw ang pasyente ko.

Balik tayo sa problema ng pasyente.  Itong si BF pumatol kay other woman. Bakit nga ba pumapatol ang lalaki sa may asawa na?

Magandang usapan ‘yan!

Ayon sa aking naririnig habang coffee break. Ayon sa mga tsismosa na walang magawa kundi ang makinig sa mga maling impormasyon ay natuklasan kong ---

Si lalaki naghahanap ng may asawa na kasi alam nilang bihasa na ito sa loving loving.
Si lalaki pumapatol sa may asawa na kasi alam nilang mas matured na ito. Mas matured na kausap o may kakaibang karisma talaga ang ibang married woman.
Si lalaki papatol  sa babaeng may asawa na kasi nandoon ang challenge. Mas nakaka excite daw kapag patago.
Si lalaki pumatol sa may asawa na kasi mahal niya ito. Naunahan lang siya kaya sa iba nagpakasal ang babae. May love story na sila noon pa.
Si lalaki pumatol sa may asawa na kasi nga itong si misis ang lumalapit. Sino ba naman ang tututol kung laging nakabuka ang kabibi?

O, diba?

Kumusta naman ang ating pasyente?

“Hello po! Nakita ko lang ung post nyo sa page. Ask ko kung paano pa ma save ang relationship namin ng BF ko. 3 yrs na po kami kaso nalaman kong may ibang babae siya. Tapos ung babae may asawa na pala. Mahal ko po ang BF ko sinasabi ko sa kanya na iwan na niya ang babae niya kasi may asawa na un. Plano ko ding isumbong ung babae sa mister nito para magaway sila. Sa tingin u po tama gagawin ko? Sabi ng BF ko love pa rin niya ako. Sana matulungan n’yo po ako.”

Rx

Bawal kang kumain ng ampalaya.
Kumain ng chocolate 3 times a day para maging sweet ang panlasa mo.

Hay! Bakit gusto mo pang i-save ang relationship n’yo? Kung sa simula pa lang alam mong marupok siya? Oo nga, hindi sapat ang isang pagkakamali para maghiwalay kayo pero sa nakikita ko kulang ang pagmamahal niya sa’yo.

Hindi ka ba nainsulto na ipinagpalit ka niya sa may asawa na?

Kung sinasabi niya na love ka pa rin niya bakit ‘di niya magawang iwan ang babaeng ‘yon?
Subukan mong lumayo sa BF mo. Kung love ka niya aayusin niya ang problemang kinahaharap niya ngayon. Makikipaghiwalay siya sa babaeng ‘yon.

Para sa akin huwag mo na lang isumbong sa asawa ni other woman. Mas lalaki lang ang problema. Hayaan mong matuklasan niya sa tamang panahon. Tandaan, walang lihim na hindi nabubunyag. Malalaman ‘din niya ang panlolokong ginagawa ng asawa niya.

Natatakot ka bang maghiwalay silang mag-asawa? Dahil may posibilidad na si BF ang lalapitan ni other woman?

Kung OO ang sagot mo. Huwag kang matakot. Hayaan mo silang mabuhay sa isang kasalanan. Tumalikod ka saka ayusin ang buhay mo. Bata ka pa naman. Makakahanap ka din ng lalaking magmamahal sa’yo ng tunay.

Mahirap ang mag move on kaya isa lang ang masasabi ko – lilipas din ‘yan.

Hindi naman siya ang first love mo. Hindi rin siya ang first BF mo. Kung nagawa mong mag move on noon. Magagawa mo din ngayon.

Relax ka lang. Huwag mong hayaang masira ang buhay mo o ma stress dahil sa lalaking ‘yon. Magpaganda ka! Huwag mo ng isipin ‘yan dahil malolosyang ka lang.

Kung dumating man ang araw na bumalik si BF dahil narealized niya na ikaw ang mahal niya. Isa lang masasabi ko – NGANGA si Other Woman. Iniwan na ni mister iniwan pa siya ng dyowa niya.

Basta! Relax ka lang! Kung kayo ni BF magkakabalikan kayo sa tamang panahon. Salamat!

Anong meron ang married woman na nagugustuhan ng mga binata?

Siguro dahil may karisma silang taglay. Un bang kahit may anak na eh may curves pa rin. Maganda pa rin at malinis sa katawan. Matured sa lahat ng bagay – kasama na roon na mas experience sila kaysa sa mga dalaga.

Mas may edad okay lang – basta may asim pa.

Waaa! Behave na muna ako. Baka maging RPG na ito!


23 comments:

  1. Puwede bang imungkahi na si GF ay pumatol sa asawa ng other woman, talo talo na lang. Joking lang po. Ganda ng payo mo, sana pinakinggan ka at ginawa naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga pinakinggan hehehe....

      hehehe okay pag ganun hehehe parang patas ang laban hehehe

      Delete
  2. Ayos ang mga kaganapan sa yo sir Jon! Good to hear nakarecover na mother mo.

    Ang laki nga ng problema nang pasyente mo, pero dahil sa ganda nang payo mo, sana mabasa nya to at marealize nya ang tamang gagawin...

    Tagal ko din di nakadalaw dito sa bahay nyo... And by the way, ang ganda nang cover nang book! Eggs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup... buti naayos na din ang lahat... sana maging ok na nga ang lahat... ^^

      yup.. sana nga hehehe... nabasa na niya ito noon... sana okay na siya ngayon....

      hehehe thanks.... ngayon lang din ako nakadalaw dito hehehe... busy busy kasi....

      Delete
  3. Nice hearing updates from you.
    Buti ok mother mo rin.
    About your work, oo nga. You work too much, pero for the meantime lang siguro at d forever. Nakamiss ang presensya mo sa blogworld.
    By the way, cute ng eggs for your book :)
    Again, tagapayo ka pa rin sa pagibig. Sana matagpuan mo na rin ang love of your life:)
    Hugs from me:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe sana nga magkalovelife na ako ;-) thanks tita.... ito kahit papaano nakakapag blog na rin.... sana nga maging ok na ang lahat....

      Delete
  4. Bakit ba siya magtitiis dun? Hindi pa nga sila mag-asawa ay may problema na. Ganun talaga kapag ipinanganak ang isang lalaki na umaapaw sa kakisigan. Dami nang nangyayaring ganyan!

    Mabuti at nakaadjust ka na sa work mo. Maayos din yang mga documents mo. Good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana maaayos nga ang lahat... pati mga documents... prob pag di maayos...

      Ganun nga... mahirap magtiis... love nga naman...

      Delete
  5. interesting set of random thoughts at mga pangyayari sa buhay.. ipagpatuloy lang ang positibong vibes..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup...ganyan dapat... itulo lang... thanks ;-)

      Delete
  6. ayun oh belated parekoy, trip ko bagong bihis ng blog ,mo maaliwalas tignan,
    good luck sa work mo
    at thanks god at ok na si mom mo
    anyway as for that girl, love yourself before loving somebody else
    kasi kung pag pipilitan mo pa din sa lalaking yan sarili mo
    ee kinakawawa mo lang sarili mo, mahirap na kung mahirap pero yun yung tama ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito bagong bihis.... nakakaumay kasi ung 7na ... buti napalitan ko agad kahapon... thanks....

      Delete
  7. Hi Jon! Glad to know ok ok na sa new company...tiis tiis lang konti siguro sa madaming work hours - isipin na lang ang overtime pay hihi :) Glad to know okay din ang mother mo :)

    Very good ang payo mo, tamang wag pakasira ng buhay dahil sa lalaki..madami pa dyan, intay lang sya ng mas matino :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks zai.... yup sana tulo tuloy na maging ok ang lahat...

      Delete
  8. good to hear good things about you sir! medyo matagal na din ako di nakabisita dito.

    ReplyDelete
  9. una ko ngang napansin ang new look ng blog mo... very refreshing! Nice to hear from you again...So happy for your mother, sana maka-recover na sya ng tuluyan....Take time to relax minsan. Less focus sa work minsan. Ingat lagi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just dropping by... Hope everything is going well : ) Ingat na lang.. dito maulan pa rin... pero magsasawa din ang baha, huhupa din yan!

      Delete
  10. lalo pang gumanda ang blog mo sa ngayon.....maganda ang cover ng book.....

    ReplyDelete
  11. Na-miss ka rin namin Jon. At ang cute cute ng bagong muka ng blog mo maaliwalas :)

    At naku RPG ang topic mo hindi bagay sa mga menor de edad na tulad ko ha ha ha :P

    ReplyDelete
  12. Belated friend!!!!! Ang galing ng cover ha! Penge ng libro!

    Oi bakit di ba pedeng ipagpalit sa lalaki? Lols

    ReplyDelete
  13. Kuya Jon!!! na miss kita ng subra hahaha XD

    Glad to hear everything is alright na on your side!

    Ang cute nung cover ng book :))

    RPG? baka SPG hehe!

    ReplyDelete
  14. sana magkaron ako nung bagong book.... hehehe... itlog..itlog... itlog... cuteness overload!

    ReplyDelete
  15. ayun oh .. nagpost din .. tagal kang wala sa mga blog reading list ko ah .. at grabe ah, paki sabi sa iyong patient na magpakatatag siya at wag na siyang mag-abala pang i-save ang relasyon nila, susme napakaraming lalake pa dyan.. wag magpakamartir

    ReplyDelete