xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Usapang turn-off

Popular Post of the Week

Usapang turn-off

      "Kung mahal mo siya dapat tanggap mo kung ano ang kulang sa kanya.” – jondmur

      Sa stage ng getting to know each other doon lalabas ang mga likes and dislikes. Minsan ba nagtaka ka kung  bakit biglang nagbago ang pakikitungo sa’yo ng taong gusto mo? Aba! Baka na-turn off na siya sa’yo!

      Kung mabaho ang paa ng PARTNER mo eh, ‘di ba halos mandiri ka? Sino ba naman ang matutuwa kung makakapa mo ang tinatago niyang HADHAD sa singit? O, baka naman maamoy mo ang paa niya na tila matagal nang naibaon sa lupa?

      May mga lalaki o babae na ayaw sa marumi ang kuko. Pakiramdam nila nakasalalay sa kuko ang kalinisan ng isang tao. Ikaw, marumi ba ang kuko mo? Tandaan! Minsan may mga tao na kuko ang unang tinitingnan. Makikita kasi dito kung gaano ka kalinis sa pangangatawan mo.

      Turn-off ang guy sa mga babaeng maliit ang dibdib pero turn-off naman si girlaloo sa mga lalaking maliit ang toy. Ano ba ‘yan? Sabi nga kung love mo ang isang tao dapat tanggap mo kung ano ang kulang sa kanya.

      Maliban sa odor o kalinisian – ATTITUDE PROBLEM naman ang nakaka-turn –off sa isang tao. Sino ba ang matutuwa kung makasigaw ka talo mo pa ang inagawan ng bag sa palengke? Sino ba ang matutuwa sa’yo kung tumawa ka kasama ang pagtalsik ng laway?

      Alam n’yo ba na mas maraming lalaki ang natuturn-off sa babae? Mas marami kasing hinahanap si lalaki sa katawan ni babae; maputi, maganda at makinis ang balat.

      Eh, ito namang si girl ganun din naman – gusto niya may abs si Gwapito, turn-off agad kapag malaki ang tiyan.

      Sabi nga ng lolo ko, kung mahal mo ang isang tao huwag kang ma-turn-off sa kanya. Bagkus, turuan mo siya kung paano niya ma-improved ang pagkukulang niya.

      May kilikili powers siya? Bakit ka lalayo? Sabihin mo ipagmalaki niya kasi pinagpawisan niya. Kung may odor problem siya ‘wag mong pagdirihan. Sabihin mo sa kanya para magbago siya. Kasi kung mahal ka niya lahat gagawin niya magustuhan mo lang siya.

      Attitude problem? Bakit ka lalayo kung handa naman siyang makinig ng advice mo? Bakit ka lalayo kung handa naman siyang magbago para sa’yo?
     
      Ano ba ang dapat gawin para hindi ma turn-off si Gwapito sa date n’yo?
     
      Una, dapat naka-ready ka sa lahat ng bagay. Maayos ang pananamit mo kahit simple lang. Huwag piliting magsuot ng sexy dress kung hindi ito ang karaniwang isinusuot mo. Baka kasi nagustuhan ka niya dahil sa taglay mong kasimplehan.

      Pangalawa, dapat maayos ang make-up, manicure at perfume mo. Ingatan ang sarili lalo na sa hygiene. Sino ba ang matutuwa kung mas mabango pa siya kaysa sa’yo? Siguraduhin na hindi mahaba ang buhok sa ilong at wala kang body odor.

      Pangatlo, iwanan muna ang pagiging workaholic mo. Baka naman habang kumakain kayo eh, tinatawagan ka pa ng boss mo. Wake up! Wala ka sa trabaho ngayon!

      Pang-apat, itago mo muna ang mga personal problems mo. Nag-date kayo para makilala n’yo ang bawat isa hindi para i-open mo sa kanya ang teleserye ng buhay mo.

      Pang-lima, kumain ka ng tama. Baka kasi mas malakas ka pang kumain kaysa sa kanya. At iwasan din ang pag-order ng juice lang. Tandaan! Mas matutuwa siya kung alam niyang na-eenjoy mo ang food na inorder niya. Kumain ka ayon sa putaheng ihahain niya. Dinner date nga ‘di ba?

      Pang-anim, dapat may good manner ka. Bawal ang pasaway! Huwag lalaruin ang foods sa mesa at huwag i-take out ang natirang pagkain. Maliban na lamang kung sasabihin niya. At higit sa lahat huwag kaligtaang magpasalamat sa inihanda niyang dinner date.

      Pang-pito, huwag magpakita nang sobrang pagkakilig. Normal lang dapat. Baka isipin niya dead na dead ka sa kanya. At huwag mong sasabihin na crush mo siya kasi lalaki ang tenga niya.

      Pang-walo, iwasan ang magbukas ng topic about your ex-boyfriend. Niyaya ka niyang mag-date para makilala ka niya hindi para malaman ang past relationship mo.

      Pang-siyam, huwag mong babayaran ang mga orders n’yo. Lalo na kung alam mong ikaw ang mapera. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng gastos kasi ikatutuwa niya ang ginawa niyang dinner date ninyo.

      Pang-huli, huwag mong sasabihing may boyfriend ka na. Wapak! Bakit ka kasi nakipag-date kung may BF ka na? Patay tayo diyan! Hehehe! Tandaan! Makipag-date lamang kung single ka!


      Tandaan! Para hindi ma-turn-off si Gwapito kailangan mahina lang ang hilik sa pagtulog. Matatakot si Gwapito kapag mas malakas ka pang humilik kaysa sa kanya. Hehehe!

By Jondmur

2 comments:

Comments