xmlns:og='http://ogp.me/ns#'> "NOTJUSTABLOG": Is your boyfriend wants to break up with you?

Popular Post of the Week

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the relationship. Kailangan mo lang ihanda ang sarili mo. Minsan kasi nabubulag ka sa mga nakikita mo. Nararamdaman mo na pero ayaw mong paniwalaan dahil natatakot kang mawala siya sa buhay mo.


Napapansin mo ba na parang nagbago na ang BF mo?  Hindi ka ba natatakot na baka sa dinner date n’yo ay bigla niyang sasabihin sa’yo na tinatapos na niya ang lahat? Para hindi ka mabigla ibibigay ko sa’yo ang ilang signs na nilalamig na sa’yo ang BF mo.

Ikaw na lang ba ang nagbibigay ng effort para makausap mo siya? Hindi ka ba nagtataka na minsan na lang siyang magpadala ng mga messages sa’yo? Sabagay, hindi kita masisisi dahil mahal mo siya. Hindi mo nararamdaman na nawawalan na siya ng oras sa’yo dahil iniisip mo na busy lamang siya. Ito ang tandaan mo, if he stop sending messages na alam mong hindi siya busy, that could be a sign. Hindi mo ba napapansin ang dami niyang excuses para tapusin ang phone call conversation n’yo.

Minsan nararamdaman mo na parang wala kang kausap. Hindi mo alam kung nauunawaan niya ang mga sinasabi mo sa kanya. ‘Yung feeling na kasama mo siya pero ang atensyon niya ay sa ibang bagay. Kulang na lang ilabas mo ang panty mo para mapansin ka niya.

Hindi na siya sweet sa’yo. Siguro dahil hindi ka naligo. Kung sa tingin mo okay ka naman pero ramdam mo na mas malamig pa sa kape ang BF mo aba, sign ‘yan na nawawalan na siya ng gana sa’yo.   Posibleng sa'yo ang pagkukulang. Kailangan mo ring ayusin ang sarili mo para huwag siyang mawalan ng gana sa'yo. Higit sa lahat 'wag siyang maghanap ng iba. Ito ang isang dahilan kung bakit may posibilidad na iwanan ka niya. Tandaan, hugas hugas din ‘pag may time!

Nawalan na siya ng oras sa’yo para maki-bonding.  Kailan ka ba niya huling niyayang lumabas? Hindi mo ba napapansin na habang tumatagal minsan na lang kayong lumabas? Ito pa ang masakit, lumabas nga kayo tinipid ka naman. Balot na lang ang kinakain n’yo sa park. Malas mo kung ikaw pa ang taya.

Nababawasan na ba ang mga surprises niya? Hindi ka na rin nakakatanggap ng mga special gifts? Baka naman sa iba na niya ginagawa ang mga bagay na inaasam mo.

Hindi ka na nakakatanggap ng mga papuri. Samantalang noon, kahit ‘di ka pa naliligo sasabihin n’ya sa’yo ang bango bango mo.


Kung ang lahat ng ‘yan ang nakikita mo may posibilidad na mawala na sa’yo ang BF mo. Kung sakaling totoo ang hinala mo, relax ka lang. Huwag mong ipakitang apektado ka.

By Jondmur

1 comment:

  1. How I Got My Loan From A Genuine And Reliable Loan Company

    I am Mrs.Irene Query i was in need of a loan of $150,000 and was scammed by those fraudulent lenders and a friend introduce me to Dr Purva Pius,and he lend me the loan without any stress,you can contact him at (urgentloan22@gmail.com) Approvals within 2-4 Hours

    1. Name Of Applicant in Full:……..
    2. Telephone Numbers:……….
    3. Address and Location:…….
    4. Amount in request………..
    5. Repayment Period:………..
    6. Purpose Of Loan………….
    7. country…………………
    8. phone…………………..
    9. occupation………………
    10.age/sex…………………
    11.Monthly Income…………..
    12.Email……………..

    Regards.
    Managements
    Email Kindly Contact: urgentloan22@gmail.com

    ReplyDelete

Comments