Kapag single ka marami kang magagawa;
nabibigyan mo ng focus ang career mo, nabibigyan mo ng atensyon ang pamilya mo,
at walang sakit ng ulo dahil sa mga selos o awayan ng magkasintahan.
Pero minsan ang pagiging single
makakaramdam ka ng kulang sa buhay mo. Nababawasan kasi ang inspiration mo. Oo
nga, napapasaya ka ng pamilya mo pero iba pa rin kung may naglalambing sa’yo at
ipinararamdam sa’yo na special ka.
Ang problema, gustuhin mo mang kumawala sa pagiging single ay hindi mo magawa. Nagtataka ka ba kung bakit hanggang ngayon single ka pa rin?
Maganda ka naman pero bakit naka-ukit na
yata sa palad mo ang pagiging single? Nagtatago ba si Adan o sadyang may
pagkukulang ka?
Iba-iba ang dahilan kung bakit hanggang
ngayon ay single ka. Maaaring maraming adan sa paligid pero hindi ka nila
mahanap.
Hindi ka makita ni Adan kasi naman
nakakulong ka sa library kulang na lang maging valedictorian ka na. O, baka naman masyado kang workaholic kaya
nakakalimutan mo na ang lovelife mo? Para makita ka ni Adan dapat bigyan mo ng
oras ang lovelife mo. Lumabas ka pag restday
mo para makita ka ni Adan. Malay mo i-date
ka niya.
Ugali mo ay kakaiba sa lahat. Lalapit lang
si Adan ay tataas na agad ang iyong kilay. Ngumiti ka naman kahit minsan lang
para lumapit ang iyong manliligaw. Masyado kang masungit na tila tinalo mo pa
ang mga kontrabida sa isang teledrama.
Kulang ka sa self – confident. Pakiramdam
mo hindi ka kagandahan kaya nawawalan ka ng pag-asa. Iniisip mo na walang
magkakagusto sa’yo. Aba! Kung si Mahal nga eh, may Jimboy ikaw pa kaya mawawalan?
Single ka kasi, masyado kang nakakulong sa
bahay. Hindi ka lumalabas to meet another person. Lalabas ka nga kasama mo pa
nanay mo. In short, kulang ka sa exposure. Wala kang ibang ginawa kundi ang
mag-facebook at umaasa na makakuha ng online boyfriend. Aba! Baka pumuti na ang
buhok mo eh, ‘di ka pa nakaka-hug sa
tunay na Adan dahil puro online BF
ang mga napupusuan mo.
Single ka kahit maganda ka. Bakit? Masyado
kang nakakulong sa iyong nakaraan. Umaasa ka pa na babalikan ka ng EX mo. Asa ka pa!
Single ka? Wala kang BF? Paano, lahat ng
guy na nakikilala mo besprend mo. Kaya akala nila hanggang friendship na lamang
ang lahat. Pa-kuya kuya ka pa kaya akala kapatid lang turing mo sa kanila.
Single ka kasi, natatakot kang masaktan! Sapul! Bakit kasi ‘di mo tanggalin ang
takot na ‘yan? Tapos, magrereklamo ka na single ka? Kung ako sa’yo mag move-on
ka na sa bakas ng kahapon.
Single ka kasi, masyado kang magaling.
Tinalo mo na yata ang Presidente ng Pilipinas kaya si Adan natatakot o nahihiya
na sa’yo. Iniisip kasi nila na masyadong mataas ang standards mo. Di ka nila
ma-reach!
Sa tingin ko, single ka kasi masyado kang
mapili. Kulang na lang maghanap ka ng Prince Charming. Gusto mo kailangan may
abs. Masyado kang mapili kaya ang ending wala kang napili.
Single ka? Kasi hanggang ngayon umaasa ka
na mamahalin ka ng taong alam mong hindi ka mahal. Sobra kang umaasa na sana
mahalin ka niya.
Wish
mo lang!
Lakasan mo ang loob mo at huwag mahihiyang
makihalubilo sa iba. Tiyakin mo na malinis ang pangangatawan mo. Baka naman sa
lakas ng kili-kili powers mo eh, matakot na si Adan. Lagot tayo diyan!
Kung ayaw mo nang maging single dapat
gumawa ka ng paraan para mapansin ka ni Adan, ayusin mo ang ugali mo kasi may
mga Adan na ugali ang tinitingnan sa isang babae, at higit sa lahat dapat
malinis ka sa katawan.
Get’s
mo?
Alam mo ba na hindi naman masama ang
pagiging single? Oo, given na roon na masarap ang may nagmamahal sa’yo pero sa
pagiging single, hawak mo ang oras mo. Kaya kung single ka maghintay ka na lang
nang tamang panahon kung kailan darating si Adan. Pero, kung nagsasawa ka na sa
pagiging single – sundin mo lang ang mga nasabi ko.
By: Jondmur
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete