Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Ang Batang Si Jondmur, plus Noon At Ngayon


Laki-matabata pa lamang ako, malaki na ang mata ko. Sa sobrang laki eh kita ko na ang kulay ng panty ni teacher. Kaya naman madalas eh nasa unahan ako nakaupo.

Ang Batang Si Jondmur
Blog ni Jondmur 

Gaya-gaya -

Bata pa lamang ako ay gaya-gaya na ako. Magugulat na lamag si yaya nang bigla ko siyang sisipain, at tututukan ng espada kong umiilaw. Paano ba naman ginagaya ko ang idolo kong si Shaider. Feeling ko, kaharap ko ang bruhang kalaban ko. Kaya ayon, takot na takot si yaya sa tuwing hawak ko ang espada ko.

Mahilig akong maglagay ng laruang ahas sa leeg ko. Idol ko kasi si Zuma, ang kalbong may malaking ahas sa leeg. Hinahabol ko ang mga kalaro ko na feeling nila eh, sila ang bida at ako ang monster.

Crush na crush ko si Pink 5 ng Bioman. Teka, hindi siya ang ginagaya ko kundi ang pinakaastig sa lahat - si Red 1. Maaga pa lamang ay suot ko na ang costume ko. Aba, yabang ko lang noon dahil feeling ko eh, Bioman talaga ang dating ko. At para naman mabuo ang Bioman ay humanap ako ng grupo ko. Sa wakas lima na kaming pinagtataguan ni yaya, siya kasi ang kalaban namin.

Iyakin -

Tulo ang sipon at laway ko sa tuwing iniiwan ako ni Mama. Umiiyak ako sa tuwing may lakad siya. Minsan, nagpagulong-gulong ako sa putikan nang minsang naiwan sa lakad. Akala ko kasi kasama ako, eh! Hindi naman pala. Nainis pa ako sa yaya ko kasi kasabwat siya sa planong iwan ako. Kaya naman kapag alam kong aalis si mama eh nasa pintuan na ako at nakabihis na.

Umiiyak ako sa tuwing maliligo na ako. At ayaw ko na mama ko ang nagpapaligo sa akin. Paano ba naman? Kuskos dito, kuskos doon pati singit ko eh, hindi nakakaligtas, kaya naman tanggal lahat ng libag ko sa katawan, kaya naman tumakbo ako nang minsang papaliguan niya ako. Aba! Di ko akalain na hahabulin ako ni mama hanggang sa makarating kami sa damuhan. Syempre hirap si mama na mahabol ako. Kaso, nahulog ang mga text card ko ko kaya pinulot ko.  Kaya yon nahuli ako ni mama. Pinaliguan ako at may bonus pang palo.

Umiiyak ako sa tuwing natatalo ako sa laro. Sino ba naman ang matutuwa. Ubos ang teks ko, ubos ang goma ko, ubos ang mga holen ko. Kawawang bata! Lagi na lang akong nadadaya. Naubusan na nga ako ng holen eh tutuksuin pa akong kulelat. Kaya ang ending tulo-laway ako sa kakaiyak.

Hindi lang ako gaya-gaya at iyakin nung bata pa ako. May mga kahinaan din ako na hanggang ngayon eh dinala ko sa aking paglaki.

Bulol -

Mahaba daw ang dila ko kaya nabubulol ako. Kadalasan hirap ako sa pagbigkas, at nauutal ako. Kakakain, papapasok, lalalaro ang ilan sa mga halimbawa.  Eh, sa awa naman ni God medyo umokey ang dila ko. Kaso minsan nauutal pa rin ako. Pero okay lang, sa haba ng dila ko eh napakinabangan ko rin naman noong nagbinata na ako. Aba! Naging asset ko na siya.

Bobo –

Sadyang mahina na ang utak ko noon pa man. Sa tuwing may memorization ng multiplication table eh, ako ang kadalasang nahuhuling umuwi. Eh, paano ba naman 10-20-30 lang ang alam ko.

Mahina ako sa klase, at ako ang pinaka-bobo sa lahat, kahit isang tula ay hindi ko ma-imemorya o kahit sa English mahina na ako. Tulad noon, hinubuan ako ni teacher dahil sa sobrang inis sa akin. Di ko kasi alam ang sagot sa tanong niya. Kung ano ang English ng ibon. Kaya ayon ng tumambad ang birdie ko, di kasi ako nag-bribrief dati, ay nasagot ko na ang tanong - bird lang pala. Hai! Parang kaylan lang dati longanisa ito pero ngayon jumbo hotdog na!

Mayabang -

Yabang ko lang sa tuwing may bago akong laruan. Iingitin ko ang isang kalaro sabay wikang Belat. Syempre lalaruin ko yon sa tuwing may nanonood sa akin. Minsan kasi masarap maglaro kapag may naiinggit.
Yabang ko rin noon kasi kahit bobo ako eh section one ako. Paano ba naman laging napupuno ng bulaklak ang flower vase ni teacher. At yabang ko sa tuwing may parada dahil mama ko ang sponsor ng bulaklak. Sa tuwing may bitbit akong isang dosenang bulaklak eh taas noo pa ako. Minsan eh, ginagaya ko pa si Niknok kung paano maglakad kaya sa yabang ko eh napagtatawanan din ako.

Malambing -

Meron din akong isang magandang katangian. At ito ang pagiging malambing. Para nga daw akong pusa kasi mahilig akong kumiskis sa mga hita ng mga yaya ko. Mahilig din akong magpalambing sa kanila. Buti na lang nung lumaki na ako eh wala na sila kasi baka malambing pa rin ako sa kanila.

Madaldal -

Super daldal ako noong bata pa ako. Lahat kasi ay na-kwekwento ko. Kung paano matulog ang mga yaya ko, kung paano mag-away sina papa at mama, at kung paano ako pinapaliguan ni yaya. Sa sobrang daldal ko eh, doon nagsimula ang pagiging kwentista ko. Kwento dito, kwento doon. Kahit mga multo at aswang ay hindi ko pinalampas. Mahilig kasi akong manakot sa kapwa ko bata. Tuwang tuwa ako kapag natatakot sila. Kaya naman enjoy ako sa pag-kwekwento.

Sa pagiging bulol, bobo, yabang, at daldal ay paminsan minsan taglay ko pa rin hanggang ngayon. Masakit mang tanggapin ay nabubulol pa rin ako, kaya nga di ako pwede sa call center. Takot lang nila kapag nabulol ako.
Feeling ko bobo pa rin ako hanggang ngayon. Mahina yata IQ ko. Ewan ko ba... sabi naman ni mama matalino ako at pogi. Kaso, kapag ibang tao na nawawala ang matalino... pogi na lang ang naiiwan.
Yabang, medyo nawala na. eh, wala naman akong maipagmamayabang. Kung meron lang eh sana naipagmayabang ko na.
Sa daldal naman, sabi ng iba tahimik at mahiyain daw ako. Pero sa kabilang kampo naman ay madaldal ako. Siguro sa una talagang mahiyain ako. 

Mga tawag sa akin noon at ngayon

Ginatan - Iyak ako kapag tinutukso nila akong ginataan. Jonathan kasi ang pangalan ko, kaya naman paborito ko rin ang ginataan.

Laki-mata -  bata pa lamang ako, malaki na ang mata ko. Sa sobrang laki eh kita ko na ang kulay ng panty ni teacher. Kaya naman madalas eh nasa unahan ako nakaupo.

Epal - Epal daw ako sabi nila. Ewan ko ba kung bakit? Ang totoo di ko alam ang meaning nun. Bakit kaya?

Ngayon, di na ako nakakaranas na matukso na ginataan. Ewan ko na lamang sa laki-mata. Hmmmmm!

Mga ka-look alike ko

Jerico Rosales -  Nabansagan akong Echo noong sumikat ang teleseryeng Pangako Sayo. Kahawig ko kasi si Echo lalo na ang medyo kulot ang buhok ko noon, kaya naman super alaga ako sa buhok noon.

Mr. Bean -  Dito ako sumikat. Kahit saan ako magpunta eh may nakakapansin. Lalo na nung sumikat si Mr. Bean. Di ko nga alam kung bakit natutuwa silang tawagin akong Mr. Bean. Noon di ko siya kilala pero nung napanood ko siya sa TV, isa lang ang nasabi ko. Aba! Kahawig ko nga! Aaminin ko kamukha ko talaga si Mr. Bean lalo na yong payat pa ako. Kaso tumaba na ako kaya iba na ang ka-look alike ko.

John Lloyd - Pinaka popular sa lahat. Grabe! Feel na feel ko naman kahit biro lang ihihihhihi! Ang totoo dati hindi ako naniniwala hanggang sa isang kaibigan ang nagwika, Kamukha ko raw si John Lloyd. Eh naisip ko baka loko lang ako nito. Hanggang sa isang customer namin sa shop ang nagsabi, sumunod mga taong nakakasalamuha ko na. eh sino ba naman ako para hindi maniwala di ba?

Nagsimula ang issue na yan nung nauso ang teleseryeng Maging Sino Ka Man. Kahit mga boardmate ko eh napansin din. Shy ako kaya di ko na pinapansin. Hanggang sa nanood ako ng One More Chance, pansin ko nga na sa ilang eksena eh parang nakikita ko ang aking sarili. Kaya nagkaroon ako ng confident sa aking sarili heheheheeh!

Sa totoo lang di naman ako ang unang nagsasabi na kamukha ko idol ko kundi mga taong nakapaligid sa akin. Kaya ngayon nagpapataba ulit ako.. mas kamukha ko kasi siya kapag mataba ako... kapag pumapayat ako bumabalik ako sa pagiging Mr. Bean.


Mga First time ko at mga Gawain:

Award: Isa lang ang award ko mula noon. Grade One ako nang makuha ko ang Ribon ko. Mas Pinagkakatiwalaan award. Uso kasi sa amin dati ang bigayan ng Ribon.

Movie: Third year high school na ako nang makakita ako ng isang porno magazine. Ganyan ako kabait dati. At first year college ako nang makapasok ako sa loob ng sinehan. At ang unang movie na pinanood ko ay "Tag-ulan noon, ang bukid ay basa" Buti na lang nakapasok ako sa sinehan kahit wala pa akong 18.

Tuli: Kasama ko kasambahay namin nang magpatuli ako. Isipin mo babae pa ang kasama ko. Kinakabahan ako nang nasa ospital na ako.  Kabado kasi ako na baka biglay magising ang patotoy ko. Kaya naman nang makaharap ko na si Doktora at pinahubad na ako eh hindi ko na mapigilan. nangamusta si patotoy kay Doktora.. kaya un bilang ganti isang matulis na karayom ang ibinigay niya kay patotoy. Aray! Lumambot tuloy.

Medical: After graduation, hanap ng trabaho. Kapag nakapasa sa pag-aaply eh hindi mawawala ang medical exam. Pumasok agad sa isip ko. Naghuhubad daw ang mga pasyente. Naku! Kabado talaga ako. Takot kasi akong makita ang mga buto-buto ko sa katawan... at baka magising ulit si patotoy.. nakakahiya na.... kaya un nang ako na ang nasa harapan ng Nurse.. una kong hinubad ay damit ko, sumunod pantalon ko... hanggang sa brief na lang ang natira. Pa-shy pa ako.. kunwari ayaw kong maghubad... pero mapilit kaya un naghubad na ako... tapos tumuwad... hai! Buti na lang di nagising si patotoy.

 Sex: Shy ako! Hindi ko na ikwekwento.. pero muntik na akong magkaroon ng scandal... paano ba naman nung bday ko... nagkatuwaan ang mga katropa ko... un niregaluhan nila ako ng babae... pero hindi ko ginalaw kasi galing sa beer house hiihhihihi.. un sumayaw lang sa harap ko at may video pa... hai! Kapag naging artista ako malamang lalabas ang scandal na un heheheeh....

Oh, paano napahaba na ako... dagdag ko na lang sa susunod... sana naaliw ko kayo.... Salamat sa pagbabasa.....



8 comments:

  1. Nyahahahah Natawa naman ako and wow! Cool. Magandang malaman ang about kay Mr. Jons. :)) More!!!!

    ReplyDelete
  2. Weeeee! Thanks sa inyong pagbasa.... at kayo unang nag comment.... buti di nalaglag mga pustiso sa kakatawa hahaha ..... jons ^_^

    ReplyDelete
  3. pengeng tissue kuya gumulong ako sa kakatawa minsan ka pa lang naging si john lloyd

    ReplyDelete
  4. hahahahhahaha!!! naaliw talga me basahain tong blog u...katuwa...moreeeeeeeeeeeee!!

    ReplyDelete
  5. Thanks sa mga nag read at comments... ^_^ Jons

    ReplyDelete
  6. bata pa nga hahahaha... ang cute :D

    ReplyDelete
  7. Hahaha! Thanks Jhie sa pagbisita ^_^ jons

    ReplyDelete