Hinuli nito ang kanyang mga kamay saka hinawakan nang mahigpit. Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang mapansing seryoso ang binata.
Papa Love, Papa Love, I Love Yah
Sa Panulat ni JonDmur
Chapter Five
“Talaga! Naku! Sister, kailangan mag-bunyi tayo!” nakakalokang sambit ni Maki. Inirapan lamang ito ni Mimi dahil ayaw na niyang palakihin pa ang issue. “Kaya pala ang tataas ng mga grades mo kasi naman may papa love ka na,” dugtong pa nito.
“Ano ba secret natin ‘to!”
“Bruha! Paano magiging secret dahil alam na ng buong campus. Diba, majority ng mga classmate natin eh, classmate mo na since elementary. Aba! Don’ tell me na nakalimutan mo na…. na matagal mo nang sinabi na BF mo siya.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo. “Sabagay! Effective naman… at nagdilang anghel ka,” dugtong nito na sinabayan nang mahinang tawa. “Oooops! Mukhang nandyan na ang hinihintay mo. Babu.” Humalik sa kanya ang kaibigang bakla bago ito tumalikod. Nahihiya kasi itong humarap sa lalaki baka daw ma-inlove ito at masira pa ang friendship nila.
The guy was walking closer to her. Mukhang galing sa trabaho. Isa na itong graphic artist sa isang canned goods factory na kung saan ito ang taga-design ng label ng mga new products. Her smile suddenly erase nang mapansin niyang tila nabagsakan ng lupa ang mukha nito.
“D-Do you have a problem?” Nagkibit balikat ito saka kinuha ang bitbit niyang plastic bag. “Hoy! Tinatanong kita bakit ganyan ang mukha mo? Ano ba ang problema?” Hindi siya pinansin ng lalaki sa halip hinila siya nito hanggang sa marating nila ang isang restaurant na katapat ng universidad.
Kumakabog ang kanyang dibdib.
Naguguluhan ang kanyang utak.
Ito na nga ba ang suspense ng kanyang love story?
Napapagitnaan na sila ngayon ng dalawang basong ice tea. Kinakabahan siya na parang nagbabara ang kanyang lalamunan. Kinuha niya ang baso saka tinungga niya iyon hanggang sa manuot ang lamig sa kanyang lalamunan.
Pinagmasdan niya ang binata hanggang sa matuon ang paningin nito sa kanya. Ang mga mata nito ay tila may gustong ipahiwatig. Katulad sa isang break-up scene sa isang pelikula ni Claudine at Rico na kung saan nakipaghiwalay ang huli sa idol niya.
“Kung may gusto kang sabihin.. sabihin mo na.” Nilakasan niya ang kanyang loob. Ito na ba ang tinatawag nilang break-up? Iniisip pa lang niya ay para na siyang mamamatay. “Huwag! Hindi ko kaya…” Napatingin sa kanya ang lalaki sa sinabi niya.
“A-anong hindi kaya?”
“A-ano ba? Kung may problema sabihin mo na.” Napalakas ang boses niya dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa paligid.
“Nabigo ako. Hindi nakapasa ang manuscript ko. Hindi na yata ako magiging ganap na writer.” Sa sinabi nito ay tila winasak ang puso niya. Dobleng sakit ang naramdaman niya dahilan para tumulo ang kanyang mga luha. At ang simpleng pagluha ay naging isang hagulgol. “Uy, ano ba? ‘wag ka ngang umiyak nang ganyan at baka isipin nila inaaway kita.” Nasapo niya ang kanyang dibdib saka muling umiyak nang umiyak.
“Kawawa naman ang babae, siguro nag break sila,” wika ng isang customer.
Napahiya siya sa narinig kaya inayos niya ang kanyang sarili. Tumayo ang lalaki saka inabot sa kanya ang puting panyo.
“Can you please stop crying? Baka isipin nila sinasaktan ko ang love ko.” Kumurba ang mga labi nito na nagbigay ng isang matamis na ngiti. “Let’s go! Tara na!”
Sa tabing dagat sila dinala ng kanilang mga paa. Nakaupo sa pinakamataas na bahagi ng batuhan na kung saan matatanaw nila ang papalubog na araw. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansing okay na ang papa love niya.
“Salamat kasi nandyan ka para palakasin ang loob ko. Isipin mo umiyak ka lang nawala na ang sama ng loob ko.”
“Asus, kaw pa! Ang isipin mo.. lahat ng isinusulat mo ay may nagbabasa… lalo na ako, ang mga bata. Isa pa, naniniwala ako na balang araw ay makakapag-publish ka rin ng maraming maraming libro.” Ngumiti siya habang ginugulo niya ang buhok ng lalaki.
Hinuli nito ang kanyang mga kamay saka hinawakan nang mahigpit. Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang mapansing seryoso ang binata.
“I think, I’m saying goodbye… biglaan kasi hindi ko ina-“
“What you mean?” pagputol niya sa sasabihin nito. Napatayo na siya sa batong kinauupuan niya hanggang sa makababa siya. “Brake-up?”
“No!” Napatayo na rin ito saka bumaba sa kinatatayuang bato.
“So, anong ibig mong sabihin? Pwede ba, ayaw ko ng pa-suspense.” Napangiti ito na lalo pa niyang ikinaasar. Inakbayan pa siya nito saka masuyong hinalikan ang ilalim ng kanyang kanang tainga. Nakiliti siya subalit pinigilan niya ang matawa sa ginagawa nito sa kanya. “A-ano ba?”
“Okay! Sa Manila na ako magtatrabaho for one year.”
Lumaki ang mga mata niya sa narinig. Manila? Lugar na binabalutan ng maraming maraming temptations – babae; magaganda at sexy. O, hindeeeee! Napahawak siya sa kanyang ulo saka ginulo gulo ang mahaba niyang buhok.
“Pupunta ka ng Manila? Aba! Mr. Jun hindi naman ako papayag na mapalapit ka sa temptations.”
“Temptations?”
“Yes! Temptations kasi hindi lang nag-iisa kaya hindi pwede kung temptation lang.” Pinalakihan niya ng mata ang binata saka tumalikod para umiwas rito subalit maagap ito kaya agad siyang naabutan.
“Okay! Mas maganda ang opportunity sa Manila, isa pa mas mapapadali ang pagsusulat ko… maraming publishing doon… malaki ang posibilidad na makahanap ako ng magandang publishing company. Isa pa, kailangan ko ng malaking sahod para kay nanay.”
Natahimik siya. Pinagmasdan niya ito sa mga mata, at doon niya nakita ang labis na kaligayahan ng lalaki – ang maabot ang pangarap nito. Masama man ang loob ay hakahanda siyang magtiis maabot lamang nito ang pinapangarap. Sa Manila, mas malaki ang sahod at maraming pagkakataon para makahanap ito ng isang publishing company.
“Sige, pumapayag na ako.” Sa sinabi niya ay bigla itong nagtatatalon sa sobrang tuwa. “OA ka ha! Hindi ka nga sumigaw nung sinagot kita.” Patuloy lamang ito sa kasisigaw sa dalampasigan hanggang sa buhatin siya nito.
“Love yah! Mama love.”
“Love yah! Papa love!,”malakas niyang sigaw na sumabay sa pag-ihip ng hangin.
Sabi nila, OA ang love pero sa isang katulad niya ay mas nanaisin pa niya ang maging OA kaysa sa zero love life. Kaya naman nilulubos na niya ang kaligayahang nararamdaman. Sa bawat minutong magkasama sila ay lumiliwanag ang kanyang buhay. Paano kung umalis na ang papa love niya? Makakaya kaya niya?
INIHANDA ni Junjun ang sarili. Lilisanin niya ang Baryo Rizal upang maabot ang mga pangarap. Iaahon niya sa hirap ang kanyang ina. Masakit man sa kanyang kalooban ang mapalayo sa kanyang ina ay magtitiis siya. Bigla siyang napasandal sa isang malaking batuhan. Kaya ba ng puso niya ang mapalayo sa mama love niya?
After one month……..
NAIIYAK si Mimi habang pinapanood si Shai Shai habang hinahabol ang bus na sinasakyan ni Dao Ming Su. Mayamaya, natatawa siya nang maalala ang paglisan ng papa love niya dahil sa terminal pa lang ng bus ay naubos na ang luha niya, at halos habulin niya ang sinasakyan nito dahil sa nalulungkot siya sa pagluwas nito ng Manila. Imagine! One year na mawawala ang papa love niya?
Lumapit sa kanya si Catherine na tila nasasabik sa kanya. Kinalong niya ang matandang pusa saka ipinagpatuloy ang panonood ng Meteor Garden.
“Alam mo Catherine, sad ako kasi wala si papa love.”
Miyaw!
“Sana magtagumpay siya sa Manila.”
Miyaw!
“Kumusta na kaya siya? Nalulungkot rin kaya siya?”
Miyaw!
“Sana hindi niya ako makalimutan.”
Natigilan siya nang mapansing hindi na sumasagot ang alagang pusa. At halos manindig ang kanyang balahibo nang mapansing hindi na humihinga ang matangdang pusa.
“Catherineeeeeeeeeeeeee!”
Niyakap niya ang alagang pusa na naging kaibigan niya. Binuhat niya ito saka pinakinggan ang tibok ng puso. Patay na si Catherine! Namatay sa sobrang katandaan nito.
Sa iyong paglisan
Ako’y nanawagan
Sa mga kerubin
Na ika’y sunduin
Naiiyak siya habang tinatabunan ng lupa ang katawan ni Catherine. Ilang araw na rin niyang napapansin na matamlay ang alagang pusa subalit hindi niya ito nabigyan ng pansin.
“P-patawarin mo ako Catherine kung hindi kita nadala sa ospital.” Tumulo ang kanyang mga luha sa sinapit ng alagang pusa. Nagkaroon ng takot sa kanyang puso. Masakit pala ang mawalan ng minamahal. “Catherine, hindi kita makakalimutan,” wika niya habang sinisindihan ang puntod ng alagang pusa.
Isang malutong na palakpakan ang kanyang narinig kasunod nito ang tila nanunuksong halakhak. “Aba! Sister, panalo ang drama mo! Imagine? May crying scene pa? Akala ko pa naman kung ano ang problema mo nung tinawagan mo ako. Haler! Pusa lang ‘yan,” sambit ni Maki na tila naiinis sa kanyang kadramahan.
“Kaibigan ko siya since childhood, kung tutuusin mas nauna ko pa siyang naging friend kaysa sa’yo. ‘wag kang mag-alala kapag ikaw ang natsugi kukuha pa ako ng crying ladies.”
“Bruha ka talaga!” matawa-tawang wika nito sa kanya. Nilapitan siya ng kaibigan saka niyakap. “Na mimiss mo siya no?” Humagulgol siya sa itinanong nito sa kanya na tila nasalamin naman nito ang kanyang kasagutan. “I see, kaya naman pala… it almost 6 months nang matalo mo si Shan Chai sa ginawa mong eksena sa bus terminal.”
“Naalala kaya niya ako?” tanging sambit niya saka gumanti sa yakap ng kaibigan. Mayamaya, tumunog ang kanyang 3310 Nokia unit na cell phone.
“Uy, may nag text!”
Binasa niya ang mensahe nito. Napangiti siya na tila mapupunit na ang kanyang mga panga.
MA2 LUV MIS U NA
“Ang haba ng hair ng lola ko,” biro ng kaibigan niyang bading.
Tumipa siya sa cellphone niya. At isang text messages ang iginanti niya rito.
PA2 LUV MIS U 2
Sinindihan niya ang kandila sa puntod ni Catherine saka pinahid ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
“Sis, kung biglang mabuhay si Catherine, matakot ka kaya?”
Tumawa siya sa biro ng kaibigan. “Alam mo mag –friendster na lang tayo.” Hinila niya ito saka inakbayan bago pumasok sa loob ng bahay.
Katulad sa mga teleserye sa TV, ang mga bidang babae ay nagkakaroon ng best friend na kung saan nagiging supporting ng bida. Kaya naman happy siya nang magkaroon siya ng isang baklang kaibigan na katulad ni Maki.
So happy together!
“Naku, Sister! Tingnan mo.” Lumaki ang mga mata nito nang matuon ang paningin nito sa dibdib niya. “Aba, dati kamatis lang ‘yan, ngayon santol na.”
“Bruha ka talaga!” wika niya sabay takip sa dibdib niya.
“Mag-ingat! Sa Maynila, maraming papaya.” Tumulis ang kanyang mga nguso. Nahulaan niya ang ibig ipahiwatig ng kaibigan. Makahanap kaya ng papaya ang papa love niya?
Ito na nag pinaka-iinisang kabanata ng kanyang buhay – ang pasukin ng pagdududa ang kanyang isipan.
Aw......sana naman happy ending toh hahayz....Aw......sana naman happy ending toh hahayz....
ReplyDelete