Muling kumagat ng suman ang binata. “So, you mean… you love me? Ayaw mo ba na ako na ang papa love mo? At ikaw naman ang mama love ko… time will come dadating si baby love, “ wika nito na sinabayan ng isang pa-cute na smile.
Papa Love, Papa Love, I Love Yah
Sa Panulat ni JonDmur
Chapter Four
After One Year:
Tila nagfla-flash back ang nakaraan sa tuwing pinagmamasdan niya ang mga larawang nakadikit sa kanyang silid. Hinalikan niya ang solong larawan ng papa love niya.
“Ikaw kasi.. ang torpe torpe mo.. bakit kasi, hindi mo man lang ako nililigawan, eh alam ko naman na love mo rin ako…. Asus! ‘kaw talaga,” malambing na wika niya sa larawan nito.
Maraming taon na ang lumipas pero never man lang itong nag-attemp na ligawan siya. Maliban na lamang sa pa-sweet effect nito na talaga namang nagpapakilig sa kanya. She turned around in the mirror. Maganda naman siya maliban na lamang na maliit siyang babae. Slim but sexy wika nga ng iba!
Kinuha niya ang notebook kung saan naglalaman ito ng sari-saring akda ng kanyang kuya Jun. Katatapos lamang ng first semester kaya susuportahan muna niya ito sa pagsusulat. Nakakatulong kasi ang mga pambobola niya para ma-inspire ito sa pagsusulat. At kadalasan siya pa ang taga-type sa makinilya. Nangangarap kasi itong magkaroon ng sariling libro, kaya naman nakahiligan din nito ang magbasa ng tagalong romance pocketbook para mahasa sa pagsusulat.
Na-excite siya nang mag-beep ang 3310 Nokia unit niya. Napa-upo siya sa sofa nang matuklasang galing sa kuya Jun niya ang text message.
Wer na u… kanina pa me wait
Isinilid niya ang kanyang new brand cellphone sa kanyang mini-pocket. Humarap sa salamin bago lumabas ng bahay. Mainit ang sikat ng araw na agad namang nagpatulo sa kanyang mga pawis. Itinaas niya ang kanyang mga braso saka inamoy ang kanyang kilikili. Hmmm! Mabango pa rin naman!
Kumatok siya subalit walang sumagot kaya minabuti na lamang niya na buksan ang pintuan. Itinulak niya ang iyon na naglikha naman ng ingay. Malamang nasa likod bahay ang binata. Nakasanayan na niya ang mag labas-pasok sa bahay nito. Mga bata pa sila eh, nakakapasok na siya sa kwarto nito.
Kumuno’t ang noo niya nang balutin ng katahimikan ang buong bahay. Nasaan kaya siya? Dumeretso siya sa kusina saka sinilip ang pintuang palabas sa likuran ng bahay. Binuksan niya hanggang sa maglikha ng ingay ang kinakalawang na pintuan. At sa kanyang paglabas ay may isang himig siyang narinig – si Junjun na nakatayo sa isang sulok na malapit sa puno ng niyog. Halos maiyak siya nang mapakinggan niya ang tula ng binata.
Nais kong malaman mo
Ang bulong ng puso ko
Na ako’y umiibig na sa’yo
Lumapit siya saka muling pinagmasdan ang mukha ng binata. Ilang beses na siyang nabasahan ng tulang likha nito subalit kakaiba ang tulang binibigkas ngayon. Ito ay isang tula na para sa kanya – tula nga ba ng pag-ibig?
Nais kong marinig ang tibok ng puso mo
Kung ito ba ay umiibig din sa isang katulad ko
Mahal kita sana’y paniwalaan mo
Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha. Magpapakipot pa ba siya? Lumapit sa kanya ang lalaki hanggang sa mapalapit na ang mukha niya sa dibdib nito. Tumingala siya para masilayan ang mukha nito. Naramdaman niya ang palad nito na humuli sa kanyang kaliwang kamay.
Isa lang ang aking hiling
Puso ko’y tanggapin mo
Can you be my mama love?
Niyakap niya ang binata. Ramdam niya ang init ng dibdib nito na sinasabayan nang pagtibok ng puso. Gusto niyang sabihin ang sigaw ng puso niya subalit umurong na ang kanyang dila. Hindi niya kayang sabihin ang tunay na nararamdaman. Itinaas ng lalaki ang kanyang mukha hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin. The guy kissed her heart. At hindi na niya kakayanin kung maramdaman pa ng kanyang mga labi ang maiinit nitong mga halik.
“Tara! Doon tayo sa loob,” malambing nitong wika na nagdala sa kanyang mga paa para sumunod rito. Pagkapasok nila ay agad nitong isinara ang pintuan ng kusina. “Game ka na?”
“H-ha? Ah, natatakot ako!”
“Natatakot saan?”
“Ah… e-eh, baka hindi mabunot….”
“Mabunot? Kakain lang naman tayo, ah.” Napanganga siya sa sinagot nito. Gusto niya tuloy batukan ang kanyang sarili sa kanyang iniisip. Ipinaliwanag kasi ng professor niya ang tungkol sa pag-lock ng penies sa vigana ng isang babae. Kaya naman natatakot siya, and besides hindi pa sila kasal ng binata. “Mama love, Okay ka lang? Naghanda ako kasi alam kong sasagutin mo na ako.”
“Hoy! Hindi pa kita sinasagot no!” pinanlakihan niya ng mata ang binata. Kumuha ito ng suman saka kinagat sa harapan niya mismo.
“Huwag ka nang magpakipot pa. Payakap yakap ka pa kanina tapos, sasabihin mo hindi mo ako mahal.”
“Wala akong sinasabing hindi kita mahal… ang sabi ko hindi pa kita sinasagot.”
Muling kumagat ng suman ang binata. “So, you mean… you love me? Ayaw mo ba na ako na ang papa love mo? At ikaw naman ang mama love ko… time will come dadating si baby love, “ wika nito na sinabayan ng isang pa-cute na smile.
“Bakit ngayon lang? Tagal kong naghintay,” tumaas ang kanyang kanang kilay.
“Hmmm! Kasi bata ka pa noon.. ayaw ko namang pumatol sa bata mahirap na baka mademanda ako ng child abuse.”
“Excuse me! I’m still 17…”
“Next month 18 ka na kaya pwede na.” Inabutan siya ng puto na agad naman niyang isinubo. “Masarap ba? Si nanay ang nagluto niyan.”
“Hindi mo na ba ako tatanungin?”
‘Tungkol saan?”
“Kung sasagutin kita?”
“Aba! Minsan lang ako magtanong… ang mahalaga eh alam kong mahal mo rin ako.”
“Alam mo kainis ka..” sabay hampas sa balikat nito. “First time ko lang sumagot sa manliligaw ko ng OO eh, kinokontra mo pa. Please give me a chance na makapagsabi ng OO sa nanliligaw sa akin.”
Hinawakan nito ang kamay niya saka sumeryoso ang mukha nito. Napangiti siya sa inaashan niya. Sa wakas! Masasabi na rin niya ang salitang OO.
“Pwede, ba nating gawin ang iniisip mo kanina? Yung sabi mo na baka di mabunot.”
Mahinang sampal ang ibinigay niya rito saka kasunod niyon ang mahinang tawa. “Hoy! Wala akong ibig sabihin ha.”
“Ah, ganon!” hinawakan siya sa baywang dahilan para makiliti siya. Umiwas siya subalit mabilis ang mga kamay nito hanggang sa maisipan niyang tumakbo sa loob ng bahay hanggang sa makarating sila sa silid nito.
“Nandyan na ako!” Hinubad nito ang putingh t-shirt na lumantad sa matipuno nitong katawan. Gumiling giling ito na parang isang macho dancer. Lumapit sa kanya ang binata subalit umiwas siya. Natatawa siya sa pinanggagawa nito. Hanggang sa ma-focus ng paningin niya ang maskulado nitong pangangatawan.
Parang isang pelikula o kwento sa isang pocketbook. Nakakaaliw ang mga eksena – mga eksenang nagpapaligaya sa bida. Lumapit sa kanya ang lalaki hanggang sa maramdaman niya ang init ng hininga nito. Pumikit siya upang abangan ang susunod na kabanata.
Subalit masyadong matagal hanggang sa natatakot na siyang dumilat. Natatakot na baka masilayan niyang hubo-t hubat na ang lalaki. Hindi na kaya ng powers niya! Naku! Ano na kaya ginagawa nito? Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat nakita niya ang mga mata ng lalaki. Nakatitig sa kanya at tila nangungusap ang mga mata nito.
“Can you save your first kiss with me?”
“OO!” agad niyang tugon. Tumayo ang binata. Saka binuksan ang pintuan ng kwarto.
“Kapag 18 ka na… sige, kuha lang ako ng pagkain,” wika nito saka lumabas ng silid.
“Hay! Akala ko ngayon na!” Niyakap niya ang unan nito at halos lumundag ang puso niya nang mapansing may naka-design dito na parang binurda ang pagkakasulat - MAMA LOVE
Tumayo siya sa kama saka niyakap nang mahigpit ang unan.
“Papa love! Papa Love! I love yah!” malakas niyang sigaw.
Isang romantic love story ang drama niya - parang pelikula ni Claudine at Rico ‘yan. Parang nakakakilig ang eksena. Gusto niyang isulat ang kanyang love story at mapanood sa big screen kaso wala pang ending ang kwento niya. Bigla siyang natigilan. Sa love story, lalo na sa pocketbook hindi nawawala ang kontrabida. Naku! Baka sa next chapter ng buhay niya ay lumabas na si kontrabida.
“Oh! God! Please! Huwag muna ngayon! At magpapa-good girl ako. Promise!”
Hiling niya sa langit habang pinapanood siya ni papa love habang nakatayo ito sa labas ng silid.
Langya kah author andami kong tawa moments s chapter n toh ahahahahaha.....mahilig aq magbasa ng mga bromance pero dito s love story m n toh ibang kilig yung nararamdaman koh ahaha....galing moh!...(*_-)Langya kah author andami kong tawa moments s chapter n toh ahahahahaha.....mahilig aq magbasa ng mga bromance pero dito s love story m n toh ibang kilig yung nararamdaman koh ahaha....galing moh!...(*_-)
ReplyDeleteweeee! natuwa naman ako sa iyo.... thanks sa pagbasa saka sa comments mo.... at pinasaya mo ko hehehehe ^_^ sana basahin mo pa next chapter.....
ReplyDelete