Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Papa Love, Papa Love, I LOve Yah! - Chapter 11



Papa Love, Papa Love, I Love Yah!
Sa Panulat ni JonDmur 

Maingat na inilapag ng isang nurse ang isang folder na naglalaman ng medical records ng isang pasyente sa desk ni Dr. Francisco. Dinampot naman ito ni Catherine. Kumunot ang kanyang noo nang mabasa ang pangalan ng pasyente – Mr. Jun Samonte. Napangiti siya nang mabasa ang complain nito. Penis Enlargement dahil sa pamamaga ng sugat. Kilala niya ang lalaking ito, at hindi siya pwedeng magkamali. Biglang nag-flash back ang nakaraan sa kanyang utak.
“Sis, tingnan mo ang lalaki parang kamukha ni papa love? Diba writer yun?” Kinilig pa ang nurse na kaibigan habang lumalapit sa pasyente. Mayamaya, bumalik ito sa kinatatayuan niya. “Naku, nasugatan daw ang toytoy dahil kinurot ng babaeng kasama niya,” wika nito kasabay ng isang mahinang hagikgik.
“Ikaw ba ang in-charge? Gusto mo palit tayo? Ako na ang gagamot sa sugat.” Lumaki ang mga mata ng kaibigang nurse.
“No way! Excited na akong gamutin ang sugat,” malanding wika nito saka tumalikod pabalik sa pasyente. Naghihinayang siya dahil meron siyang ibang assignment. Kung alam lang niya na magpapacheck-up ang idolong manunulat marahil ipinasa niya sa iba ang assigned task niya ngayon – sana nakita, nahawakan at nagamot niya ang pag-aari nito.
Sayang, sigaw ng kanyang isipan.
Bigla siyang natauhan nang tinapik siya ni Liza, ang kaibigang nurse. “Girls, this is your chance! Hay naku, sana ako ulit ang gumamot.”
“Ano ba? Ang ingay mo mamaya marinig ka ng tao. Ayusin mo na ang mga records ng ibang pasyente,” tugon niya rito na agad namang tumalikod.
“Next!” Biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Dr. Francisco. Nginitian pa siya ng isang matandang babae nang lumabas ito sa clinic ng doctor. “Next!”
“Mr. Samonte,” malakas niyang tawag sa waiting area ng klinik. At nang tumayo ang lalaking tinawag ay hindi niya napigilan ang sariling mapangiti nang mapansing pa-ika ika itong lumakad. Mayamaya, nahagip ng kanyang paningin ang maamo nitong mukha. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Gosh! Ang gwapo talaga niya!, piping usal niya.
MAGKAHALONG hiya at takot ang nararamdaman ni Junjun ngayon. Hindi niya magawang tingnan ang mga mukha ng mga taong nasa paligid niya, para siyang batang nahihiya na nakayuko lamang. Lalo siya namula nang utusan siya ng doctor na maghubad at humiga sa kama. Batid niyang may kasama itong nurse kaya nakaramdam siya ng hiya.
“Hubarin mo na ‘yan. Huwag kang mag-alala sanay na mga nurse kong makakita ng ganyan. Isa pa diba ikaw ‘yong nag-pa check up noong isang linggo. Dapat magaling na ‘yan? Ano ba ginawa mo?”
Hindi na siya nakasagot sa sunod-sunod na tanong ng doctor. Hinubad niya ang kanyang walking shorts, at matapang na sinunod ang maluwag niyang underwear. Pagkahiga sa kama tinanggal ng doctor ang pagkakabenda nito. Nakaramdam siya ng kirot subalit tiinis niya ito. “Kumusta po ang sugat?”
“Namaga! Sige, i-dredressing natin para luminis,” kaswal na tugon ng doctor.
Ilang saglit pa, matapos masabi ang mga gamot na dapat niyang inumin, inutusan nito ang nurse na gamutin ang sugat niya. “Doc, akala ko po ba kayo ang gagamot?”
“Bahala na ang nurse ko diyan, don’t worry magaling ang nurse ko.” Binalot ng hiya ang puso niya, ilang saglit pa naramdaman niya ang malambot nitong palad na humawak sa kanyang toytoy.
“Grabe ang pagkakamaga, ipahinga mo muna ito para hindi lumala ang sugat. Nagkaroon kasi ng nana ang sugat. Ikaw din baka maputol.” Napanganga siya sa sinabi nito, kasabay nang pamumula ng kanyang mukha ang pagtutok niya sa maamo nitong mukha. She looked so familiar! At pumasok sa kanyang isipan ang kagandahan ni Ms. Pia Guanio.
“Ikaw? Diba ikaw ang bumili ng limang libro nung book launch?” Tumawa ito sa tanong niya na parang ito nga ang tinutukoy niya.
“Eh, di umamin ka na rin. Ikaw yung nasa blind item diba?”
“Ha? Hinde ako yun!” agad niyang tugon. “Hmmmm! Teka? Siguro ikaw ang nagpakalat ng chismis?”
“Hoy, hindi ako ‘yun. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin.”
“At bakit naman ako magpapasalamat?”
“Well, so ikaw nga? Saka may ibedensya ako na magsasabi na ikaw ‘yun?
“I-ibedensya?”
“Kaso wala na? Kasi pinunit ko ang letrato mo. Bawal kasi sa amin ‘yun. Actually, isang pasyente rito ang kumuha ng letrato mo. Nang malaman ko kinuha ko saka itinapon ko. Kaya hanggang blind item na lang ang lahat.”
Napapikit siya nang lagyan nito ng betadine ang ari niya.
“Aray! Ang sakit!” Napangiti ito sa expression ng mukha niya. Huminga siya nang malalim saka tiningnan ang hinahawakan nito. Mayamaya, kinuha nito ang gauze na nakapatong sa medical table.
“Lalagyan ko na ng benda.” Sasagot pa sana siya nang mahagip ng paningin niya ang dibdib nito. Naalala niya tuloy ang FHM magazine na madalas niyang binabasa.
NAPANGANGA si Catherine nang mapansing gumalaw ang pag-aari ng binata. tumayo ito na tila sumaludo sa kanya. At halos mabatukan niya ang binatang halos maluha na sa kakatitig sa kanyang dibdib.
“Alam mo kung ayaw mong mamaga niyang alaga mo bawasan mo ang kapilyuhan mo.” Tumayo siya saka niligpit ang mga gamot na ginamit niya.
“Peace!” mahiya-hiyang tugon ng binata sabay takip sa kanyang pag-aari.
Nakaramdam ng kaligayan ang puso ni Catherine. Hindi niya akalain na makakausap niya ang favorite author niya. Natatawa siya sa naging reaksyon nito, and she is proud of it dahil napatunayan niya na malakas ang appeal niya. Imagine, nagawa niyang patayuin ang bandera ng binata.
Tumunog ang cellphone niya, at bumakas ang pag-alala sa mukha niya nang mabasa ang mensahe ng kanyang kuya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. “K-kuya…..”
BAON pa rin ni Junjun ang hiya nang makalabas siya ng ospital. “Si Mimi kasi,” mahina niyang nasambit sa sarili. Naalala niya ang nagdaang gabi nang matulog ito sa kanyang kuwarto. At kahit half-sex lang ang ginawa nila ni Mimi ay nasaktan pa rin siya.
SA KABILANG dako naman, natatawa ang kaibigang bakla sa iki-nuwento ni Mimi.
“Anong half-sex? Meron ba nun?”
“Bruha? Oo naman! Half? Ibig sabihin kalahati lang.” Napanganga naman ang kaibigan sa isinagot niya. “In short, halikan lang at hawakan, in other words walang pasukan.” Napahalakhak siya sa kanyang sinabi na sinabayan naman ng kaibigan.
“Bruha ka talaga! Kaya pala namaga!”
“A-ano ba? Kawawa nga ang tao kasi naman namaga lalo. Sasamahan ko sana kanina kaso ayaw nang magpasama.” Sumimangot ang kanyang mukha. “Isa pa, bawal akong pumunta sa kanya ngayon.”
“At bakit naman?”
“Iwas temptation.”
Hinila siya ng kaibigan saka pinaupo sa tapat ng computer. Sa paborito nilang literary website sila tumambay. Mayamaya napansin nilang may bagong komento sa isang stories ng papa love niya.
Ang tagal naman ng next chapter
I can’t wait papa love
Na miss ko na ang mga kwento mo.
Muwah! Loving you, sweet girl
Submitted by: Sweet Girl

Isang buwan na pala ang komento ngunit ngayon lang niya nabasa. At ito ang huling komento ng babae sa kanyang papa love.
“Natakot siguro kaya hindi na bumalik o nag-komento?”
“Dapat lang!”
Naalala niya ang palitan nila ng komento ni Sweet Girl kung saan inaway-away niya ito. “Mabuti at marunong siyang matakot.”
Takot ang muling umiral sa kanyang puso. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakikilala ang kontrabida ng buhay niya. Alam niyang tapos na ang kabanata ni Sweet Girl. At wish niya sa langit na sana huwag nang bumalik ito sa buhay ng kanyang papa love.
Sana hindi ko siya makilala sa personal?
Sana wala ng babaeng gugulo sa maganda naming samahan.
Nasaklot niya ang kanyang dibdib. Bakit takot ang nararamdaman niya?
Sa love story, minsan nakakaramdam ng takot ang bidang babae. Takot na masaktan, at takot na harapin ang mga susunod na kabanata.
“Papa God, Please, ilayo n’yo po ang mga kontrabida sa love story ko,” mahinaniyang wika na itinangay ng hangin sa kalawakan

“Hubarin mo na ‘yan. Huwag kang mag-alala sanay na mga nurse kong makakita ng ganyan. Isa pa diba ikaw ‘yong nag-pa check up noong isang linggo. Dapat magaling na ‘yan? Ano ba ginawa mo?”

No comments:

Post a Comment