Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Papa Love, Papa Love, I Love Yah! - Chapter 12

“Papa love, makakakita ka nang muli. Love na love kita!” Hinalikan niya ang libro saka nagpaikot-ikot sa loob ng kanyang silid.


Papa Love, Papa Love, I Love Yah!

Sa Panulat ni JonDmur
 
Chapter 12
MATAGUMPAY ang kinita ng librong “Love ko si Mama love”. Nakuha na rin ni Junjun ang royalty niya. He are generally paid a royalty based on his book sales na talaga namang ikinatuwa niya. Sa katunayan nagsusulat siya para maibahagi ang kanyang kwento, panghuli na lamang kung magkakapera siya sa larangan ng pagsusulat.
Hinalikan niya ang tsekeng ibinigay sa kanya ng Publishing. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong kumita ang libro. Nakakadagdag sa confidence sa sarili, isama mo pa na makikita niya sa bookstore ang pinaghirapang libro. He carried ‘a lot of joy in his heart. Sana malayo pa ang kanyang marating. Thank you Lord, piping dasal niya sa sarili.
Papasok na sana siya sa banko nang makasalubong niya ang isang babae. His heart has been seduced by a woman.
“Papa love, kumusta na ang best seller writer?” malambing na bati nito sa kanya na tila binibihag ang kanyang puso.
“Hindi naman, ahmm! Do you want to have a coffee with me?” nasabi niya habang nakatingin sa dating kaibigan. Nakaramdam siya nang kakaiba sa kanyang sarili. At nang dumaloy ang dugo sa kanyang pagkatao ay bigla siyang napangiwi. Masakit pa rin ang sugat sa toytoy niya. “Ah, okay! Sige mauna na ako,” agad niyang wika sa babaeng tila naguluhan sa kanyang imbitasyon. Mahirap na baka hindi na gumaling, piping usal niya sabay kapa sa bukol ng kanyang pantalon.
Malaki ang pasasalamat niya dahil wala ng benda ang pagkalalaki niya. Nawala na rin ang pamamaga nito, subalit katutuyo pa lamang ng sugat nito. Papasok na sana siya nang banko nang mahagip ng kanyang paningin ang isang babaeng kagagaling lamang sa isang drug store. Nasapo niya ang kanyang ulo nang maalalang hindi niya naitanong ang pangalan nito, ang alam lamang niya eh, kamukha ito ni Ms. Pia Guanio.
Hahabulin sana niya ang babae subalis mabilis itong nakasakay ng taxi. Nakaramdam siya nang lungkot nang mapansing naluluha ang dalaga.
“Bakit kaya?” aniya sa sarili.
KINAKABOG pa rin ang dibdib ni Mimi sa kontrobersyal na kinasasangkutan niya. Hindi niya akalain na hahantong sa isang publicity ang nangyari sa papa love niya. At katulad ng mga isinasagot ng mga artistang nasasangkot sa scandal, isa lang ang kasagutan niya – hindi sila ‘yun!
Kaya naman, laking pasalamat niya nang manahimik na ang issue. Mabuti na lamang, nakuha ng Hyden-Katrina Scandal ang atensyon ng mga tao.

“Sis, paamoy nga ng kamay,” biro ni Maki na nakapagbakasyon na sa Maynila. Isang linggo na rin itong nakikitira sa kanilang bahay. “Aamuyin ko lang ang kasaysayan ng mga kamay na ‘yan,” dugtong nito.

“Bruha ka talaga!” Napanganga siya na tila kinikiliti nang sumenyas ang mga kamay ng kaibigan – mga senyas na nagtatanong kung gaano kalaki ang bagay na nahawakan niya, bukod tanging ito lamang ang pinagsabihan niya ng pinakabuod na nangyari sa kanila ng papa love niya. Umupo siya sa tabi nito saka sinukat niya ang kanyang mga kamay.

Napanganga ang baklang kaibigan. “Mapalad! Dako ang papa love. Naku, sis! Mag-iingat ka, masakit ‘yan,” dugtong pa nito. Isang mahinang hampas sa balikat ang kanyang pinakawalan.  Magmula kasi nang dumating ang kaibigan ay inuubos nila ang oras sa girl talk nila, kaya naman pati nakaka-dyowa nito ay nalalaman niya.

Matapos ang kanilang harutan, isang katanungan ang sumagi sa kanyang isipan. Paano ba malalaman kung malaki talaga, eh ang liit ng kamay niya? Malamang malalakihan ito sa kahit anong bagay ang mahawakan niya. Nagulat siya nang iniabot sa kanya ni Maki ang ruler.

“Sukatinnnnnn,” malanding wika ng kaibigan. Tumayo siya saka agad na sinabunutan ang baklang kaibigan.

MASAYA si Mimi sa buhay niya ngayon. She have nothing to wish more, masaya siya sa family niya dahil naayos na ang family drama nila, sa kaibigan, at lovelife masasabi niyang masaya siya. Napangiti siya nang mahagip ng paningin niya ang mga larawan nila ng papa love niya, at ngayon lang niya napansin na labas ang panty niya nang minsang binuhat siya ng kanyang Kuya Jun – this picture was taken during her 12th birthday.

Tinungo niya ang drawer saka muling binuklat ang collection folder, last year pa nang huli itong madagdagan. Natuon ang paningin niya sa isang tulang pag-ibig – ang tulang isinulat ng papa love niya noong Valentines Day.
Naluha siya subalit pinigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha. Isinilid niyang muli ang folder sa loob ng cabinet.

Binalot ng inis ang kanyang puso. Palubog na ang araw subalit wala man lang siyang text na natanggap. Dinukot niya ang new brand Blackberry unit niya saka i-dinial niya ang number ni Junjun.

OUT OF COVERAGE AREA

Sumimangot siya dahilan para kumulubot ang kanyang noo. Humarap siya sa salamin saka sinuklay ang kaka-rebond na buhok. Tinitigan niya ang imahe sa salamin saka pinagmasdan ang pagtaas ng kanyang mga kilay. Pupuntahan niya ang papa love niya sa apartment nito.

SA LOOB ng kanyang apartment ay hindi mapalagay si Junjun. He walked naked na talagang nakasanayan na niya. Being un-dressed, malaki ang naitutulong para gumaling ang alaga niya. He tried to wear underwear pero nasasaktan lamang siya kaya minabuti niyang maghubot-hubad na lamang habang may sugat pa ang kanyang toytoy.
Nakarinig siya ng katok sa pintuan. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. At katulad ng kanyang inaasahan si Mimi ang inuluwa ng pintuan. Agad itong pumasok saka napahalakhak ng makita siyang walang saplot.
“Uy, magaling na siya!”
“Hoy, anong magaling na? Gaya ng sabi ko iwasan mo muna ang kapupunta dito para makaiwas tayo sa temptation,” wika nito. “Unless, gusto mo?”
“Aba, Mr. Jun! Correction! Pumunta ako dito dahil…..”
“Dahil?” Namula ang pisngi ng binata nang matuon ang paningin niya ibabang bahagi nito.  “Oh, wag mo na ituloy ang binabalak mo. Maawa ka na naman sa akin.” Lumukot ang mukha nito. “Ikaw din, baka maputol.”
“Eh di bitbitin mo ang naputol para ikabit ng mga nurse sa ospital.”
“Ganun? Sabagay magaganda ang mga nurse sa ospital katulad ng gumamot sa akin.”
“What? You mean nurse ang gumamot sa’yo? As in babae?”
“Oo!”
“Kaya pala enjoy na enjoy ka sa pagpapagamot at ayaw mo akong isama.” Umasim ang mukha niya sa kanyang tinuran. Ang totoo isang galit-galitan acting lamang ang ginagawa niya. Mayamaya, bigla niya itong kinurot sa tiyan.
“A-aray!”
“Magpasalamat ka, diyan lang kita kinurot.” Tumalikod siya saka lumabas ng apartment. Nakita naman niyang nagbihis ito upang habulin siya.
 “Mimi, sandali lang magpapaliwanag ako.” Binilisan pa niya ang pagtakbo upang lumayo ang distansya niya sa humahabol na binata na halos magmadali sa pagsusuot ng damit, and she noticed na hindi na ito nagsuot ng underwear, sa halip isang manipis na shorts na lamang ang isinuot nito.
“Hindi tayo bati!” malakas niyang sigaw na sumabay sa malalakas na busina ng mga sasakyan. Nag-enjoy siya sa eksenang ito. Naalala niya ang mga araw na naghahabulan sila sa dalampasigan. Natutuwa siya sa reaksyon ng mukha nito na tila napakalaki ng kasalanan. Habulin mo ako, masayang usal niya sa sarili.
Bigla siyang napahinto nang makaramdam ng pagkahingal. Tila kinakapos ang kanyang paghinga, tatakbo pa sana siya subalit napako ang kanyang mga paa sa lupa. Isang malakas na sigaw ng binata ang kanyang narinig, at doon lamang niya napansin na nasa gitna na pala siya ng high-way, at isang malaking truck ng mga construction supply ang palapit sa kanyang kinaroroonan. Diyos ko, piping usal niya habang sinasalubong ang parating na truck.
Tila dininig ng langit ang kanyang dasal, subalit sa ginawa nitong pag-iwas sa kanya ay nawalan ng control ang driver hanggang sa lumiko ito sa kinaroroonan ng papa love niya. Napasigaw siya habang tutop ng kanyang mga kamay ang bibig niya. Umiwas si Junjun subalit  sa ginawang pagpreno ng driver  ay nagsihulugan ang mga bakal na karga ng truck hanggang sa mahagip ng isang tubo ang lalaki. Mabilis ang mga kaganapan hanggang sa matagpuan niya ang kanyang sarili na sumisigaw sa labis na pagkasindak.  Tila binuhusan ng malamig na tubig si Mimi nang makitang duguan ang mukha ni Junjun, walang malay, at nakahandusay sa gitna ng aspalto.
“J-jun.” Sumigaw siya ngunit walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Nilapitan niya ang nakahandusay na katawan nito. Gusto niyang hawakan subalit naunahan siya ng takot. Napatingin siya sa mukha nito, at halos mawalan siya nang hininga nang matuklasang may bumaon na alambre sa mukha nito.
Unti-unti siyang lumapit sa katawan nito. Agad niyang tinanggal ang mga bakal, alambre at kung anu-ano pang construction supply na dumagan dito. Lumuhod siya saka pinakinggan ang tibok ng puso nito. “Jun, ‘wag kang bibitaw.” Nanginginig ang kanyang mga kamay, saka nalilito kung bubunutin ba niya ang nakabaong bakal sa mukha nito. Natatakot siya habang napapagmasdan ang walang malay na binata. Takot ang muling umiral sa kanyang puso. Sumigaw siya upang humingi ng tulong hanggang isang grupo ng mga kalalakihan ang nagbuhat dito saka isinakay sa ambulance car.
Kasalanan ba niya ang nangyari sa kanyang papa love? Katulad sa mga pelikula ang mga love story ay nagkakaroon ng trahedya. Sa kanyang love story, ano ang naghihintay na kapalaran?
Papa Love, magpagaling ka
Ipagdarasal namin ang kaligtasan mo.
Submitted by: Admin
Tol, wag kang susuko!
Kaya mo ‘yan!
Submitted by: TOM

Tol, nandito lang kami
Ipagdarasal namin na malampasan mo lahat ng pagsubok
Submited by: GERRY
Papa Love, nasaktan ako sa nangyari sa’yo
Kung may magagawa lamang ako para tulungan ka
Gagawin ko. Huwag kang susuko!
Huwag kang mag-alala! Aalagaan kita!
Hindi kita pababayaan!
Submitted by: Sweet Girl

SA LOOB ng emergency  room ay hindi mapigilan ng isang babae ang maiyak sa natuklasan. Tila bombang sumabog sa pandinig niya nang mabalitaan niyang na-aksidente ang isang taong hinahangaan niya.

“Makakaligtas po ba siya Dr. Fransisco?” Nasaklot niya ang kanyang dibdib, at sa kauna-unahang pagkakaton ay may isang nurse ang biglang hinimatay sa loob ng emergency room.

Papa Love, okay ka na ba?
Miss ka na namin. Pagaling ka ha!
Submitted by: Admin

Tol, kanina ko lang nalaman
Pagaling ka diyan… sana okay ka lang….
Submitted by: TOM

Naalimpungatan si Catherine nang makarinig ng mahinang tinig. At sa kanyang pagmulat sinalubong ng kanyang paningin ang mapanuksong titig ng kaibigang nurse.

“For the first time in the history ay may isang nurse na hinimatay rito. Naku! Over ha! Super affected ka naman sa nangyari kay papa love.” Bigla siyang napabangon sa kama. “Oooops! Okay ka na ba? Huwag kang mag-alala, ang sabi ni Doc ikaw ang naka-assign para alagaan si papa love. Ligtas na siya kaya lang_”

Kumabog ang kanyang dibdib. Agad siyang bumangon saka hinanap ang file ng binata. Nang malaman niya ang kalagayan nito ay halos manikip ang kanyang dibdib. “Huwag kang mag-alala, aalagaan kita hanggang manumbalik ang iyong lakas.”

Tinungo niya ang room na kung saan naka-admit ang binata. Out of duty na siya subalit nanatili siya sa ospital upang makita ito. Sa kanyang paghakbang ay nakabanggaan niya ang isang babae. Isang babaeng familiar na sa kanyang paningin.

“Miss, kayo po ba ang nurse? Nakikiusap ako alagaan nyo po siya. Huwag nyo po siyang pababayaan.”
“Makakaasa ka!” kaswal na tugon niya.
“Catherine, out of duty ka na diba? Overtime ka ba?” singit ng isang nurse na kapapasok lang sa room.
“Ha? Oo pero sinilip ko lang ang pasyente.”
“Miss Catherine, aasahan ko po ang tulong n’yo. Kayo po bahala sa papa love ko kung wala ako ha. By the way, I’m  Mimi.” Napangiti siya nang tinanggap niya ang kanang kamay nito.

Lihim siyang nasaktan nang tumalikod ito saka hinagkan sa pisngi ang walang malay na binata. Narinig niya ang mahina nitong paghikbi.

“I’m sorry! Patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat ng ito.  Jun, hindi kita iiwan. Ano man ang mangyari sa’yo nandito lang ako. Hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo.”

Nakagat niya ang kanyang labi. At aaminin niya na nagseselos siya sa kanyang nakikita. Can this be love? O isang paghanga lamang sa hinahangaang manunulat?

MALAKAS ang ulan subalit nanatiling nakadungaw si Catherine sa bintana ng bahay. Kanina pa siya nakauwi matapos niyang lisanin ang ospital. Hindi niya nakayanan ang mga eksenang nakikita niya. Pakiramdam niya isa siyang kontrabida na bigla na lang susulpot upang sirain ang relasyon ng dalawang nagmamahalan.

Bigla siyang napalingon nang makarinig nang pagkalabog. Agad niyang tinungo ang silid ng kanyang kuya na ngayon ay nasa sahig na.
“Kuya? Ano ba nangyari? Okay ka lang ba?”
“O-Okay lang ako. Kaya ko to,” kaswal na tugon nito sa kanya.
“Kuya naman! Sabi ko tawagin n’yo na lang ako kung kelangan n’yong tumayo. Tigas talaga ng ulo ng kuya ko.”
“Catherine, matanda na ako. Ako nga sana ang nag-aalaga sa’yo. Tutungo lang ako sa CR kaso natumba ako.” Bigla yumukot ang mukha ng lalaki.
“Nakabili na pala ako ng gamot n’yo, kuya. Wag kang mag-alala gagaling kayo.” Hindi niya mapigilan ang maiyak habang naalala ang kalagayan ng kanyang kuya. May cancer ito – at batid niyang may taning na ang buhay nito.
“Cat, ang gusto ko mahanap mo na ang prince charming mo.”
“Kuya naman! Paano naman magkaka-BF eh walang nanliligaw sa akin. Saka happy ako na kayo lang lalaki sa buhay ko.”
“Ows? Salamat ha kasi di mo ko pinabayaan. Saka sorry kasi …” Tinutop ng daliri niya ang bibig nito upang hindi na makapagsalita.
“Kuya, tama na! Drama n’yo naman. Naiiyak na ako.”
“Ang bait mo Cat, you deserve to be love… sana mahanap mo na ang lalaking magmamahal sa’yo ng tapat…. Bago man lang ako mamatay.”

Pinahiga niya ang kanyang kuya saka hinagkan ito sa noo. Naiiyak na siya subalit pinipilit niya itong pigilan. Ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya. Mayamaya, tumalikod siya saka tumungo sa sariling silid saka doon umiyak nang umiyak. Ilang saglit pa, nahagip ng kanyang paningin ang librong pinaka-iingatan niya – ang libro ni papa love. Na- focus ang paningin niya sa cover nito. Napangiti siya. Sana ako na lang si Mimi, bulong ng kanyang isipan.

NAKARAMDAM ng mainit na palad si Junjun. Gusto niyang gumalaw subalit hindi niya magawa. Wala siyang makita. At mahina ang kanyang pandinig. Kanina lamang tila naglalakbay siya sa kawalan. Nasaan siya? Ano ang nangyari sa kanya? Pakiramdam niya matagal na siya sa kanyang kinaroroonan. Subalit, hindi niya matukoy kung nasaan siya.

Ang alam niya napapalakas ang loob niya sa mga palad na dumadampi sa kanyang katawan. Nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Mga haplos sa kanyang mukha na nagpapalakas sa kanyang katawan. Mahal na mahal kita Jun, tila may anghel na bumulong sa kanya. Mahina man subalit nakakatiyak siya na iyon ang kanyang narinig.

Gusto niyang alalahanin ang mga bagay bagay subalit tila blanko ang kanyang utak. Nasaan siya? Ano nga ba ang nagaganap sa kanyang paligid? Bakit wala siyang makita? Bakit hindi siya makakilos? Tanging pandama lamang ang meron siya – at ito ang tanging pinapasalamat niya dahil nararamdaman niya ang matamis na halik sa kanyang mga labi.





Papa love,
Happy kami na nakaligtas ka
Sabi ko sa’yo kaya mo yan
Sumitted by: Admin

Papa love,
Miss ka na namin
Pagaling ka pa ha
Submitted By: Unknown


June 2010 – tatlong buwan na ang nakakaraan nang makalabas nang Hospital si Junjun. Lahat ng kanyang mga kaibigan, maging ang mga kapwa manunulat ay nagdasal upang makaligtas siya sa trahedya.
“K-uya Jun, ano po ang susunod?”
“Kinuha ni Apollo ang mahiwagang sombrero upang gamitin sa mga masasamang tao. Lumiwanag ito na tila isang bituing kumikislap sa kalangitan.” Napa-wow ang mga bata sa sinabi niya. Ang isa naman ay kumalong pa sa kanya.
“Tapos, ano po nangyari kay Apollo?”
“Nagkaroon siya ng kakaibang lakas at kapangyarihan.”
NAPALUWA si Mimi habang nakikinig sa story telling ng papa love niya. Kakaiba ang ginagawa nito ngayon - wala na ng notebook nito, wala nang binabasa ang lalaki  sa halip binibigkas na lamang nito ang nais na ipahiwatig. Nag-kwekwento sa mga bata habang nakatingin sa malayo. At ang mga mata ay natatakpan ng isang eye glasses.
“Kuya ang galing n’yo po. Kasi, kahit bulag kayo nakakapag story telling kayo sa amin. Salamat kuya kasi bumalik ka. Ang tagal mong nawala.” Lumapit ang mga bata sa lalaki. Nasasabik ang mga ito sa mahigit isang taong nasa Maynila ang iniidolong binata. Subalit hindi nabigo ang mga bata na muling mapakinggan ang kwento ng papa love niya.
“Alam n’yo, hindi kailangang isulat ang isang kwento para lamang maibahagi mo ito sa mga mahal mo sa buhay. Hindi ko man nakikita ang mga letrang bubuuin ko ay magagawa ko itong bigkasin.”
Tila nakiramay sa kanya ang mga bata nang matuklasan niyang hindi siya nag-iisang lumuluha. Mayamaya, nagpaalam na ang mga bata sa kanila.
“Mama love, nasan ka?”
“Nandito lang ako.”
“Umiiyak ka ba?”
“Bakit ang tapang tapang mo? Bakit ang bilis mong tinanggap ang mga pangyayari?” Tumawa ito na siyang ikinainis niya. “Bakit ka tumatawa? Alam mo, nagtataka lang ako sa’yo, eh kasi naman nung matuklasan mong bulag ka na, hindi ka man lang nagwala.”
“Halika nga dito.” Lumapit siya saka tumabi sa inuupuan nitong bato. “Alam mo, sa pelikula lang nangyayari yun. Sa mga madradramang eksena para paiyakin ang mga nanonood. Oo nalungkot ako. Pero naisip ko dapat masaya ako kasi ligtas ka. Siguro saka ako magwawala saka sisisihin ko si Papa God kung ikaw ang nabulag. “ Niyakap niya ito nang mahigpit. “Oppps! ‘wag kang magpapakamatay ha.”
“A-ano? Bakit naman ako magpapakamatay?”
“Baka kasi, magpakamatay ka para ibigay sa akin ang mga mata mo o, baka naman may mag donate sa akin ng mga mata, tapos sa ending matutuklasan kong isa ka nang pulubing bulag na namamalimos sa harap ng simbahan.”
Napatawa siya sa sinabi nito. “Excuse me! Hindi ko gagawin yun. Isa pa mas gusto kong bulag ka.” Tumayo siya saka pinisil ang magkabilang pisngi ng binata. “Kasi, wala nang magkakainterest sa kagwapuhan mo. Mawawala na si Sweet Girl sa buhay mo.”
“Ganun? Sama mo talaga! Saka ‘wag mo nang idamay sina Sweet Girl, kasi ikaw lang ang mahal ko. Diba, sabi ko sa’yo… ikaw ang mga mata ko.” Hinila siya nito hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.
“I love you papa love!”
Hindi na sumagot ang binata bagkus, muling lumipad ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Mayamaya napansin niyang natigilan ang binata.
NATAUHAN si Junjun nang biglang mag-flashback sa kanya ang nakaraan. Ang mga araw na namalagi siya sa loob ng ospital. Isang matamis na halik ang kanyang naramdaman. Isang halik na batid nyang hindi galing kay Mimi. Isang halik ng pagmamahal na masuyo naman niyang tinanggap.  Isang babae na nag-alaga sa kanya habang siya ay mahina pa lamang.
“Jun, magpagaling ka ha!” ang huling salitang nabanggit nito sa kanya.
Isang saglit lang
Parang walang hanggan
Yan ang iyong unang halik

NAKAPA ni Catherine ang kanyang mga labi nang maalala ang kanyang unang halik. Aaminin niya sa kanyang sarili na first time niyang mahalikan ng isang lalaki or simple say na first time niyang humalik sa lalaki.
“Bruha ka takaga, Catherine,” wika niya sa kanyang sarili habang ginugulo ang kanyang buhok. Nahihiya siya sa kanyang ginawa subalit nanaig ang kilig sa kanyang dibdib. Imagine? Naramdaman niyang gumanti ito ng halik sa kanya? and after the first kiss, kinabukasan nagkamalay na ang lalaki. Feeling niya ang kiss niya ang nagpagaling rito. “Iba na talaga ang power ng kiss.....” daing niya sa kanyang sarili habang yakap yakap ang alagang pusa. “Alam mo mimi love ko siya. Kumusta na kaya siya? ” hinagkan niya ang alagang pusa saka muli itong niyakap habang inaalala ang mga kabanatang kapiling niya ang binata.
Bigla siyang natigilan nang makarinig nang malalakas na sigaw. Tumayo siya saka nilapitan ang kuya niya sa kabilang silid. Namimilipit ito sa sobrang sakit na tila naghihirap na sa kalagayan nito.
“Kuyaaaaa!

SEPTEMBER 2010 - Lumipas ang mga araw subalit hindi naging hadlang kay Junjun ang pagsusulat. At dahil kabisado niya ang kupasing keyboard ay nagagawa pa rin niyang maisulat ang nasa loob ng kanyang imahinasyon. Si Mimi ang nagiging editor niya sa mga kamalian niya.
“Wow, ang galing naman ng papa love ko. Hmmm! Mukhang kabisado mo na ang keyboard at wala nang tinginan sa screen ah.” Bahagya siyang napangiti nang makita ang reaksyon nito.
“Kaw talaga! Loloko mo ko…. Talagang walang tinginan kasi no eyes ako….”
“Anong wala? Diba sabi ko sa’yo ako ang iyong mga mata?”
“Oo naman! kaya pasuyo naman pa edit na lang kung may mali,” tugon nito na kasunod ang isang ngiti.
“Ikaw pa, papa love. Congrats ha, best seller ka raw.” Napasigaw ang binata sa ibinalita niya, kung tutuusin hindi pa niya sinasabi na mapa-published na ang bagong nobelang isinulat nito. Isang nobelang likha ng isang bulag na manunulat.
Tumigil sa pagtitipa ang papa love niya. Niyakap siya nito saka pinahiga sa kama.
“Siguro, panahon na para gawin na natin si Baby Love.”
“A-ano? Ikaw talaga kung anu-ano pumapasok sa kukote mo.”
Napanganga siya nang maghubad ito ng damit hanggang sa wala na itong saplot sa katawan. Lumapit siya saka hinimas ang mukha nito. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga. Bumaba ang kanyang kamay hanggang sa marating nito ang matipuno nitong dibdib.
Gumapang naman ang mga kamay ng binata sa buo niyang katawan. Subalit mas makapangyarihan ang dila nito na tila bumabaon sa kanyang pagkatao.
Mainit
Umaapoy
Ang bawat minutong nararamdaman niya ang bigat ng lalaki. Mayamaya, tumigil ito na tila nahihirapan sa ginagawa.
“O, bakit ka tumigil?”
“May problema!”
“Ha? Ano?” Naramdaman niya ang isang bagay na tila gustong pumasok sa kanyang sinapupunan.
Napangiti ang papa love niya habang namumutla ang mukha nito. “Mama love, baka hindi mabunot?”
Napanganga siya sa sinabi nito. At halos mapasigaw siya nang matauhan sa sarili. Isa siyang babaeng pilipina na dapat lamang mag-alay ng pagkaberhen kung ikinasal na siya.
“O hindeeeeee!”
“Joke lang! Kaw naman…. “
Halos hampasin niya ang mukha nito sa pagbibiro nito. Tumayo siya saka muling nagbihis.
“O, nasaan ka na? Paano ako? Kala ko ba game ka na?”
“Anong paano? Hay naku Mr. Jun ikiskis mo na lang yan sa kaldero.”
“Wawa naman ako!” sambit nito na tila nagsisi pa sa ginawang biro nito. “Sayang! Sana di na ako nagbiro.”

SUMASABAY sa pagbuhos ng ulan ang pagluha ni Catherine. Nasa harapan niya ang wala ng buhay na kapatid. Kanina lamang ay namamaalam na ito sa kanya.
“C-cat, ‘pag namatay ako ibigay mo ang organ ko sa mga nangangailangan nito.”
Muli siyang napaiyak nang maalala ang huling habilin nito. Kumuno’t ang noo niya. Kanino niya ibibigay ang mga mata nito? Nahagip niya ang limang libro  na nabili niya. Napangiti siya. Kinuha niya ang isang libro saka binuklat ito.
Salamat sa suporta!
Papa Love

Napangiti siya, at isang katanungan ang bumalot sa kanyang isipan. Siya si Sweet Girl, kailan siya magpapakilala sa iniidolong manunulat.
“Papa love, makakakita ka nang muli. Love na love kita!” Hinalikan niya ang libro saka nagpaikot-ikot sa loob ng kanyang silid.
“Papa love, papa love, I love you!”


No comments:

Post a Comment