Part XI
Lalong tumibay ang pag-iibigan namin ni Leslie. lahat ginawa ko para lumigaya siya sa piling ko. lahat din ay ginawa ni Leslie para maging masaya ang takbo ng relasyon namin at patuloy pa rin ang pagtuturo niya sa akin.
"Very good!" malakas na sabi ni Leslie habang kinukurot ang pisngi ko.
"Tama na..nasasaktan na ako hahahahaha!" Sabay iwas sa mga kamay ni Leslie na akmang kukurot sa aking pisngi.
"Alam mo Joe ang bilis mong matuto, kaylan lang hindi ka pa marunong magbasa at magsulat pero ngayon ang galing galing mo na." napayakap sa akin si Leslie at nagtama ang aming mga mata.
"Alam mo ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbabago sa aking buhay.. ginawa kong matuto para sayo..." mahina kong sabi kay Leslie.
"Natutuwa ako Joe...natutuwa ako para sayo."
"Talaga!" masigla kong sabi.
"oo nga ang kulit mo naman, maligo ka na kaya?."
"Sige sabi mo eh, gusto mo sabay na tayo." Sabay yakap kay Leslie.
"Loko ka talaga! Heto bagay sayo umpppp." Sabay hila sa balahibo ko sa binti.
"Aray...array hahahahahah" patawang sigaw ko sabay iwas sa mga kamay ni Leslie.
"Maligo ka na... mahingal hingal na sabi ni Leslie sabay pigil sa pagtawa.
"Bakit mabango naman ako ah.."
"Mabango ka diyan.. ang lagkit lagkit mo kaya.." sabay tawa ni Leslie habang inaamoy ako.
"Ah ganun..." sabay hawak ko sa baywang ni Leslie para bigyan siya ng isang kiliti.
"Ay... ano ba tama na..." Malakas na sigaw ni Leslie habang pinipigilan ang sarili na matawa.
Niyakap ko si Leslie nang mahigpit at akma ko siyang hahalikan..
"Ligo ka muna..." agad ni to sabi..
"Hmmm sige na nga.."
Agad akong naligo at hindi maalis sa aking isipan ang masasayang araw namin ni Leslie. Sa ilang araw na magkasama kami ay nakalimutan ko ang lahat ng problema. Kahit na alam kong malaking problema ang haharapin ko sa kalagayan ng Tatay.
Habang naliligo naisip kong kailangan ko nang umuwi sa bahay ni Kuya Caloy para matapos ko na ang mga naiwan kong trabaho.
Nanatili akong nakatira sa bahay ni Kuya Caloy. Masasabi kong isang anak ang itinuring niya sa akin. Lahat ng bagay na kailangan ko ay binibigay niya. Bukod sa sinasahod ko ay may mga extrang pera pa siyang binibigay. Kung tutuusin malaking pera na ang naibibigay sa akin ni Kuya Caloy at malaki ang naitulong nito para mabili ko ang mga personal kong pangangailangan at makatulong sa nanay para sa gastusin ng tatay. Minsan si Kuya Caloy na rin ang kusang nagbigay ng pera sa Nanay at nakita ko sa mga mata ng Nanay ang labis na kaligayahan sa pagtulong ni Kuya Caloy. Hinding hindi ko makakalimutan ang isang bagay na natuklasan ko.
"Tanggapin mo na ang tulong na binibigay ko." sabi ni Kuya Caloy kay Nanay habang inaabot ang perang nasa loob ng sobre. Alam kong gustong tanggihan ng Nanay ang alok ni Kuya pero wala ng nagawa ang Nanay. Hinawakan ni Kuya Caloy ang kamay ng Nanay at pilit na inabot ang perang nasa sobre.
"Caloy, salamat pero baka magalit si Ricardo kapag nalam-" hindi na naituloy ni Nanay ang sasabihin dahil niyakap siya ni Kuya. Nagulat ako sa ginawa ni Kuya Caloy pero naiisip ko baka yakap iyon ng isang kaibigan.
"Past is past....kalimutan na natin ang nakaraan." natulala ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. Alam ko ang ibig sabihin ni Kuya Caloy kahit hindi niya masyadong nabanggit. Pumasok sa aking isipan na minsan sa kanilang buhay ay may nakatagong nakaraan.
Hindi ako mapalagay sa mga araw na iyon at pinilit ko ang Nanay na magtapat sa akin. Tinanong ko siya kung sino si Kuya Caloy sa buhay niya. Matagal nakasagot ang Nanay gustong umiwas sa mga titig ko pero hindi ako pumayag inalam ko ang totoo.
"Si Caloy ang unang kasintahan ko pero nilihim ko iyon sa tatay mo. Nalaman lang niya ang nakaraan namin ni Caloy noong pinanganak kita." sa sinabi ng Nanay naguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Joe mamaya mo na tapusin 'yan." nagulat ako sa boses ni Kuya Caloy. Kanina pa pala niya ako tinatawag habang iniisip ko ang nanay.
"Kuya mukhang may lakad po kayo? Saan ba ang lakad?'
Nakita ko sa mga mata ni Kuya Caloy ang kalungkutan.
"Sa Iloilo ang punta ko malakas ang bagyo noong nakaraang araw buti na lang at walang bagyo dito sa atin. Nasira kasi ang ibang pananim at may aayusin pa ako."
Natahimik ako ng biglang may iniabot sa akin si Kuya Caloy. Isang long size brown envelop ang iniabot sa akin.
"Kuya ano po ito? At bakit niyo-"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang hinila ako ni Kuya Caloy papunta sa isang tabi para maupo.
"Alam mo Joe masyado nang marami akong negosyong hawak at sa edad kong ito aaminin kong nahihirapan na akong asikasuhin ang lahat ng pagaari ko."
"Kuya...." Tanging nasambit ko.
"Joe itago mo 'yan..mahalagang papeles ang laman ng envelop na ito." Sabi ni Kuya habang hinawakan ang envelop na hawak ko.
"Sige po Kuya, huwag po kayong magalala itatago ko po ito."
Tumayo si Kuya Caloy at isang buntong hininga ang pinakawalan.
"Joe, anak na ang turing ko sayo.. "
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Kuya Caloy at tuluyan na itong lumuwas ng Iloilo. Sakay si Kuya Caloy ng isang private taxi.
Itinago ko ang envelop sa aking aparador. Sinigurado kong magiging maayos ang pagkakalagay nito. Naka tape ang envelop marahil para hindi mabuksan agad.
"Ano kaya laman nito?" tanong ko sa aking sarili.
Lumabas ako ng kwarto at napansin kong dumidilim ang paligid.
"Wala namang bagyo dito, siguro uulan lang." Naalala ko tuloy si Kuya Caloy. Malamang nasa biyahe pa ito.
"Baka may bagyo pa sa Iloilo? Sana wala na.." tanging nasambit ko.
Malakas ang buhos ng ulan. Malakas ang bawat kulog na aking naririnig parang nagbabadya ng panganib. Minabuti kong bumangon sa kamang kinahihigaan ko. Napatingin ako sa orasan at nalaman kong alas dos na pala ng madaling araw.
"Sana tumigil na ang ulan.."
Parang sinunod ng langit ang aking panalangin. Unti unting humihina ang bawat pagpatak ng ulan..Ang mga kulog na kanina ay parang galit na galit ngayon ay hindi ko na naririnig.
Bumalik ako sa aking higaan at minabuti kong matulog muli.
"Ahh..."
Hindi ako makatulog. Naisip ko ang Nanay at ang tatay.
"Mamaya dadalawin ko sila." Tanging nasambit ko habang yakap yakap ang aking unan.
7:00 AM
Bumilis ang tibok ng puso ko habang binubuksan ko ang gate ng bahay. Hindi alam ng nanay na dadalaw ako. Naabutan ko ang nanay na mag-isa sa salas.
"Nay!." Agad na niyakap ako ng nanay.
"Joe, Buti dumalaw ka..."
"Nay!.....?"
"Anak, mareremata na ang bahay isang buwan na lang ang palugid natin, si Eric hindi na umuuwi, ang tatay mo muling inatake, pero 'wag kang mag alala okay na siya ngayon at nagpapahinga na."
"Nay, 'wag po kayong mag alala narito lang ako." Napaluha ako habang niyayakap ko ang nanay. Naiiyak ako dahil naaawa ako sa kalagayan ng Nanay. Hinaplos ko ang likuran ng Nanay. Gusto kong kumalma siya sa kanyang kalungkutan.
"Nay huwag po kayong magalala gagawa ako ng paraan.. Baka pautangin tayo uli ni Kuya Caloy o di kaya magtratrabaho ako sa ibang negosyo niya at..."
"Joe, nahihiya na ako sayo at pati na rin Caloy." pagputol ng Nanay sa sasabihin ko.
"Nay kapag nawala ang bahay wala na tayong mapupuntahan."
"Anak hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Nay babalik ako.. gagawa ako ng paraan para di tayo mapaalis sa bahay na ito."
Hinalikan ko ang Nanay at agad akong nagpaalam. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan ang bahay. Ang bahay na siyang alaala ko sa aking nakaraan. Isang bahay na nagging saksi sa lahat ng pinagdaanan namin.
"Tay, hindi ko kayo pababayaan at hindi ako papayag na mawala ang bahay na ito." Bulong ko sa aking sarili at tuluyan na akong umuwi sa bahay ni Kuya Caloy.
Isang linggo na ang nakakaraan ay hindi pa rin umuuwi si Kuya Caloy. Marahil naging abala ito sa negosyo sa Iloilo. Hinihintay ko ang kuya dahil may plano akong humiram ng malaking halaga kahit sa kanya ko na isanla ang bahay namin kapag natubos niya ito.
Tok! Tok!Tok!
Natigilan ako sa katok na narinig ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Isang lalake ang tumambad sa aking harapan. Pormal ang kasuotan at pumasok sa aking isipan na para isang abogado.
"Ako si Atty. Marcelo."
Hindi nga ako nagkamali. Isang abogado nga ang nakatayo sa aking harapan.
"Ha...ba-bakit po?" takang tanong ko sa kaharap ko.
Pinatuloy ko si Atty. Marcelo at kami ay naupo. Seryoso ang mukha nito.
"Ikaw si Joe, diba?"
"Opo!"
Huminga ng malalim ang aking panauhin.
"May nangyari kay Mr. Carlitos Nueva sa Iloilo.. Hindi mo na nalaman dahilan sa hindi ka kilala ng mga kaibigan nito. Alam nilang byudo ang matanda at nagiisang anak lamang. Ang mga pinsan nito ay nasa ibang bansa na rin. Nailibing na rin ang Kuya Caloy mo."
Ano pong ibig ninyong sabihin?"
Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang isang bagay na pumapasok sa aking isipan.
"Patay na si Mr. Nuevo!"
Napaluha ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. Ayaw kong paniwalaan.
"Hindi!"
Tumayo ako at lumapit sa bintana. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Tumayo si Atty. Marcelo at lumapit sa akin.
"Tinamaan siya ng lumilipad na yero habang naglalakad sa pinyahan."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang may bumara sa lalamunan ko.
"Usap usapan ngayon sa Iloilo kung saan mapupunta ang ari-arian nito..lingid sa kanilang kaalaman na may pagmamanahan ang lahat ng ari arian ng matanda."
"Ano pong ibig ninyong sabihin..?" napatingin ako kay Atty. Marcelo.
"Ayon sa kanyang huling testamento ang tagapagmana ay isang taong malapit sa kanya. Isang taong may hawak ng isang envelop.
Agad kong naalala ang envelop na binigay sa akin ni Kuya Caloy.
"Kopya 'yun ng mga titulo ng lupa at iba pang ari-arian nito. Joe ikaw ang tagapagmana.."
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Natigilan ako.
"Ako na ang bahalang mag-asikaso sa lahat lahat." Agad na sabi ng abogado.
Isang oras na ang nakakalipas. Wala pa ring patid ang mga luhang dumadaloy sa aking mata. Ang nararamdaman ko ay kalungkutan.
"Tagapagmana?"
Naalala ko ang envelop na binigay sa akin ni Kuya. Agad kong kinuha ito sa aparador na pinaglagyan ko.
Mga papeles ang laman nito at nabaling ang atensyon ko sa isang cassette tape na nakita ko.
Isang recording tape.
Agad ko itong isinalang sa sterio para mapakinggan ang laman nito. Hindi ko alam kung boses ni Kuya Caloy ang maririnig ko o isang awitin.
Boses ni Kuya Caloy ang aking narinig.
"Joe, anak na turing ko sayo. Kahit di tayo magkadugo malapit ka sa akin."
Napaluha ako sa aking narinig.
"Wala na akong ibang kapamilya.. Solong anak lang ako. Ang mga kamag anak ko ay mayayaman na sa ibang bansa. Pagdating ng araw... wala akong paglalaanan ng lahat ng pinaghirapan ko.."
Napaupo ako sa sahig habang ang mga kamay ko ay nakatakit sa aking mukha.
"Masaya ako at nakasama kita. Sana naging anak na lang kita. Sana ikaw ang anak ko..... Alam ko lahat ng pinagdaanan mo.. mabait ka... alam kong sayo nararapat ang lahat ng pinaghirapan ko."
"Kuya Caloy...."
"Kung may mangyari man sa akin.. sayo ko lahat iiwan ang mga pag aari ko.. ang mansion.. ang mga lupain sa Iloilo, Cagayan De Oro, Cebu at ilang ari arian ko sa Davao"
Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Para akong isang batang nanaginip ng isang pantasya. Isang panaginip na ayaw ko ng magising.
Sa paglipas ng mga araw ay agad na naayos ang mga ari arian ni Kuya Caloy. Sa tulong ni Atty. Marcelo agad itong nailipat sa aking pangalan.
"Baka anak ni Kuya Caloy!"
Mga haka hakang naririnig ko mula sa mga matalik na kaibigan ni Kuya Caloy. Napapangiti lamang ako. Hindi na ako sumasagot sa tanong nila. Paniwalaan na nila ang kanilang paniniwala.
Ang totoo pumapasok sa aking isipan na sana si Kuya Caloy na lang ang aking tunay na ama.
Natigilan ako...
Nag-isip ng malalim..
"Kung hindi si Tatay Ricardo ang tatay ko sino?"
Kinabukasan hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Isang malaking bahay. Parang isang palasyo. Hindi ako makapaniwala na ang isang malaking bahay dito sa Bayan ay pagmamay ari ni Kuya Caloy... na ngayon ay pag mamay-ari ko na.
Naalala ko ang Nanay. Natubos ko na ang bahay pero pumasok sa aking isipan na iuwi ang Nanay sa bago naming tahanan. Natuwa ako sa magandang resulta sa kalusugan ng tatay. Lahat ng pangangailangan niya ay ako na ang gumastos. Si Eric naman ay minsan lang umuwi sa bahay.
"Ano? Hindi pwede!" matigas na sabi ng tatay.
"Ginagawa ko ito para sa inyo." Napatingin ang tatay sa sinabi ko.
"At saan mo kami dadalhin sa tabing dagat ha...." Tumalikod na lang ako at lumabas ng kwarto. Naiwan ang nanay at siya ang kumausap sa tatay.
Hindi alam ng nanay kung saan ko sila dadalhin sa isip niya sa maliit na apartment na tinitirhan ko. Nabalitaan din kasi sa Bayan ang pamana sa akin ni Kuya Caloy. Pero sa kaalaman ng lahat ay konting halaga lang dahil lingid din sa bayan ang iba pang ari arian ng matanda.
Kaya sa araw na dinala ko sila ng tatay sa bago naming tahanan.
"Anak totoo ba to? Sa-yo ba talaga tong bahay na to? Anak mayaman ka na...." Napayakap ang nanay sa lubos na kaligayahan. Ang tatay ay nanatiling nakaupo sa wheelchair at walang kibo.
"Simula sa araw na ito dito na po tayo titira nay!" masayang sabi ko sa nanay.
Naging masaya ang pagsasama namin ng nanay. Ang tatay naman ay binigyan ko ng private nurse. Si Eric naman ay walang kaalam alam sa mga pangyayari dahil hindi pa nakakauwi ng bahay. Masasabi kong ibang iba na ang pamumuhay namin. Kumuha na rin ako ng Private Tutor ko at pinilit kong matuto.
Ngayon ibang iba na ang katayuan ko sa buhay. Hindi na ako ang isang Joe na walang alam. Natuto akong humarap sa tao at makipagusap ng tama. Mayaman man o mahirap. Isang lalakeng may maipagmamalaki na.
Kahit si Leslie ay hindi makapaniwala sa pamanang nakuha ko.
"Talaga! ang bait ni Kuya Caloy.." masayang sabi ni Leslie
Pinagmasadan ako ni Leslie.
"Ang laki ng pagbabago mo Joe..sana hindi ka magbago sa akin.."
Niyakap ko si Leslie at
"Hinding hindi magbabago ang pagibig ko sayo."
Lalong tumibay ang samahan namin ni Leslie. Pakiramdam ko wala na akong hihilingin pa.
Sa bago naming tahanan ay minabuti kong ibigay lahat ng pangangailangan ng Nanay at sa kalagayan ng tatay ay minabuti kong huwag lapitan o kausapin man lang. Umiiwas ako sa mga awayang maaring mangyari sa amin. Akala ko matitiis kong huwag lapitan ang tatay pero siya rin ang gumawa ng hakbang para magkaharap kami.
"Sir," tawag sa akin ng nurse ng tatay. Nakita kong tulak niya ang wheelchair ng tatay. Sumenyas ang tatay sa nurse na iwanan na niya kami.
"Gusto kong tumira dito si Eric...." Mahina pero buong sabi ng tatay.
Napahinga ako ng malalim at lumapit sa tatay.
"Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ganyan pa rin kayo...anong meron si Eric na wala ako... ako na narito para sa inyo...oo...kung hindi niyo tunay na anak ay hindi na mahalaga sa akin....pero tinuring ko kayong higit pa sa tunay na pamilya..."
Napayuko ang tatay sa nasabi ko.
"Tay, hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilyang 'to, hindi ko pwedeng iwan ang nanay......hindi ko kayo pwedeng pabayaan... dahil tatay ko kayo...."
Hindi ko na nakaya kaya tumalikod ako sa tatay at naglakad palayo sa kanya. Lingid sa kaalaman ko unti unting umaagos ang luha ng tatay.
Noong una akala ko matitiis ko ang kahilingan ng tatay pero nagkamali ako. Minabuti kong hanapin at patirahin si Eric sa bahay.
"Wow! Ang ganda... ang laki... sabi ko na nga ba marami pang pera ang tatay..." masayang sabi ni Eric na siyang kararating lang.
Napatingin ang nanay sa akin at mababakas ko sa mga mukha ni Eric ang lubos na kaligayahan.
"O, narito ka pa pala... ano ginagawa mo dito? Siguro gusto mo lang tumira sa maayos na bahay.."
"Anak...." Bigkas ng nanay
"Bakit Nay? Aampunin niyo pa ba ulit ang anak niyo sa labas..?"
"Anak, tayo ang nakikitira.." mahinang sagot ng nanay.
"Anong ibig ninyong sabihin?" takang tanong ni Eric. Nakita ko sa mga mata ni Eric ang labis na pagka gulat sa sinabi ng Nanay.
Lumapit ako kay Eric at nagkaharap ang aming mukha.
"Ako lang naman ang may ari ng bahay na ito... ako lang naman Eric.."
"Ano?" gulat sagot ng kapatid ko.
"Anak, totoo kaya nakikiusap ako sayo maging mabait ka na."
"Narito ka dahil sa kahilingan ng tatay mo na maparito ka.. " yun lang ang nasabi ko kay Eric at iniwan ko na sila ng nanay.
Tumira si Eric sa bahay ngunit bihira kaming magkita. Minabuti kong hayaan na lamang ang nanay sa pagdidisiplima kay Eric.
Akala ko noon na magiging maayos na lahat ngunit nagkamali ako.
"Anak, ang kapatid mo...." Maiyak iyak na sabi ng nanay sa akin sa telepono.
"Bakit Nay? Narito ako ngayon sa bahay nina Leslie. Ano na naman ba nagyari sa anak niyo.? Agad na sagot ko sa nanay.
"Nasa kulungan siya anak..tulungan natin ang kapatid mo."
Hindi ko na inalam ang dahilan kung bakit pa nakulong ang kapatid ko. Minabuti namin ni Leslie na puntahan sa presinto ng bayan si Eric.
"Laya ka na!" tawag ng pulis kay Erick. Paglabas ni Eric agad niya akong nakita.
"O bakit mo ko tinubos diba heto naman talaga ang gusto mo... ang makulong ako..." malakas na sabi ni Eric sabay labas sa bilangguan.
Hinabol ko si Eric kasunod ni Leslie.
"Eric sandali!" huminto si Eric at hinarap ako.
"Alam mo..sana di mo na ko tinulungan dahil baka ikaw ang patayin ko..alam mo ba kung bakit ako nakulong dahil sayo..."
"Eric...'di kita maintindihan..."
"Nakulong ako dahil maramot ka...konting halaga lang di mo pa mabigay...."
Hindi ako makasagot sa sinabi ni Eric. Agad itong tumakbo palayo sa amin ni Leslie. Agad kong naalala ang malaking hinihingi ng nanay para daw kay Eric. Tumutol ako sa gusto ng nanay ng bigyan ng pera si Eric para daw sa isang negosyo. Alam ng nanay na hindi ako naniniwala.
"Joe, halika na...hayaan mo na ang kapatid mo. Bayaran mo na lang kung magkano ang mga pinagkautangan niya."
"Bayaran? Kapag ginawa ko yun lalo lang lalaki ang ulo ng lalakeng un..."
"Pero kapatid mo siya..malay mo un na lang ang problema niya pagkatapos nun wala na...'
"Leslie..."mahina kong sagot
"Bakit joe? May problema ba?"
"Samahan mo ko sa bahay...parang may nararamdaman akong kakaiba..."
Malakas ang pakiramdam ko na pupunta sa bahay si Eric. Pakiramdam kong may isang bagay na mangyayari.
Mabilis ang mga hakbang ko habang papalapit ako sa bahay. Kahit si Leslie ay nahirapang habulin ako. Hindi ako nagkamali sa hinala ko naabutan kong nagtatalo ang nanay at si Eric.
"Eric akin na ang pera para 'yan sa gamut ng tatay mo.." malakas na sabi ng nanay habang hinihila kay Eric ang bag nito.
"Putang ina na gamut na yan... sana nga mamatay na ang matandang yan...." Sigaw ni Eric na siyang paglabas ng tatay sakay ng wheelchair.
"Yan nakikita mo ba yang matanda na yan.. wala ng silbi yan..." sabi ni Eric na ngayon ay tagumpay na hawak ang bag. Naalala ko ang bag na pinaglagyan ng nanay ng pera, pera na sana ay budget nila sa isang buwan. Alam kong isang daang libong piso ang binigay ko sa nanay.
"Dapat sayo di ka na magpagamot..aanhin mo pa ang pera ha..." malakas na sabi ni Eric sabay bukas sa bag...
"Punyeta...nasaan ang pera.." pagkainis na sabi ni Eric sa pagkakakitang puro resibo ang laman ng bag.
Napatingin si Eric sa nanay at agad niya itong nilapitan..
"Nasaan ang pera?" galit na tanong ni Eric sa nanay.
"Anak hindi ko alam...?"
"ahhhhhh!" sigaw ni Eric.
"Heto ba hinahanap mo?" lahat kami ay napatingin sa tatay. Nakita kong hawak ni tatay mula sa kanyang bulsa ang isang bundle na pera.
Lumapit si Eric sa tatay at tatangkaing agawin ang hawak na pera. Pero hindi ito binigay ng tatay kaya pinilit ni Eric na agawin ang pera at dahil sa agawang kanilang ginawa natumba ang wheelchair at pareho silang natumba ni Eric sa sahig. Lumapit ako sa tatay para tulungang makatayo. Si Eric ay agad na pinulot ang mga perang nakakalat sa sahig. Pareho kaming nagulat ni Eric ng pareho naming mapansing may nahulog na baril mula sa wheelchair ng tatay.
Agad ko tong akmang kukunin ngunit nauna ang kamay ni Eric na makapulot sa baril. Hindi ako pumayag na mapunta kay Eric ang barel kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya na may hawak na barel at pareho kaming nagpagulong gulong sa sahig.
"Anak! Tama na... tama na...." sigaw ng nanay habang inaalayan ang tatay.
"Napatingin ako sa nanay kaya nagkaroon ng pagkakataon si Eric na lubos na maagaw sa akin ang barel. Sabay kaming napatayo ni Eric.
"Ano? Lalaban pa kayo... lahat kayo walang silbi sa buhay ko..." sabay tutuk sa akin ang barel.
"Anak tama na! huwag maawa?" sigaw ng nanay..
Itinutok ni Eric ang barel sa nanay....sa tatay.... Sa akin.... At kay Leslie... parang tumigil ang mundo ko sa mga pangyayari.. Doon ko lamang napansin si Leslie na nakatayo malapit sa pintuan. Luhaan at inaabangan ang susunod na pangyayari.
Bang!
Malakas na putok ng barel
"hahahahaha" malakas na sigaw ni Eric..
"Ano natakot kayo no? matawang tawang sigaw ni Eric habang pinagmamasdan ang balang tumama sa sahig.
"Hayop ka!" malakas kong sabi sabay takbo kay Eric. Pilit kong inaagaw ang barel na hawak niya. Isang sipa sa tiyan ang aking binitiwan dahilan sa mapayuko si Eric ngunit hawak pa rin niya ang barel kaya agad niyang itinutok sa akin. Lumakad palayo si Eric sa akin habang tinututok ang barel sa akin.
"Huwag! Malakas na sigaw ni Leslie...
"hahahahah! Ano yan lover's in paris ahhahaha gusto niyo kayong dalawa ang patayin ko..."
"Eric tama na....." ang nanay na lumapit kay Eric.
"Anak, bitawan mo na yan....nakikiusap ako sayo...." Maiyak iyak na sabi ng nanay. Hindi ko mapigilan ang maluha ng Makita kong lumuhod ang nanay sa harapan ni Eric..nakikiusap...nagmamakaawa.
"Anak......"
"Ahhhhh...hindi niyo ko anak...." Sigaw ni Eric.
Nagulat ako sa sinabi ni Eric. Hindi ko alam kung totoo ang narinig ko.
"Hindi mo ko anak...sabihin mo... alam ng tatay yun... anak ako sa ibang babae ng tatay......."
Lumingon sa akin si Eric
"Alam mo ba kung bakit galit na galit ako sayo...dahil ang totoo anak ka ng tatay sa nanay mo....ang totoo ako ang saling pusa sa pamilyang ito."
Bumalik ang tingin ni Eric sa Nanay. Naglilisik ang mga mata nito.
"Hindi ako ang tunay mong anak... dahil ang anak mo.... Isang sintu sintu....."
"Hindi.. ikaw ang anak ko...." Mahinang sabi ng nanay.
"Bakit di mo tanungin ang magaling mong asawa na pinagpalit ako sa tunay mong anak....dahil sa gusto niya akong makasama. Alam ng tatay na sa una pa lang sira ulo na ang anak mo... "
Napatingin ang nanay sa tatay. Agad na lumapit ang nanay hinarap ang tatay.
"Totoo ba? Totoo ba?" napatango ang tatay tanda ng katotohanan.
Hindi nakapagsalita ang nanay at isang malakas na sampal ang binigay sa tatay.
Pak!
"Ang tagal kong nagtiis sayo...sa lahat lahat...bilang asawa mo.... Kahit na ayaw mo akong paniwalaan na anak mo si Joe...anak mo siya..." pasigaw na sabi ng Nanay. "Ngayon malalaman ko na ikaw ang nanloko sa ting dalawa...Sino ang tunay kong anak... sino....?"
"Patawarin mo ko....binenta ko ang anak natin sa kaibigan kong hapon." pilit na sagot ng tatay kahit ito ay nahihirapan. "Anak ko si Eric sa ibang babae..." Sa nasabi ng tatay natigilan ang nanay.
"Leche puro kayo drama..." sigaw ni Eric... natigilan kaming lahat... nakatutok ang barel ni Eric sa akin..
"Alam mo tapusin na natin to... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito... alam mo lahat ng pagmamahal ng nanay nakuha mo... alam mo ba kung bakit ako nagkaganito dahil mula noon alam kong hindi ako member ng pamilyang ito... ang tatay lang ang kadugo ko... alam mo ba kung sino kapatid mo... alam mo ba kung sinooooooo.... Si brock....."
Brock.....
Brock.....
Paulit ulit kong narinig ang pangalan ni Brock. Hindi ako makapaniwala.
"Ayaw ng tatay sa mga anak niya sa nanay mo dahil pareho kayong mga mang-mang." malakas na sabi ni Eric kasabay nang malakas na pagtawa.
Buong tapang na itinutok ni Eric ang barel sa akin. Pareho kaming nagkatinginan. Parang tumigil ang mundo ko sa mga pangyayari.
"Mamatay ka na! ahhhhhh!" sigaw ni Eric sabay putok ng barel
Bang!
Malakas...nakakabinging putok ng barel ang aking narinig. Nakita ko si Leslie habang gulat na gulat.. ang Nanay lumalapit sa kinalalagyan ko. Si Eric na parang natulala....
Ang tatay...ang tatay na sapol ang dibdib...
"Tay!..."
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko..hindi ako makapaniwalang sasaluhin ng tatay ang balang para sa akin.. nakita ko ang pagtakbo ng tatay sa aking harapan nang pinaputok ni Eric ang barel. Inubos ang kanyang natitirang lakas para lamang iligtas ang aking buhay.
Lumapit ako sa tatay na nakabulagta sa sahig. Unti unti akong lumapit. Nakita ko ang tatay na sapol ang dibdib.. hinahabol ang paghinga..
"Tay...." Niyakap ko ang tatay...
"Tay... huwag niyong isipin na hindi kayo nagging malapit sa akin...mahal na mahal ko kayo kahit na di nyo ko itinuring na anak....tay...." niyakap ko ang tatay at di ko alintana ang dugong dumumi sa aking katawan.
"Aa-lam kong m-ming kasala-nan ko sa---u.... patawarin---mo ako.... Anak....." kasabay nang pagpikit ng mata ng tatay ang mga alaalang bumalik sa aking isipan... Anak...." kay sarap pakinggan ang katagang anak... katagang ngayon ko lang narinig mula sa tatay.
Niyakap ko ang tatay. Mahigpit na mahigpit.....
"Tayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!"
Hindi ko na napasin ang pag-akyat ng mga pulis sa bahay. Di ko rin napasin ang paghuli kay Eric at pagbalik nito sa kulungan. Ang tanging nakikita ko ay ang tatay....
Sana hindi naging ganito ang sinapit ng pamilya ko....
Sana hindi naging ganito ang sinapit ng tatay...
Sana hindi na lang.........
Makatapos ng mga pangyayari ay minabuti namin ng nanay na ibenta ang lumang bahay namin. Si Eric naman ay nanatiling nakakulong sa presinto ng bayan. Nalaman din namin na lulong sa pinagbabawal na gamot si Eric. Mahirap kalimutan ang pangyayari pero naging matatag ako. Alam kong hindi pa huli ang lahat para sa amin ni Nanay.
"Nay! Sana matahimik na ang tatay." Mahina kong sabi habang nagsisindi ng kandila ang nanay sa puntod ng tatay.
"Anak...kahit pa gaano kalaki ng kasalanan ng tatay mo sa akin... hindi ko na iniisip..mahal ko ang tatay mo...mahal na mahal...." Niyakap ko ang nanay.. alam kong mabigat pa rin sa kalooban niya ang mga nagyari sa aming pamilya.
"Nay, may pupuntahan tayo..." hindi na nakasagot ang nanay agad ko siyang inalalayang makalakad patungo sa pupuntahan namin. Hindi kalayuan ang lugar na pinagdalhan ko sa nanay.
"Anak, nasaan tayo..? takang tanong ng nanay ng mapansing tumigil kami sa isang nitso.."
"Nay...si Brock... alam mo nay.. noon pa man... hindi lang kaibigan turing ko sa kanya...kapatid...pamilya... pero hindi pumasok sa isipan ko na siya pala ang tunay kong kap---" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng makita kong hinaplos ng nanay ang nitso ni Brock.
"Anak patawarin mo ko...kung alam ko lang...kung alam ko lang...." maiyak iyak na sabi ng nanay.
Dalawa na lang kami ni Nanay ang nanirahan sa bahay. Noong una masakit pa sa kalooban ng nanay ang pagkamatay ni Brock. Hindi niya matanggap ang ginawang pagpapalit ng Tatay sa dalawang bata na si Brock pala ang tunay na anak at si Eric ay anak sa ibang babae. Ako ay tunay palang anak ng Tatay.
Binigyan ko ang nanay ng isang negosyo. Buy and sell business ang naisip ko. Doon ko nakitang Masaya ang nanay..parang nakatulong sa kanya ang negosyo. Kahit papaano nakakalimutan ang mga napagdaan sa buhay.
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakapolo shirt ako na blue na siyang pinarisan ko ng blue jeans na pantalon. Napansin kong hindi pa rin kumukupas ang taglay kong kagwapuhan. Masaya akong lumabas ng kawarto at naabutan kong naghahain ng hapunan ang nanay.
"O mukhang may lakad ka?" masayang bati sa akin ng nanay.
"Nay aalis lang po ako..huwag po kayong magalala babalik ako.. susunduin ko lang si Leslie..."
"Tamang tama.. nagluto ako.. dalhin mo sya dito anak para naman makapag-usap kami." Tugon ng nanay.
Nagmadali akong sumakay ng kotse patungo sa bahay nina Leslie at habang nasa daan ako ay iniisip ko na kung ano ang magandang lugar na pwede naming puntahan. Ngayon na ang tamang panahon para yayain ko nang magpakasal si Leslie. Alam ko sa aking sarili na handa na akong magkaroon ng sarili kong pamilya.
Natigilan ako nang mapansin kong may nakaparadang kotse sa harap ng gate nina Leslie.
Inihinto ko ang sasakyan at bumaba ng kotse. Dahil sa bukas ang gate minabuti kong pumasok na lang.
"Siguro dumating na ang kuya ni Leslie.." bulong ko sa aking isipan."
Malapit na ako sa harapan ng bahay nina Leslie nang makita ko siyang may kausap na lalaki.. pero hindi ang kuya ni Leslie.. madilim ang paligid na kinatatayuan ko sa dahilang hindi agad ako makikita. Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko si Leslie...bumilis ang tibok ng puso ko habang kinikilala ko ang lalaki at hindi ako nagkakamali....
"Justin........." malakas na sabi ni Leslie.
"Look...umalis ka ng states at dito ka lang pumunta... Leslie were getting married at ayos na ang lahat para sa ating kasal..."
Natigilan ako sa aking narinig.. hindi ako makapaniwala... minabuti kong lumakad na lang pabalik ng sasakyan. Ngunit huli na natapakan ko ang isang lata dahilan sa mapansin ako ni Leslie.
"Joe...." Tawag sa akin ni leslie...
Nakalabas na ako ng gate nang hinabol ako ni Leslie.
"Joe magpapaliwanag ako....." mahinang sabi ni leslie
Tinitigan ko si Leslie. Nagtama ang aming mga mata.
"Magpapakasal kayo? "
Hindi nakasagot si leslie.
Lumapit sa amin si Justin.
"I got a news na biglang pagyaman mo. You look good..you look deffirent... nagmukha ka ng tao.. Joe... ikakasal na kami ni Leslie... palayain mo na siya..."
Natauhan ako sa sinabi ni Justin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nakasakay na sa aking kotse. Mabilis..matulin...wala akong nakikita kundi ang mukha ni Leslie...
"Bakit ka nagbalik.....bakit...." tanging nasambit ko..
"ahhhhhhhh! Biglang hinto ng aking sasakyan. Napasandal ako sa aking upuan habang hawak ang manibela ng kotse.
"Leslie.....mahal na mahal kita....." kinuha ko ang isang maliit na box mula sa aking bulsa. Mula doon kinuha ko ang isang singsing... singsing na para kay Leslie.. singsing para sa aming kasal.
Matagal akong natigilan..walang kibo...naramdaman ko na lamang ang muling kambyo ko sa manibela..mabilis ko tong pinatakbo... pabalik sa bahay ni Leslie.
"Hindi ako papayag....akin ka lang Leslie.. hanggang hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo ko mahal...." Mahinang sabi ko sa aking sarili.
Pinarada ko ang kotse sa likod ng kotse ni Justin. Mabilis akong pumasok sa kanilang bakuran... sa pagpasok ko agad kong binuksan ang pintuan ng salas nina Leslie.
"Joe...!" sambit ni Leslie
Nagulat ako sa aking naabutan... naabutan kong masayang nagkwekwentuhan ang tatay, ang kuya at ibang kamag anak ni Leslie. Naabutan kong magkatabing nakatayo sina Justin at Leslie. Habang umiinom ng wine si Justin.
"Anong ginagawa mo dito? Sambit ng kuya ni Leslie.
Hindi ko na pinansin ang ibang tao sa paligid. Ang aking nakikita ay si Leslie lamang.
"Diba..ako ang mahal mo....sabi mo...bumalik ka para sa akin.....Leslie mag-usap tayo...." Maluha luhang sabi ko kay Leslie
Lumapit sa akin ang kuya ni Leslie at tinulak ako sa dahilang mapasandal ako sa pintuan.
"Di ka ba talaga aalis ha... alam mo ba kung bakit nandito kami... bakit?... dahil aayusin namin ang church wedding ng taon.. dito mismo sa pilipinas..."
Pilit akong lumapit kay Leslie hindi ko na ininda ang kuya niya.
"Leslie hindi ka papayag diba? Sabihin mo lang sa akin na hindi mo na ako mahal... dahil ako mahal kita... Leslie please... sabihin mo lang.... "
"Umalis ka na...." mahinang sabi ni Leslie ngunit para sa akin ay isang napakalakas na kataga..
"Leslie...please magusap tayo..."
"Umalis ka na..." mahina pero buo na pagkakasabi ni leslie.
Dahan dahan akong lumakad patalikod..
Hindi ko na mapigilan ang mapaluha sa sakit na nararamdaman ko..
"Umalis ka na...." pasigaw na sabi ni Leslie.
Mabigat ang hakbang ang ginawa ko palabas sa bahay nina Leslie. Pakiramdam ko nawala ang lahat sa akin.
Walang direksyon ang kotseng minamaneho ko.. parang gusto ko ng mamatay sa mga oras na iyon. Pinarada ko ang kotse sa parke. At dahan dahan akong naglakad patungo sa tabing dagat
Sa tagal ng panahon na hindi ko pagpunta sa tabing dagat ay saka ko lang napansin ang malaking pagbabago. Wala na doon ang malaking bato na siyang tanging sandalan ko sa aking mga kabiguan. Napansin kong inayos ng gobyerno ang tabing dagat.. parang dagat sa luneta.. sementado...may mga upuan... may mga ilaw... napansin ko ang mga magkasintahang masayang naguusap habang nakaupo sa mga sementadong upuan.
Tumayo ako sa isang bakanteng sementadong upuan.. pinagmasdan ang dagat.. nilanghap ang sariwang hangin..
Habang pinagmamasdan ko ang dagat naalala ko ang nakalipas. Si Brock, ang tatay at ang mga pinagdaan ko... lahat nauwi sa kabiguan....
Kinabukasan
Tanghali na ako nagising medyo nakaramdam ako ng panghihina. Marahil sa tindi ng sama ng loob kay Leslie. Bumangon ako sa aking kama at binuksan ang bintana.
"Ah!" nasambit ko ng tumama sa akin ang sikat ng araw.
Nakita ko ang nanay habang nasa hardin at may kausap na matandang babae. Sa kanilang paguusap alam kong negosyo ang kanilang pinaguusapan dahilan sa maraming productong hawak ang nanay.
Napangiti ako dahil sa tuwa. Alam kong masaya na ang nanay sa pamumuhay namin ngayon.
Isinara ko ang bintana at naisipan kong mahiga muna. Mula sa aking kinahihigaan ay natanaw ko ang pocketbook na matagal ko ng hindi binabasa.
Kinuha ko ito mula sa aking cabinet at binuklat sa nakatuping pahina.
"Nagkabalikan na sina Lorilie at James"
Natahimik lang ako sa aking binabasa. Naiisip ko sana kami na lang ni Leslie ang nasa pocketbook.
Itinupi ko na ang pocketbook at tuluyan ko nang itinago. Sa pagbukas ko ng drawer ay nakita ko ang librong binigay sa akin ni Leslie.
Book of my life-Ang pamagat ng libro. Naalala kong hindi ko ito mabasa noon dahilan sa hirap pa akong magbasa sa wikang English.
Ngayon handa na ako para basahin ang libro. Sa pagbuklat ko ng libro napansin kong isa itong diary.
"The agreement between me and Justin...." Ang nabasa ko sa pahina. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at natuklasan kong bata pa sina Justin at Leslie ay pinagkasundo na sila ng mga magulang nito at malaki ang pagkakautang ng pamilya ni Leslie sa pamilya ni Justin.
Habang binabasa ko ang libro ay napaisip ako. Kailangang makausap ko si Leslie. Hindi ako papayag na makasal sila ni Justin.
4:00 PM
"Ikakasal na si maam Leslie.. ako nga ang flower girl..." pagmamayabang na sabi ni Kulet.
Natahimik ako sa sinabi ni Kulet.
"Kuya Joe, akala ko mahal mo si Maam Leslie.. bakit ka pumayag.." malungkot na wika ni Kulet habang umiinom ng juice drink. Naiisipan kong dalawin ang mga bata at makibalita na rin.
"Kailan ang kasal Kulet?"
"Bukas na daw...." Agad nitong sabi."
"Bukas?" gulat kong sagot
"Biglaan nga po alam mo ang ganda ng isusuot ko bukas at..." hindi na natapos ni Kulet ang sasabihin at bigla akong umalis ng San Mateo. Pakiramdam ko hinahabol ko ang oras.
Dumidilim na ang paligid. Nanatili akong nakaabang malapit sa gate nina leslie. Umaasa akong makikita ko siya. Napatayo ako sa aking kinauupuang semento ng biglang bumukas ang gate. Nagmadali akong lumapit sa gate at naabutan ko ang katulong nina leslie.
"Nasaan si Leslie?" agad kong tanong sa nabiglang katulong.
"Ha.. si maam lumabas na po doon po dumaan sa likuran...." Gulat nitong sagot.
Agad kong naalala na may daanan sa likuran nina Leslie.
"Saan siya pupunta?"
"Sa parke po yata kasi...." Di ko na tinapos ang sasabihin ng katulong at nagmadali kong tinungo ang parke.
Agad kong hinanap si Leslie. Umaasa akong makikita ko siya at hindi ako nagkamali. Mula sa kalayuan ay natatanaw ko si Leslie. Nakatayo malapit sa dagat. Malayo ang tingin waring may iniisip.
Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya.
"Leslie!....."
Lumingon sa akin si Leslie at nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
Lumapit ako para yakapin at hagkan ang isang babaeng pinakamamahal ko pero...
"Joe...hindi na pwede..." sabay iwas sa aking mga kamay.
"Leslie..magusap tayo... mahal kita.. alam kong pinagkasundo lang kayo ni Justin..."
"Oo tama ka... kaya hindi na pwedeng maging tayo..." mabilis na tumalikod si Leslie ngunit di ako pumayag. Agad ko siyang hinawakan sa balikat at pilit na iniharap sa akin.
"Sabihin mo lang sa akin na hindi mo ko mahal at titigil ako...." Nangungusap ang aking mga mata habang binibigkas ko ang mga katagang iyon.
Nanatiling walang kibo si Leslie.
"Leslie mahal kita... alam kong mahal mo ako... diba kaya ka nandito dahil sa akin... inaalala mo na dito ang alaala natin... "
"Joe, tama na.... "
"Mahal mo ba ako? Agad kong sabi.
"Joe tama na bitawan mo ako..." lalong humigpit ang hawak ko sa balikat ni Leslie.
"Mahal mo ba ako..."
"Hindi na...."
Nabitawan ko si Leslie sa sinagot niya sa akin. Alam kong hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Hindi na...." tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ni Leslie.
"Joe bukas na ang kasal ko... hindi na tayo pwede... "
Tumakbo si Leslie palayo sa akin. Nanatili akong walang kibo habang napaupo na lang sa buhanging kinatatayuan ko.
Ramdam ko ang sakit na waring pati ang dagat ay nakikiramay sa nararamdaman ko.
Hindi na ako nakatulog sa magdamag. Nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa labas ng tindahan ni Aling Nelia. Marahil dito ako dinala ng aking mga paa. Bumukas ang pintuan ng tindahan at laking gulat ni Aling Nelia nang makitang nasa labas ako at nakaupo sa semento.
"Joe, ano ginagawa mo diyan... mukhang nakainom ka.... Halika pasok sa loob." Agad nitong sabi.
Naalala kong uminom ako kagabi at dito nga ako napadpad sa tindahan ni Aling Nelia.
"O inumin mo." Sabay abot sa mainit na kape..
"Joe...wag mong sirain ang buhay mo.." agad nitong sabi na ikinagulat ko. Marahil nabalita na sa buong bayan ang pag-ibig ko kay Leslie
"Mahal na mahal ko siya...." Napasandal ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata.
"Alam ko.... Pero wag mong sirain ang buhay mo... ipaglaban mo ang pag ibig mo sa tamang paraan..."
"Alam kong mahal ka rin Leslie.." dugtong ni Aling Nelia.
"Mamaya na ang kasal...." Napatingin ako kay Aling nelia.
"Ayusin mo ang sarili mo at puntahan mo siya... kung mahal ka niya hindi niya magagawang magpakasal sa iba.."
Nagkaroon ako ng lakas ng loob at pag-asa sa sinabi ni Aling nelia. Nagmadali akong umuwi ng bahay para magbihis..
"Anak saan ka gal-" hindi ko na pinansin ang nanay na abala sa pagaayos ng mga produkto. Napatingin ako sa orasan 9am na ng umaga.. nalaman kong sa kabilang bayan pa magaganap ang kasalan. Agad akong nagbihis at bumaba ng hagdanan.
"Nay... ilang oras po ang biyahe papunta ng Marcelo Church.."
"ha... isang oras pa anak..." takang sagot ng nanay.
Matulin ang pagmamaneho ko. Hindi ko alintana ang mga nakakasalubong ko. Ang tanging nasa isip ko ay makahabol sa kasal ni leslie.
Beep...Beep...
Malakas kong busina.
"Lang yang buhay naman to... natraffic pa..." lalo akong naiinis ng mapansin kong 11am na ng umaga... alam kong nagsisimula na ang kasalan.
"Leslie...." Tanging sambit ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang simbahan ng Marcelino. Nakita ko rin ang kotseng ginamit sa kinakasal.
Agad kong inihinto ang kotse at patakbong pumasok ng simbahan. Mula sa pintuan ng simbahan ay tanaw ko si Leslie at Justin.
Natigilan ako...
Pakiramdam ko unti unting tumitigil ang tibok ng puso ko.
Si Leslie na babaeng pinakamamahal ko ay ikinasal na sa iba..
Leslie.... Mahina kong sabi habang papalapit sa altar.. hindi ko pansin ang mga taong sa akin ay nakatingin.. mga bulongbulungan na aking naririnig.. mga matang nakatutok sa akin.
Napatingin sa akin si Leslie at nagtama ang aming paningin.
Hinawakan siya ni Justin sa kamay at humarap uli sila sa paring nagkakasal.
Nanatili akong nakatayo Umaasang hindi tatanggapin ang pagibig ni Justin.
"Are you willing to accept Justin Mercado to be your husband?" tanong ng pari kay Leslie..
Lalong lumakas ang bulong bulongan sa paligid. Ang mga mata ay sa amin nakakatutok.
Napatingin sa akin si Leslie..
"Are you willing to accept Justin Mercado to be your husband?" paguulit ng pari.
Tumingin si Leslie kay Justin... sa kanyang kuya... sa kanyang papa... sa akin....
"Are you willing to accept Justin Mercado to be your husband?" paguulit muli ng pari.
Unti unting bumuka ang bibig ni Leslie at unti unting tumigil ang mundo ko.. namalayan kong unti unti ring pumapatak ang luha sa pingi ko.
Lahat ay natahimik.. lahat ay nagaabang sa kasagutan ni Leslie...
"Are you willing to accept Justin Mercado to be your husband?" paguulit ng pari.
Tumingin si Leslie kay Justin..
"Are you willing to accept Justin Mercado to be your husband?" paguulit ng pari.
"Yes Father...."
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.. isang malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan.
Tumalikod ako at mabibigat na hakbang ang ginawa ko... Nakikiramdam sa susunod na magyayari.
"Are you willing to accept Leslie Macael to be your wife?" Tanong ng pari kay Justin.
"No father...."
Malakas na bulungan ang aking narinig.. napatigil ako sa aking narinig. Hindi makapaniwala sa aking narinig.
"Justin..." maluha luhang sambit ni Leslie.
"Si Joe ang mahal mo... hindi ko pala kayang dayain ang sarili ko.. Kalimutan na natin ang kasunduan.. mahal kita... di ka liligaya sa piling ko dahil si Joe ang mahal mo...."
Lumakad si Justin palabas ng simbahan. Sumunod ang kuya ni Justin na nagulat sa mga pangyayari. Sinundan si Justin sa labas ng simbahan.
Unti unting nagsilabasan ang mga tao sa simbahan.. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng altar. Pinagmasdan ko si Leslie habang papalapit sa akin...
"Leslie....."
Habang papalapit si Leslie sa akin ay di ko napigilan ang mapangiti..
Pinagmasdan ko siya...
Tinitigan sa mga mata....
At ngayon ay nasa harapan ko na si Leslie..
"Leslie....."
Unti unting naglapat ang aming labi.. mariin...matamis...matagal....
Hindi na namin pansin na kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng simbahan.
After six months:
Naging malaya kami ni Leslie. Pumayag na ang mga magulang niya sa relasyon namin. Wala na ring nagawa ang kuya ni Leslie. Si Justin naman ay tuluyan ng umuwi ng amerika at tinapos na ang kasunduan.
"Ay, ano ba? Sobra na yan ha....." patawang sigaw ni Leslie habang hawak ko ang kanyang tagiliran.
"Alam mo ikaw ang nagpasaya sa aking buhay.." isang halik sa pingi ang aking binigay.
Pinagmasdan ko si Leslie.. humanga ako sa kanyang simpleng kagandahan. Naalala ko pa kanina habang naglalakad siya sa altar... habang kinakasal kami...
"Joe...mahal na mahal kita..."
"Ako rin..." mahina kong sabi.
"Dami natin regalo yung iba hindi pa natin nabubuksan.." masayang tugon ni Leslie habang pinamamasdan ang mga regalong nakakalat sa sahig ng kwarto.
"Saka na natin buksan niyan... diba gagawa pa tayo ng baby..'
"Uhmmm! Isang batok ang natanggap ko kay Leslie
"Bakit...? Diba, honeymoon natin ngayon...."
"Oo nga eh... maligo ka muna... " patawang sagot ni Leslie. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Isang halik sa labi ang binigay ko sa kanya... napahiga kami sa kama... niyakap ko siya... at doon... nilasap ang tunay na pag ibig doon lang.....
Pang wangkas
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malakas na pag-dampya ng hangin sa buo kong katawan. Malamig ang simoy ng hangin, sariwa, kay sarap langhapin. Nilanghap ko ang sariwang hangin na bumabalot sa aking katawan at sa pagdilat ng aking mga mata natanaw ko ang malawak na karagatan. Kay ganda pagmasdan ang bawat pag-agos ng dagat. Iba-iba ang galaw pero iisa lang ang patutunguhan parang buhay ng tao iba-iba ang parangap, iba-iba ang kapalaran pero iisa lang ang patutunguhan..sa kabilang buhay.
Sa di kalayuan sa malaking bato na kinatatayuan ko isang maliit na bato ang aking natanaw. Nabighani ako sa hugis ng bato. Parang isang munting bituing nahulog sa kalangitan. Pinulot ko ang munting bato kasabay ng malalim na buntunghininga.
"ahhh!" malakas ko na sabi kasabay na paghagis ko sa munting bato sa kalawakan ng dagat. Alam kong malayo ang mararating ng bato. Alam kong bubulusok yun sa kailalaliman ng dagat. Parang isang pangarap, malayo ang nararating.
"Brock, kung saan ka man naroroon sana makuha mo ang batong inihagis ko... paalam mahal kong kaibigan...mahal kong kapatid...
Tumalikod na ako sa tabing dagat..nakita ko si Leslie sa aking likuran. Tulad ng dati. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok na bumagay sa kanyang bestida. Mga ngiting nagpatibok ng aking puso. Pero nabaling ang attensyon ko sa isang batang nakatayo hawak ang kamay ni Leslie.
"Si daddy ano gawa dun.....? masayang sabi ng bata
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang pamilya ko.. si Leslie at ang aming munting anak...si Jolas...
Sa buong buhay ko masasabi kong sa pagibig ni Leslie ako lumigaya ng lubusan... Doon lang.....
Wakas
No comments:
Post a Comment