Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Doon Lang - Part D

Note: Espesyal sa akin ang nobelang ito dahil dito ako unang nangarap na maging isang manunulat. Isinulat ko ito sa papel noong hight school ako at naibahagi ko ito sa internet noong 2008. Dito makikita kung paano ako unang nagsulat - ganito ako magsulat noon, kahit maraming grammar error eh sulat lang nang sulat. Dito nag umpisa ang paglawak ng aking imahinasyon....

 
Doon Lang
Sa Panulat Ni Jondmur





Part VIII
Nagkaroon ako nang pangamba mula nang hindi ko na nakikita si Leslie. Dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita buhat noong nakita ko siya sa simbahan.
Maaga pa lang pumunta na ako sa San Mateo. Napansin kong wala na naman si Leslie. Alam kong babalik si Leslie dahil alam kong mahal niya ang pagtuturo.
Natuwa ako nang makita ko si Kulet na nakaupo malapit sa puno ng mangga. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ko agad napansin. Sa mga oras na ito recess na ng mga bata kaya abala ang iba sa pagkain  ng kani-kanilang baon.
"Kulet!" masaya kong bati kay Kulet.
Natahimik ako nang makita kong may bahid ng luha sa mga mata ni Kulet.
"Kuya Joe!" lumapit sa akin si Kulet at niyakap ako. Tuluyan nang pumatak ang mga luha na kanina ay pilit niyang pinipigilan.
"Kulet bakit? Sabihin mo sa akin..." Lalo akong kinabahan sa pag-iyak ni Kulet. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
"Wala na si Maam Leslie! Wala na siya kuya Joe."
Nagulat ako sa sinabi ni Kulet. Ang takot na naramdaman ko ay lalong nadagdagan.
"Anong i-ibig mong sabihin?" tanong ko kay Kulet.
"Hindi na babalik si Ma'am meron na siyang kapalit."
Tama na ang narinig ko para maintindihan ko.
"Kulet......" tanging nasabi ko.
"Pupunta na si Ma'am sa amerika."
Nag-ring na ang bell para sa pagtatapos ng recess. Hinalikan ako ni Kulet at agad na bumalik sa klase.
Si Leslie pupunta na ng amerika.......
Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit parang tinutulak ang mga paa ko na dumaan sa Registrar Office at sa hindi ko inaasahan nakita ko si Leslie palabas ng Registrar at bitbit ang ilang mga papeles. Alam kong nakita ako ni Leslie dahil nagtama ang aming mga mata.
"Leslie....." akma akong lalapit kay Leslie ngunit agad siyang tumalikod at lumakad palayo sa akin.
Hindi ako papayag......
Sinundan ko siya at hinabol hanggang nakalabas na kami ng Registrar building.
"Leslie sandali." Sigaw ko kay Leslie na hindi alintana kung may ibang taong makakarinig.
Lalong binilisan ni Leslie ang paglalakad.
Hinabol ko si Leslie hanggang sa maabutan ko siya.
Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na iniharap sa akin.
"Ano ba ang nagyayari? Bakit mo ako iniiwasan?"
"Bitawan mo ako." Nabitawan ko si Leslie sa pagkakahawak ko sa balikat niya.
"Kung galit ka sa akin sabihin mo." Maiyak-iyak kong sabi kay Leslie. Pilit kong hinuhuli ang mga titig niya.
"Kalimutan mo na ako..." nagulat ako sa sinabi ni Leslie. Hindi ako makapaniwala.
"Kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan..."
"Joe aalis na ako....pupunta ako ng amerika at....."
"Kasama mo si Justin?" namula si Leslie sa sinabi ko.
"Hindi na mahalaga kung sino ang kasama ko."
"Mahalaga para sa akin."
Tumalikod uli si Leslie at akmang lalayo sa akin ngunit huli na agad ko siyang pinigilan. Humarap sa akin si Leslie at tuluyan nang pumatak ang mga luha niya.
"Kailanman hindi naging tayo....at hindi magiging tayo... diba, magkaibigan lang tayo...?"
"Kailangan pa bang sabihin? Kailangan pa bang ipahalata sayo.. Leslie alam ko alam mo kung ano ang nararamdaman ko."
"Joe....."
"Leslie.....mahal kita....."
"Huwag Joe...huwag....hanggang maaga pa...kalimutan mo ako."
"Hindi ako papayag...."
"Ikakasal na ako!"
Natigilan ako sa narinig ko  parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.
"I'm sorry Joe... mahal kita pero wala na akong magagawa."
Nagkaroon ako ng lakas ng loob sa narinig ko.
Si Leslie mahal ako....
"Kung mahal mo ako bakit ka papayag...Leslie...."
"Tama na! nagyari na ang nangyari wala na akong magagawa."
"Kung mahal mo ko hindi mo ako iiwan." Maiyak iyak na sabi ko habang hawak ang mga kamay ni Leslie.
"Joe I need to go....gagawin ko 'to para sayo."
"Hindi! Hindi ako papayag...."
"Joe tama na." pagpigil ni Leslie sa mga yakap ko.
Gusto ko siyang yakapin...ayaw ko siyang bitiwan...
"Leslie mahal kita.....huwag hindi ko kaya.."
"Joe please let me go....
Bumitaw ako kay Leslie mula sa pagkakayakap ko. Tinitigan ko siya sa mga mata.
"Huli na ang lahat Joe...sa makalawa na ang alis ko..." wika ni Leslie.
Pinahid ni Leslie ang mga luhang pumapatak sa aking mata. Hinawakan niya ang aking pisngi at...
"Babalik ako kung tayo talaga....please let me go..." Tumalikod si Leslie at tuluyan nang naglakad palayo sa akin.  Pinagmasdan ko siya habang papalayo sa akin. Hanggang nakalabas na siya ng gate.
Hindi ko alam ngunit hinabol ko siya palabas ng gate. Para akong natauhan....dapat hindi ako pumayag na makalayo sa akin si Leslie. Nakalabas ako ng gate at hinanap si Leslie ngunit huli na...hindi ko siya naabutan.
Matamlay ako habang naglalakad sa tabi ng dagat. Iilan pa lang ang tao sa parke. Pakiramdam ko nagiisa lang ako. Walang kasama... nag-iisa...
Umakyat ako sa batuhan na tambayan namin nina Leslie. Nakita ko ang pangalan na inukit niya.
Ngayon nababasa ko na ang mga letrang nakasulat.
LESLIE
Napaupo ako sa batuhan at muling pinagmasdan ang dagat.. Hindi ko man lang namamalayan na malapit ng matapos ang araw. Unti-unti ng lumulubog ang araw. Malapit nang mawala si Leslie. Pipigilan ko siya....di ako papayag.
"Uy.....hehehe ano gawa mo dito."
Natuwa ako nangg makita ko si Brock sa aking likuran.
"Aalis na siya....." mahina kong sabi kay Brock habang nasa malayo ang paningin ko.
Napatingin sa akin si Brock waring binabasa ang sinasabi ko.
"Alam mo parang hindi ko makakaya Brock, mahal ko siya.."
"Ikaw wawa kasi iwan ka...alam mo ako wawa rin kasi ako iwan tatay ko hapon kasi ako 'di niya anak at ako  ganito raw." Malungkot na sabi  ni Brock.
Umupo siya sa aking tabi na parang gusto niya akong damayan sa aking nararamdaman.
Napatingin ako kay Brock mababakas ko sa kanyang mga mata ang tindi ng pangungulila sa isang magulang.
"Wag kang mag-alala Brock dito lang hehehehe. Alam mo ako takot dating hapon kasi ako gulpi kasi ako 'di anak niya. heheheeheh."
Tumayo si Brock habang nginingitian ako. Bumaba siya sa batuhan at lumapit sa kariton na dala niya. Puno ito ng mga boteng napulot niya sa daan. Isa din itong pangkabuhayan ni Brock dito niya nakukuha ang mga pinambibili niya ng pagkain. 
Tuluyan ng lumubog ang araw at sa paglingon ko sa kinaroroonan ni Brock ay wala na siya marahil umuwi sa kinapwepwestuhan niya sa parke.
Muling nanumbalik sa aking isipan si Leslie at muli kong naalala ang kwento sa pocketbook. Hindi kaya nagyayari sa akin ang nagyayari kay James?
Napatayo ako sa batuhan at pinagmasdan ang dagat.
Umaasang huwag magkatotoo ang kutob ko. Nagkaroon ako ng pangamba na baka tuluyan nang lumayo sa akin si Leslie. Ano ang gagawin ko? Isang katanungang bumalot sa aking isipan.
Huminga ako nang malalim bago lumisan sa batuhan.
Naalala kong maghapon akong nasa labas ng bahay. Baka hinahanap na ako ng nanay.
Habang naglalakad ako pauwi bumibilis ang pagkaba ng dibdib ko. Pakiramdam ko merong isang bagay na magyayari.
Malapit na ako sa bahay at parang naririnig ko na ang boses ng tatay. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko.
Binuksan ko ang gate nang dahan-dahan. Sinigurado kong walang ingay na malilikha buhat sa pagkakabukas ng gate.
Dahan dahan akong umakyat ng hagdanan at hindi nga ako nagkakamali. Ang tatay parang galit. Lalo akong kinabahan nang mapansin kong ako ang usapan.
"Nasaan na kaya ang magaling mong anak..." malakas na sabi ng tatay.
Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin sina tatay, nanay at si Eric. Nakakalat lahat ng gamit ko sa salas. Parang may hinahanap sa mga gamit ko. Tuluyan akong pumasok ng bahay at hindi pa ako nakakalapit ay agad na akong nilapitan ng tatay at malakas na itinulak sa sofa.
Napaupo ako sa sofa habang naguguluhan sa nagyayari.
"Saan mo dinala ang pera?" malakas na sabi ng tatay habang hawak kwelyo ng t-shirt ko.
"Anong......" hindi pa ako nakakapagsalita ay agad akong hinila patayo ng tatay. Isinandal ako sa dingding ng bahay.
"Ikaw lang ang pwedeng kumuha ng pera ko...ngayon ibalik mo..." masakit ang pagkakahawak ng tatay sa mukha ko. Halos bumaon ang mga kuko niya sa pisngi ko.
"Hayop ka....halika dito."
Malakas akong sinipa ng tatay patumba sa sahig. Napaupo ako sa sahig habang sapol ang aking tiyan.
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo s-sakin"
Tumayo ako at humarap sa tatay.
"Tay hindi ko alam kung ano binibintang niyo sa akin"
Pak!
Isang sampal ang binigay sa akin ng tatay.
"Tama na 'yan nakikiusap ako." Ang nanay na luhaan na habang niyayakap ang tatay.
"B-bitawan mo ko." Pumiglas ang tatay sa pagkakayakap ng nanay at itinulak niya ang nanay.
Napasandal ang nanay sa sofa.
Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko. Parang gusto kong lumaban.
"Wala kayong karapatan na saktan ang nanay." Malakas kong sabi sa tatay. Tumangka akong lapitan ang nanay ngunit nabigo ako. Nahawakan ako ng tatay sa balikat at sa pagharap ko sa kanya isang malakas na suntok ang binigay sa akin.
"Yan ang bagay sayo..."
Duguan ang labi ko nang mahawakan ko.
"Wala akong ginagawang masama..."
"Kahit kailan puro problema binibigay mo sa akin.. nakakahiya ka..."
"Sabihin n'yo na sa akin ang lahat pero hindi ako ang kumuha ng pera n'yo."
Lumapit sa akin ang tatay.
"Ibalik mo ang kinuha mo....ibalik mo...."
"Hindi ako ang kumuha....hindi akooooo!" malakas kong sabi sa tatay.
Isang suntok uli sa tiyan ang natikman ko.
"Ahhhhhh!"naidaing ko habang hawak ang tiyan ko.
"Isa kang bobo, tangga, magnanakaw...."
Dumilim ang paningin ko nang marinig ko ang salitang magnanakaw.
Malakas kong itinulak ang tatay palayo sa akin. Muntik na siyang matumba ngunit agad siyang naalalayan ni Eric.
"Hayop ka walang utang na loob..."
Agad akong nilapitan ng tatay at pilit na sasaktan.
Isang hampas sa balikat ang natanggap ko.
"Sabihin niyo na sa akin ang lahat pero kailanman hindi ko kayo pagnanakawan.." malakas kong sagaw sa tatay.
Lalong nagalit ang tatay sa sinagot.
"Walang utang na loob."
Tumagkang sasampalin ako ng tatay.
"Sige ituloy n'yo...gusto n'yo patayin n'yo na ko...ganyan naman kayo...ako ang laging masama...."
Napatingin sa akin ang tatay...galit na galit....
"Kayo ang masama...kayo...dahil hindi kayo naging ama sa akin.." buong tapang kong sabi kay tatay.
"Puta ka....."
Isang malakas na sampal muli ang natikman ko. Mas malakas kaysa sa una. Mas masakit.
"Nakakahiya ka...." Malakas na sabi ng tatay habang lumakad palayo sa akin. Bumaba ang tatay sa hagdanan. Sinundan ko ang tatay para alamin kung bakit siya bumaba.
Sumakay siya ng kotse at pinaandar..
Ngunit hindi palabas ng gate ang direksyon ng kotse... direksyon patungo sa trisikad ko na naka pwesto sa dulo ng parking area.
Nahulaan ko kung ano ang gagawin ng tatay. Bubundulin niya ang isang bagay na napakahalaga sa akin.
Agad akong bumaba ng hagdanan.
"Tay 'wag!" malakas kong sigaw.
Blog!
Malakas na binunggo ng tatay ang trisikad.
Lumapit ako sa kotse para pigilan ngunit naramdaman ko ang mga kamay ni Eric na pumipigil sa akin.
"Bitawan mo 'ko..." malakas na sabi ko kay Eric.
Blog!
Blog!
Isa...dalawa...tatlo...at ilang beses na binunggo ng tatay ang trisikad....yupi yupi ito nang tinigilan niya.
"Tay!"
Napatingin ako sa trisikad at lalo akong nasaktan nang makita kong lahat ng parte ay sira. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay lalo akong nanghina. Lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ko. 
Bumaba ang tatay ng kotse at umakyat ng hagdanan. Sumunod ako para abangan ang susunod na gagawin ng tatay. Kinuha niya ang mga damit ko na nakakalat sa sahig at pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay agad niyang ibinato sa akin ang mga damit ko.
"Lumayas ka sa pamamahay ko....walang utang na loob."
"Hindi ako aalis!" malakas kong sigaw.
"Magnanakaw!" sabi ng tatay.
"Hindi ako magnanakaw...."
Tumangka akong papasok papunta sa aking kwarto ngunit agad akong tinutulak ng tatay palabas ng bahay. Pilit kong nilalabanan ang tatay. Pilit niya akong pinapalabas ng bahay.
"Hindi ako aalis..." matapang kong sabi...
"L-lumayas ka....." malakas na sabi ng tatay. Sa lakas ng tatay ay malapit na kami sa hagdanan. Parang nauubusan na ako ng lakas.
"Hindi ako aalis...." Malakas kong sabi.
"Tama na 'yan......" lumapit ang nanay sa kinaroroonan namin ng tatay.
"Wag kang makialam dito..." malakas na sigaw ng tatay.
Hindi ko namalayan na isang hakbang na lang ay mahuhulog na ako sa hagdanan. Lumapit sa akin ang nanay para alalayan ako.
Ahhhhh!
Malakas akong itinulak ng tatay ngunit sa biglang lapit ng nanay.
"Argggggggg!"
Nahulog ang nanay sa hagdanan.
Pareho kaming natigilan ng tatay.
Agad na bumaba ang tatay ng hagdanan.
"ahh aray..." daing ng nanay. Tinayo ng tatay ang nanay.
Natigilan ako nang nakita kong papilay-pilay ang nanay na umaakyat ng hagdanan.Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing hindi napuruhan ang nanay sa pagkakahulog niya sa hagdanan.
"Eric ang nanay mo." Lumapit si Eric para alalayan ang nanay.
Lumapit sa akin ang tatay.
"Kahit kailan puro problema binibigay mo sa 'kin...."
"Tay wala akong ginagawang masama...."
"Lumayas ka.....lumayas ka....."
"Tay!........." maiyak iyak kong sabi.
"Hindi kita anak!"
Natigilan ako sa narinig ko. Parang ang sakit pakinggan. Hindi ko matanggap.
"Hindi kita anak....narinig mo kaya umalis ka na...."
Napatingin ako sa nanay....kay Eric....
"Nay!"
Walang ginawa ang nanay kundi ang umiyak kasama si Eric.
Ewan ko...pero naghihintay akong pigilan ng nanay...pigilan ni Eric na umalis....pero nabigo ako...
"Lumayas ka na!"
Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko pababa ng hagdanan.
Unti-unting pumapatak ang mga luha ko.
 "Hindi kita anak....." malakas na isinara ng tatay ang pintuan.
Tuluyan akong nakababa ng hagdanan. Muling kong pinagmasdan ang trisikad.
"Nay!...." mahina kong sabi.
Lumabas ako ng gate at tumakbo palayo ng bahay.
Pakiramdam ko heto na ang araw na wala akong malalapitan.
Nag-iisa....walang karamay.....
Takbo...mabilis....walang tigil....
Hindi ko na pinapansin kung merong man akong makakasalubong..
Iisa lang ang direksyon ng mga paa ko....iisa lang....sa parke.
"Ahhhhhhh!" pahingal kong daing nang sumandal ako sa batuhan. Matinding pagod ang naramdaman ko ngunit alam kong dobleng sakit ang nararamdaman ko.
Ngayon alam ko na kung bakit....
Naalala ko ang nanay...bakit di niya sinabi sa akin ang katotohanan...Hindi ako anak ng tatay...ibig bang sabihin hindi din ako anak ng nanay?
Lalo akong naguluhan sa naisip ko.
"Ahhhhhh!" malakas na sigaw ang binitiwan ko.
Napaupo ako sa buhangin at sumandal sa batuhan.
Wala akong mapupuntahan.... Dito sa parke....Dito ako nababagay.....
 "Bakit?" naibulong ko sa aking sarili.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sikat ng araw. Iniangat ko ang aking ulo at nasilaw ako sa sikat ng nito. Nakatulog ako...ngayon panibagong kabanata ng aking buhay.
Agad na pumasok sa isipan ko si Leslie.
Tumayo ako at napansin kong madumi na ang aking kasuotan dulot ng dumi ng buhangin.
Naglakad ako patungo sa kalsada.
Gusto kong makita si Leslie.
Malapit lang sa parke ang bahay nina Leslie.
Pupuntahan ko siya.
Gusto ko siya makausap.
Mabigat ang mga hakbang na ginawa ko. Mga hakbang patungo kay Leslie.
Nginitian ko ang guard na nagbabantay ng subdivision. Alam kong kilala niya ako dahil minsan na akong nakita noong nagtututor sa akin si Leslie.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang narating ko ang bahay nina Leslie.
Nasa harap na ako ng gate. Akma akong kakatok ngunit biglang bumukas ang gate.
Natuwa ako ng si Leslie ang palabas ng gate.
"Joe.."
Nagkatitigan kami ni Leslie.
"Leslie kailangan kita"
"Joe." Niyakap ako ni Leslie.
"Leslie...."
Bimitaw sa akin si Leslie.
"Joe....tandaan mo mawala man ako babalik ako."
"Leslie..."
"Joe tama na....umalis ka na..."
"Leslie...."
Nagulat kami ni Leslie nang biglang bumukas ang gate.
Ang kuya ni Leslie.
"Lintek..."
Agad itong lumabas ng gate at tinulak ako palayo kay Leslie.
"Layuan mo ang kapatid ko." Agad nitong sabi.
"Mahal ko si Leslie.."
"Mahal? Tingnan mo nga ang sarili mo? Walang pinag-aralan mang-mang!"
"Kuya tama na!" pagpigil ni Leslie.
"Ikakasal na kapatid ko sa amerika..."
"Kuya tama na..."
"Umalis ka dito kung ayaw mong ipapulis kita."
Malakas na sigaw ng kuya ni Leslie.
"Joe please umalis ka na....wala na tayong magagawa hindi tayo para sa isat-isa....umalis ka na...."
Nakikiusap ang mga mata ni Leslie dahilan para humakbang ako palayo. Malakas kong narinig ang pagkakasara ng gate.
Humakbang ako palayo sa bahay nina Leslie.
Pakiramdam ko walang wala na ako.
Habang naglalakad ako pabalik ng parke ay si Leslie pa rin ang nasa isip ko. Alam kong natatakot lang si Leslie sa kuya niya. Alam kong mahal din ako ni Leslie.
Napahinto ako nang maalala kong wala pala akong mauuwian.
"Hinahanap kaya ako ng Nanay?" sabi ko sa aking sarili. Aaminin kong sumama ang loob ko sa Nanay. Siguro dahil nilihim niya sa akin ang katotohanan. Inisip ko rin bakit di niya ko kayang proteksyonan sa Tatay. Anak kaya niya ako? o anak ako sa ibang lalaki?
Isang buntong hininga ang aking binitiwan sa aking naisip.
Ilang saglit naalala ko si Brock. Naiisipan kong puntahan ang tinutulugan niya.
Sa isang bahagi ng parke ay mayroong isang lugar na i-ilan lamang ang nakakapunta. Matutulis ang mga batong nakapaligid sa dagat. Marami na kasing naaaksidente sa lugar na ito kaya bukod sa malalim ang dagat matutulis ang mga bato.
Sabi pa ng iba mayroon daw engkanto. Kaya pati mga bata takot pumunta sa lugar na ito. Lahat naniniwala at natatakot lalo pa't dito nakatira si Brock.
Dahan dahan ang mga hakbang na ginagawa ko para maiwasan kong matapakan ang mga matutulis na bato. Nakikita ko na ang tinutulugan ni Brock. Mayroon itong tent na panlaban sa sikat ng araw. Kahit butas butas ay pwede na ring pangsilong sa buhos ng ulan.
Napangiti ako nang makita kong mahimbing nang natutulog si Brock. Marahil sa tindi ng pagod ay hindi niya namalayan ang pagdating ko.
Pinagmasdan ko ang paligid. Lalo akong humanga kay Brock dahil kahit may deperensya siya sa pag-iisip ay nagagawa niyang linisin ang kanyang tinitirhan. Kahit isang kalat ay wala akong nakita. Napadako ang tingin ko sa isang batuhan na pinagpatungan ng pagkain ni Brock doon nakita ko ang supot ng pagkain. Nakaramdam ako ng gutom lalo pa't nalaman kong pansit ang nasa supot.
Kukunin ko na sana ang pansit sa supot ngunit natigilan ako. Baka hindi pa kumakain si Brock at hanapin niya pag-gising niya.
Umupo na lang ako patalikod kay Brock. Kahit gutom na ako ay tiniis ko ang gutom.
Habang natatahimik ako doon ko naramdaman na mahirap pala ang ganitong buhay. Parang wala kang pamilya. Hindi mo alam kung saan ka pupunta o sino ang malalapitan mo. Naiisip ko buti pa si Brock nakaya niya ang mag-isa. Lumakas ang loob ko sa naisip ko dahil kung kaya ni Brock kaya ko rin.
Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Brock. Napalingon ako sa kanya.
"Heheheh dito ka na....heto kain tayo...pansit" masayang bati sa akin ni Brock habang inaabot ang isang supot ng pansin.
Napatingin ako kay Brock.
"Lika kain tayo....sige na..."
"Sige..." sagot ko kay Brock.
Marahil sa tindi ng gutom ay agad kong kinain ang pansit na binigay ni Brock. Magkasalo kami sa pansit.
"Sandali lang ha.." tumayo si Brock at may kinuha sa isang sulok at sa paglabas niya nakita ko na bitbit niya ang isang galong tubig.
"T-tubig inom tayo."
Inabot sa akin ni Brock ang isang galong tubig at agad ko itong tinungga.
"Hehehehe uhaw uhaw ka."
"Huuuuu sarap!" naidaing ko matapos uminom.
Masaya kaming kumain ni Brock at pagkatapos naming kumain agad kaming pumunta malapit sa tabing dagat.
"Ikaw pa lang punta dito." Sabi ni Brock
"Buti ka pa meron kang natutuluyan ako Brock wala na.... pinalayas ako eh."
"Wawa ka naman....." malungkot na sabi ni Brock.
Sandali akong natahimik
"Gusto mo dito ka na lang...samahan mo ko para pagdating ng hapon di ako takot."
Nasa bakas ng mukha ni Brock ang pagkatakot.
"Lam mo lapit na sila dating doon na sila..." sabay turo sa isang isla.
"Pano mo nalaman?" kunwa'y tanong ko.
"Hahahahahaha pero di sila makapunta dito." Matawa-tawang sabi ni Brock.
"Bakit naman?"
"Kasi 'di sila runong langoy at tago ako, tago ako kasi hapon sakit ako...bugbog nila ako....kasi 'di nila ako mahal, 'yaw nila sa akin.....kaya ako tago para 'di nila ako kita.....heheheheeh."
Sumaya ang mukha ni Brock samantalang medyo may lungkot akong nararamdaman.
"Hmmmmm bakit ka 'di tawa? 'Kaw lungkot...."
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Brock. Nanatili akong nakatingin sa malayang pag-alon ng dagat.
Sa bawat hampas ng hangin sa aking katawan ay nakakaramdam ako ng pangungulila. Isang bagay na nagpapasikip sa aking damdamin. Bukas na ang alis ni Leslie...
Sa aking isipan gusto kong pigilan ang pag-sikat ng araw. Dahil alam kong sa muling pag-sikat ng araw ay may isang mahalagang tao ang lalayo sa akin.....
7:00 AM
Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Si Brock nakita kong naglalaro ng bato at lata sa gawing likuran ko. Agad akong bumangon at tiniklop ang malaking karton na pinaghigaan ko.
Agad kong naalala si Leslie alam kong mamayang hapon ang alis niya. Pipigilan ko siya sa abot ng aking makakaya.
Napasulyap ako sa damit na suot ko napansin kong marumi na ito at may kabahuan na. Kailangan ko nang maligo at magpalit ng damit.
Naisipan kong maligo sa dagat ngunit wala akong pamalit na damit. Lumingon ako sa paligod tanging si Brock lang ang kasama ko.Naisipan kong maligo ng hubu't hubad para malabhan ko ang aking damit.
"Brock ligo muna ko." Hindi ako pinansin ni Brock at patuloy ang paglalaro niya sa mga lata.
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang malamig na tubig. Sinimulan ko ang paglangoy hanggang sa mabasa na ang buo kong katawan. Sa pag-ahon ko kinuha ko ang aking damit at sinimulang labhan.
"Okay na 'to." Sabi ko sa aking sarili ng maisip kong wala akong ipang-sasabon.
Isinampay ko ang damit ko malapit sa batuhan malamang matutuyo ito dahil sa malakas na hampas ng hangin. Minabuti kong patungan ng isang malaking bato para hindi tangayin ng hangin.
Natigilan ako ng mapansing kong kanina pa pangiti-ngiti si Brock habang tinitingnan ko. Agad akong tumalikod nang maalala kong wala akong saplot sa katawan.
Muli akong sumisid sa dagat para matakpan ang katawan ko. Hihintayin ko na matuyo ang aking damit bago ako umahon sa dagat.
"Brock lika goli tayo..." Malakas kong tawag kay Brock.
"Yaw Brock..." agad nitong sabi at tumakbo palayo sa akin.
Sa mga oras na iyon nakaramdam ako ng laya. Pakiramdam ko lahat pwede kong gawin. Walang makakapigil sa akin.
Napansin kong unti-unti nang natutuyo ang damit ko. Yari lamang ito sa manipis na tela kaya agad na matutuyo sa malakas na hampas ng hangin.
Umahon ako sa  dagat at hindi alintana kung may makakakita sa akin. Napangiti ako ng sulyapan ko ang katawan ko.
"Maganda naman katawan ko hehehehe" matawa-tawa kong bulong sa aking sarili.
Matapos maligo ay agad akong pumunta sa bahay nina Lelsie.
"Leslie...."
Pangalang binabanggit ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Alam ko sa aking sarili na mahal ko siya at 'di ako papayag na hindi ko siya makausap.
Gagawin ko ang lahat para makausap si Leslie.
Lalong bumilis ang pag-hingal ko nang makita ko ang kotse nina Leslie na palabas ng subdivision.
"Hindi...."
Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan ng kotse.
Ngunit sadyang mapalad ako dahil doon mismo dadaan ang kotse sa kinaroroonan ko.
Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.
"Leslie...."
Malakas kong tawag habang sinasalubong ang paparating na kotse.
Hindi ko alintana kung mababangga ako.
"Leslie......"
Sinadya kong humarang sa gitna ng kalsada.
Brummmmmmm!
Natigilan ako nang biglang preno ng kotse sa harapan ko.
"Magpapakamatay ka ba?" malakas na sigaw ng driver ni Leslie.
Bumaba ang driver at lumapit sa akin.
"Si Leslie gusto ko siyang makausap."
Sabi ko habang papalapit ako sa pintuan ng kotse.
Nakita ko si Leslie na nakaupo sa loob.
Itinapat ko ang palad ko sa salamin ng bintana ng kotse.
Pilit kong sinulyapan si Leslie.
"Leslie nakikiusap ako...."
"Ano ba? Pwede ba umalis ka na...." sabi ng driver habang hinahawakan ang balikat ko.
"Bitawan mo ako!" malakas kong sigaw habang pilit kong binubuksan ang kotse.
"Leslie kausapin mo ako, kailangan nating mag-usap."
Bog!Bog!
Sinusuntok ko na ang kotse sa tindi ng galit na nararamdaman ko.
"Umalis ka na..." sigaw ng driver at pilit na hinihila ako palayo sa kotse.
"Bitawan mo ko...."
Natigilan ako ng bumukas ang kotse.
Bumaba si Leslie at hinarap ako.
Agad kong napansin ang mga luha ni Leslie. Mga luhang alam kong may bahid ng pag mamahal.
Agad akong lumapit kay Leslie at niyapos ko siya ng yakap.
"Tama na Joe...." Pagpigil ni Leslie sa mga yakap ko.
Nagtama ang mga mata namin.
"Leslie 'wag mo akong iwan."
"Kailangan...." Mahinang tugon ni Leslie.
"Alam kom mahal mo ko...alam nating pareho....'pag umalis ka 'di ko na makakaya."
Sinubukan kong yakapin si Leslie ngunit pilit siyang pumipiglas.
"Joe stop it!"
"Hindi! Mahal kita Leslie...mahal kita."
"Nangyari na ang nagyari wala na akong magagawa."   
"Kung mahal mo ko hindi mo ako iiwan." Mahinang sabi ko habang hawak ang mga kamay ni Leslie.
"Joe I need to go....gagawin ko 'to para sayo."
"Hindi! Hindi ako papayag...."
"Joe tama na." pagpigil ni Leslie sa mga yakap ko.
"Joe tama na! Bitawan mo ako."
Patuloy ang pagpalag ni Leslie at pilit na umiiwas sa mga titig ko.
"Tama na 'yan!" malakas na sabi ng driver ni Leslie at pilit inilalayo ako kay Leslie.
Nakabitaw sa akin si Leslie dahilan para makapasok siya sa loob ng sasakyan.
"Leslie 'wag..."
Malakas kong sigaw nangg mapansin kong tuluyan nang nakapasok si Leslie sa loob ng sasakyan.
"Leslie buksan mo ako....parang awa mo na..."
Lalo akong kinabahan nang magsimulang tumakbo ang sasakyan.
"Leslie 'wag...."
Patuloy ang pagtakbo ko
Pilit hinahabol si Leslie.
"Leslie."
Pero wala na akong nagawa
Tuluyan nang nakalayo ang kotseng sinasakyan ni Leslie.
Wala na akong nagawa.....
Halos mawalan ako ng pag-asa nang hindi ko na natatanaw ang kotseng sinasakyan ni Leslie. Pakiramdam ko naglaho na lahat sa akin.
Napaupo ako sa isang upuang malapit sa kalsada. Pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik at maaliwalas. Pakiramdam ko nagiisa na lang ako.
"LESLIE.........." Sambit ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.
"Bakit?......." mahina kong daing sa aking sarili.
Nanatili akong nakaupo sa isang sulok ng bayan na hindi alintana kung ano man ang nangyayari sa aking paligid.
Wala akong naririnig, wala akong nararamdaman. Ang alam ko pasan ko ang sakit dulot ng paglayo sa akin ni Leslie.
Napaangat ang ulo ko nang maramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan. Alam kong nakikiramay ang langit sa bigat na nararamdaman ko.
"Ahhhhhhhhhhh................"
Kasabay nang malakas na sigaw ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.  Walang tigil lalong lumalakas.....
Part IX
Isang bagong umaga ang aking sinimulan. Isang bagong kabanata ng aking buhay.
 "Joe, mukhang nakarami kayo ha?" Masayang bati ni Aling Cora nang makasalubong namin malapit sa bayan.
Napangiti lang ako habang sabay naming itinutulak ni Brock ang karitong puno ng bote at mga kinakalawang na bakal.
Heto ang ikinabubuhay ko ngayon. Kasama si Brock ay nagkaroon ako ng lakas ng loob ang pasukin ang buhay ng isang mambobote.
"Kuya magkano 'to?" tanong ko agad sa kolektor ng mga bote. Nandoon kami para ibenta ang mga naipon naming mga bote.
"Ninety pesos lahat..."
"Kuya naman ang dami naming dala dagdagan niyo naman..."
"Ano marami? Kung ayaw niyo di 'wag..." masungit na sabi ng kolektor.
"Sige...sige na po payag na." patabog kong sabi habang isa isang ibinababa ang mga bote at bakal sa loob ng kariton.
"Pangit....." mangisi-ngising sabi ni Brock habang tinitingnan ang kolektor.
"Yan......" sabay abot sa akin ng P90.
Tumutulo ang pawis ko habang inaabot ang perang kinita namin ni Brock.
"Lika na Brock" yaya ko kay Brock at itinulak na namin ang dala naming kariton.
Magmula nang umalis ako sa bahay at nawala sa buhay ko Leslie tanging pangkakariton ang ginawa kong kabuhayan. Kung tutuusin sumama lamang ako sa trabaho ni Brock. Malaking tulong sa akin ang trabahong ito at malaki rin ang pasasalamat ni Brock. Bukod sa may kasama na siya hindi na sya naloloko ng mga mandurugas na mga kolektor.
"Brock gutom ka na? gusto mo kain tayo?"
"Brock gutom na..." sabay himas sa tyan.
Itinigil namin ang pagtutulak ng kariton sa tapat ng isang tindahan.
"Brock bantay mo kariton ha..bili lang ako..."
"Hehehehe ako bantay baka kuha hapon hehehehe"
Dali dali akong tumungo sa tindahan para makabili ng makakain namin ni Brock.
Dalawang softdrinks na ibinalot sa plastic at isang supot ng tinapay ang bitbit ko pabalik sa kinaroroonan ni Brock.
"Brock heto na....kakain na Brock."
Natigilan ako nang mapansin kong nasa malayo nakatingin si Brock. Sinundan ko ang tingin ni Brock at natahimik ako nang makita kong makakasalubong namin si Eric at ilan nitong kabarkada.
"Ang hapon nandyan" takot na sabi ni Brock habang nakahawak sa aking likuran.
Pinagmasdan ko si Eric at aaminin kong natuwa ako nang makita ko ang kapatid ko.
"Eric musta na? masaya kong bati nang dumaan sa harap namin sina Eric.
"Eric diba, kapatid mo un?"
"Hindi ko 'yan kapatid!"
Natigilan ako sa narinig ko. Muli kong pinagmasdan ang kapatid ko habang papalayo sa amin.
Nasaktan ako sa ginawa ni Eric pero naisip ko dapat hindi na ako nasasaktan dahil matagal na niyang ginagawa sa akin ito. Napatingin ako sa damit na suot ko. Marumi at may kalumaan na. Siguro nahihiya ang kapatid ko sa itsura kong marumi.
Isang bagay na dapat niyang ikahiya.
"Wala na hapon umalis na hehehehe." 
"Lika na Brock uwi na tayo at doon tayo kumain."

7:00 PM
Napangiti ako habang pinagmamasdan kong natutulog si Brock. Katatapos lang namin kumain at marahil sa tindi ng pagod  ay agad itong nakatulog. Habang pinagmamasdan ko si Brock ay naisipan kong pumunta sa tabing dagat. Dahan dahan ako habang naglalakad dahil sa matutulis na bato na aking madadaanan. Inakyat ko ang isang malaking bato.
"Uhhhhhhh.!"
Mula sa pagkakapatong ko sa malaking bato ay natanaw ko ang karagatan. Kaysarap sa pakiramdam. Malamig ang simoy ng hangin.
"Ang nanay....." mahina kong bulong sa aking sarili.
Hindi ko napigilang maalala ang nanay. Sa halos anim na buwan naming hindi pagkikita alam kong hinahanap hanap ko ang pagmamahal niya. Ilang beses kong nakikita ang nanay pero ako mismo ang umiiwas. Nagtatago at ayaw magpakita. Siguro dahil sa sama ng loob na hindi niya ko kayang ipagtangol.
"Ricardo ang anak natin." Sabi ng nanay sa tatay nang masalubong ko habang nagtutulak ng kariton.
"Hayaan mo siya" agad na tugon ng tatay.
Humiwalay ang nanay sa tatay at lumapit sa akin.
"Anak! Kumusta ka na....umuwi ka na anak..."
Hindi ko pinansin ang nanay at patuloy ang pagtutulak ko ng kariton.
"Joe....nakikiusap ako umuwi ka na." pakiusap ng nanay.
Inihinto ko ang kariton at humarap ako sa nanay.
"Anak, 'wag kang maniwala sa Tatay mo anak ka niya, maniwala ka sa akin dahil ako ang iyong Ina."
"Nay!" Niyakap ako ng Nanay. Buong higpit parang ayaw na niyang mawala ako.
"Joe nakikiusap ako umuwi ka na."
"Nay tama na...." Pumiglas ako sa nanay at tumalikod ako sa kanya.
"Umuwi ka na....nakikiusap ako..."
"Nay hindi na pwede....ayaw ko nang umuwi."
"Sige na umuwi ka na."
"Bakit 'Nay kapag umuwi ba ko ipagtatangol niyo po ba ko?"
"Anak hindi kita maintindihan..."
Humarap ako sa nanay at hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng aking luha.
"Nay, siguro nga bobo ako pero hindi ako manhid para hindi ko maramdaman na hindi niyo ko kayang ipagtanggol."
"A-anak hindi totoo 'yan...maniwala ka...."
"Nay, wala kayong nagawa nang palayasin ako ng tatay, wala kayong nagawa habang minamaltrato niya ko...ngayon sasabihin niyo sa akin na ipinagtatangol niyo ko..."
Itinulak ko ang kariton palayo sa aking ina ngunit pilit niya kong hinahabol.
"Anak, mahal kita....nakikiusap ako sayo..."
Pabilis ng pabilis ang pagtutulak ko ng kariton.
Gusto kong iwasan ang nanay..
Gusto kong lumayo muna....
Lumapit ang tatay sa nanay at pinipigilan nitong lumapit pa sa akin. Nakita ko kung pano pigilan ng tatay ang nanay na habulin ako pero wala na siyang nagawa. Tuluyan nang nakalayo ako...tuluyan nang napigilan siya ng tatay.
Napaluha ako habang naalala ko ang huling pag-uusap namin ng nanay. Ilang beses ko siyang nakikita sa bayan pero ako mismo ang lumalayo. Siguro dahil nagtatampo ako at ayaw kong mapagalitan siya ng tatay kapag nalamang nakikipagkita ako sa kanya.
"Nay babalikan kita....babalik ako at ipagmamalaki mo ako." Napaluha muli ako habang naalala ko ang nanay. Alam ko sa aking sarili na mahal na mahal ko ang nanay. Umiiwas lang ako para hindi siya masaktan ng tatay.
Naalala ko ang tatay. Kahit hindi anak ang turing niya sa akin siya pa rin ang kinikilala kong ama. Alam kong darating ang araw na matatangap niya ako bilang isang kapamilya pero ano itong sinasabi ng Nanay? na huwag akong maniwala sa Tatay dahil anak nila ako? ayaw lang ba akong kilalanin ng Tatay bilang anak niya?
Bumaba ako sa batong kinatatayuan ko. Dayan dahan para makaiwas sa mga matutulis na bato. Napansin kong mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito.
"Brock!"
Parang isang batang natutulog.
"Brock salamat....."
Napaluha ako nang maalala ko ang pagligtas sa akin ni Brock.
Isang linggo ang nakalipas mula nang mawalay si Leslie sa buhay ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng kakampi. Nawalan ng karamay. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Walang pamilya, walang nagmamahal.
Gabi noon naisipan kong pumunta sa parke sa pinakatagong lugar. Lugar na malapit sa tirahan ni Brock.
Tiniis ko ang bawat hakbang na ginagawa ko. Hindi ko alintana ang matutulis na bato na tumutusok sa nakayapak kong paa.
"Ahhhhhh" sambit ko nang makaapak ako ng bato. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Madilim tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid.
Inakyat ko ang pinakamataas na bato sa pinakadulong bahagi ng parke.
"Leslie....."
Ngayon nakatayo ako sa batuhan. Kitang kita ko ang buong karagatan. Alam kong isang maling hakbang ay maari akong mahulog. Sa matutulis na bato na aking babagsakan ay siguradong hindi na ko makakaligtas.
"Bakit ganito!" pasigaw kong sabi.
Sa mga oras na iyon pakiramdam ko hindi na umiikot ang mundo. Nawalan na ako ng pag-asa.
Gusto kong tumalon para matapos na ang paghihirap ko. Gusto ko nang mamatay....
Dahan dahan akong humakbang palapit sa pinakadulo ng bato. Isang hakbang na lang maari na akong malaglag.
"Ayoko na..."
Inihakbang ko ang aking kanang paa.
"Wag........"
Natigilan ako sa aking narinig mula sa aking likuran. Nilingon ko ang pinagmulan ng boses.
"Wag ka talon..kasi 'pag kaw talon Brock lungkot....Brock wala kaibigan."
Napaiyak ako sa aking narinig. Hindi ko akalain na susundan ako ni Brock. Para akong natauhan sa aking ginagawa.
Humakbang ako palayo sa aking kinatatayuan. Dahan dahan akong bumaba. Lumapit ako sa kinatatayuan ni Brock at mahigpit ko siyang niyakap.
"Brock wawa 'pag wala ka na." paiyak na sabi ni Brock.
"Salamat........" mahigpit ang yakap na binigay ko kay Brock. Para akong nakahanap ng kakampi. Pakiramdam ko may kasama na ako.
Magmula noon sa tinitirhan ni Brock ako tumuloy. Pareho kaming nabuhay sa pagbobote. Doon ko nakilala nang lubusan ang kaibigan ko. Mabait na kaibigan si Brock. Alam kong kapatid na rin ang turingan namin.
Bumaba ako sa batong kinatatayuan ko matapos kong maalala ang  nangyari sa aking buhay. Napansin kong mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Brock at humiga ako katabi niya.
"Brock bukas ligo tayo ha."
Napangiti ako sa aking sinabi. Sa tingin ko kailangan na naming maligo. Bukas pipilitin kong maligo si Brock sa dagat.
 "Yaw koooooooooooooooooo!"
Malakas na sigaw ni Brock.
"Lika dito" sabay hila ko kay Brock palapit sa dagat.
"Brock 'yaw ligoooooooooooo!"
"Sarap maligo, lika turuan kitang lumangoy."
"Ayaw!Ayaw ko." Pagtutol ni Brock ngunit wala na siyang nagawa nagtagumpay ako sa aking balak na paliguan si Brock.
"Lamig! lamig! lamig!"
"Hahahahahahaha!" napatawa ako habang pinagmamasdan si Brock.
"Sarap ligo diba? Malamig tubig sarap maligo." Masayang sabi ko kay Brock habang sinimulan ko ang paglangoy.
"Sarappppp ma-maligo malamig......oo nga sarap hehehehehe" masayang binasa ni Brock ana buo niyang katawan.
"Lamig!" malakas na sabi ni Brock.
Lumangoy ako palapit kay Brock at itinulak ko siya dahilan para mabasa ang buo niyang katawan.
"Hahahahaha!" malakas kong tawa. Tumayo si Brock inihampas niya sa akin ang tubig dagat.
"Yan gusto mo ha, heto sayo" inihampas ko ang tubig kay Brock at masayang gumanti sa akin. Maya maya nagtaka ako at biglang nawala si Brock.
"Brock......" pag-alala kong sabi.
"Yehey.....habulin mo 'ko..."
Nagulat ako nang makita kong marunong lumangoy si Brock. Pakiramdam ko mas magaling pa siyang lumagoy kaysa sa akin.
"Dyan na ko....."
Masaya kaming naghabulan sa dagat. Para kaming mga batang naglalaro.
Tumigil ako sa paglangoy at hinubad ang suot kong damit. Ikinuskos ko ito sa buo kong katawan.
Lumapit sa akin si Brock at ginaya niya ko sa ginagawa ko.
"Sige Brock ikuskos mo para matanggal mga libag mo."
"Mukhang ngayon ka lang nakaligo." Pahabol kong sabi.
Pinagmasdan ko si Brock habang unti unting natatangal ang dumi sa buo niyang katawan. Ako mismo ay humanga sa mukha niya. Natuklasan kong may itinatagong kapogian si Brock sa likod ng makakapal na dumi na kumapit sa kanyang mukha naiisip kong parang magkahawig kami.
"Brock ikaw ba 'yan?" masaya kong sabi nang makita kong nakatayo si Brock sa harapan ko.
"Hehehehe Brock bagong paligo."
"Pogi ka pala dapat lagi kang maliligo para laging pogi si Brock."
"Brock pogi? Kaw pangit."
"A ganun..." hinabol ko si Brock at nagtagumpay ako sa paghuli sa kanya.
"Ano sabi mo habang pilit kong binabatukan ang umiiwas na si Brock."
"Tama na... Brock sabi pogi ka hehehehe." Matawa tawang sabi ni Brock.
"Yan ang gusto ko sayo hehehe." Pahingal kong sagot. Pinulot ko ang isang bato at itinapon sa dagat.
"Joe, tingnan mo may bangka sa dagat."
Napalingon ako kay Brock. Nagulat ako. Sa tagal nang pagiging magkaibigan namin ngayon ko lang narinig na tinawag niya ko sa aking pangalan.
"Brock...."
Ngumiti si Brock at tumakbo palayo sa akin. Pakaway-kaway na waring nag-papaalam. Gumanti ako sa pagkaway sa kanya.
"Kita tayo maya sa kanto para maghanap ng bote." Sigaw ko kay Brock na parang hindi narinig ang sinabi ko.
"Si Brock talaga!" bulong ko sa aking sarili.
1:00 PM
Tumutulo na ang pawis ko sa pagtutulak ng kariton. Iilan pa lang ang nakolekta ko mula sa mga bahay bahay.
"Joe wala ka yatang partner ngayon." Si Brock ang tinutukoy ng mamang nakasalubong ko.
Pinagpatuloy ko ang pagtutulak ng kariton. Nakaramdam ako ng pag-alala dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Brock.
"Saan kaya pumunta ang lokong 'yun." Sabi ko sa aking sarili.
Binilisan ko ang pagtutulak na umaasang makakasalubong ko si Brock. Baka kanina rin niya ako hinahanap.
Napadaan ako sa pasugalan at nagulat ako ng makita kong isa sa mga nagsusugal ang kapatid kong si Eric. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa galit nang malaman kong natutong magsugal ang kapatid ko. Lalo pa nang nakita kong naka uniporme si Eric.
Agad akong lumapit sa mesang kinaroroonan niya.
"Ano ginagawa mo dito?"
Nagulat si Eric nang makita ako. Tiningnan niya ako at pinagpatuloy ang paglalaro ng baraha.
"Kaylan ka pa natutong mag-sugal?"
Hindi ako pinansin ng kapatid ko at ng mga kalaro nito sa baraha kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili. Agad kong hinila si Eric sa kanyang kinauupuan.
"Halika dito...." Malakas kong sabi.
"Sino ba 'yan?" sabi ng isang babae.
"Kapatid yata niya." Sagot ng lalaki.
"Ano ba problema mo." Sabi ni Eric nang nasa kalsada na kami.
"Ikaw ang problema! Hindi ka pinapa-aral para lamang magsugal."
"Ano ba pakiaalam mo at bitawan mo ko." Sigaw ni Eric.
"May pakialam ako dahil kapatid kita."
"Hindi kita itinuturing na nakapatid, hindi ka anak ng tatay!"
"Uhm...bog!"
Isang suntok sa mukha ang binitiwan ko kay Eric. Lumapit ako sa kanya at hinila patayo.
"Maswerte ka lahat binigay sayo, pero ano ginagawa mo sinisira mo buhay mo."
Pumalag si Eric mula sa pagkakahawak ko dahilan para mabitiwan ko siya.
"Buhay mo tingnan mo, 'yan ba pinagmamalaki mo ang maging basurero mamulot ng bote sa kalsada."
"Wala akong ginagawang masama!" sagot ko kay Eric.
"Nakakahiya ka Joe, kaya ka hindi mahal ng tatay dahil nakakahiya ka."
Tumalikod sa akin si Eric at bumalik sa mesang pinagsusugalan. Alam kong nasa akin nakatutok ang mata ng mga tao sa paligid.
Wala akong nagawa kundi ang umalis. Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi ng kapatid ko. Alam kong totoo ang lahat ng sinabi niya. Kailanman hindi ako pwedeng maipagmalaki ng tatay.
"Sa ngayon oo, pero dadating ang araw na ipagmamalaki niyo ko." Bulong ko sa king sarili at nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Ipinagpatuloy ko ang pagtutulak ng kariton at naisipan kong umuwi at baka hinihintay na ako ni Brock.
Hindi ako mapalagay sa kahihintay kay Brock. Hapon na pero hindi ko pa nakikita ang anino niya.
"Saan kaya pumunta si Brock?"
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Naisipan kong pumunta sa tabing dagat nagbabakasakaling nandoon si Brock at namumulot ng kabibe.
Wala si Brock....
Tinungo ko ang batuhan ngunit hindi ko rin natagpuan si Brock.
"Baka nasa parke?"
Agad kong tinungo ang parke at pilit hinahanap si Brock. Nakakaramdam na ako ng kaba habang hinahanap si Brock.
"Brock!" tawag ko sa kaibigan ko.
Nakapansin ako ng ingay malapit sa may kalsada. Iilan lang tao pero napansin kong meron silang pinag-uusapan.
Agad kong tinungo ang lugar. Napansin kong unti-unting nag-aalisan ang mga taong naguumpukan at habang papalayo ang mga tao papalapit ako nang papalapit sa kinaroronan nila.
Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit sa kalsada.
"Hit and run!"
Bulong-bulungan sa kalsada.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang narating ko ang kalsada.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko ang nakabulagta sa kalsada.
"Hindi!" mahina kong sabi.
Parang ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko. Si Brock wala ng buhay....
Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Brock ay palayo naman ang ibang taong animo'y walang pakialam.
Lumuhod ako sa kinaroroonan ni Brock at pilit kong iniharap ang mukha niya para lubusang makilala.
"Wag.....'wag Brock!.....mawawalan ako ng kaibigan...." Mahina kong daing sa aking sarili.
Wala na akong nagawa kundi ang yakapin si Brock.
"Brock! Gumising ka! Nakikiusap ako...."
Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang yakap yakap ko ang duguan kong kaibigan.
"Brockkkkkkkkkkkk..............." malakas kong sigaw habang yakap yakap ang aking kaibigan.
Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay para na rin akong namatay. Isang kaibigan na itinuring kong kapatid ang nawala sa buhay ko.
"Brock" tanging nasambit ko.
Beep! Beep!
Napatingin ako sa ambulance car habang papalapit sa amin ni Brock at agad itong huminto sa harapan namin.
Dalawang lalaki ang agad na lumapit sa amin at binuhat si Brock.
"Patay na ang biktima. Wala siyang pamilya kaya gobyerno na bahala sa kanya." Sabi ng isang lalaki habang pinapasok sa loob ng sasakyan ang katawan ni Brock.
"Sandali! Sasama ako.."
Mabilis na nakaalis ang sasakyan hindi na ako pinansin ng dalawang lalaki.
"Brock! Hindi totoo to.......Brockkkkkkkkkkk"
Sa mga panahong ito pakiramdam ko nawalan ako ng lakas hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong makita ang labi ng kaibigan ko.
"Joe!"
Malinaw sa alaala ko ang una't huling tawag sa akin ni Brock. Senyales ba ito ng pamamaalam?
Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang nililigpit ko ang mga gamit ni Brock. Gusto kong itago lahat ng alaala niya.
"Mga hayop sila, silang lahat...." Buo kong pagkakasabi habang inaayos ang mga kabibeng nakolekta ni Brock.
Nakita ko ang isang batong hugis bituin. Napangiti ako, alam kong magaling mamulot ng bato ang kaibigan ko.
Napaiyak lamang ako nang maalala ko si Brock.
"Patawarin mo ko Brock kung hindi kita nailigtas......hindi ko man lang nakita ang labi mo....Brock sana hindi mo ko iniwan wala na akong kasama...."
Sa kalungkutang nadarama ko ay naisipan kong puntahan ang labi ni Brock sa Punerarya ng Bayan.
"Hindi pwede! Gusto ko makita ang kaibigan ko." Malakas kong sigaw sa harap ng penerarya.
"Wala nga dito ang bangkay ng sinto-sinto, kung gusto mo pumunta ka sa syudad, kung mabutan mo pa habang hindi pa sinusunog ang katawan."
Para akong natigilan sa narinig ko. Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan.
"Bakit ninyo nilayo ang kaibigan ko?" tanging nasambit ko habang papalayo ako sa punerarya.
Hinawakan ko ang batong hugis bituin. Tinitigan ko itong mabuti.
"Salamat Brock.....salamat......Brock wala na akong kaibigan, diba  sabi natin walang iwanan."
Isang malakas na hangin ang naramdaman ko. Kaysarap sa pakiramdam ang hanging dumapya sa katawan ko.
"Brock salamat...."
Parang may nagsasabi sa akin na ituloy ko ang buhay. Huwag akong bibitaw. Parang kinakausap ako ng hangin.
"Brock pangako hindi ako bibitaw!"
Naglakad ako hanggang narating ko ang dagat. Pumatong ako sa isang malaking bato. Pinagmasdan ko ang dagat at huminga ng malalim.
"Brock nasaan ka man sana maging masaya ka." Kasabay ng mga salitang binigkas ko ang paghagis ko ng isang bato sa dagat. Alam kong sasaluhin ni Brock ang batong hinagis ko. Alam kong nasa puso niya ako.
"Paalam Brock! Salamat kaibigan"
Humakbang ako palayo sa dagat. Lumapit ako sa aking kariton at itinulak ito.
Simula ito ng bagong buhay. Itutuloy ko ang nasimulan namin ni Brock, itutuloy ko ang buhay.....
Part X
Pinagpatuloy ko ang buhay mula nang mawala si Brock. Nilakasan ko ang aking loob na harapin ang buhay at hindi ako nawalan ng pag-asa. Sinibukan kong maghanap ng ibang trabaho at hindi ako nabigo.
 "Sige Tanggap ka na" masayang sabi sa akin ni Kuya Caloy habang tinatapik ang aking balikat.
"Kuya salamat po talaga huwag kayong mag-alala aayusin ko po ang trabaho para naman po hindi ako mapahiya sa pagtanggap niyo sa akin bilang tao dito sa bigasan ninyo."
"Mabait kang bata Joe at may tiwala ako sayo."
Tumalikod na si kuya Caloy para pumasok sa loob ng tindahan.
Hindi ko mapigilan ang matuwa sa suwerteng binigay sa akin. Hindi ko akalain na bukod sa P50 araw araw na sahod ay libre na ang bahay at pagkain. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng isang tahanan.
"Joe heto sayo na 'yan." Si kuya Caloy na nasa pintuan habang inaabot sa akin ang mga lumang damit.
"Kuya sa akin po lahat ito?" masaya kong sabi.
"Oo sa iyo lahat iyan. Sige matulog ka na at bukas tatao ka na sa bigasan natin."
"Opo kuya salamat po."
Isinukat ko ang damit na binigay sa akin ni Kuya Caloy. Bumagay sa akin ang kulay berde na sando. Bukod pala sa sando ay may ilang t-shirt at pantalon na binigay sa akin ni kuya Caloy. Malamang mga pinaglumaan ito ni kuya.
Matandang biyudo si Kuya Caloy. Matagal nang namatay ang asawa nito. Sa masamang palad hindi sila biniyayaan ng anak. Sa pagkakaalam ko mayaman ang angkan ni kuya Caloy ngunit kung pagmamasdan mo ang kilos at ugali ni Kuya Caloy ay hindi mo masasabing mayaman. Isa pa hindi mo mapapansin sa kaliitan ng bahay. Yari lamang ito sa kahoy ngunit makikita ang tibay nito na sinubok na ng panahon. Sa tingin ko ay mayaman sa lupa si Kuya Caloy at isa sa naging negosyo niya ang bigasan sa bayan.  Kilala ang bigasan ni Kuya Caloy at noon paman dito na ako bumibili ng bigas kapag nauutusan ni Nanay.
Mabait si Kuya Caloy at makikita ko iyon sa pagmamalasakit niya sa akin. Kahit na edad singkwenta ay malakas pa si Kuya Caloy.
Bumaligtad ako ng higa. Pakiramdam ko hindi ako makatulog. Marami akong naalala. Isang buwan na ang nakalipas buhat ng mamatay si Brock. Sana kung buhay lang ang kaibigan ko sana magkasama kami ngayon. Naalala ko rin ang Nanay alam kong sa pagtratrabaho ko dito kina kuya Caloy ay madalas kaming magkikita. Dito bumibili ang nanay ng bigas at daanan ito pagpunta sa bahay namin. Alam kong malapit din sa bawat isa sina Nanay at Kuya Caloy.
Sa pagpikit ko ng mata alam kong panibagong bukas ang sasalubong sa akin.
"Joe aga mo yatang nagising?" bati sa akin ni Kuya Caloy na kagigising lamang nang mapansing bukas na ang bigasan.
"Tingnan ninyo kuya naka-kalimang daan na tayo. Mas maaga mas malaki ang benta."
"Swerte talaga ako sayo Joe. Sige diyan ka muna at lalabas lang ako para makabili ng almusal."
Nginitian ko si Kuya Caloy habang palabas ng tindahan.
"Sana malaki kita ngayon para matuwa si Kuya."
"Limang kilo nga ng bigas iho." Natigilan ako sa boses. Alam kong hindi ako nagkakamali. Kilala ko ang boses na nagmumula sa aking likuran.
"Nay!" sa pagharap ko nakita ko ang gulat sa mukha ng Nanay. Malamang hindi niya inaasahan na magkikita kami.
"Anak!" Agad na pumasok ang Nanay sa tindahan at agad akong niyakap. Yakap na may pagkasabik, yakap na may pagmamahal.
"Joe miss na miss kita anak."
"Nay ako rin po, alam niyo po kinupkop ako ni Kuya Caloy."
Pinahid ko ang mga luha ng Nanay sa pamamagitan ng aking palad.
"Nay sa ngayon hindi pa ako uuwi, alam kong alam ninyo na hindi pa pwede...Nay pangako gagawa ako ng paraan para matanggap ako ng tatay."
"Anak patawarin mo ko....."
"Nay mahal ko po kayo" Hinalikan ko ang nanay sa noo.
"Nay ilang kilo po ang bibilhin ninyo? Baka hanapin kayo ng tatay."
"Limang kilo lang anak." Habang kinikilo ko ang mga bigas na binili ng nanay ay pinipigilan ko ang mapaluha. Marahil sa pananabik kong makita ang nanay.
"Anak heto ang bayad." Inabot sa akin ng nanay ang limang daang piso.
"Nay heto po ang...."
"Anak sayo na lang yan ibili mo ng pangangailangan mo."
"Nay 'wag na po."
"Joe sige na kung tutuusin kulang pa 'yan."
"Wag kayong magalala Nay kapag sumahod ako ibibili ko kayo ng damit. Para naman lagi kayong maganda."
"Hahahaha! Sige Joe baka makita tayo ng tatay mo. Mamaya dadalawin kita dito. Sana naman anak kapag nakita mo ko huwag mo na akong pagtaguan."
Medyo napahiya ako sa sinabi ng nanay. Marahil nahalata niya ang pag-iwas ko sa kanya sa tuwing nakikita ko siya sa kalsada habang nagtutulak ako ng kariton. Ilang beses ko rin siyang nakita sa parke at alam kong ako ang hinahanap niya. Siguro sa tindi ng sama ng loob kaya ko siya pinagtataguan noon.
Mabilis lumipas ang panahon. Nagkaroon ako ng magandang buhay mula nang kinupkop ako ni Kuya Caloy. Nalaman kong bukod sa bigasan ay marami itong negosyong hawak sa ibat-ibang parte ng Pilipinas. Sa Iloilo may maisan at sa Cagayan de Oro ay may taniman ng pinya. Alam kong marami pang pag-aari si Kuya Caloy at ito ay kanyang nililihim lamang. Nalaman ko lamang ang ibang negosyo niya nang minsang narinig kong may kausap siya sa telepono.
Sa pamamalagi ko sa bahay ni Kuya Caloy ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na makausap ang nanay paminsan-minsan. Ang tatay minsan nang nag-Krus ang landas namin. Masakit man pero dapat kong tangapin na marami pa akong dapat patunayan para lubos niya kong tanggapin.
"Nay, buti po napadaan kayo." Bati ko sa nanay nang mapansin ko siyang palapit sa tindahan.
"Sandali lang ako anak, heto pala may ibibigay ako sayo." May iniabot sa akin ang nanay. Isang bagay na mahalaga sa akin.
"Napansin ko kasing paborito mo itong basahin noon kaya dinala ko. Habang wala kang ginagawa basahin mo para lalo kang matutong magbasa."
Iniabot ko ang pocketbook na binigay ng nanay. Sa puso ko may isang tao akong naalala. Isang babaeng nagpatibok ng aking puso, si Leslie.
"Nay salamat po." Tanging nasabi ko.
Umalis na ang nanay para pumunta sa palengke. Binuklat ko ang pocketbook.
"Nagkabalikan na sina Lorilie at James" napahinto ako sa pagbabasa. May isang bagay na pumipigil sa akin. Marahil nasasaktan ako sa mga katagang binabasa ko.
"Mukhang natulala ka diyan sa binabasa mo ha?" si kuya Caloy na kakarating lamang mula sa palengke.
"Ha! Wala po kuya pocketbook po ito." Gulat kong sagot.
"Maganda ba ang kwento? Sabi nila ang pocketbook ay parang buhay natin puno ng kulay."
"Tama po kayo Kuya!" patawa kong sagot.
"Tulad ninyo ni Leslie."
Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Caloy.
"Pano po ninyo nalaman?" takang tanong ko kay kuya Caloy.
Pinagtawanan ako ni Kuya Caloy sa sagot ko.
"Kuya naman bakit naman kayo tumatawa?"
"Wala lang..." pagpigil ni kuya sa pagtawa. "Wala lang, lagi ko lang kasi kayong nakikitang magkasama. Isa pa nasabi rin sa akin ni Leslie na malapit kayo sa bawat isa."
"Ano po? Ibig ninyong sabihin nag-uusap kayong dalawa?"
"Hahahaha oo naman joe, inaanak ko si Leslie. Bata pa lang 'yan ay kinakalong ko na. Dati kasi sa Manila ako nakatira."
Napangiti ako sa sinabi ni Kuya.
"Sayang nga kuya kasi wala na si Leslie. Mahal ko po siya kuya."
"Joe huwag kang mag-alala malay mo bumalik siya para sayo."
Napangiti ako sa tinugon ni Kuya. Kahit malabo nang mangyari 'yun ay parang ayaw ko nang umasa. Kahit isang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ay sariwa pa rin sa aking alalala ang mga nangyari.
Akala ko walang nang problemang dadating sa aking buhay. Mula nang mawala si Brock ay puro biyaya na ang dumating sa akin. Isang araw napadaan ako sa bahay at hindi ko inaasahan ang isang trahedyang mangyayari sa aking pamilya.
"Bilisan ninyo para niyo ng awa." Malakas na sigaw ng nanay. Minabuti kong lumapit sa gate para makita ko ang pangyayari. Naabutan kong binubuhat ni Eric ang tatay pababa ng hagdanan. Hindi na ko nag-aksaya pa ng panahon. Patakbo akong lumapit para tulungan si Eric sa pagpasok kay tatay sa kotse.
"Joe ang tatay mo..." maiyak-iyak na sabi ng nanay.
Naipasok namin ang tatay sa sasakyan. Nasa loob na rin ang nanay. Papasok na sana ako sa kotse ng bigla akong pinigilan ni Eric.
"Wag! 'wag ka nang sumama baka lalo lang mamatay ang tatay kapag sumama ka." Sabay pasok sa sasakyan.
"Joe anak ang maganda pa bantayan mo na lang itong bahay." Maiyak iyak na sabi ng nanay.
Hindi na ako nakasagot. Minabuti ko na lang na umakyat ng bahay. Tinawagan ko si Kuya Caloy para ipaalam sa kanya ang nangyari.
"Naku Joe sabihin mo lang sa akin kung may maitutulong ako.. sige dyan ka na lang muna."
Ibinaba ko ang telepono na may lungkot sa aking mga mata. Masama pa rin ang loob ko sa pagbawal sa akin ni Eric na sumama ng Hospital pero naisip ko rin na walang tatao dito sa bahay kapag sumama ako. Nakaramdam ako ng takot sa maaaring mangyari sa tatay.
Pumasok ako sa aking kwarto at napangiti ako sa nakita ko. Maayos at maaliwalas ang kwarto ko. Halatang nalilinisan at hindi pinababayaan. Binuksan ko ang kabinet at tumambad sa akin ang librong bigay ni Leslie. Salitang English ang nakasulat pero nababasa ko na kahit papaano.
Ibinalik ko ang libro sa kabinet. Minabuti ko na lang na lumabas at maghintay sa balita.
"Tao po! Tao po!" agad akong bumaba para alamin kung sino ang tao sa labas.
"Diyan po ba si Eric?" Apat na lalaki ang nasa labas ng gate at si Eric ang sadya nila.
"Bakit? Ano kailangan ninyo?" sabi ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ni Eric.
"Pakisabi na lang tol na bukas ng umaga ang lakad namin sa batangas."
"Batangas? Diba may pasok pa sa school si Eric?"
Nagkatawanan ang mga lalaki sa tanong ko.
"Kasi hindi na po kami pumapasok kami yung grupo ng mg estudyante na......" hindi na natapos ng isang lalaki ang sasabihin dahil pinigilan siya ng isang kasama.
"Ano ka ba?" pabulong nitong sabi sa kasama.
"Sige alis na lang kami." Paalam nila sa akin habang mabilis na tumalikod.
Hindi man natapos ang sasabihin ay alam ko na ang ibig nilang tukuyin. Matagal ng hindi pumapasok si Eric sa paaralan.
Umakyat ako ng bahay at may kaba sa dibdib. Kumusta na kaya ang tatay bulong ng isipan ko.
Mag-aalasnueve na ng gabi nang makarinig ako ng kotseng papasok sa bahay. Agad akong sumilip sa bintana. Si Eric ang nakita kong paakyat na ng hagdanan.
"Kumusta ang tatay?" agad kong tanong kay Eric.
"Ano pang ginagawa mo dito? umuwi ka na!" pabalang na sagot ni Eric.
"Kumusta ang tatay Eric?"
"Kapag nalaman ng tatay na pumunta ka dito baka...."
"Kumusta ang tatay?" malakas kong sigaw.
"Putang ina 'wag mo kong sigawan.." sigaw ni Eric sabay hila sa isang upuan.
"Ano ba ang gusto mo Eric ha.." Lumapit ako kay Eric at hinila ang kwelyo niya dahilan para mapalapit ang mga mukha namin.
"Bitiwan mo ko!" malakas na bigkas ng kapatid ko dahilan para mabitiwan ko siya.
"Lakas ng loob mong magtanong kung kumusta ang tatay."
"Kailangan kong malaman at dapat mong sagutin ang tanong ko."
"Inatake siya sa puso at malala ang kondinsyon niya... alam mo ba ang dahilan...alam mo kung ano....ikaw?"
"Ako? Hindi kita maintindihan?" tanong ko kay Eric.
"Nalaman ng tatay na nagkikita kayo ng nanay."
Natigilan ako sa narinig ko.
"Parang 'yun lang? Eric hindi kaya nalaman ng tatay na hindi kana pumapasok? Napatingin sa akin si Eric.
"Hindi ka makapagsalita? Eric pinaaral ka ng tatay pero...."
"Tama na? wala kang karapan na diktahan ako dahil hindi kita kapatid."
Bog! Isang suntok sa panga ang binitiwan ko dahilan para matumba si Eric sa sahig.
"Wala na kong ginawa kundi palampasin ang pambabastos mo sa akin. Kung ayaw mo kong respituhin bahala ka...Pero heto ang tatandaan mo hindi na ko papayag." Agad akong lumabas ng bahay baon ko pa rin ang bigat sa dibdib. Naisipan kong umuwi sa bahay nina Kuya Caloy.
"Kuya pwede po ba akong pumunta ng ospital?" agad kong sabi kay Kuya Caloy pagdating ko sa bigasan.
"Sige Joe puntahan mo ang tatay mo." Iniabot sa akin ni kuya Caloy ang isang daang piso para sa pamasahe ko.
"Kuya salamat!" Niyakap ko ang kuya para sa aking pasasalamat.
"Alam kong maraming pera ang tatay mo kaya hindi na kita bibigyan para sa kanya. Kung meron kang kailangan sa sarili mo sabihin mo lang."
"Joe!" pahabol na sabi ni Kuya.
"Bakit po?"
"Ipaglaban mo ang karapatan mo. Masaya ako at hindi ka tumulad sa iyong kapatid. Ikaw ang mas matanda."
Nginitian ko na lamang si Kuya bago ako tuluyang umalis.
Emergency Room
"Nasa Room 101." Madali kong tinungo ang Room 101 at hindi na ako nakapagpasalamat sa nurse na napagtanungan ko. Buti na lang kilala ng nurse ang tatay kaya kahit sa emergency ako nagtanong ay alam na nila kung nasaan ang tatay.
"Joe! Anak!" mahigpit akong niyakap ng nanay.
"Nay ano po ba ang nangyari?"
"Inatake ang tatay mo. Sabi ng Doctor magiging patay ang kalahati ng katawan niya."
"Hindi...." Tanging sambit ko sa narinig ko.
"Anak umuwi ka na....nakikiusap ako sayo."
"Baka...."
"Huwag mong isipin ang tatay mo...kailangan ka niya anak..."
"Sige po 'nay, 'wag kayong magalala sa ayaw o gusto ng tatay aalagaan ko siya."
"Joe natutuwa ako sayo dahil mabait ka, anak mahal na mahal kita."
"Nay bakit inatake ang tatay?"
Matagal bago nakasagot ang nanay. Pakiramdam ko pinagiisapan pa niya ang sasabihin.
"Nalaman ng tatay mo na bumagsak si Erick sa mga subject niya. Bukod pa doon hindi na pala ito pumapasok sa school."
"Hayop talaga ang Eric na 'yan."
"Wag kang magsalita ng ganyan Joe, kapatid mo siya."
"Nay hanggang kailan natin siya pagbibigyan. Hindi na maganda ang ginagawa niya."
"Naniniwala ako na magbabago siya."
"Kailan pa Nay? Kailan pa?"
"Mahina na ang tatay mo wala na siyang magagawa."
Isang linggo ang tatay sa ospital nang sabihin ng doktor na pwede na siyang i-uwi. Masakit man sa aming kalooban at dapat naming tanggapin na ang kalahating katawan ng tatay ay mamatay panandalian.
"Anak dito ka na lang sa bahay para may katulong ako sa pagaalaga sa tatay mo."
"Nay kahit hindi niyo sabihin sa akin aalagaan ko ang tatay."
Inihiga namin ang tatay sa kama at tulad nang dati wala pa rin itong kibo.
Lumabas ang nanay para ihanda ang pananghalian. Pinagmasdan ko ang tatay habang natutulog.
"Tay, pagaling kayo ha, kahit anong mangyari aalagaan ko po kayo." Hinalikan ko ang tatay sa noo at narinig ko ang pag-ungol niya.
"Urgmmmmm!" daing ng tatay.
"Tay matulog lang po kayo para po lumakas kayo...sabi ng doktor pasamantala lang po ang pagiging paralisado ninyo."
Kinumutan ko ang tatay at sa pag-akma kong kunin ang isang unan ay nakita ko ang bag ng nanay. Bukas ang bag at hindi ko sinasadyang makita ang bankbook ng nanay. Nagkaroon ako ng interest na buklatin ito.
"Pangalan ng tatay at nanay ang nakasulat dito." Mahina kong basa.
Napanganga ako nang makita ko ang limang milyon sa unang pahina nito. Ganito pala karami ang pera ng tatay. Pinagpatuloy ko ang pagbubuklat hanggang sa huling pahina.
Nagulat ako sa halagang nakita ko.
"Fifty thousand!" alam kong malaking halaga ito pero sa katayuan ng tatay naisip kong baka kulangin kami. Agad akong lumabas ng bahay at pinuntahan ang nanay na nagluluto.
"Nay may pera pa ba tayo? Ang alam ko may babayaran pa tayo."
"Anak bakit mo...."
"Nay karapatan kong malaman....wala na ba tayong pera?"
Natahimik ang nanay at tinitigan ako sa mga mata.
"Malaki nagastos ng tatay mo sa Ospital, malaki nagastos niya sa pagpapaaral kay Eric. Joe kailangan nating magtipid wala na tayong maasahan."
"Nay!" Niyakap ko ang nanay nang mahigpit. Umaasa akong gagaan ang pakiramdam niya sa mga yakap ko.
Lumipas ang ilang lingo ay patuloy ko pa ring inaalagan ang tatay. Ako ang nagpapakain, nagbibihis at naglilinis ng mga dumi niya. Lahat ng iyon ay ginawa ko ng buong puso.
"Yan  'tay ang bango-bango na po ninyo." Binuhat ko ang tatay mula sa kama at pinaupo sa wheelchair.
"Tay diyan muna kayo at kukuha ako ng gatas." Sabi ko sa tatay na nasa malayo ang tingin.
Paglabas ko ng kwarto at naabutan ko si Eric na kararating lang mula sa labasan.
"San ka galing? Wala ka na bang gagawin kundi ang lumabas...hindi ka nanga pumapasok hindi ka pa nakakatulong dito sa bahay,"
"Putang ina anong gagawin ko dito? Mag-alaga ng may sakit."
‘Eric ikaw dapat ang magalaga sa tatay. Lahat binigay niya sayo pero anong iginanti mo.."
"Pwede ba tigilan mo na ko..." tumalikod si Eric sa akin at papasok ng kwarto.
Hinabol ko si Erick at hinatak ko pabalik sa akin.
"Di pa tayo tapos halika dito."
"Pwede ba bitawan mo ko..." malakas na sigaw ni Eric pero hindi ako nagpatalo. Hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya at isinandal ko siya sa pader.
"Mahina na ang tatay wala ka ng kakaampi Eric..."
"E di mabuti sana mamatay na ang tatay para sa ganun makuha ko na ang mamanahin ko....alam mo joe 'wag ka ng umasa dahil kahit isang singkong duling walang ibibigay sayo ang tatay."
Binitiwan ko si Eric at hinarap ko siya.
"Wala ng pera ang tatay Eric....naubos sa kalokohan mo....hindi tayo mayaman pero lahat ginawa ng tatay para sayo...lahat lahat binigay sayo...."
"Hindi totoo 'yan!"
"Bakit natatakot ka? Natatakot ka na wala ka ng pambili ng bisyo mo."
"Putang ina mo! Ikaw ang malas sa bahay na ito..."
"Tama na! ano ba kayo? Eric nakikiusap ako sayo magbago ka na." ang nanay na kanina pa pala nakikinig sa away namin ni Eric.
"Leche pareho kayong walang silbi..." mabilis na lumabas si erick at agad itong sumakay ng kotse.
"Anak hayaan mo na...naniniwala ako na magbabago rin ang kapatid mo."
"Nay!" niyakap ako ng nanay. Mahigpit animo'y nakikiusap na kumalma na ako.
Alam ko na nasasaktan ang nanay sa nangyayari sa amin.
"Nay!" kumalas ako sa pagkakayakap sa nanay. Nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Nay bakit po?"
"Joe dumating ang notice sa bangko dalawang buwan na lang ang binigay na palugit sa atin."
"A-anong palugit Nay?"
"Joe nakasanla ang bahay natin sa bangko."
"Ha!.....Nay pano mangyayari 'yun? Saan ginamit ang pera?"
"Anak mula ng umalis ka ng bahay natutong magsugal ang tatay mo. Mga luho ni Eric at sa mga pinagkakautangan pa ng tatay mo."
Humagulgol ang nanay at naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya."
"Nay, tama na po may pag-asa pa naman."
"Pano na tayo Joe?"
Niyakap ko ang Nanay at ramdam ko ang init ng mga luha niya.
Hindi ako nakatulog sa gabing iyon inisip ko kung pano malulutas ang problemang dinaranas ng pamilya ko. Nakahinga ako ng maluwag sa naisip ko, ang pagbebenta ng ilang kasangkapan kasama ang kotse ng tatay. Pumayag ang nanay sa naisip ko. Mula sa araw na iyon ay unti-unti naming ibinenta ang ilang kasangkapan kasama ang sasakyan ng tatay. Ang perang pinagbentahan namin ay nakatulong ngunit nagkamali akong sapat na lahat ng kinita namin.
"Joe kulang pa rin, sa gamot pa lang ng tatay mo kukulangin pa rin tayo. Pero 'wag kang mag-alala nakabayad tayo sa bahay. Kahit maliit lang ang naihulog natin ay sapat na 'yun para magtiwala sa atin ang bangko."
"Nay paano kung hindi natin mabayaran ang bahay malaki pa po ang kulang natin."
"Wag muna natin isipin ang bahay, binigyan tayo ng tatlong buwan para makabayad."
"Nay sana po gumaling na ang tatay." mahina kong sabi.

 Lumipas ang mga araw natuwa ako sa resulta ng pag-aalaga namin ng nanay.
"Nay! Nay!" malakas kong tawag sa nanay.
"Bakit Joe ano nangyari.?" Takang tanong ng nanay.
"Nay  tingnan ninyo gumagalaw na ang tatay."
"Tay! Gumagaling na kayo"
"Hmmmmgrmmm" daing ng tatay na parang gustng magsalita.
"Tay okay na po kayo nakakagalaw na po kayo?" hinawakan ko sa kamay ng tatay.
"Aaaaaaaaa"
"Tay magsalita po kayo alam ko kaya niyo."
"E------e-----e-eri..c"
Natigilan ako sa narinig ko. Nasaktan ako. Hindi ko inaasahan na sa lahat nang nangyari si Eric pa rin ang hahanapin ng tatay.
"Anak ako na bahala sa tatay mo. Lumabas ka muna ihanda mo ang meryenda ng tatay mo."
Sinunod ko ang bilin ng nanay. Sa paglabas ko naabutan ko si Eric na nakaupo sa sopa sa salas.
"Hinahanap ka ng tatay." Mahina kong sabi kay Eric.
"Nakakapagsalita na pala ang matanda." Walang ganang sagot ni Eric.
Nagtimpi ako sa narinig ko. Minabuti ko na lang na 'wag pansinin ang kapatid ko. Alam kong away lang ang patutunguhan nito. Pinilit kong mag bingi-bingian na lang sa mga naririnig ko.  
Pagkatapos kong mag luto ay  tulak tulak ko ang wheelchair ng tatay papunta sa kusina. Pakakainin ko ang tatay. Habang tumatagal ay gumagaling ang tatay. Marahil sa pag aalaga namin ng nanay at kahit na paubos ang pera namin ay hindi namin tinipid sa pangangailangan ng tatay. Lahat nang makakabuti sa kanya ay binigay namin para sa kanya.
"Tay heto po kain tayo..." kinuha ko ang kutsara at isinandok sa mainit na sabaw ng baka.
Akma kong susubuan ang tatay.
"Tay ibuka niyo na po ang bibig nyo...heto masarap po ang nilagang baka na niluto ng nanay."
"Tay sige na po ibuka na ninyo ang bibig nyo..." pahabol kong sabi.
Natuwa ako ng unti-unting bumubuka ang bibig ng tatay.
"A----L----la-la-layas ka d-dito..."
"Tay!"
"L-layas!"
"Tay masarap po to sige na po kain na po kayo.."
"Aaaaaaaaaaaaaa! La-layas ka layas ka." Malakas na gumagalaw ang tatay. Parang galit na galit na nakatitig sa akin.
"Tay! tama na po!"
"aaaaaaaaaaaaa!"
"Pwede ba umalis ka diyan." Biglang sabi ni Eric mula sa aking likuran.
"Tay 'wag kayong magalala aalis na yang ampon n'yo."
Tumigil sa pagwawala ang tatay. Si Eric naman ay nasa likuran ng tatay at sinimulang itulak ang wheelchair papasok ng kwarto.
Pinagmasadan ko ang tatay at hindi ko mapigilan ang mapaluha sa mga pinakita niya sa akin. Pero tulad ng dati ay sandali lang ang pagpatak ng luha ko. Sa dami ng pinagdaanan ko dapat masanay na ako. Hindi na dapat ako nasasaktan ng ganito
Minabuti kong si Eric na lang ang mag-alaga sa tatay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at naisipan niyang alagaan ang tatay. Noong una akala ko buong puso ang pag aalaga niya ngunit nagkamali ako.
"Putang inang buhay ito....hirap mong pakainin...baho mo pa... wala ka palang pera inutil ka pa...dapat sayo mamatay na... ahhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ni Eric habang kinakalat ang mga pagkain sa harapan ng tatay.
"Ahhhhhhhuhmmmmm!" daing ng tatay.
"Eric ano ka ba......tigilan mo na 'yan..." akma kong susuntukin si Eric nang mapansin kong nahihirapang huminga ang tatay.
"Tay! tay ano nagyayari sa inyo...Eric tumawag ka ng doktor....Ano ba tumawag ka ng doktor."
Nanatiling nakatayo lamang si Eric at parang hindi ako narririnig.
"Tay!" napansin kong hindi na gumagalaw ang tatay. Wala ng malay ang tatay.
"Hindi...............tayyyyyyyyyyyyyyyyyyy"
Isinugod namin ang tatay sa pampublikong ospital sa bayan. Mababakas sa mukha ng nanay ang tindi ng dalamhati.
"Nay ano sabi ng doktor?"
"Anak sa awa ng diyos ok naman ang kalagayan ng tatay mo...maliit na atake lang daw........kaso kailangan pa rin nating ipagpatuloy ang pagpapagamot sa tatay mo."
"Nay!" niyakap ko ang nanay ng mahigpit.
"uhgggggggg!" daing ng tatay. Unti-unti na siyang nagkakamalay hinawakan siya ng nanay sa kamay.
"Pagaling ka ha para makauwi na tayo." Mahinang sabi ng nanay sa tatay.
"Gagaling a-ako pa.......uuuumalis a-ng a-anak mo"
Pareho kaming nagulat ng nanay sa sinabi ng tatay. Alam naming pareho na ako ang tinutukoy ng tatay.
"Tay mahal ko po kayo pero kung ano ang makakapagpasaya sa inyo gagawin ko."
"Joe!" pagpigil ng nanay.
"Tay magpagaling kayo ha." Agad akong tumalikod palabas ng emergency room. Masakit man sa aking kalooban dapat ko nang tanggapin na hindi na magbabago ang pagtrato sa akin ng tatay at kahit masakit sa aking damdamin ay lalayo ako para sa katahimikan ng Tatay.
Lumipas ang mga linggo ay minabuti kong huwag magpakita sa tatay. Tanging ang nanay lamang ang bumibisita sa akin sa bahay nina Kuya Caloy. Noong una lagi akong binibisita ng Nanay hanggang ang lagi ay naging minsan na lamang. Marahil pinagbawalan siya ng tatay sa pagbibisita sa akin.
Sa puso ko nandon pa rin ang matinding kalungkutan. Pakiramdam ko may kulang sa aking pagkatao. Tulad ng dati sa parke ko naibubuhos ang lahat nang hinanakit ko sa buhay. Habang nakaupo ako sa isang batuhan malapit sa dagat ay unti-unti kong pinagmamasdan ang papalubog na araw. Hindi ko namamalayan na may mga luha nang namumuo sa aking mga mata.
"Kung may problema ka nandito lang ako pwede kang umiyak sa aking likuran." Natigilan ako sa aking narinig. Parang nagkaroon ng sigla ang aking buhay.
"Nandito na ako para sayo."
Unti-unti akong lumingon sa pinagmulan ng boses at parang gumunaw ang mundo ko sa nakita ko.
"Leslie!"
Nakatayo si Leslie sa aking likuran. Nakalugay ang buhok habang nililipad ng hangin. Nakita ko sa mga mata ni Leslie ang pananabik na makita ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at unti-unting lumapit kay Leslie. Parang hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ang babaeng una kong minahal.
"Leslie!"
"Joe!"
Mahigpit kong niyakap si Leslie. Parang ayaw ko nang mawalay siya sa aking tabi.
"Joe kumusta ka na?" maluha-luhang sabi ni Leslie sa akin. Hindi ako nakasagot bagkus isang halik sa labi ang iginanti ko sa kanya.
"Leslie mahal kita parang awa mo na huwag mo na akong iwan."
Hinawakan ni Leslie ang mukha ko. Pinahid niya ang palad niya sa luhang pumatak sa aking mata.
"Nagbalik ako para sayo, Joe mahal kita."
Muling naglapat ang labi namin ni Leslie.
"Sandali...." Pag-awat sa akin ni Leslie.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Baka may iba ka na?"
"Leslie ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang.." hinimas ko ang buhok ni Leslie habang nililipad ng hangin.
"Akala ko nagpakasal ka na kay..."
"Joe gaya ng sabi ko nandito ako para sayo, pinaglaban kita alam mo ba payag na sila, payag na ang kuya."
Natuwa ako sa sinabi ni Leslie muli ko siyang niyakap nang mahigpit.
Ramdam ko ang pananabik na mayakap ang babaeng pinakamamahal ko. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Malakas ang pagbuhos ng ulan habang tahimik kaming nag-uusap ni Leslie. Lahat ng nangyari sa buhay ko ay nasabi ko na sa kanya. Alam ko na rin ang dahilan kung bakit siya umalis noon. Sa amerika doon niya ipinaglaban ang pagibig niya sa akin. Ipinakita niya sa kanyang pamilya na hindi siya magiging masaya kapag hindi ako ang nakapiling niya. Pero sa aking isipan alam kong may nangyari na hindi ko pa nalalaman.
"Pano 'yan mukhang malakas ang ulan hindi ako makakauwi."
"Dito ka na lang matulog."
‘Talaga pwede?"
"Oo naman malapad ang sofa." Sinabayan ni Leslie ng pagpag sa sopang kinauupuan namin.
"Kuha lang ako ng kape para mainitan ang sikmura natin." Pumasok si Leslie sa kusina para magtimpla ng kape.
Napasandig ako sa sopa habang hinihintay ko si Leslie. Dahil sa medyo may katagalan na si Leslie sa kusina naisipan kong sumunod sa kanya.
"Kanina ka pa diyan ha..." pagulat na sabi ko kay Leslie.
"Kaw lang pala, hinahanap ko kasi ang asukal parang hindi ako nakbil....." hindi na naituloy ni Leslie ang pagsasalita at isang halik sa labi ang ibinigay ko sa kanya.
Mahigpit na humakap sa akin si Leslie. Mainit na mga yakap at halik ang ibinigay namin sa bawat isa. Sa bawat buhos ng ulan ay kasabay ng mga hakap at halik. Wala na akong maramdaman kundi ang init ng pagmamahalan namin ni Leslie.

No comments:

Post a Comment