“Kahit sinasabi ng utak mo na hindi mo siya mahal kung puso na mismo ang sumisigaw na nagmamahal ka na eh, wala ka nang magagawa kundi ang i-welcome siya sa puso mo.” – jondmur
“A-ano ba? Sa ganda ng katawan ko, ‘wag mong sabihing hindi mo ko nakita?” pataray na wika ng ating bida.
“Excuse me! Huwag mong sabihin na sa laki ng masel ko sa katawan eh hindi mo ko nakita? Ikaw kaya ang bumunggo sa akin,” agad na tugon ng isang binata. Mababakas sa mga mata nito ang labis na pagka-inis sa babaeng kaharap.
Tumaas ang kilay ni Shy sa isinagot sa kanya ng lalaki. Bumaba ang tingin niya na tila kinikilatis ang pangangatawan ng kaharap. Bumagay sa pangangatawan nito ang fatigue na suot nito na siyang nagpalaglag ng panga niya.
“M-mukhang na-magnet ka na sa ka-gwapuhan ko ha? Pero sorry miss di ko like ang tulad mo. Na sa’yo na yata ang lahat ng arte sa katawan,” sabi nito na parang natatawa habang pinagmamasdan ang pag pose niya na tila kandidata sa Mutya ng Dalampasigan.
Sasagot pa sana siya nang bigla na itong tumalikod. Halos bumuga ng apoy ang ilong niya sa sobrang pagka-inis. For the first time in her life, may isang lalaking nagsabi ng negative about sa kanya.
“Ang kapal!” Bigla siyang natauhan nang matuklasang mahaba na ang pila. Inayos niya ang folder na nakasipit sa kilikili niya saka kinuha ang ballpen sa loob ng kanyang mini bag. Sumingit na rin siya sa mga estudyante na kumukuha ng application para maging cadet officer. Kahit mahirap ang pag-martsa sa gitna ng araw ay handa niyang tiisin, makasama lamang ang binatang nagpapatibok ng kanyang puso.
High School student ang ating bida. Isang dalagita na natutong humanga sa isang binata na sa simula pa lang ay kinaiinisan na siya. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang cadet officer? Bukod sa gwapo na matalino pa kaya malakas ang dating sa mga kababaihan. Kung alam lang nito na madalas itong pag-usapan sa loob ng restroom. And base on her own experience, nakakalaglag panty ang taglay nitong karisma.
Iyon ang unang araw na nakilala niya ang binata. Nasundan pa ang ganoong eksena. At aaminin niya na sinasadya niya ang pag bunggo rito. Akala niya matutumba siya saka mapapayakap sa lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.
Lumang eksena sa isang pelikula kung saan si babae mapapayakap sa lalaki. Inch by inch hanggang sa maramdaman niya ang tamis ng halik. Kaso, palpak ang plano niya. Inaway siya ng lalaki saka sinabihang maarte.
Isang taon na rin ang nakakaraan mula nang maganap ang unang eksena ng bungguan. Tanda pa niya ang unang araw na nakita niya ito habang nasa drill. Lalaking lalaki ang boses na siyang nagpapakabog sa kanyang dibdib. Sinalubong niya ito saka naganap ang inaasahan niya – nagkabungguan sila.
“A-ano ba? Alam mo nakakahalata na ako sa’yo. Sinasadya mo ba ang pagbunggo sa akin?” Natigilan siya. Naulit na naman ang eksenang ito. Tumaas ang tingin niya hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin.
“Sorry, sir! Sa sobrang laki kasi ng katawan mo di ko na makita ang dinaraanan ko,” pilyang sagot niya sa cadet officer.
Napangiti siya nang pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. 3rd yr high school siya sa tagpong ito kaya alam niya na nag-improve ang personality niya.
“Huwag mong sabihin na_”
“Yes, tama ang hinala isa na po ako sa _” Naputol ang sasabihin niya nang bigla itong tumawa.
“Sure ka? Mas bagay yata sa’yo ang beauty contest kesa sumabak sa drill,” wika nito. Muling lumipad ang tingin ni Norhan mula ulo pababa hanggang sa mapangiti ito. Lihim siyang natuwa nang lumabas ang mga ngiti nito. First time siyang nginitian ng lalaki na siyang nagpakabog ng kanyang dibdib.
“Alam mo, mas gwapo ka kapag di ka nagsusuplado. Tingnan mo, mas bagay sa’yo ang tumatawa.” Bumalik sa formal ang mukha ng binata hanggang sa tumalikod na ito. Sinundan naman niya ng tingin ito hanggang sa maglaho na sa paningin niya.
“Hoy! Kanina pa kita hinahanap,” sabi ng bestpren niya.
“Nagka-bungguan kami kanina,” kaswal na tugon niya.
“Na naman?”
“Ano ka ba? Sa pagkakataong ito eh talagang nagkabungguan kami. Imagine, nginitian niya ako. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Siguro nagagandahan siya sa akin? At alam mo napapangiti siya.”
“Bruha! Bukas ang zipper mo!”
Napapanganga ang ating bida. Namula ang kanyang pisngi sa natuklasan. Isipin mo, pinagtatawanan lang pala siya?
Badtrip ang beauty niya. Hindi niya akalain na pinagtatawanan lang pala siya. “Hmmm! Sabagay, atleast napangiti ko siya,” malanding wika niya sa kanyang sarili.
Sabado ang tagpong iyon kung saan may inaayos silang group project. Natuwa siya nang matuklasang si Norhan ang magiging officer nila. Nag-desisyon siyang huwag nang ituloy ang pag-apply o pag training para maging officer.
“Alam mo ba na may nagsabi sa akin na naiinis daw sa’yo si Norhan kasi ang arte mo daw?” singit ng isang matabang babae na tila kinikilig habang nagkukuwento.
Maarte pala, bulong niya sa kanyang sarili.
“Pero halata naman na may crush ka sa kanya,” singit ng isang payatot na lalaki.
“A-ako? May crush sa kanya?” agad niyang tugon kasunod ng isang malakas na halakhak. Love ko na kaya yun, aniya sa kanyang sarili.
Simula sa araw na iyon ay lalo siyang nag-iinarte sa harapan ng binata hanggang sa paringgan na siya nito na sana raw sa beauty contest na lang siya sumali. Pero naiinis na siya sa kanyang sarili dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha ang loob nito.
Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon para sa kanya. Nabalitaan niya na sumakit ang tiyan ni Norhan kaya tinulungan niya itong makapunta ng clinic.
“Thanks!” kaswal na tugon nito habang iniabot niya ang gamot.
“Ito ang tubig mo,” simpleng wika niya sa binatang tila namimilipit sa sakit. “Okay ka lang ba? Baka naman natatae ka lang?”
Biglang natawa ang binata sa itinuran niya. Natapon tuloy ang tubig hanggang sa mabasa ang damit nito. Halos manlambot ang tuhod niya nang biglang maghubad ito ng damit. “Sampay ko lang para matuyo,” wika nito habang nakangiwi. Tinulungan na rin niya ito na punasan ang pawisang likod. “Ako na!” Napahawak siya sa kamay nito hanggang sa magtama ang kanilang mga paningin. Halos bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya matutupad na ang kanyang pangarap – ang makatanggap ng first kiss mula sa binata.
“N-norhan,” wika niya habang sinasalubong ang mapang-akit na titig ng binata. Kinakabahan siya sa mga susunod na eksena hanggang sa mapapikit na siya. O, come on baby kiss my lips, sigaw ng utak niya subalit di kayang bigkasin ng kanyang bibig.
Isang malutong na kiss sa noo ang natanggap niya. “Thanks ha! Kasi sinamahan mo ako sa clinic,” malambing na wika nito sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Dumating na ang school doctor na kagagaling lamang sa kabilang silid. Nagpaalam na siya sa binata saka lumabas na ng clinic. “Kainis na naman sa forehead lang ang kiss,” inis niya wika niya sa kanyang sarili.
Hindi niya akalain na iyon na ang simula ng love story niya. Isang supladong cadet officer ang nahulog sa kaartehan niya. May mga panahong sabay silang mag-recess, mag review sa library, at napapadalas ang pag-abang sa kanya sa gate para ihatid siya o yayaing kumain ng fish ball sa plaza.
Biglang namula ang kanyang pisngi nang hawakan nito ang kanang kamay niya. Gustuhin man niyang tumutol ay hindi niya magawa. Speechless ang ating bida!
“O, natahimik ka na! Kailan mo ba ako sasagutin?”
“Ha? Bakit, nanliligaw ka ba?”
“Oo, bakit di ba halata?”
“Bakit mahal mo ba ako?”
“Mahal na mahal kita! Ikaw lang buhay ko,” seryosong wika nito sa kanya. Isang halik sa noo ang ibinigay nito na siyang nagpakilig sa kanya. “Ano ka ba? Mamaya may makakita.”
“Bakit nahihiya ka?”
“Eh, kasi naman sa noo.”
“Bakit saan ba dapat, sa lips?”
“Okay ka lang, di pa nga tayo,” tugon niya rito.
“Sige, maghihintay ako pero bago mo ko sagutin ipapakilala muna kita sa mga kapatid ko ha.” Halos maiyak ang ating bida sa kanyang narinig. Na touch ang puso niya sa nabanggit nito. Isipin mo, ipapakilala na siya sa mga kapatid nito?
Lumipas ang mga araw hanggang sa mapatunayan niya ang pagmamahal nito. Nakilala na rin niya pati ang nanay nito. Magpapakipot pa ba siya?
Kaya naman isang regalo ang ibinigay niya sa binata nang magtapos ito bilang Valedictorian. Isang regalong labis nitong ikanatuwa.
“T-talaga? Tayo na?” Halos magsisigaw ito sa labis na tuwa. Para itong bata na nabigyan ng bagong laruan. Niyakap siya nito saka hinalikan sa noo. “Mahal na mahal kitaaaaa!” malakas na sigaw nito. “Alam mo, ikaw ang buhay ko. Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay.”
“Ikaw talaga!” wika niya habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa baywang ng binata. Ramdam niya ang pagtibok ng puso nito. “Mahal na mahal kita,” wika niya na siyang ikinatuwa ni Norhan.
Isang halik sa labi ang kanyang naramdaman. Napapikit siya hanggang sa mapaluha. Sa buong buhay niya ngayon lamang niya naramdaman na may nagmahal sa kanya. Ramdam niya ang bawat pagtibok ng puso nito.
Mainit ang halik na tila pumapaso sa kanyang pagkatao. Hindi na niya naisip kung may mga taong nakakakita sa kanila. Ang alam lang niya ay nayayakap niya ang lalaking naka-toga – isang lalaking nagtapos bilang Valedictorian.
“Mahal na mahal din kita Norhan,” sabi niya habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng lalaki.
“Kapag pinasok mo ang isang relasyon dapat nakahanda ka sa mga problemang maaaring makalamat sa relasyon ninyo.” jondmur
Naging maayos ang relasyon nila ni Norhan. Kahit seloso ang lalaki ay nalalampasan nila ang maliliit na problema na kadalasang pinag-aawayan ng dalawang magkasintahan. Ilang beses na ring pinatunayan nito na pagmamahal sa kanya.
Minsan naman halos mamatay na siya sa selos subalit nalalampasan nila ang mga ganitong problema. Iniisip na lamang niya na hindi siya ipagpapalit ng binata na siyang pinatunayan nito.
Bigla siyang natigilan nang mabuksan niya ang isang box – isang silver ring ang ibinigay sa kanya ni Norhan.
“Ang ganda!” Hinawakan nito ang kanyang kamay saka isinuot ang singsing na bumagay sa kanyang daliri.
“Kahit anong mangyari, tandaan mo sa’yo lamang magtatapos ang buhay ko. Mahal na mahal kita kahit maarte ka pa,” malambing na wika nito. Mababakas sa mga mata nito ang labis na pagmamahal.
“Mahal din kita Norhan. Mahal na mahal kita.” Niyakap siya ng binata hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng puso nito.
Mainit ang mga yakap nito na tila bumubuhay sa katawang lupa niya. Gustung gusto niya ang ganitong eksena. Katulad nang madalas nitong ginagawa – sa noo siya madalas halikan ni Norhan hanggang sa bumaba ito at magkabungguan ang kanilang mga ilong.
Papa Love:
The Eskimo Kiss - Nagagawa ito sa mga movies, kung saan di naman totally naghalikan ang dalawang bida. Nagbungguan lang ang kanilang mga ilong. Nakapikit habang habol ang paghinga. Sa Eskimo Kiss, ang nose ng mag partner ay naglalapat – back and forth againts each other.
Naks!
Kahit di naglapat ang mga labi eh, okay na – para kang nasa ulap. Lalo na kung si crush ang gagawa nito sa’yo. Kadalasan nagaganap ito sa accidental na bungguan – ung di mo alam kung hahalikan ka o hindi. Ang alam mo lang napapikit ka at naramdaman mo ang nose niya na sumasagi sa nose mo.
“Kapag okay na ang lahat saka darating ang isang bagay na hindi mo inaasahan. Masasaktan ka sa matutuklasan mo.” - jondmur
HABANG abala si Shy sa isang school project nang bigla siyang tinawag ng isang lalaki. Napalingon siya at napangiti nang makilala ang pinsan ni Norhan. Subalit, ang ngiti ay agad na nabura sa ibinalita nito sa kanya.
“P-patay na si Norhan.”
“A-anong sinasabi mong patay na si Norhan? H-hindi yan totoo!” malakas na sigaw niya na siyang nagbigay pansin sa ibang estudyante.
“Ang love story minsan mapaglaro. Akala mo okay na ang lahat kasi ang saya saya mo pero minsan may pagkakataon na labis kang masasaktan.” – jondmur
Pakiramdam ni Shy ay may nakapasan na krus sa kanyang mga balikat habang tinatakbo ang kalsada. Halos madurog ang kanyang puso sa natuklasan. Patay na ang lalaking nagbigay kulay sa kanyang buhay.
Sa ospital, tumambad sa kanya ang duguang mukha ni Norhan. Agad niya itong nilapitan saka niyakap.
“H-hindi! Sabihin n’yo sa akin na hindi ito totoo. Buhay siya… b-buhay si Norhan! Sabihin n’yo sa akin na hindi ito totoooo!” Halos mawalan na siya nang lakas habang niyayakap ang walang buhay na binata.
“Shy, tama na!” Nilingon niya ang pinsan ng binata. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na paghihirapan.
“Hindi! Buhay pa siyaaaa! Doc, sabihin n’yo sa akin na may pag-asa pa siya.” Muli niyang niyakap ang katawan ng binata. “ Norhan, magsalita ka! Nakiki-usap ako sa’yo! Diba sabi mo, mahal mo ako… sabi mo ako ang buhay mo…. Norhan, narito lang ako… nakiki-usap ako sa’yo gumising ka.”
“Shy, tama na!” wika ng isang babae. “Kukunin na nila ang bangkay.”
“Bitiwan n’yo ako! Hindi ako papayag na wala na siyaaaa! D-diyos ko, maawa kayoooo! Norhan, lumaban ka!” Umiyak siya nang umiyak hanggang sa maramdaman niya ang panghihina. Hindi niya akalain na mawawala na ang lalaking iniibig. “Norhan, mahal na mahal kita! Nakikiusap ako sa’yo gumising ka!”
Isang linggo ang nakalipas nang inilibing ang binata at kasunod niyon ang pagkamatay ng ama nito na nakasama sa aksidente. Masakit man ang nangyari at pinipilit niyang huminahon.
Gusto niyang maging matatag para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng lalaki. Ayon sa matandang kasabihan, huwag masyadong iyakan ang namayapa na kasi malulungkot ang kaluluwa nito. Dapat niyang ipakitang masaya na siya at unti-unting nakakabangon.
Kasabay nang paghampas ng hangin sa kanyang katawan ang tila pagyakap sa kanya ng isang di nakikitang lalaki. Napapikit siya hanggang sa maramdaman niya ang pagtibok ng puso nito. Mayamaya pa, ramdam niya ang mainit na labing humalik sa kanyang puso.
“N-norhan?” Napamulat siya hanggang sa tumambad sa kanya ang maamong mukha ng binata. “B-buhay ka?” Muli siyang niyakap ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang maiinit nitong labi na siyang pumapaso sa kanyang pagkatao.
Habol ang paghinga nang makawala ang kanyang mga labi. “Mahal na mahal kita Shy, Tandaan mo, ano man ang mangyari. Sayo lang magtatapos ang buhay ko. Mahal na mahal kita.”
“A-anak, s-sinong kausap mo?” Napalingon siya sa boses ng kanyang ina. At doon niya natuklasan na tila niyayakap niya ang hangin. Wala siyang kausap – nagiisa siya!
HABOL ang paghinga ni Shy nang makabangon sa kama. Ilang taon na ang nakakaraan subalit napapanaginipan pa niya ang isang lalaking naging bahagi na ng kanyang buhay. Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Nasaan ang singsing na ibinigay sa kanya ni Norhan?
Tumayo siya saka tinungo ang drawer niya. At halos matigilan siya nang matuklasang katabi ng silver ring ang picture frame ni Norhan.
Biglang bumukas ang bintana ng kuwarto na siyang nagpakabog ng kanyang dibdib. Lumapit siya sa bintana saka dumungaw rito hanggang sa ma-focus ang paningin niya sa langit. Ang ulap ay tila nagka hugis hanggang sa maging imahe ng isang binata.
“Norhan, mahal na mahal kita! Nagpapasalamat ako dahil alam kong hindi mo ako iniwan. Nasaan ka man ngayon, gusto ko lang malaman mo na ikaw rin ang buhay ko. Mahal na mahal kita.”
“Ang love kapag dumating sa buhay mo, hindi iyon mabubura agad sa puso mo. Minsan hanggang sa kabilang buhay dala dala mo ang pagmamahal mo sa kanya.” – jondmur
“Ok po..yup lage minsan nararamdaman ku na may humahalik sa nuo ku (lage nea ganagawa un) nung bday nea last april 21 nagparamdam sea yung silver ring na bigay nea sakin napunta sa tabe ng pic.frame nea tas dumalaw dn sea sa panaginep ku.”
“Opo..my ex kinda multo2x me ehehe.”
“opo :( high schoolmet po kame..s1 sea sa PMT aspirant nman aku..he hates me maarte raw kc aku..tas 1 afternun habang drilling kame sumakit tian nea aku yung tumulong sakanea...”
“Opo..highskul validictorian sea nung gumradwet sinagot ku as a gift ehehe.”
“Opo..nasa skool aku may tinatapos na project tas dumating yung pinsan nea kinausap nea aku at yun sinabe nea na aksidente sila ng papa nea..hes papa survived pero after a week nawala dn matinding damage sa heead ang kinamatay nea..”
Jondmur:
Maraming salamat sa’yo Shy! Alam mo, para sa akin isa ito sa love story na hindi ko makakalimutan. Kakaiba kasi ang story mo. Alam ko marami ang naantig sa love story mo…. Nakakabilib ang pagmamahalan ninyo ni Norhan. Alam ko na masaya siya saan man siya naroroon ngayon.
Saludo ako sa’yo! At masaya dahil binigyan mo nang pagkakataon ang sarili mo na muling magmahal…. Sa tatlong taon mula nang mamatay si Norhan alam kong hangad niya ang makatagpo ka ng isang lalaking magmamahal sa’yo ng tapat.
Maraming Salamat!
Papa Love, I am in love: Norhan
Sa Panulat ni Jondmur
Uwaaaaahhhhh!!!!!! T_T
ReplyDeleteIto yung hinanap ko sa TRE.,.
Nice.. ^__^