Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Catch Me, I like how it feels!

“Minsan hinahanap mo si LOVE kahit ang totoo nasa tabi mo lamang siya. Nagiging bulag ka lang kasi iba ang pinapangarap mong makasama.” – jondmur
KABADO si Cattleya Mae habang bumababa ng jeep. Hindi niya tiyak kung itutuloy pa ba niya ang plano niya – ang makipagkita sa text mate niya. Halos kumabog ang dibdib niya nang muling mag-beep ang cellphone niya. O, ginoo ko! ma watch daw kami sang movie? aniya sa kanyang sarili habang umaakyat ng escalator. Sa isang mall sa Iloilo sila magkikita ng ka-textmate niya.




Napataas ang kilay niya nang masulyapan ang isang lalaking naka jacket. Nakatalikod ito habang tinitingnan ang isang movie poster. Malakas ang pakiramdam niya na ito ang ka-textmate niya. At napatunayan niya ito nang mag-ring ang cellphone nito nang idinial niya ang number ng ka textmate niya. Her lips curved into a smile na siyang nagpapibilis ng tibok ng puso niya.
“Enrique?” Lumingon ang lalaki na siyang ikinagulat niya. Butas butas ang mukha nito at halos iisang ngipin na lamang ang nakikita niya.
Homaygulay! Wake up Cattleya! Ano ang napasok mo?
“Yes! I’m Enrique Iglesias from Iloilo City!” Halos mapasigaw siya nang malaglag ang nag-iisang pustiso nito. Hindi naman siya against sa mga di ka-gwapuhan kaya lang iba ang pagpapakilala nito sa kanya.
“I-ikaw? Manong, ang pustiso n’yo nahulog.” Ngumiti ang katukayo ng idol niya na siyang nagpalabas sa gilagid nito. Tama nga ang hinala niya. Iisa lang ang ngipin nito at pustiso pa. Ilang saglit pa, tumalikod ito upang pulutin ang nahulog na ipin.
Takbo! Cattleya! Takbo!
Halos maghabulan ang kanyang mga paa habang bumababa ng escalator. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang eksenang ito. Ang buong akala niya kasing gwapo ng idolo niya ang Enrique Iglesias na nakilala niya.
O, Hinde!
Isang kabanata ng kanyang buhay ang paghahanap ng prince charming. At iisa lamang ang pinapangarap niya – ang maligawan ni Enrique Iglesias.
“W-what?” halos lumuwa ang mga mata ng kaibigan nang mai-kwento niya ang nangyari sa eyeball. Kasunod nang pagka-shock nito ang paghalakhak ng kaibigang manilenya.
“Mare, baka malaglag ang pustiso mo sa katatawa mo?” biro niya kay Zaira.
“Eh sino ba naman ang hindi matatawa? Isipin mo ang ganda ng pangalan pero ang ipin iisa lang,” wika nito na siyang sinabayan ng malutong na halakhak. “Basta ako, kontento na ako kay gwapito.”
“Oo nga! Kelan ba balik mo ng Maynila? Gusto kong sumama para makapanood ako ng concert ng idol ko.” Tumayo siya saka tumingin sa kawalan. “Malay mo makita niya ako at ma in love siya sa akin.”
“Ambisyosa! Sikat na sikat ang idol mo and take note artista ‘yun. Eh, ikaw? Isang Ilongga na na nakikipag text mate sa mga katukayo niya,” malakas na wika ni Zaira na siyang ikinabingi niya.
“Excuse me! May nakilala ako.” Ngumiti siya saka pinagmasdan ang kaibigan. “Ka look a like niya si Enrique,” malanding sabi niya sa kaibigan.
“Sa text mo nakilala?”
“Sa facebook.”
“Talaga?! As in gwapo talaga?” Nadagdagan ang pagkakilig niya nang makita sa mga mata ng kaibigan ang pagkakilig. Hanggang sinabayan na siya nito sa katitili. “Go girls! Makipag – meet ka na. Go! Go! Girls!”
Natigilan siya. Heto na naman siya. Umaasa na matagpuan ang prince charming niya. Tumalikod siya saka pinagmasdan ang malaking poster ni Enrique Iglesias na nakadikit sa pinto ng kuwarto niya.
“Sis, bakit dead na dead ako sa kanya? Sana makilala ko siya sa personal. Sana ako na lang ang babae niya. Kahit other woman okay lang,” aniya habang hinihimas ang abs ng iniidolong singer.
“Talagang sa abs ha? Ikaw na ang adik sa abs ni Enrique,” sabi ni Zaira sa kanya subalit hindi na niya pinansin ang manilenyang kaibigan. Sa kanyang isipan, nakabaon ang isang pangarap – ang mayakap at mahawakan ang buong katawan ng idolo. Bigla siyang natawa sa kanyang naisip. Gosh! Kadaku dako siguro sang toytoy! aniya sa kanyang sarili na siyang nagpakilig sa kanya.
LUNES nang makaramdam siya nang pagkabahala. Makikilala na niya ang local version ni Enrique Iglesias na nakilala niya sa site ng soeursbelle.com. Napansin niya kasi ang picture nito sa mga nag-likes sa facebook page ng TRE. Akala niya ginamit lamang nito ang picture ng idolo niya subalit nang halungkatin niya ang album folder nito ay napatunayan niyang ka look a like talaga ni Enrique Iglesias.
“Hi!” Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. At halos malaglag ang panty niya nang mapagmasdan ang maamo nitong mukha.
Homaygulay! Ang gwapo niya! aniya sa kanyang sarili na siyang nagpabara sa kanyang lalamunan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi niya magawa. Muli niya itong napagmasdan at masasabi niyang 60 percent ang pagkakahawig nito sa idol niya. Kulang lang sa ganda ng katawan dahil medyo may kanipisan ang dibdib nito. Ang gwapo niya, sigaw ng kanyang isipan dahil tuluyan nang nagbara ang kanyang lalamunan.
“Kapag biglang pinana ni kupido ang puso mo mararamdaman mo na parang nagbabara ang lalamunan mo. Nauutal ka o hindi makapagsalita dahil nauunahan ka ng excitement sa puso mo.” – jondmur
Nang makabawi isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa lalaki. Akma na siyang magsasalita nang may biglang sumampal sa local version ni Enrique Iglesias. Mababakas naman sa mukha ng lalaki ang labis na pagka-shock.
Sino ba naman ang hindi magugulat kung may isang matabang bakla ang susugod sa isang eye ball?
“Hambal mo, palangga mo ko?” maiyak-iyak na sabi ng matabang bakla.
“Palangga man ta ka day!” Napanganga siya sa narinig. O, hinde! At halos himatayin siya nang magyakapan ang dalawa.
Ouch!
Ang ending umuwi siyang luhaan. Naulit na naman ang eksena kung saan nabigo siyang mahanap ang prince charming niya. Hanggang kailan ba siya maghihintay?
“A-ano ba?” singhal niya sa binatang nakabunggo niya. Umangat siya ng tingin hanggang sa makilala niya ang lalaking bumunggo sa kanya. “Nonoy? Kaw lang gali abi ko kung sin-o na,” bati niya sa kaibigan niya.
“Neneng ko,” malambing na wika nito saka iniabot sa kanya ang isang rosas. “Para sa imo,” dugtong nito.
“Asus! Si Nonoy man!” Huminga siya nang malalim saka humarap sa manliligaw. Fetus pa lang yata siya eh nakabantay na ito sa kanya. Mabait si Nonoy kaya lang di niya type ang simpleng ka-gwapuhan ng lalaki.
Akmang magsasalita ang manliligaw nang unahan niya ito. “Alam mo, may concert ni Enrique sa Maynila. Gusto kong sumama kay Zaira,” wika niya rito. Pinili niyang magsalita ng tagalog dahil alam niyang hirap magtagalog ang binata. Tatahimik na lamang ito kapag nagtatagalog siya. May pagkamahiyain kasi si Nonoy. At iyon ang ayaw niya – mas type niya ang lalaking medyo makapal ang mukha.
“Alam mo Nonoy, ang gwapo gwapo talaga niya. Sana balang araw makilala niya ako,” aniya niya na tila kinikilig pa.
“Neneng ko, artista ‘yun s-samantalang ekaw di naman,” tugon ng lalaki na tila nahihirapan sa pagtatagalog. “Saka ba’t ka ba tatagalog? Dito naman ako nagapalangga gid sa imo.”
“Hay, Nonoy! Ambot sa imo!” wika niya sabay talikod. Itinapon din niya ang red rose na ibinigay sa kanya ng binata.
“Minsan di mo akalain na kung sino pa ang binabalewala mo siya pala ang tunay na nagmamahal sa’yo.” – jondmur
BIRTHDAY niya nang mabalitaan niyang may ireregalo sa kanya si Nonoy. Sa totoo lang hindi siya interesado pero nang malaman niyang may kinalaman kay Enrique Iglesias eh sino ba naman siya para umayaw?
“Ticket kaya para sa concert o bagong album ni Enrique?” excited na tanong ni Zaira sa kanya nang sabihin niyang may ireregalo si Nonoy sa kanya. “Bilib talaga ako sa kababata mong ‘yan. Infairness, cute siya at malambing. Hay! Bakit ako di niya magustuhan?”
Halos tumalsik ang laway niya sa tanong ng kaibigan. “Like mo siya?” Lumapit pa siya sa mukha ni Zaira para makita ang reaksyon nito.
“Bruha! Joke lang! Syempre, kay gwapito pa rin ako,” segunda naman nito sa kanya.
SA isang Kamayan Restauran siya dinala ni Nonoy. Siguro ito na ang regalo sa kanya ng kaibigan pero ano ang kinalaman ni Enrique Iglesias?
Ngumiti ang binata saka hinawakan siya sa kanang kamay. Ang sabi nito tunay siyang minamahal. Gagawin ang lahat mapasaya lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Ano ang ibig sabihin ng kaibigan?
Halos pumatak ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang isang lalaking naglalakad palapit sa kanya. Hindi siya makapaniwala pero totoo ang nakikita niya. Ito na yata ang pinaka-gwapong kamukha ni Enrique Iglesias. Mula ulo hanggang paa ay tila carbon copy. Malayo sa unang nakilalala niya na dyowa pala ng isang bading.
“Diba, naghahanap ka ng local version ng idol mo? Happy Birthday, Neneng ko! Enjoy your birthday,” wika nito na tila nababalutan ng kalungkutan. Napansin din niya ang pagtatagalog nito na tila napipilitan lamang.
Nasa harapan niya ngayon ang pinapangarap na prince charming. 90 percent ang nakuha nito sa original na Enrique Iglesias. Bumababa ang paningin niya hanggang sa ma-focus sa zipper ng maong pants nito. Napalunok siya – biglang pumasok sa isipan niya ang imahe ng idol niya habang naka-brief lang ito.
Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang makasiguro na hindi palpak ang date niya. “B-bakla ka no? Aminin?” Tumawa ang binata saka hinawakan siya sa kamay. Tumutol ito sa sinabi niya. Akala niya hahalikan siya nito pero gentleman ang binata. Hindi siya pinatulan sa paratang na sinabi niya.
Umupo sila sa isang mesa na napapagitnaan ng isang kandila. Getting to know each other ang drama nilang dalawa.  Natuklasan niyang tagalog ang lalaki. At nakilala ito ni Nonoy sa isang kaibigan.
“I’m lucky na nakilala ko ang kaibigan mo. He told me na hinahangaan mo ang ka look a like ko na si Enrique Iglesias. By the way, I’m Trance!” pakilala nito sa kanya.
Ngumiti na lamang siya hanggang sa matuklasan niyang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Isa ito sa mga pangarap niya – ang maligawan ng isang ka look a like ni Enrique Iglesias.
Pumikit siya saka huminga nang malalim. Pakiramdam niya natupad na rin ang pangarap niya. Kahit local version lang ay sapat na para mag-enjoy siya sa birthday niya. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan na nangyari sa buong buhay niya. Salamat gid, Nonoy! aniya sa kanyang sarili.
Bilib din siya sa kaibigan, kahit naiinis ito sa sobrang paghanga niya kay Enrique Iglesias ay nagawa pa nitong ipakilala sa kanya ang local version ng singer. Muli niyang pinagmasdan ang mukha ni Trance hanggang sa bumaba at ma focus sa dibdib nito.
Siguro may six pack abs din siya?
“Idol mo talaga si Enrique?” Napangiti na lamang siya bilang tugon. Ilang saglit pa, kinagat na niya ang hita ng manok.
Napangiti na lamang ang binata. Mayamaya, kinuha nito ang tissue saka pinunasan ang kanyang mga labi. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Gustuhin man niyang tumutol ay hindi niya magawa. Is this a dream? Totoo ba ang eksenang ito?
Gumising ka Cattleya!
Biglang bumalik siya sa katinuan nang dumating ang waiter saka iniabot sa kanya ang pine apple juice. Ilang saglit pa, nagsimula nang mag-kwento ang lalaki; natuklasan niyang isa itong product endorser ng brief, nanalo bilang ka look a like ni Enrique Iglesias sa isang contest, at kaka – break lamang nito sa isang fashionista. Broken hearted ang binata!
“You mean model ka ng brief? May picture ka diyan?” Bigla siyang natigilan sa tanong niya. Hindi niya akalain na maitatanong niya iyon sa labis na excitement na nararamdaman. “Joke lang,” dugtong niya sabay takip sa kanyang mukha.
Halos mapanganga siya nang iniabot sa kanya ng binata ang isang picture. Gusto niyang mahiya pero binalot ng curiosity ang puso niya. Inabot niya ang larawan saka tiningnan iyon.
Homaygulay! Perfect gid ang abs! sigaw ng kanyang isipan subalit di kayang banggitin ng kanyang bibig.
“If you want may photo ako dito na naka underware lang ako.” Isang malakas na ‘NO’ ang kanyang isinagot. “I’m sorry,” pahabol nito na tila napahiya sa tanong nito.
Ang totoo, ikamamatay na niya kung makikita pa niya itong naka-brief na lang. Baka tuluyan nang malaglag ang t-back niya.
Mag -behave ka! utos niya sa kanyang sarili.
SA di kalayuan naman, may isang binatang lihim na nasasaktan. “Palangga ko, Happy Birtday!” wika nito saka nilisan ang Kamayan Restaurant. Masakit man sa kanya ang ginawa niyang pagpapakilala sa local version ng kinaiinisang singer ay sapat na dahil alam niyang masaya ang babaeng iniibig.
“Minsan gagawa ka ng isang bagay na makakapagsaya sa taong mahal mo, kahit ang kapalit nito ay ang kabiguan mo.” – jondmur
“Wow!” Halos mapasigaw si Trance sa isinagot niya sa binata. Makalipas ng isang linggong ligawan eh magpapakipot pa ba siya?
HALOS lumuwa ang mga mata ng mga tambay sa bayan nila habang naka holding hands sila ni Trance. Ang mga dalaga sa kanilang lugar ay halos mainggit sa love life niya. Sikat na sikat siya na tila isang celebrity. Sino ba naman ang hindi maiingit kung ang isang probinsyanang tulad niya ay nakabingwit ng isang local version ni Enrique Iglesias?
Mamatay sila sa inggit! sigaw ng kanyang utak habang naglalakad kasama ang papa Trance niya. Taas noo pa siya habang naka-holding hands sa lalaki. Feeling niya sa mga araw na iyon ay isa siyang prinsesa.
Ano raw?
Ang buhay ay parang isang pelikula. Minsan nakakakilig ang bawat eksena lalo na kung ang pinapangarap mong prince charming ay nakilala mo na. Masaya si Cattleya Mae sa takbo ng love life niya.  At gagawin niya ang lahat huwag lamang mapunta sa iba ang lalaking iniibig.
Perfect para sa kanya ang relationship nila ni Trance.   Nakakakilig na siyang kinaiingitan ng mga ka-facebook niya lalo na ang TRE’s Marias ng TRE.
“Sana makita ko na rin si gwapito,” wika ni Zaira habang pinagmamasdan ang larawan ni Trance. “Sis, kamukha niya talaga!” dugtong nito. Bigla naman niyang inagaw rito ang larawan ng papa trance niya.
“Akin na! Baka mamaya agawin mo pa siya sa akin,” sabi niya sa kaibigang manilenya.
“Okay, sasama ka ba sa Maynila. Isa pa, babalik na rin si Trance sa Maynila diba? Paano ‘yan long distance relationship ang drama n’yo? Saka sure ka ba na hindi na sila magkakabalikan ng EX niya?”
Bigla siyang natigilan. Paano kung makabalik na ng Maynila ang binata? Nakahanda ba siya sa isang long distance love affair? Paano kung bumalik ang EX nito?
Binuksan nya ang bag saka kinuha mula rito ang booklet niya kung saan nakasulat roon ang address ni Trance. Aalamin niya lahat ng kasagutan sa mga katanungan niya. Ilang linggo na sila ng lalaki pero never pa siyang dinala sa bahay nito. Ayon sa lalaki, nakikitira lamang ito sa relative habang nasa bakasyon. Puntahan ko kaya siya?
“Sa isang relationship, minsan akala mo perfect na ang lahat pero ang totoo isang malaking akala lamang ang lahat.” - jondmur
ISANG sampal sa mukha ang tila naramdaman niya nang makarating siya sa bahay ng lola ni Trance. Katulad sa isang pelikula ay nasaksihan niya ang isang madramang eksena – sa labas ng bahay ay may kayakap na isang seksing babae si Trance. Sa tingin niya kararating lamang nito mula Maynila.
Tatalikod sana siya subalit nakita na siya ng lalaki. Agad siyang nilapitan saka mahigpit na hinawakan sa kanang balikat.
“H-uwag mo akong hawakan!” Halos sumabog na ang luha niya sa sakit na nararamdaman. “S-sino siya?” Natigilan siya nang biglang lumapit ang babae. Gusto niyang burahin sa isipan niya ang mga hinalang bumabalot sa puso niya. Baka pinsan lamang ito ni Trance o isang kaibigan. Subalit, laking gulat niya nang hulihin nito ang mga labi ni Trance.
Lips to lips na siyang ikinamatay ng puso niya. Habol ang paghinga nang dalawa nang matapos ang ginawang halikan. Lumapit sa kanya ang babae saka pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
“Ikaw pala ang laruan ni Trance habang wala ako.” Nakakainsulto ang tingin nito na siyang nagpababa sa kanyang pagkatao. Gusto niyang sampalin ito saka sabunutan subalit napako na siya sa kanyang kinatatayuan.
“Let’s me explain! I’m sorry Cattleya pero nagkabalikan na kami ni Noor,” wika ni Trance sa kanya na tila sumaksak sa puso niya.
“Nagkabalikan? Yun lang? Trance, mahal kita.”
“I’m sorry!” Humakbang siya na tila baon ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya akalain na masisira ang isang relationship na inakala niyang perfect na.
Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makalayo na siya. Halos maubos ang lakas niya nang mapasandig siya sa isang nakaparadang sasakyan. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapagod na ang kanyang mga mata.
“M-mahal na mahal kita Trance,” aniya habang hinahangod ang kanyang dibdib.
“Huwag kang magmamahal sa taong kaka-break lang sa isang relationship dahil baka magkabalikan sila, ikaw lang ang masaktan.” – jondmur
Gets mo?
HALOS umusok ang tenga ng kaibigan nang ibalita ni Cattleya Mae ang naganap na eksena. Niyakap siya ni Zaira habang ibinubuhos niya rito ang natitirang luha.
“Sabi ko na nga ba parepareho lamang ang mga lalaki. Gagala sila sa internet para makakuha ng biktima o sasamantalahin nila ang kahinaan nating mga babae. Hays! Buti pa si gwapito,” lintayang wika sa kanya ng kaibigan.
“Ang sakit sakit! Akala ko siya na ang prince charming ko,” maiyak iyak na tugon niya sa kaibigan.
“Eh sino ba ang EX niya? Matapos itapon ang BF niya eh bigla na lang babalik.”
“Si Noor daw ang pangalan.”
“What ever! Ang mahalaga mas maganda ka dun,” segunda ni Zaira.
Pinahid niya ang kanyang mga luha. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para kausapin ang lalaki dahil umaasa siya na posibleng mahal pa rin siya ng binata. Susubukan niyang makipagkita sa lalaki – para sabihing nagmamahal pa rin siya at handa itong bigyan ng second chance kung siya pa rin ang pipiliin.
Binuksan niya ang kanyang laptop para silipin ang status ni Trance. At halos madurog ang kanyang puso nang makita ang relationship status nito.
In a relationship with Noorell De Vera
Umiyak siya nang umiyak hanggang sa makita niya ang picture ng dalawa – magkayakap habang kumakain ng icecream.
“Hindi ka makaka-move on kung lagi kang updated sa mga ginagawa niya. Iwasan mo ang pagsilip sa facebook profile niya dahil masasaktan ka lang kung matuklasan mong nasa langit na siya ng iba.” - jondmur
NAGKAROON siya nang lakas ng loob para puntahan si Trance. Subalit, nabigo siyang makita ang lalaki sa halip ang kontrabida ng buhay niya ang humarap sa kanya.
“Ang kapal din ng mukha mo para puntahan si Trance sa bahay na ito,” singhal sa kanya ng isang babaeng nababalutan ng makapal na make up ang pagmumukha.
“Hindi ako pumunta dito para makigulo. Gusto ko lang maka-usap si Trance para sa isang closure.”
“C-closure? Bakit naging kayo ba?” mataray na sagot nito sa kanya.
“Oo, nung iniwan mo siya.” Lumakas ang boses niya na siyang ikinagulat ng kaharap. Nang makabawi ito agad siyang hinawakan sa kanang balikan saka mahinang itinulak.
“Layuan mo si Trance! Hindi kayo bagay. Tingnan mo ang sarili mo,” wika nito kasunod ng isang matalim na tingin. “Isa ka lang laruan para sa kanya. Please wake up! Hindi siya magkakagusto sa isang katulad mo. Ambisyosa!”
“Minahal niya ako.”
“Talaga? Kung mahal ka niya hindi siya makikipagbalikan sa akin. Panakip butas ka lang. At ito ang tandaan mo, isa ka lang probinsyanang ilusyunadang nangangarap na mapansin ng isang Enrique Iglesias. Alam mo ba kung ano ang sabi niya sakin? He told me na niligawan ka niya kasi alam niyang patay na patay ka sa ka look a like niya.”
“Hindi totoo ‘yan!”
“Yun ang totoo! At ito ang tandaan mo babae, Sa akin lang si Trance o kahit ang original na Enrique Iglesias ay sa akin lang din.” Natigilan siya nang matuklasang nanlilisik na ang mga mata ni Noor. Tinalo nito ang mukha ng isang mangkukulam. Kulang na lang lumuwa ang mga mata nito sa sobrang galit.
“Huwag mong sirain ang buhay mo dahil nahihirapan kang mag – move on. Huwag kang maging BITTER dahil ikatutuwa iyon ng karibal mo.” – jondmur
MULA nang maganap ang eksenang hiwalayan ay hindi na niya nakaka-usap si Trance. Lalo siyang nasaktan nang matuklasang naka-unfriend na siya sa facebook nito.
Ouch!
“Musta ka na Neneng ko?” wika ng isang tinig mula sa kanyang likuran. Lihim siyang napangiti dahil buo na ang kanyang desisyon – binibigyan na niya nang pagkakataon ang binata. Naisip niya kasi na baka ito ang lalaking nakatadhana sa kanya. Bakit niya ipipilit ang kanyang sarili sa isang lalaking kay hirap abutin? Napagod na rin siya sa kahahanap sa mga katukayo o ka look a like nito. Ilang katukayo na ba nito ang nag feeling gwapo sa harapan niya? Natakot na rin siya sa mga ka look a like nito dahil iniisip niya na masasaktan lamang siya.
Si Enrique Iglesias ay isang pangarap na lamang sa kanya. At ayaw na niyang maghanap ng katukayo nito o maging ka look a like nito. Sapat na sa kanya ang makita ito sa TV o maging sa internet.
“Neneng ko, okay ka lang?” Natigilan siya. Hindi pa niya hinaharap ang binata. Huminga siya nang malalim para ihanda ang kanyang sarili sa bagong lovelife niya. Unti-unti siyang tumalikod para humarap kay Nonoy. At halos matunaw siya sa natuklasan – naka sutana ito habang may hawak na bibliya.
“Ma pari na ako Neneng ko,” masayang wika nito sa kanya.
Homaygulay! Cattleya Mae, paano na ang love life mo?
Niyakap siya ng binata saka hinalikan sa noo. “Salamat gid sa friendship ha,” wika nito saka iniwan siyang lumuluha.
“Minsan naman kung nakahanda ka nang magmahal sa isang taong nagmamahal sa’yo eh dun pa nagiging kumplikado ang lahat.” – jondmur
AFTER ONE MONTH
NAGMAMADALI si Cattleya Mae habang tinatawid niya ang madilim na kalsada. Hindi niya akalain na gagabihin siya sa bahay ng kanyang tiyahin. Inutusan kasi siya ng nanay niya na humiram ng pera. Mabuti na lamang at hindi sila binigo ng tiyahin niya – pinahiram sila ng pera.
Bigla siyang natigilan nang maagaw ng atensyon niya ang nakakalat na fliers. Pinulot niya iyon na siyang ikinatuwa niya - live concert ni Enrique Iglesias sa SM Iloilo.
Halos magtatalon siya sa tuwa dahil makikita na niya sa personal ang hinahangaang artista. Kung tutuusin sa album nito napupunta ang mga savings niya. Katulad na lamang sa pagbili niya sa latest album nito – ang may single na ‘I Like How it Feels’.
Sa sobrang tuwa ay hindi niya namalayan ang papalapit na kotse. Halos mawalan siya nang malay nang bigla itong tumigil sa harapan niya. Gahibla na lamang at mabubundol na sana siya. Mabuti na lamang at bigla nakapag-preno ang sasakyan.
Nang makabawi sa sobrang pagka-shock ay hinarap niya ang driver. “Pesteng yawa! Hoy!” KInalampag niya ang pinto ng kotse hanggang sa lumabas ang tatlong matipunong lalaki. Bigla siyang natigilan nang matuklasang mga foreigner ang muntik nang makabangga sa kanya. Sa labis na takot ay nasaklot niya ang kanyang mga hita. “Ouch! Ouch!” pamimilipit niya sa sakit. Best actress ang drama niya. Kailangan niyang gawin iyon para matakot ang tatlong lalaki na tila mga security guard.
“Are you okay?” wika ng isang tinig na siyang nagpa-angat ng kanyang tingin. Halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. “Don’t be afraid my body guard will__.” Napahinto ito sa sasabihin nang mapansing hindi siya gumagalaw. “Hey! Are you okay?”
Nananaginip lamang ba siya? Sinampal sampal niya ang kanyang pisngi sa harap ng lalaki hanggang sa matuklasan niyang totoo ang eksenang nagaganap sa kanyang buhay.
Kaharap niya ang original na Enrique Iglesias. Ayaw niyang maniwala pero nang iniabot sa kanya ang latest copy ng album nito ay halos magtatalon na siya sa tuwa.
Oh, My God!
Lalo pa siyang natuwa nang binigyan siya nito ng ticket – ayon sa singer VIP siya sa darating na concert nito.
Muntik na siyang matumba sa sobrang pagkakilig. Inalalayan siya ng singer hanggang sa malapat ang kanilang mga katawan.
“Enrique Iglesias?”
“Yes! Kinantahan pa siya nito bilang patunay.” Sa sobrang galak at hindi niya napigilan ang yakapin ito. Umangat siya ng tingin saka hinuli ang mga labi nito.
Mainit na mainit ang eksenang nagaganap sa kanyang buhay. Isang eksenang inakala niyang sa panaginip lamang magaganap.
it's my time It's my life,
I can do what I like
For the price of a smile, I gotta take it to right
So I keep living, cause the feel's right

Halos maubusan siya nang hininga nang magbitiw ang kanilang mga labi. At kung ito ay isang panaginip mas gugustuhin pa niyang huwag nang magising.

And it's so nice, and I'd do it all again
This time, it's forever
It gets better, and I I, I like how it feels

Bahagya siyang hinila nito palapit sa matipuno nitong dibdib hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng puso nito. Lumipad ang mga labi nito hanggang sa maramdaman niya ang halik nito. Sa pangalawang pagkakataon – mas mainit na tila kumikiliti sa kanyang pagkababae.

I like how it feels, I like how it feels
I like how it feels, I like how it feels
I like how it feels, I like how it feels

Napayakap siya sa binata hanggang sa naramdaman niya ang malikot nitong dila na malayang nakikipaglaro sa kanyang mga labi. Ramdam niya ang sarap – She like how it feels! Kulang ang isang minuto para sa ganitong eksena.

So just turn it up, let me go
I'm alive, yes and no, never stop
Give me more, more, more
Cause I like how it feels
Ooh yeah, I like how it feels
You know I like how it feels
Oh yeah I like how it feels

“Enrique?” Habol ang paghinga nang muling maghiwalay ang kanilang mga labi. Perfect ang torrid kissing na ginawa nila. Huminga siya nang malalim saka muling pinagmasdan ito. Ngumiti siya saka hinimas ang mukha nito.
“Minsan may mga bagay na hindi mo inaakalang mangyayari. Mga eksenang hindi mo alam kung mauulit pa.” - jondmur
Marami ang hindi naniwala sa kwento niya. Akala nang iba nahihibang lamang siya. Sino ba ang maniniwala kung sasabihin niya na nakilala at nakausap niya ang original na Enrique Iglesias? Hindi lang naka-usap nakahalikan pa!
“Bruha, mag toothbrush ka nga,” reklamo sa kanya ni Zaira habang nag-iimpake ito ng mga damit.
“Ayaw ko nga! Baka mawala ang tamis ng halik. Alam mo ba na until now hindi pa rin ako maka get over sa kissing scene namin,” tugon niya sa kaibigan.
“In your dreams!”
Walang naniniwala sa love story niya. Kahit si Zaira, o maging kaibigan niya sa Tagalog Romance Etc… ay walang naniniwala.
Ah, basta! Totoo ang lahat at hindi isang ilusyon lamang, sigaw ng kanyang isipan. Halos magtatalon siya sa tuwa nang mapanood niya sa TV ang concert ng idol niya. Sa kasalukuyang nanonood sila ni Zaira ng TV at expected nila na makikita nila ang mga sarili nila.
“Grabe ang galing galing niya. I love you! Number one talaga!”
Nagkatinginan sila ni Zaira nang mapanood nila ang kanilang mga sarili  habang hawak hawak ang microphone ng isang reporter. Sa mga panahong iyon ay katatapos lamang ng concert ng idol niya.
Magpapahuli ba siya sa harap ng camera?
Ito na yata ang pinakamasayang kabanata ng kanyang buhay. Ang makilala ang minamahal na singer – kahit saglit lang ay maituturing na niyang happiest moment of her life.
Sa TRE katulad nang inaasahan niya ay walang naniniwala sa kwento niya. Kahit si Mia Jane, TRE’s Marias, lalo na si Papa Love ay hindi naniniwala. Iniisip ng lahat na ito ay likhang isip lamang.
 “Sa love walang imposible. Lahat pwedeng maganap sa di inaasahang pagkakataon.” – jondmur
Papa Love – Dito nagtatapos ang kwento ni CatchMe, isang babaeng nagmamahal kay Enrique Iglesias.
CatchMe – asawa ko na siya ngayon.
Noorell De Vera  – akin lang siya! akin lang!
CatchMe – in your dreams!
Noorell De Vera – Babawiin ko siya sayo!
CatchMe – Hahaha!
Noorell De vera – ako legal wife!

Papa Love: Ano masasabi mo dahil nakita at naka-usap mo na si Enrique Iglesias?
CatchMe: Mamatay sila sa inggit! (Rolling Eyes) Hahaha!
WAKAS

Sa kasalukuyan si Cattleya Mae ay nakilala bilang CatchMe ng TRE. Patuloy pa rin ang paghanga niya kay Enrique Iglesias. Samantalang naging magkaibigan na sila ng dating karibal na si Noorell De Vera.
Maraming Salamat!
Papa Love, I am in Love presents Catch Me, I like how it feels!
Sa Panulat ni Jondmur


1 comment:

  1. Hahahahahahahaha!

    Natatawa talaga ako
    Dito.. Kaya binasa ko ulit..

    Pang limang beses kl na yata itong binasa...

    Hahahahaahhaahaha

    ReplyDelete