Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep5

Episode 5 – Siling Labuyo LAMAN ng usapan ang nangyari sa binatang kamukha ni John Lloyd Cruz. Nanatiling tikom ang bibig ng binata dahil sa banta ni Noorell – na kapag nagsumbong babasagin niya ang dalawang itlong ng ibon.
Samantala, abala si Sandra habang pumapasok sa labahan ng mga boys. Gumihit ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.




“Hoy! Bruha, anong ginagawa mo diyan?” sambit ni Sonia. Agad naman niyang hinila ang kaibigan saka inilapit ang bibig niya sa tenga nito. Natawa ito sa kanyang ibinulong. “Humanda ang mga boys,” agad niyang sabi sabay apir sa berheng kaibigan.
Lumabas sila hanggang makarating ng gym. Tumambad sa kanila ang mga lalaking nagpapalaki ng katawan.
“Kung sino ang malaki ang masel siya pa ang dyutay,” mahinang sabi ni Sonia na siyang nagpalabas ng panga niya.
“Bruha ka talaga!” Pinalo niya ang puwet ng kaibigan na siyang ikinagalit nito.
“A-ano ba? Inggit ka lang sa tambok ng pwet ko!” sabi nito sabay talikod sa kanya. Pumasok naman siya sa loob ng gym subalit lumabas siya ulit nang may tumawag sa kanyang pangalan.
“Gary?” Umasim ang mukha niya. Kagabi lang niya nakilala ang lalaki sa isang mini bar. Sa simula pa lang tinarayan na niya ito. “Paano mo nalaman na dito ako nakatira?”
“Well, kung like ko ang girls walang imposible,” kaswal na tugon nito sa kanya.
“Talaga lang ha?”
“Umalis ka na!” singhal niya sa lalaki. Tumalikod siya pero agad siyang napigilan nito. “Bitiwan mo ako,” banta niya sa lalaki.
“Mahal kita!”
“Mahal?” Kinuha niya ang alcohol na nakapatong sa isang mesa. “Sige, kung mahal mo ako inumin mo ‘yan,” sabi niya sabay bato sa mukha ng lalaki.
Hinila siya nito saka agad na hinalikan sa labi. “Ito ang gusto mo? Halika doon tayo sa kusina.” Hinila niya ang lalaki paakyat ng hagdan. Pagkapasok sa kuwarto, agad niyang niyakap ang lalaki habang ang kanyang kanang kamay ay may ginagawang kababalaghan.
Halos mangatog ang tuhod ng lalaki nang saklutin niya ang kahinaan nito. Mayamaya pa, sumigaw ito saka agad na tumungo sa loob ng banyo. Tumungo siya sa lababo saka hinugasan ang kanyang kanang kamay – pinisa niya kasi ang mga siling labuyo na nakalagay sa basket.
“Waaaaa! Ang hapdi!” malakas na sigaw ng isang lalaki sa loob ng banyo.
“I hate you! Tingnan ko lang kung mangungulit ka pa sa akin,” aniya habang naghuhugas ng kamay. Bigla niya tuloy naalala ang hapdi ng puso niya nang iniwan siya ng lalaking pakakasalan. “Mga hayop talaga ang mga lalaki!”
HINDI mapalagay si Mister Xehan habang nagkakamot ng singit. Kanina pa siya nangangati sa dahilang hindi niya alam. “Ano may kuto?” aniya habang sinisilip ang kanyang madilim na talahiban.
Pumasok siya sa loob ng kuwarto kaya naabutan niya ang dalawang matanda na masayang naghaharutan.
“Apo ko, halika picturan mo kami ng lolo mo,” utos ng matandang babae habang iniaabot sa kanya ang digital camera.
“Sure! Okay smile na!”
“Wait! Teka apo ko!” Nagulat siya nang tinanggal nito ang puting kumot na bumabalot sa amoy lupang katawan. “Kailangan labas ang T-Back ha.” Tumalikod siya saka nagdasal. “O, Diyos ko! Palayain n’yo po ang kampon ng kadiliman sa bahay na ito,” mataimtim niyang dasal.
Muli siyang humarap sa dalawang matanda at halos mapasigaw siya sa eksenang nakita. Nawala na si Lola Cattling dahil likod na lang ni Lolo Ico ang kanyang nakikita.
Homaygulay!
Lumabas siya ng kuwarto saka agad na bumaba ng hagdan. Naabutan niya sa kusina ang mga boys na nagkakamot ng itlog.
“O, ang bayad sa renta ha,” bati niya sa mga boys. Lumapit sa kanya ang kamukha ni Raymart Santiago habang nagkakamot ng itlog. Mayamaya, kinamayan siya nito.
“Kumusta po Mister Xehan? Bukas po magbabayad na ako,” sabi nito habang kinakamayan siya. “Salamat po,” dugtong nito habang binabawi ang kamay.
Tumalikod siya habang inaamoy ang kanyang kamay. “Ang asim!” sambit niya habang naglalakad palabas ng kusina.
Nakasalubong naman niya ang ilang boys na kagagaling lamang ng gym. At katulad ng iba, nagkakamot din ang mga ito ng mga itlog.
Kakaloka! Hindi lang ba petchay ang nagkakakuto?
HATING GABI – abala si Sandra sa labahan ng mga boys. Tinungo niya ang sampayan saka maingat na kinukuha ang mga brief ng mga kalalakihan. Ilang saglit pa, kinuha niya ang siling labuyo saka maingat na ipinahid sa mga brief ng mga boys.
“Tingnan ko lang kung di mangati ang mga itlog ng kawawang ibon,” aniya habang pumapalakpak ang kanyang tenga.
HOMAYGULAY! Si Sandra pala ang salarin! Magalit kaya si Mister Xehan kung malalaman niyang isa siya sa biktima?
Abangan!
ep4 - http://jondmur.blogspot.com/2012/10/sexy-comedy-harot-ep4.html

ep6 - http://jondmur.blogspot.com/2012/11/sexy-comedy-harot-ep-6.html

8 comments:

  1. ang tindi ng galit ni sandra sa mga lalake ah..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe uo nga kaya wawa mga lalaki sa kanya hehehe

      ^___^ musta na...

      Delete
  2. Maanghang at maasim. kawindang ang Tback. Ang harot talaga ser :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe maharot ang nagsusuot ng t back hehehe

      Delete
  3. naway mawala ang kampon ng kadiliman sa bahay nila ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe hanggang may maharot di mawawala hehehe ^__^

      smile smile...

      Delete
  4. kaya naman pla nangangati ee haha grabe ung ginawa ni sandra

    ReplyDelete