Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

PEBA ENTRY: Online Writer/Blogger

Naaalala mo pa ba ang mga araw na hindi pa uso ang internet? ‘Di ba sa notebook o papel ka nagsusulat? Kahit mukhang dinaanan ng kalabaw ang sulat kamay mo eh okay lang basta maisulat mo lang ang nilalaman ng puso mo.

Isa ka bang makata? Nobelista? Kwentista?  Ilang pahina ng papel ang naubos mo? Naranasan mo na ba ang ma-badtrip kasi paulit ulit ka? Ang hirap kasing magsulat sa papel. Hindi ka mapalagay hanggang hindi perfect ang akda mo.

Mga kapatid, hindi ka nag-iisa dahil tulad n’yo naranasan ko na rin ang magsulat sa notebook. Naranasan ko na rin ang maubusan ng pahina.

Paulit ulit ako hanggang sa mabuo ko ang mga letra. Syempre, kasabay din nito ang pagkaubos ng pahina ng notebook ko.  Pero okay lang kasi masaya ako sa ginagawa ko.

Naalala ko pa, pinabasa ko sa bespren ko. Ang sabi niya, ang pangit daw ng sulat kamay ko. Napatingin na lamang ako sa kanya.

Ang arte arte niya!

Akalain mong napuna pa niya ang sulat kamay ko. Hindi pa nga niya nababasa. Mabuti na lamang na-curious siya sa story ko. Kaya ang ending, two months niyang binasa ang nobela ko.

Happy na rin ako kasi may nagbasa. Kung alam lang niya na totoong kwento ang isinulat ko. Syempre, iniba ko lang ang pangalan pero ang emosyon na nakapaloob sa nobela ay hindi kathang isip. Ito ay totoong kwento dahil ito ang love story naming dalawa.

Teka! ‘Di naman love life ang topic ko ngayon. Focus tayo sa pangarap kong maging isang magaling na manunulat. Alam n’yo ba na nangarap akong maging isang romance writer? Mahilig kasing magbasa ng pocketbook si lola kaya na-curious ako. Pati ako natutong magbasa ng pocketbook – kahit ang totoo bed scene lang ang inaabangan ko.

Wapak!

Nangarap din ako na maging isang sikat na erotic writer. Kung alam n’yo lang na idol na idol ko si Xerex. Naubos din ang allowance ko noon kasi mahilig akong magbasa ng news paper. Hmm! Alam n’yo na ba kung ano ang binabasa ko?

Ilang pages ng notebook din ang nasayang ko dahil puro erotic stories ang naisusulat ko. Nagsusulat ako habang nangangarap na sana balang araw matikman ko ang masarap na halik ni bespren.

Boom!

Hindi pala love life ang topic ko kaya balik tayo sa pagsusulat ko ng mga erotic stories. Syempre, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notebook. Kaya lang nabisto ako ni lola kaya isang kurot sa singit ang natanggap ko sa kanya. Bakit ‘di na lang daw ako maging isang nobelista.

Katulad ni Lualhati Baustista.

Ang ending, sinubukan kong magsulat ng ibat-ibang genre – horror, comedy, love story, at mga kwentong may kurot sa puso.

Ang tanong may nagbabasa ba?

Bilang isang manunulat hangad natin na maibahagi iyon sa ating mga kaibigan. Yung feeling na sana may reader ka.

Kaya naman tuwang tuwa ako habang nagbabasa ng mga magazine o news paper. Kasi nakikita ko maraming readers ang mga writer. Naisip ko sana maging published writer ako para maibahagi ko sa lahat ang aking obra.

Nangarap akong maging romance writer kasi alam kong maraming nagbabasa ng pocketbook. Katulad na lamang ni bespren na nagbabasa ng pocketbook habang kinukutuhan ni Aling Petra.

Ibig sabihin, gusto kong magsulat para maibahagi ko sa iba ang akdang nagawa ko. Makapagbigay ng inspirasyon, magpakilig, manakot, at magpatigas ng ugat sa katawan.

Paano kung walang magbasa? Paano kung ‘di ako maging published writer? Paano ko maibabahagi sa buong Pilipinas ang kwentong nilikha ng malikot kong imahinasyon?

Hindi ako sumuko. Nagsulat pa rin ako. Ang sabi nga ni lola, hindi mahalaga kung may reader ako o wala dahil ang importante naisusulat ko ang nilalaman ng puso ko. Sulat lang daw ng sulat hanggang may papel.

Ang problema, paano ako magsusulat kung sa bukid ay walang papel.

Boom!

Alam n’yo ba na dumating yung time na nangarap talaga akong maging isang published writer. Usong uso noon ang pocketbook kaya naisip ko sumunod sa uso.

Sa pocketbook na ako magsusulat.

Ang problema, hindi ko alam kung paano ko ipapadala. Tumatanggap kaya sila ng hand written? Ano kaya ang address ng publishing house?

Paano ko sila kokontakin? Ang ginawa ko naghanap ako ng pocketbook saka tiningnan ang address ng company.

Sapul!

Nakuha ko din ang hinahanap ko. Kaya sumulat ako sa Publishing Company para mag-inquire kung tumatanggap sila ng manuscript pero tumanda na si manong kartero eh wala akong response na natanggap.

Hay! Buhay!

Tumanda na rin ako hanggang sa unti-unting nagkaroon nang pagbabago ang ating lipunan. Inosente pa ako sa internet noon. Hindi ko alam kung ano yung tinatawag nilang Yahoo. At ito pa ang uso, ang CHAT kung saan pwede mong makausap ang prend mo sa computer.

Paano kaya ‘yun?

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis ang pagtaas ng knowledge ko about computer. Akalain mo nauso ang Microsoft Office.

Isang mali isang pindot lang mabubura mo na. Nalugi na tuloy ang nagbebenta ng notebook kasi matipid na ako. ‘Di na kasi ako nagsusulat sa notebook. Mas feel ko na ung de-computer. Mas sosyal ang manuscript ko.

Naubos naman ang school allowance ko sa computer rental.

Homaygulay!

Okay lang kasi masarap sa pakiramdam ang makita ang isang nobelang sumabay sa takbo ng panahon. Ang nobelang nakasulat sa lumang papel ngayon ay nasa computer na.

Ang sabi ko, ipapa-print ko iyon saka ipapabasa sa bespren ko. Matuwa kaya siya kung malaman niyang kami ang bida sa nobelang isinulat ko.

Wait!

Hindi pala ito love story. Focus tayo sa pangarap kong maging isang manunulat. Isang writer na malayang naibabahagi sa lahat ang mga akdang nagmula sa malikot niyang imahinasyon.

Patuloy ang ginawa kong pagsusulat. Halos mapasmo ang aking mga kamay sa ginawa kong pagtipa. Dream ko kasi ang magka-libro kaya kailangan kong sumubok na magpasa sa isang Publishing House. At sa tulong ni Internet ay mabilis ko nang nakuha ang address ng Publishing House. Akalain mo nauso na ang email.

Astig!

At sa email una kong natanggap ang isang rejection. Let’s face it! Totoo naman na kapag na-reject ka feeling mo ang pangit pangit ng editor na nag-reject sa’yo.

Hahaha!

Idadaan mo na lamang sa tawa para makalimutan mo na ‘di na matutupad ang pangarap mong maging isang sikat na manunulat.

Hindi mo na maibabahagi sa buong Piipinas ang mga kwentong nagmula sa puso mo. Paano ka magiging isang writer kung walang nagbabasa?

Sapat na ba ang nagsusulat ka lang?

Ang sabi ni lola, sulat lang nang sulat. Huwag mong isipin kung may magbasa o wala. Huwag mong isipin kung magustuhan ng iba o hindi. Lahat ng tao may kanya kanyang taste.  Darating din ang time na makakahanap ka ng solid reader mo.

Ipinagpatuloy ko ang aking pangarap. Naks! Meganun? Hanggang sa tumanda na ako. Akalain mo nauso ang website.

Office boy na ako nang maka-discover ako ng isang literary website – mga online stories na likha ng mga batikan at baguhang manunulat.

Akalain mo, pwede ka na mag-published online?

Sumabay ako sa agos ng buhay. Ang nobelang naka-ukit sa notebook ko na matagal ko nang nailipat sa MS Word ngayon ay maililipat ko na sa isang website.

Masarap pala sa pakiramdam ung makitang nasa online na ang nobelang pinaghirapan mo. Nakaka-inspire ang mga komentong natatanggap mo.

Hindi ko makakalimutan ang isang komentong nagmula sa isang magaling na writer. Dahil sa kanya natuto ako; marami siyang itinama sa mga pagkakamali ko lalo na sa grammar.

Unang papuri, nakakakilig. Halos lumabas na ang gilagid ko sa laki ng smile ko.

Unang batikos, nakaka-sad pero natuto ako.

Akalain mo, mula ng mauso ang internet naibabahagi ko na sa iba ang mga akda ko. Siguro kung wala ang internet marahil sa papel pa rin ako nagsusulat. At si bespren lang ang nagbabasa ng mga kwento ko. Bigla akong nalungkot. Nasaan na si bespren?

Nakakalungkot kasi siya ang favorite reader ko.  Wait! Hindi pala ito love story. Hang kulet ko!

Magmula nang mauso ang internet nagkaroon ako ng chance na makapagsulat online. Marami na rin akong naisulat na nagkalat na sa ibat-ibang website hanggang sa nauso ang Facebook.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang sa naisipan kong mag-self published. Isang horror story na nababalutan ng misteryo.

Sabi nga ni lola, halos mamatay siya sa mga daring scene.

Astig!

Sa tulong ng internet o ng Facebook na-ipromote ko ang libro. Isipin mo na lamang kung walang internet? Baka house to house ang gagawin kong promotion.
Online na rin ang pagbabayad. O, diba? Ang laking advantages?

Sa Facebook o sa blogger, hindi lang pagsusulat ang nagagawa ko dahil nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Nakaka-usap ko ang mga kapwa ko manunulat at nakaka-bonding ko din ang mga tumatangkilik ng mga sinusulat ko.
Hindi man natupad ang dream ko na maging super sikat na manunulat eh masaya na ako. Sa tuwing nakakakita ako ng LIKES o COMMENTS sa mga naibabahagi ko ay masaya na ako.

Kasi may nakaka-appreciate sa ginagawa ko. Masarap sa pakiramdam ung alam mong may nagbabasa ng pinaghirapan mo.

Hindi na mahalaga kung gaano karami dahil sapat na yung may nakapansin at may nagsabi na --- ang galing mo naman!

Katulad nang madalas sabihin ni bespren sa akin noon. Ang sabi niya, ang galing ko daw magsulat ng love story. Kinikilig daw siya.

Ang hindi niya alam na siya ang inspirasyon ko. Naghihinayang ako kasi ‘di ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko hanggang sa lumipat sila ng tirahan.

Ilang taon din kaming ‘di nagkita. Hanggang sa natagpuan ko siya – sa FACEBOOK SEARCH RESULT. Ang saya ng puso ko. Sa wakas natagpuan ko na rin ang bespren ko. Sana mahalin din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Ang sagot niya, ito may asawa na ako.

Boom!

Dahil sa Facebook nabigo ang puso ko. Naghihinayang ako sa panahong nasayang ko. Sana naipagtapat ko sa kanya ang aking pag-ibig.

No Choice. Kailangan kong tanggapin. Gaya nga ng sabi ng lola ko, kapag nabigo ka maging masaya ka na lamang sa kaligayahan ng taong mahal mo.

Ang galing talaga ni lola!

Move On na lang daw ako. Kaya iyon naisip ko na lang na magsulat ng mga love article. Gumawa ng mga love quotes para ibahagi sa mga kaibigan ko.

O, paano hanggang dito na lang ako. Isa na lang masasabi ko. Dahil sa paglaganap ng social media sa ating kalupaan eh mabibigyan pa ako ng pagkakataon na maibahagi sa lahat ang mga akdang maisusulat ko.
Sana balang araw ‘di na ako magtitipa sa keyboard. Un bang magsasalita na lang ako habang nabubuo ang mga letra sa computer.

Astig!

Sa ngayon, enjoy ako sa pagiging bloggero ko. Malaya kong naipapahayag ang aking saloobin. Basta! Malaki ang pasasalamat ko dahil bilang OFW, Manunulat o Blogger ay malaki ang naitutulong sa akin ng Social Media. Noon, ngayon at sa mga susunod pang dekada.

Maraming Salamat!










49 comments:

  1. Wow, astig kang manunulat. Isa na namang inspirasyon at hahangaan sa larangan ng panitikang Filipino. Overwhelming naman may follower pala akong award-winner na, book author pa. God bless po at good luck dito sa entry mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman hehehe simpleng nagsusulat lang ako.... sulat lang nang sulat lang ako hehehe thanks din sa pag follow...

      Kaw din... ipagpatuloy lang ang pagsusulat... saka tuloy lang ang pangarap....

      Delete
    2. Mukhang mapapadalas nga ang tambay ko dito, andaming pagpipiliang basahin, bakit nga ba diko naisipang magblog hop nung nalulumbay ako? Salamat sa motivation, sana nga mag-improve at makalikha pang mas magagandang akda.

      Delete
  2. Oh like Gracie said, dito na lang kami tambay, dami babasahin. By the way, fan ako ni lola mo and since grandma din ako, I hope I can give you inspiration too. hi hi.
    And I am honored din kasi binabasa mo ang ang sinusulat ko kahit di ako writer na katulad mo. Pero you inspire me to write my own life. I mean my whole life from the very beiginning. Pero di ko i publish. Di ko alam kung kelan maumpisahan. Isa pa. dapat mag kurso muna ako sa English at tagalog, kasi my grammar is terrible. So, part of my life muna sa blogworld. Yes, yes, as long na naintindihan ng readers sinasabi ko. hi hi. Pasensiya na lang, kasi lola na din ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Sis ^^ buti enjoy ka ding magbasa ng ilang post ko ^___^ appreciate ^^

      sana po masulat nyo na yan... alam ko dami kayo maiinspire sa life story nyo ^^

      Delete
  3. Ang galing ser jon. Nainpire pa ako magsulat. Biruin mo yun nakilala kita dahil sa internet or blog. Pano nalang kung walang internet.

    BOOM!

    Hahahha. Idol na kita ser. Pakilala mo pala ako kay lola. hehe.

    Astig to. Supportahan kita. Goodluck sa entry mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe uo nga tol... laki tulong ng internet... thanks tol....

      Na miss ko tuloy lola ko....

      Delete
  4. erotic witter talaga? nakapagbasa na din ako ng xerex at madame na din akong naimagin na kewntong ganun hahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe hilig ko kasi sa Bandera noon saka Sagad... pero natigil din naman hahaha....

      Delete
  5. galing ^__^ goodluck sir jon. ngayon ko lang nalaman OFW ka pala heheh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks... hehehe uo nga eh... ito enjoy na sa pagiging OFW....

      miss ko na Pinas... ^^

      Delete
  6. HI Jons! Galing naman!

    :-)

    Good luck sa atin - sa PEBA at sa ating BOOK ANTHOLOGY na ma-irelease na bago matapos ang buwan na ito!

    (At nag plug pa talaga ako - lol!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks Idol Mike hehehe

      uo nga.... dahil sa Filipinowriter nakilala kita.... buti na lang napadpad ako dun hehehe... eh di sana di mo ko na discover sa book hahaha...

      Thanks... Goodluck sa entry mo... Panalo na naman un.... tulad last year hehehe

      Delete
    2. Oo nga jons! Hindi sana magtagpo ang ating landas sa mundo ng pagba-blog.

      waaahh! di ako panalo last year! 6th placer lang ako!

      This year, sigurado 5th place na ako kung hindi tayo magdagdagan pa, hehehe.

      Nov 8 pa pala release ng book natin! Sana makauwi ka rin sa book launching/book signing event! :-)

      Delete
    3. uo nga eh buti na lang nauso ang online.. at ung filipinowriter...

      Ngayon baka ikaw na manalo.... ganda ng entry... maayos ang pagkakasulat at ung kwento...

      Naks... lapit na pala... nakakatuwa naman....

      ^_^

      Delete
  7. Ayieeehh...
    Wish ko lang mapost itong comment ko.. hahahaha

    Ang galing Kuya,, palagi mo akong pinapaluha,, sa mga akda mo.. napapatawa at nakakpulutang aral..
    pahingi nga ng talent mo.. hahahaha..

    pero totoo.. lahat ng sinusulat mo may katuturan,, hehehehe

    hindi boring basahin..

    good luck at sana marami kapang magawa o masulat na mga story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naks meganun? hehehe sige bola bola pa hehehe.... thanks ha kasi binabasa mo sinusulat ko...

      Hugs ^^

      Delete
  8. Ang galing!!!!!

    natawa akO at nalungkOt kasi nabigO ka pala sa pag -ibig fafa lOve!!!

    -perO masya rin ako kasi dmi mOng napapabilib sa mga akda mO!!

    tulad nyan sa mga nagcomment ditO!!

    ang saraf sigrO sa feeling ng kagaya mO na mabsa at malaman na hinhangaan nila ang talento mO!!


    -gudlack po fafa lOve sa entry mO!!! ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. nahiya tuloy ako hehehe... pero thanks Misis de Vera ^___^ salamat din sa pagbabasa ng mga stories ko...

      Na touch naman ako.... napadpad ka sa blog ko... ^___^

      Delete
  9. Wow may entry ka pala sa peba good luck sir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Goodluck din sayo! uo nga... sumabay din sa SBA hehehe...

      Happy halloween ^____^

      Delete
  10. Kuya da best!! Maganda ang pagkakasunud-sunod.. hindi boring.. Impressive.. sana manalo ka Kuya.. I support!!! God Bless... Keep it up.. parang nagababsa lang ako ng article sa magazine eh.. sossy.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Donnie ^^ manalo matalo okay na me.... ang mahalaga nakasama sa history hehehe

      thanks sa support ^^

      Delete
  11. Wow ganda the best,, Aya

    ReplyDelete
  12. magaling,mahusay kang manu2lat jon.lhat ng mga post u marami ang nakakarel8.marami k ding npaluha at npata2wa s mga story.at marami ding nag iinit.hahaha.2lad ng lagi q sinasabi sau malayu ang mararating u.so goodluck and more power.God bless.ate nerissa cruz to..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Ate Nerissa hehehe.... touch naman ako hehehe.... Happy halloween ^^

      Delete
  13. Boom!
    Ang saya! Goodluck po sa atin! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks and Goodluck din sayo ^__^ Happy halloween ^^

      Delete
  14. Tol congrts. Nominee tong entry mo. Paano ba magvote

    ReplyDelete
  15. Good Luck papa Love gustong gusto ko tlaga basahin mga akda u lalo n pambabato u lagi kc akong sapol hahahahahaha....... gud luck @ GodBless!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit anon parang kilala na kita hehehe.... thanks sa pag vote....

      Delete
  16. nainggit ako sa playlist mo jon huh! paano mo ginawa yan? magpagawa nga ako kay jojie sa msob hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. madali lang yan ^_^ sa ilalim ng player nandun website nila... un register lang.... maliban diyan marami pang website para sa mga music box.... kayang kaya ni Joji yan hehehe galing nun ^_^

      Delete
    2. sabi ni joji babagal daw ang loading kapag may playlist eh. mabagal na ang blog ko. Sayang...

      Delete
    3. ngayon ko lang nalaman yan hehehe sabagay... kung babagal wag mo na ilagay.... sabagay... iilan lang kasi post ko dito kaya di pa ganun kabagal ....

      maganda sana kung maglalagay ka... mga love song mo lalagay mo hehehe ^_^

      Delete
  17. nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang nakita tong blog mo! hehe. Good luck sa entry! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks pareng denggoy ^^

      Happy Halloween!

      Delete
  18. Naks.. sayang naman ang love story with bestfriend.. ang bagal ko kasi e, chos! Ang galing ni Lola, daming words of wisdom.. Good luck dito sa entry! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe thanks Jo sa pag vote ha.... saka sa pagbasa....

      ^____^

      Delete
  19. nice, astig ka talaga sir, galing :-) good luck sa PEBA. you've got my vote :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow... thanks Rojan.... buti nabasa mo hehehe.... ^___^

      Delete
  20. nice story.. good luck!! by anna s.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Anna ^_^ thanks sa pagbisita dito sa blog ko... ^^

      Delete
  21. Good luck to us. Like you ,sinubukan ko rin dati sumulat nung mga tagalog pocket bok ,kaya lang wala kaong maisip,lol. hirap pala magsulat ,buti na lang nankilala ko si Blogspot.

    ReplyDelete
  22. DOWNLOAD IDM LATEST VERSION 6.16 WITH 1 YEAR SERIAL KEY 50% INCREASE IN DOWNLOADING SPEED DOWNLOAD FREE FROM HERE-->>> www.arsofts786.blogspot.com
    DOWLOAD WIN 7 AND WIN 8 ACTIVATED SETUPS FULL VERSIONS DOWNLOAD FREE FROM HERE-->>> www.arsofts786.blogspot.com

    ReplyDelete