May kapatid ka ba? Madalas ba
kayong mag-usap? Close ba kayo? Minsan kung sino pa ang magkapatid sila pa ang
hindi magkasundo. Maliit na bagay pinag-aawayan. Simpleng bagay pinag-aagawan. Bakit
‘di na lang kayo magmahalan o magbigayan?
Panganay ka ba?
Naalala mo ba ung mga bata pa
kayo. Madalas mong pinapaiyak ang bunso mong kapatid. Naiinis ka sa kanya kasi
feeling mo mas love siya ng parents n'yo.
Minsan naman iniisip mo na sana
wala ka na lang kapatid para wala kang kaagaw sa atensyon o sa anumang bagay.
Kaya nga selos na selos ka nang magkaroon ng bagong baby sa bahay n’yo. Feeling
mo hindi na ikaw ang favorite.
Bunso ka ba?
May lihim kang galit o inis sa
kuya o ate mo. Sino ba naman ang hindi maiinis kung mas mahigpit pa sila sa
parents n’yo. Ang daming bawal saka madalas pinapagalitan ka. Ang problema,
ikaw lahat ang tagasalo ng mga pinaglumaan nila. Kailan ka ba nagkaroon ng
bagong damit? Ang sapatos mo nga eh pinaglumaan na ng kapatid mo.
Ang problema pa, dahil ikaw ang
bunso ay madalas ikaw ang utusan. Tagabili ng kamatis sa tindahan o tagahugas
ng pinggan. Minsan naisip mo na sana ikaw na lang ang panganay. Paano ba naman,
sawang sawa ka na sa mga pinag-uutos nila sa’yo.
Nasa gitna ka ba?
Minsan mararamdaman mo na hindi
ka member ng family. Si kuya kasi ang laging bukambibig ng mga magulang n’yo.
Matalino si kuya, maganda si ate at ang pinakamasakit ung alam mong si bunso
ang favorite ng lahat.
Bawat magkapatid ay may kanya
kanyang problema o drama sa buhay. Minsan nga mas marami mas magulo. Bata pa
lamang kayo hindi na kayo magkasundo. Hindi kayo close. Ang problema pa, kayo
din ang nagsisiraan.
Para kay bunso, kailan mo ba niyakap ang kuya mo? Nakalimutan mo na
nga nung mga panahong si Kuya ang naghahatid sa’yo sa school. Si ate ang
nag-aalaga sa’yo o nagpapakain. Hindi mo man lang naisip na kaya ka nila
pinapagalitan ay para itama ang pagkakamali mo.
Minsan iniisip mo na hindi ka
mahal ng kuya o ate mo. Kaya kapag pinagalitan ka eh sumasagot ka. Lumalaban
ka. Hindi mo man lang naisip na kaya sila nagagalit sa’yo dahil may pagkakamali
ka.
Para kay kuya o ate, kung panganay ka minsan naroon ang pressure o
stress kasi nakapasan sa’yo ang responsibilidad lalo na kung ikaw ang bumubuhay
sa pamilya.
Bilib ako sa’yo kung ikaw ang
tipo na mapagmahal na kapatid. Un bang isasakripisyo mo ang lahat para lamang
sa mga kapatid mo.
Naging OFW ka kasi gusto mong
mapag-aral ang mga kapatid mo. Gusto mong mabigyan sila ng masarap na buhay.
Lahat gagawin mo para sa kanila. Nakalimutan mo na nga ang lovelife mo dahil
mas inuuna mo pa kapakanan nila.
Minsan kung kailan pa kayo
nagkahiwalay doon pa kayo magiging close. Kasi maiisip mo na mahal mo rin pala
ang mga kapatid mo – kahit aso’t pusa pa kayo noong mga bata pa kayo.
Natutuwa ka kapag nakikita mong
masaya ang kapatid mo pero minsan naman naiinis ka kapag inuutangan ka na.
Hate na hate mo kasing magpautang
ng pera. Minsan nga mas nakaka-utang pa ang mga kaibigan mo kaysa sa kapatid
mo.
Nagrereklamo ka ba kung minsan
panay ang hingi sa’yo ng mga kapatid mo? Bili ng ganito, pahiram ng ganito, at
ang mas masakit ikaw pa ang uutusang magbayad ng kuryente.
Minsan naman, sumasama ang loob
mo kasi feeling mo kinakausap ka lang kung may kailangan sila sa’yo. Un bang
hihingi muna sila bago ka kumustahin.
Pero alam mo ba, na minsan ang
paghingi ni bunso sa’yo ng bagong sapatos ay paraan na rin ng paglalambing
niya. Minsan akala mo hindi ka na mahalaga sa kanila. Iniisip mo kasi na
kailangan ka lang nila.
Naisip mo ba na kung bakit sa dami n’yong
magkakapatid eh ikaw ang hinihingian? Minsan kasi nagpapalambing lang sa’yo ang
kapatid mo. Mas masakit pa nga ung alam mong kaya mong ibigay pero sa iba pa
lumalapit ang kapatid mo.
Kasi di ka niya naisip kaya sa
iba siya lumapit. Kaya maging masaya ka na kung panay ang kulit sa’yo ni bunso.
Kaysa dumating ung time na wala
ng mangungulit sa’yo.
Kuripot ka kasi! Joke!
Minsan naman si kuya ang
humihingi sa’yo. Naiinis ka pa nga minsan kasi sa isip mo dapat ikaw ang
bigyan. Pero alam mo ba na sa simpleng bagay eh napapasaya mo na ang kuya o ate
mo. Minsan nga makita ka lang nila na masaya at okay ay masaya na sila para sa’yo.
Lalo na kung bibigyan mo sila ng
bagong cellphone.
Hindi naman masama ang magbigay ‘diba?
Lalo na kung sa kapatid mo iyon mapupunta. Kailan mo ba nabigyan ng regalo ang
kapatid mo?
Minsan nga mas bongga ka pang
mag-regalo sa ka-tropa mo. May greeting cards ka pa. Pero sana maisip mo na sana
nagagawa mo rin iyon sa mga kapatid mo.
Minsan naman, kapag nagmamahal ka
sa mga kapatid mo. Mahirap ung sitwasyon na lumalapit sila sa’yo pero wala kang
magawa. Naglalambing si bunso para ibili mo ng bagong damit pero hindi mo
kayang ibigay.
Hirap na hirap ka na sa buhay mo
pero nagtitiis ka. Kaya nga naisipan mong mag-abroad diba? Para maibigay sa
kanila ang pangangailangan nila.
Ang problema naman, kapag si kuya
o ate ay naging OFW minsan pakiramdam ni bunso mayaman na siya. Hingi nang
hingi kahit di naman kailangan. Sana maisip mo rin na nagpapakahirap ang
kapatid mo para lamang mabigyan ka ng magandang buhay.
Naisip mo ba na darating ang
panahon na maghihiwalay din kayo? Magkakaroon din kayo ng sarili n’yong
pamilya. Kaya habang magkakasama pa kayo sa iisang bubong dapat magmahalan na
kayo. Iwasan ang mga away lalo na kung hindi na kayo mga bata.
May asawa ka na? Nakikitira lang
ang kapatid mo sa bahay mo eh sinusumbatan mo na. Kung maka-utos ka akala mo
hindi mo kapatid. Kasalan ba niya kung mahirap lamang siya? Sana nga ikaw ang
tumulong sa kanya dahil ikaw ang may magandang buhay.
Ang problema pa, hindi mo
magawang tulungan ang kapatid mong naghihirap. Ewan ko ba! Aminin n’yo man o
hindi eh maraming ganito.
Un bang kapatid mo pa ang
mag-aalila sa’yo. Hindi mo pa mautangan o minsan naman sinusumbatan ka pa bago
tulungan.
Mahirap talaga ang ganyang
sitwasyon. Ung kapatid mo pa ang kontrabida ng buhay mo. O, hinde!
--
Ang dami kong nasabi. Alam n’yo ba
na wala akong kapatid? Mahirap din ang maging solong anak. Maswerte ka pa nga
kasi marami kang kapatid. Kaya sana kung may pagkakataon lang eh magmahalan
kayo.
Natutuwa ako sa mga magkapatid na
parang tropa lang. Close sila sa bawat isa. Masarap sa pakiramdam na may kapatid na nagmamalasakit sa’yo.
Alam ko din na marami ding
magkakapatid ang hindi magkakasundo. Minsan nga sila pa ang nag-aawayan. Hay!
Sana lamang maayos na nila ang mga gulo.
Tandaan, masarap ang may kapatid
kung magmamahalan lamang kayo. Habang may pagkakataon iparamdam mo na sa mga
kapatid mo na mahal mo sila… kasi darating ung time na maghihiwalay din kayo
--- kanya kanyang sariling pamilya.
Kung may kasalanan sa'yo ang kapatid mo -- hindi pa huli ang lahat. Matuto kang magpatawad. At kung may pagkakamali ka... ikaw na ang magpakumbaba.
Bago ako matapos, isa lamang ang
aking katanungan. Love mo ba ang kapatid mo? Paano mo ipaparamdam sa kanya?
“Huwag kang magrereklamo kung may hinihingi sa’yo ang kapatid mo. Matuwa ka dapat kasi sa dami nang pwede niyang lapitan ay ikaw ang nakita niya.” – jondmur
Note: Ito ay para sa lahat. Wala po akong pinapatamaan ^_^ next post ko ay personal blog --- tungkol sa solong anak.
Images: Source -- google images
Love ko mga kaptid ko, may kapatid ako sa ama at may kapatid ako sa ina,ako po ang panganay sa lahat.tatlo ang natulungan kong napag aral kahit may sarili akong mga anak, pero ngayon na may college na ako sila na ang kaakbay ko sa lahat na pangangailangan ng mga anak ko,
ReplyDeletethanks sa pagbasa ha... nakaka touch naman ang kwento mo...
Deletesalamat sa pagbisita... ^_^
Jons
Dapat ang title ay para kay Archieviner. lol. Sapul na sapul ser. Nice post:)
ReplyDeleteMay naisip ako sir. Exchange gift tayo sa pasko. bibigyan kita ng limang kapatid. lol
Ako na diba ang bago mong kapatid? Ikaw ang kuya ko ako ang bunso. :) Kahit sa blog lang ay maging bunso ako at magkaroon ka ng kapaitd. hehe
Ako rin, ikaw na ang bago kong Kuya Jons. Pengeng iPad :D
DeleteHaha, actually si Kuya Arvin nga naisip ko nun binabasa ko to.. nakiki-kuya ako :p
DeleteKuya talago ako T.T Bunso naman :'(
Deletehaha uu nga parang para kay archie to! gusto talaga maging bunso hehe..
Deletehehehe sarap kaya maging kuya hehehe.... pero minsan maswerte din ang maging bunso...
Delete^_____^
Oo dapat maging bunso naman si Arvin hehehe
hehehe sige tanggapin ko ang exchange gift hehehe....
ReplyDeletehehehe sabagay okay yan... masarap din magkaroon ng kaibigang kapatid hehehe....
thanks ^_^
casual lang para walang kupalan.. hehehe.. pero solb naman kami.. smooth .lang..
ReplyDeletetama yan hehehe thanks sa pagbasa ^_^
DeleteIpinagmamalaki kong naging panganay ako. Kahit mahirap ang responsibilidad, alam mong worthy. Lalo kapag ang kapatid at mga magulang mo naman ay masasaya :D Kagaan sa pakiramdam. :)))
ReplyDeleteyup... buti ka pa may kapatid... para sa akin masarap maging panganay... un bang ikaw din ang tagapagtanggol nila...
DeleteLima kaming magkakapatid... masasabi kong ayos ang samahan namin... although tama ka don na noong bata pa kami ay pandalas ang awayan... hindi ako bunso at hindi rin panganay, nasa gitna ako... at ako ang paborito nilang lahat lol (joke)
ReplyDeleteAng dami mong alam sa usaping magkakapatid kahit solong anak ka lang...
naks.. ikaw na ang favorite hehehe
Deletelike ko kasing magkapatid kaya nag oobserve ako palagi... natutuwa ako pag may nakikita akong magkapatid na sweet sa isat isa hehehe
Well anim kami, ako ang pang third. Halos di naman kami lumaki together, kaya d masyado ang naging awayan. Actually , we help each other when we can. Dapat ang work mo tagapayo. Hi hi. Galing mo kasi!
ReplyDeletenakakatuwa naman po yun... maganda talaga kapag nagtutulungan.. nagdadamayan...
DeleteThanks po ^^ hugs ^_^
Missing my siblings so much..kaya ako nag abroad dahil sa kanila..
ReplyDeletethanks sa pagbasa ha.... sure ako miss ka na rin nila... ^_^
DeleteHaha, bunso ako kaya nun maliit pa ko galit ako kay ate kasi mas mahigpit pa siya kay mama talaga, lagi ako pinapatulog pag hapon kahit ayaw ko, haha! Pero ngayon super close na kami! walang nag-OFW samen pero yun Kuya ko yun medyo malayo, sa Nueva Ecija nakatira.. Bakit feeling nila mayaman ako kahit di ako OFW, haha..
ReplyDeletewow! kaw pala ang baby sa family.... kaya love na love ka nila hehehe
Deleteparang ang lungkot nga maging solong anak..
ReplyDeleteIm the eldest pero puro lalake kapatid ko..kahit mga lalake yun mas takot pa sila saken kesa na nanay ko..haha! i love my brothers :)
yup... nakaka sad din... un bang pakiramdam mo pasan mo lahat ng kalungkutan hehehe
Deleteat syempre love ka rin nila...
keep smilling....
ako ang eldest pero hindi ko naramdaman na mas favorite ang iba. sunukan nila sasapakin ko sila haha :)
ReplyDeletemasayang maging eldest, pwede ko sila utusan at bigyan ng kung ano anong bagay :)
hehehe talagang di mawawala ang utusan hehehe.... sabagay tama ka... masarap talaga... ramdam ko lang hehehe....
Deletetingin ko okay ka din na kapatid hehehe.... mapagbigay ka siguro hehehe
Buti na lang kahit bunso ako, hindi ako naging utusan ever.. ang naging utusan yun sinundan ko, hihi
Deletewell apat kami pangalawa ako sa panganya tough may pagkakataon nag kakainisan kami lalo kaming dalawa nung sumunod sakin love ko sila at di mag babago ung san man kami dalin ng buhay
ReplyDeleteSuper close kami ng kapatid ko, lalaki siya, ang dami na naming pinagdaanang magklasama kami, magpasimula ng magkahiwalay ung parents namin na napadpad kami sa probinsya para paalagaan sana since may financial support naman mula sa tatay ko ang kaso child abuse ang nangyari... after 3 years nakabalik kaming maynila, close talaga kami, ang taas ng respeto niya sa'kin at sinusugod ko lahat ng nangaaway sa kanya, binabara o nilalait ko pa nga eh, kaso dumating yung point na sa sobrang problema ko, kahihiyang dinudulot palagi mula sa tatay kong laging pinagtatawanan pag lasing, at sa pagod dahil ako ang tumayong nanay na taga asikaso, naibaling ko sa kanya ang stress ko, actually gusto ko lang naman siyang matuto kaya ko siya inuutusan at minsan din kasi, pagod na ako at busy sa mga assignments ko.
ReplyDeleteNaadik siya sa computer... At ang dami ng nagbago sa kanya, ang dami ng nagbago sa samahan namin, maybe I was wrong before... Sana may mag advice sa'kin.. Myghad, ayoko ng magkwento, tears are falling down and I hate this... Tanong lang po, Do I love my brother?