Featured Post

Is your boyfriend wants to break up with you?

Boys are good at hiding their true emotions. But when it comes to an imminent break up, boys send clear signals that they want to end the r...

Sexy Comedy: HAROT ep 8

Episode 8 – Si Macho Papa, kakagat ka ba?
NATUWA naman ang ating special guest na si Jenn Quibe nang malamang mahilig  sa Sales si Sonia. Agad niya itong inimbita sa kanyang negosyo.
“Maganda ba ‘yan?” usisa ni Sonia sa kanya.
“Sure!” Kinuha niya sa bag ang cheke saka iniabot kay Sonia. “Malaki ang income! Walang lugi dahil every month sure na may income ka!”



“Anong product ba ‘yan? Baka hindi mabenta?”
“Sure! Dito pa lang sa boarding house , sure ako na makakabenta ka?”
“Pampalaki?”
“Bruha!” sagot nito na may kasunod na halakhak. “Napkin business,” pagmamalaki na sagot niya sa kaibigan. Biglang dating naman ni Sandra na siyang ikinagulat niya.
NAPANGITI si Sandra nang makilala ang ating special guest na mahilig magpalabas ng cleavage. Niyakap niya ito saka hinalikan sa magkabilang pisngi.
“Ang kapal pa rin ng make-up mo!” bati nito sa kanya. “Saan ka galing? Bakit amoy lupa ka?” dugtong nito habang yumayakap sa kanya.
“Alam mo na galing ako sa kabilang gym.” Umikot siya saka pinakita ang maliit niyang baywang. “See! Sexy ko na,” saad niya rito.
“Oo nga! Di tulad noon na mukha kang bakla sa laki ng tiyan mo,” napatawa siya sa sinabi nito kaya isang mahinang sampal ang ibinigay niya rito. “Bruha ka! Excuse me, chubby lang ako noon!”
“Pasingit! Jenn, baba tayo kasi dumating na ang partner ko sa condom business ko. Gusto ko maging friendship din kayo.”
Nakahinga siya nang maluwag nang maiwan siyang mag-isa sa loob ng kuwarto. Humiga siya sa kama saka kinuha sa bag ang wallet niya. Mula sa loob nito, pinagmasdan niya ang isang lalaking bumihag ng puso niya.
“Akala ko noon takot na akong magmahal.” Hinalikan pa niya ang picture saka itinapat sa kanyang dibdib. Kahapon lang nang makilala niya ang macho papa ng buhay niya – si Edyzr Reyes, na isang sikat na modelo.
NAGULAT si Lola Cattling nang makasalubong si Noorell. Putikan ang damit nito na tila galing sa tambakan ng basura.
“Bakit ganyan ang itsura mo?”
“Kasi naman hinabol ako ng aso mabuti na lamang tinulungan ako ng isang taong grasa. Kakainis naman! Nawala tuloy ang ka-date ko,” tugon nito sa kanya.
“Hihihi! Teka, si Jenn nagbebenta ng napkin baka gusto mong bumili? Ako nga nung dalaga pa ako, bimpo lang ang pantapal ko sa petchay,” sabi niya habang sinasariwa ang bakas ng kahapon.
Tumungo sila sa loob ng gym kung saan naroon ang dalawang special guest habang nagpapayabangan sa kani-kanilang own business.
“Mas maganda ang condom business kasi nakaka-iwas ka pa sa sakit kumikita ka pa,” pagmamalaki ni Chie Chiong.
“Hay! Naku! Kapag may red flag di kikita ang condom business mo,” singit naman ni Jenn Quiobe na tila naiinis sa pagmumukha ng kaharap.
“Excuse me! Kung di pwede sa petchay pwede naman sa behind,” agad na sagot ni Chie Chiong. Lumaki ang mga mata ni Lola Cattling sa narinig.
“Kaya pala ung isang condom sa basurahan may tae,” singit ng matanda habang hinihila si Noorell. “Jenn, bigyan mo nga ito ng napkin. Ung extra large!”
NATIGILAN naman ang mga boys sa loob ng gym nang marinig ang sinabi ni Lola Cattling. Namula tuloy ang mukha ni Noorell.
“Noorell! Extra large ba ‘yan?” Kasunod ng isang halakhakan. Tumaas ang blood sugar niya kaya lumapit siya sa isang lalaking nagbubuhat ng barbell saka sinipa ang naka-umbok nitong harapan.
“Hoy! Kayo kung wala kayong magawa sa mga buhay n’yo magsitulog kayo.” Tumalikod siya hanggang sa makasalubong niya ang bagong pasok na lalaki – ang lalaking maglilibre sana sa kanya ng kape.
“Hi! Nandito ka rin pala? You mean, dito ka nakatira?”
“Yes!” sagot niya. Akma siyang hahalik sa lalaki nang bigla itong nilapitan ni Sonia. “Magkakilala kayo?
“Ano ka ba? Siya yung sinasabi ko na modelo ng condom. Gwapo niya diba?” Napanganga siya sa natuklasan.
OMG! Naunahan na siya ni Sonia sa paghawak ng nota!
LABIS ang galak ni Sonia nang yakapin siya nang binata. Subalit, laki ang pagka-shock niya nang humalik ito kay Sandra na kadarating lamang mula sa second floor.
“Guys! Siya yung naka date ko yesterday kaya wala ang beauty ko dito kahapon. Please meet my future boyfriend, Edyzr!” pagmamalaki ni Sandra na siyang nagpaloka sa kanya.
Mula sa si kalayuan ay lihim na nagmamasid si Lola Cattling. Nakatingin ito sa gwapong lalaki habang naka-holding hands kay Sandra.
“Bago ka mapunta sa mga Marias, magiging akin ka muna!” aniya habang himas himas ang puso. Tumalikod siya saka umakyat ng hagdan. “Magsusuot ako ng pulang T-Back pampa-swerte!”
LABIS ang pagka-excite ni Sandra nang makapasok sila ng kuwarto. Pina-upo niya si Edzyr sa kama saka nagpatutog siya ng isang sweet music – binalot tuloy ng romance ang buong paligid.
“Anong ginagawa mo?” Tumitig siya sa mga mata ng lalaki. Lumapit siya rito saka inilapat ang kanyang kanang palad sa kaliwang balikat nito.
“No need to protect me! Huwag kang matakot!” Binuksan niya ang zipper nito hanggang sa mahulog ang pantalon nito. Labis ang kanyang pagka-shock nang makita ang brief nito – isang newly design na underware na may safety lock.
“Sorry! Naiwan ko yung susi!” Napanganga siya saka napahiga sa kama. Di niya akalain na may ganoong underware – de susi. “Huwag kang mag-alala mahaba ang dila ko,” dugtong nito na siyang nagpakabog ng puso niya.
MULA sa labas ng pinto ay lihim na nakikiramdam si Noorell. Bakas sa mukha niya ang labis na pagka-inis. “Akin ka dapat! Dapat akin ka!” aniya sa sarili habang kinakamot ang ulo niya.
MULA naman sa kabilang kuwarto ay hindi mapigilan ni Sonia ang matawa – may safety lock kasi ang brief ni Edyzr. “Hihihi! Kawawang Sandra!” Lumayo siya sa butas saka tumayo. “Petchay ko lang ang dapat na ma-harvest,” aniya habang nag-iisip nang malalim.
Homaygulay! Ano na ang mangyayari sa TRES Marias ngayong iisang lalaki lang pala ang nagpatino sa pagiging adik nila? Itong si Sandra nakalimutan na yata na man hater siya, si Noorell mukhang magseseryoso na sa pag-ibig, at ito pa ang mas malala …. Si Sonia na handa nang i-alay ang namumukadkad niyang petchay.
Abangan ang mas umiinit na eksena. Ikaw, kakagat ka ba karisma ni Macho Papa?
ep 7 - http://jondmur.blogspot.com/2012/11/sexy-comedy-harot-ep7.html

ep 9 - http://jondmur.blogspot.com/2012/11/sexy-comedy-harot-ep-9.html

6 comments:

  1. May iinit pa pala sa eksena na to sir. lol Ang harot harot :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. musta tol... online ka pala hehehe maharot si Lola Cattling hehehe

      Delete
  2. My husband came home today, pero pass ulit ako sa pagbasa. Baka kasi mabuntis uli si grandma eh matulad pa ko kay sara na asawa ni abraham. Ayaw ko nga maging usapan ng bayan. Hi hi. So sa mga kabataan na lang ko ipaubaya ang lovepost mo. Hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe oks lang po un.... sana okay lang kayo diyan... try nyo po mag ball room dancing maliban sa pag gym hehehe....

      Keep smilling ^_^

      Delete
  3. Try ko sana kaso pareho kami ng husband ko d marunong sumayaw. Mahilig pati kami sa bahay lang to be just together:)

    ReplyDelete
  4. haha hap na yan kakabaliw na story brief na may safety lock pa ha

    ReplyDelete