Tinamaan ka ba? Feeling mo iniwan ka niya kasi may ipapalit na siya sa'yo? Hindi ka manhid para hindi maramdaman na unti-unti na siyang nilalamig sa'yo.
Bakit nga ba may naghihiwalay? Ano nga ba ang dahilan ng mga hiwalayan? Ito ang pag-uusapan nating ngayon.
Naghiwalay kayo kasi masyado ka nang nasasaktan – emotionally and physically. Sino ba ang matutuwa kung nakikita mong niloloko ka lang? Sino ba ang matutuwa kung sinasampal ka na? Aba! Di na uso ang martyr ngayon. Lumaban ka o makipag hiwalay ka na sa kanya lalo pa't di pa kayo kasal.
Naghiwalay kayo kasi di ka na masaya sa kanya. Bakit? Baka nawala na ang SPARK ninyong dalawa? Nagkulang siya sa paglalambing sa’yo. Hindi niya naibibigay ang lahat ng gusto mo. At kulang ang oras na inilalaan niya para sa'yo.
Basta! Maraming reason kung bakit di ka na masaya sa kanya. Baka marami kang hinahanap na hindi mo matagpuan sa kanya.
O, ung feeling na nagbago na siya.
Next, kapag nawala ang tiwala minsan nagkakaroon ka ng dahilan para tapusin na ang isang relasyon. Sabi ko nga, kapag nawala ang tiwala nagiging marupok ang isang relasyon.
Paano ka pa magtitiwala kung paulit ulit lang ang mga kasalanan niya sa’yo?
Nakipaghiwalay ka kasi nawala na ang tiwala mo sa kanya. Napagod ka na rin sa mga kasinungalingan niya. Napapagod ka na sa pagbibigay ng chance?
Aba, ilang chance ba ang kailangang ibigay?
One more chance?
Next, nakipaghiwalay ka kasi may ibang mahal ka na.
Wapak!
Kasalanan mo ba kung nagmahal ka ng iba?
Masama sa paningin ng iba pero minsan may dahilan ka. Nagkulang ang taong nagmamahal sa’yo o sadyang naghanap ka lang ng iba.
Tatapusin mo ang isang relasyon para pumasok sa bagong relasyon. Kahit pa may masaktan ka pa. Minsan kasi mas mabuting tapusin na habang maaga pa. Mahirap ipilit ang puso kung talagang di ka na masaya sa kanya.
Kaysa naman dalawa silang mamahalin mo o dalawa silang karelasyon mo. Eh di makipag hiwalay ka sa kanya. Mahirap pero kailangan mong mamili kung sino mas matimbang sa puso mo.
Kaya nga nauso ang hiwalayan dahil sa ganitong sitwasyon.
Ano ang next?
Nakipaghiwalay ka sa kanya kasi gusto mo maging single. Napapagod ka na sa awayan ninyong dalawa. Nagsasawa ka na sa mga madramang selosan o natuklasan mo na minsan mas masaya ka kung single ka.
Naghiwalay kayo kasi di mo pa siya lubusang kilala. Paano kasi sa internet lang kayo nagkikita. Marami kang questions na di niya nasasagot.
Nagsawa ka na sa mga paliwanag niya na nababalutan nang kasinungalingan.
May next pa ba?
Alam n’yo maraming dahilan ang hiwalayan. Aminin mo na hindi sa lahat ng pagkakataon eh ikaw ang biktima. Minsan kasi ikaw ang lumalayo, ikaw ang nakakapanakit ng puso ng iba.
Ikaw din ang nagkulang. Ikaw din ang nagsawa sa relasyon ninyo. Ikaw din ang natukso sa iba.
Sapul!
Meron pa ba?
Naghiwalay kayo kasi binalikan niya ang EX niya. Panakip butas ka lang kasi - kawawa ka naman!
Ang mahalaga, pagkatapos ng hiwalayan eh matuto kang bumangon. Lahat naman ay may dahilan. Lahat tayo nasasaktan.
Tumayo ka! Hindi yung bumagsak ka na gagapang ka pa.
Meron ding hiwalayang – letting go! Pinakawalan mo siya dahil nasa iba ang kaligayahan niya. Masakit ang salitang Goodbye – makikipaghiwalay ka kahit alam mong mahal mo pa siya.
Kasi iyon ang tama – sa ano mang relasyon na meron kayo. Lalo na kung ikaw ang nakiki-apid. Makikipaghiwalay ka kasi iyon ang tama. Nauntog ka na kasi – ayaw mo nang makasira pa ng pamilya.
Salamat!
Posted and created by Jondmur
I am just wondering....are you speaking of experience?
ReplyDeletehello po! ung ilan diyan na experience ko noon ... dati kasi naranasan kong makipaghiwalay dahil kumplikado na ang lahat. may naalala tuloy ako hehehe
Deletewala bang "Like" button dito para ma-like yung question ni Joy? ha ha ha
DeletePansin ko lang puro pang sawi sa pag-ibig ang mga shineshare mo sir ah. hehe. Naalala ko si DJ haidee. sino sya. lol
ReplyDeleteLahat ng nabanggit mo ay possibleng dahilan ng pakikipaghiwalayan ng dalawang mag-irog(lol. lalim)
Yung iba dun ay naexperience ko.
Pero Dba, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okey. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin ng lahat ng mali sa buhay natin..
Boom! Popoy? lol
Andami ko tawa dito.. wala ka originality Archieviner! Haha..
Deletepatawa lang kunyari yang si Archieviner sa totoo lang presidente yan ng mga sawi lol :P
Deletenaiyak naman ako sau popoy
Delete-basha
ikaw na si popoy hehehe
Deletemay point ka diyan sa mga nasabi mo hehehe ^_^
siguradong sa susunod na season ni pareng jon puro heart to heart how to woo na. =)) "Spring Edtion". Winter daw kasi kaya ganyang pang sawi season. lol
Deleteay! me winter season pala sa pag ibig. hahaha. diba dapat pampainit pag malamig ang panahon.
DeleteKapag wala nang sigla ang relasyon nyo sa isa't isa at sa tingin mo eh naglolokohan na lang kayo, PACK UP!!!! :D
ReplyDeletesabagay hehehe kahit masakit.....
DeleteMedyo mga sawi post ang nababasa ko lately dito ngayon sir JonDmur. opinyon ko lang, ang relasyon kasi eh pinasisigla ng dalawang tao na involve dun. Sila yung gumagawa ng paraan para ang kanilang relasyon ay tumagal. Kung wala na talaga, o yung tinatawag na nanlalamig na, marami mang dahilan, kesyo katanggap-tanggap yung iba at hindi naman ang ilan, eh hayaan na nating bigyang laya ang isa-t isa.
ReplyDeleteWala naman permanente dito sa mundo. Kontinente nga naghihiwalay eh. Ang mahalaga yung pagkatapos ng hiwalayan ay naging mas mabuti ka pang tao at may natutunan kang aral, aral na magagamit sa susunod na relasyon.
Agree ako kay sir Archieviner, may darating na mas okey. Base sa aking karanasan ^_^
hehehe napansin mo din pala hahaha... may point ka diyan... dapat dalawang tao ang mag effort para sumigla ang isang relationship....
DeleteYup... pag may nawala.. may kapalit... thanks pre....
Hiwalayan Blues... masaklap na topic ito! but let's face it... reality bites, mararanasan at nararanasan natin ito. Agree ako kay [anthony], dumating man sa punto na magkahiwalay kayo, used it to make you a better person.
ReplyDeleteUsong-uso rin ngayon ang topic ng pakiki-apid, kahit sa mga movies, like The Mistress, A secret Affair... kung ikaw nga naman ang nakiki-apid, itama mo na hanggang maaga.
o heto pa ang isang sawi at may pakiki-apid ka pang nalalaman ha??? peace super M :P
Deletehehehe tama nga.... usong uso ngayon ang mga pakiki apid... pati mga teleserye ganun na din ang tema....
Deletepakshet ang lalim ng tagalog. =.=" pakiki apid? nalunod ako don. lol!!
Deletepero yung totoo ,trending lang talaga ang affair at mga pag-ibig na sawi ngayon kasi hindi natin alam kung pano pangalagaan ito. ang dami kasi tukso. yun yon.
truth hurts pero totoo toh! :)
ReplyDeleteyup... thanks sa pagbasa ^____^
DeleteMinsan may umaalis hindi dahil may ipinalit na ila sayo... minsan nang iiwan sila kasi kahit anong pilit nila sayong sumama ka ayaw mo naman... hindi ka kasi makasabay sa trip ng buhay nila... gets???
ReplyDeletena gets ko yan... hehehe un bang di mo masakyan ung trip niya... parang ibang mundo....
Deletegusto niya ikaw ang makisama sa mundong ginagalawan niya.... ganun ba un hehehe
thanks Genski.... ^^
well sa dame ng kaibigan ko lahat ata neto eeh nakita ko nang mang yari sa kanila
ReplyDeletepeo in my case thankful ako na wala pa sa hiwalayan na level i think maaaus pa namn hehehe sana?
yup... think positive.... maaayos pa yan... kung ano man ang probs ngayon...
Deletepagusapan lang kung ano ang problema... sana tumagal pa kayo at mas tumibay ang relationship nyo....
Lahat tayo dumaan sa pagkabigo sa pag-ibig masakit sobrang sakit. Subalit kapag tayo muling nakabangon at nakatagpo ng pangalawang pag-ibig at alam natin na ito ay totoo. Ang kasawiang ating naranasan noon ay dagling mapapawi. Kaya sa pagkakataong iyan sikapin nating magmahal ng tapat at wagas. At yan ay may magandang balik sa hinaharap :)
ReplyDeleteseryoso ka sis ha lol nang-aasar lang :P
Deletenaks.... gusto ko yan.... ang mahalaga tuloy ang buhay kahit nasaktan sa una... darating ang right time at makaka move on din... at makahanap ng mas higit pa sa una....
Deletethanks ^___^
Bakit puro hiwalayan, panlalamig, mga hindi maka-move on ang nababasa ko ngayong season, anubeh! Magpapasko na, dapat happy! Haha, nagreklamo?! Anyways, isang break-up pa lang naman na-experience ko, kaya hindi pa ko expert sa mga ganito, chos! Siguro masasaktan ko lalaking gagawin akong panakip butas lang, bayolente na naman ako, haha! P.S. Wala bang advise kung pano makahanap ng bagong love? Charot!
ReplyDeletemamili ka na lang sa mga available na bloggers Juana mukang madaming mga sawing naghihintay dito oh. mga feel na feel lol
Deleteagree ako sau sis! puro sad nababasa ko sunod sunod.. sama mo nga ako ng sampu jan sa advise pano makahanap ng bagong love..
Deletehehehe natawa naman ako diyan.... oo nga bakit kaya hahaha.....
Deleteang love daw nasa paligid lang.... hehehe....
sige nga sana makabuo ako ng ganyang topic hehehe
^____^
abangan ko din ang topic na yan! :)
Delete@Balut, ayaw ko nga, mukhang babaero ang mga available dito, baka saktan lang nila ako ulet.. echos! Haha.. Peace!
Deletehehehe kasama kaya ako sa babaero ahahha.... ilag ilag sa mga babaero para di masaktan.... ^____^
DeleteAng dami kong side comments bro ha ha ha. sensya ka na tinulungan na lang kita sa mga nag-react sa mga sawi at hiwalayan lol.
ReplyDeleteyung mga posts mo kasi eh sadyang tumatama sa damdamin ;)
haloo ^__^ oks lang un hehehe.... musta ka na diyan....
Deletebasta hiwalayan dami nasasapul hehehe... masakit talaga kapag iniwan... o may hiwalayan...
Smile muna diyan... ^_^
punong puno ng emosyon ang post na to..ramdam na ramdam ko..tapos may background music pa sa sidebar mo pak na pak!
ReplyDeletepero ang masasabi ko lang hindi unlimited ang chances..2nd or 3rd tama na yun pag lumagpas pa dun katangahan na yun..
jan lang ako nagreact..mejo jan lang kasi ako nakarelate eh..hehe..
hehehe musta na... mukhang super enjoy sa province ah ^___^
Deletetama ka diyan.... dapat may hangganan ang pagbibigay ng chance..
hehehe ^^
korek! the more chances you give the more chances you give the person na saktan at lokohin ka ulit, lalo na kung third party ang issue. hehehe.
DeleteMga pesteng 3rd party yan! Pag 3rd party usapan, dapat wala ng 2nd or 3rd chances! Once a cheater, always a cheater! Ay, may galit? wahaha..
Deletehehehe mukhang may pinapatamaan ah hehehe... hirap nga pag may 3rd party...
Deleteemong emo talaga hhahah ouch!
ReplyDeletethanks sa pagbasa ^___^ at sa comment....
DeleteNakakatuwa naman magbasa ng mga comments nyong mga young ones:) para tuloy bumabata si grandma:) buti na lang ay natagpuan ko na soul mate ko:)
ReplyDeleteHappy for you Ms Joy :) Sana kami din, we get to meet and be with our soul mates :)
Deletehindi talaga ako naniniwala sa mga nawawalng spark na yan. kung stable at mature ang relationship, dapat walang ganyan. panuodin na ang 500 days of summer!
ReplyDeletesabagay kung talagang stable na dapat mula umpisa hanggang wakas ang sparks hehehe thanks sa pagbasa ^__^
Deletehiwalayan, kakalungkot kaya wag na lang isipin, erase erase! hehe...
ReplyDeletesalamat po sa pag-follow sa blog ko, follow na din po kita. salamat ulit...see you around. :)
thanks din... kita kits na lang sa blog world.... ^_^
DeleteMarami akong kakilalang hihiwalayan ang GF nya kasi may bago na. Actually mga tropa ko sila, HAHAH! since wala naman sila interest sa blogging e kaya ko sila iname drop! Pero wag na. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa sa ginagawa nila, pero buhay nila yon at ayaw ko makialam. Pero kawawa ang girls! tsk :(
ReplyDeletehehehe buti di ka tumulad sa kanila... mahirap nga kapag nanloloko ng kapwa... kasi bumabalik ang karma...
Deletethanks sa pagbasa at comments...
Kung ang true love para sa mga taong matatapang, ang pakikipaghiwalay para sa mga taong may 3rd party hehe. - gustong makawala.
ReplyDeleteIts always like that, unless sobrang mahal ka nung taong yun siguro even with the thought na wala na kayo eh love will still remain.
At diba kaya nga nagmamahal to fill in someone's incompleteness hindi yun dahil sa may kulang eh maghahanap na ng iba. tsk.
thanks Maria... may point ka diyan... thanks sa comments at sa pagbasa ^____^
Deletebakit po kaya may mga taong di mapakali kapag walang boypren o girlpren?
ReplyDeletebakit nga ba? siguro like nila ung may maglalambing sa kanila o nakasanayan na nila... minsan parang gusto nila ung may masasandalan.... parang ganun hehehe
DeleteNaaliw lang po ako sa mga comments :D
ReplyDeletegalaw galaw ^_^ at naaliw din ako sa comment mo hehehe
Deletesmile always jo ^^